Share

Reality (Part 1)

Pagkagising ni Skyler nasa tabi niya si Zidane. Magkatabi nga pala silang natulog kagabi. Napangiti ito ng biglang maalala yung isinayaw siya kagabi ni Zidane. Tutal maaga pa naman pinagmasdan niya muna ang mukha nito habang natutulog nang biglang magring ang phone nito.

"Ano ba yan." mabilis niyang kinuha ang kanyang phone. "Oh Nathan? Napano ka? Ang aga mo naman tumawag" naiiritang sabi nito.

Ini-enjoy ko yung moment namen dito ni Zidane eh.

"Bakit? Ano bang ginagawa mo bakit parang naistorbo kita?"

"W-wala naman."

"Weh? Siguro may ginagawa kang kababalaghan no?"

"Kagaya ng?"

"Kagaya ng ginagawa minsan kapag bagong gising tapos meron pang ibang gising"

Namula ang mukha nito "Baliw ka! Hindi kaya! Ano ba kaseng kailangan mo?!"

"Gusto ko lang sabihin na ready na ko. Kahit ano pa yung mga posibleng makita ko sa past ko ngayon. Ready na ako na harapin yun mga yun."

Napangiti si Skyler. "That's good. So anong gusto mong gawin naten?"

"Pag-usapan naten siya sa school. Gusto ko ding makausap si Jaspher at Ivan about dito. Magiging mas confident ako kung kasama ko kayo."

"Maaasahan mo kami"

Pagkaputol ng call. Mabilis sana siyang tatayo ng bigla siyang hilahin ni Zidane palapit sa kanya na kanina pa pala gising.

"Ang bilis hah. Kapag talaga ang bestfriend mo ang tumawag ang bilis mong kumilos"

"Huwag mo kong umpisahan" naiinis na sabi nito. "Saka huwag ka ngang umasta na para bang boyfriend kita. Teacher kaya kita"

"Well, dito sa bahay. I'm just your simply roommate" sabay yakap pa dito ng mahigpit. "Ang bango mo"

"Alam ko. Pero kailangan na nateng tumayo"

"Ayoko"

"Awwww. Zidane baka malate tayo. May kailangan pa kaming pag-usapan ng mga kaibigan ko." inaalis niya ang kamay nito pero dahil mas malakas si Zidane ay hindi niya magawa.

"Kahit naman mamaya ka pa pumasok magkikita pa rin naman kayo ni Nathan. Huwag kang excited na makita siya."

"Hindi ako excited. May importante kaming pag-uusapan."

"Ano naman yun"

Bumuntong-hininga si Skyler. Tumingin siya sa mga mata ni Zidane. "Sasabihin ko to sayo dahil pinagkakatiwalaan kita. Bago pa kami magkakilala ni Nathan. Nagkaroon siya ng aksidente. Sa kung anong aksidente o bakit hindi sinabi ng mga magulang niya sa kanya. May mga nawalang memory kase sa kanya. Ngayon bumabalik-balik yung mga memory na yun kaya humihingi siya ng tulong samen para makahanap siya ng mga bagay na pwedeng makapagbalik ng alaala niya. Naging magkaibigan kami ni Nathan dahil maraming pagkakataon na tinutulungan niya ako dati. Gusto kong ibalik yung mga yun sa kanya. Ngayong siya yung may kailangan ng tulong saken ibibigay ko yun. Hindi dahil sa gusto ko siya o kung ano man ang iniisip mo"

"Okay. Naiintindihan ko na. Kung kailangan niyo din ng tulong ko. Maaasahan ninyo ako" pero nakasimangot pa din ito.

"Huwag ka ng magpacute. Hindi bagay sayo."

"Awww. Pero seryoso pwede ko kayong tulungan kung kailangan niyo lang naman"

"Talaga? Gagawin mo yun? Ganyan ka ba sa lahat ng estudyante mo?"

Umiling si Zidane. "Sayo lang. Importante ka saken kaya importante din saken ang mga kaibigan mo"

"Ayan ka na naman. Kung hindi ka seryoso huwag kang nag-aact na parang fini-flirt mo ang isang tao"

"Sino bang nagsabi na hindi ako seryoso?"

Naramdaman ni Skyler na namumula ang kanyang mukha. Itinulak niya ito hanggang sa mahulog siya sa kama "Tumigil ka nga. Maliligo na ko. Umayos ka na diyan" pagsusungit nito kunwari.

****

Papasok na sa gate sina Alvin at Arianey ng makasalubong nila si Ivan. "Good morning" ngiti nito sa dalawa. Inirapan lang siya ni Arianey.

"Buti pa Alvin mauna nako. Ayokong makita yang tao na yan" bulong ni Arianey sa kanya. Tumango ang si Alvin.

"Anong problema nun?"

"Nagtanong ka pa talaga hah. Syempre nireject mo siya. Bakit ang aga mo pumasok ngayon? Di ka naman usually maagang pumapasok hah?"

Napatingin si Ivan sa kanya. "Paano mo nalaman na hindi ako usually pumapasok ng maaga?"

Natigilan si Alvin. Bwesit! Bakit ko ba nasabi yun. "Nasasabi lang saken ni kuya minsan" pagsisinungaling nito.

"Akala ko naman secret admirer kita tapos lagi mo kong minomonitor."

"Asa ka" pagsusungit nito.

"Sige lang. Sungitan mo lang ako ng sungitan. Kahit gawin mo yan. Hindi ako titigil sa pagchase sayo" sabay hawak ng kamay nito na pilit inaalis ni Alvin.

"Ano ka ba. Baka may makakita saten. Nakakahiya!"

"Hayaan mo lang"

"Kapag nakita ka ni kuya masasapak ka nun sige ka"

Binitiwan ni Ivan ang kamay nito. "Bakit ba ang cold mo lagi saken." sabay pout nito.

"Tigilan mo nga yan. Hindi bagay sayo" Pero deep inside nangingiti ito.

Cute din naman siya minsan eh. Minsan lang. Madalas kase mukha siyang bully.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status