แชร์

Reality (Part 2)

ผู้เขียน: KATHA
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2020-12-22 18:53:25

Pagdating sa classroom ni Ivan. "Bakit kasabay mong pumasok ang kapatid ko?" tanong ni Nathan sa kanya. Wala namang ibig sabihin si Nathan sa tanong niya pero dahil guilty si Ivan ay parang nakaramdam ito ng kaba.

"Nakasabay ko lang siya sa daan tapos konting kwentuhan lang."

"Close kayo ni Alvin?"

"H-hah. H-hindi naman pero dahil kapatid siya ng kaibigan ko naisipan ko lang din siyang i-approach. Bakit mo naitanong?"

"Para kaseng nakita ko kayong magkahawak ang kamay kanina"

"Baka namamalik-mata ka lang"

"Tama na yan" awat ni Skyler. "Tutal andito na kayo. Pag-usapan na naten yung mga bagay na dapat pag-usapan"

"After nung nangyari dun sa acquiantance" simula ni Jaspher. "Napapanaginipan ko yung scene na yun na feeling ko ay part ng nakaraan ko. Kahit ilang beses ako magising at bumalik sa pagtulog palaging yun ang napapanaginipan ko."

"Ano yung mga nakita mo?" tanong ni Sky.

Tumingin siya kay Nathan. "Siya. Malakas ang kutob ko na boyfriend ko si Nathan nung high school at siya yung lalakeng lagi kong nakikita sa mga panaginip ko"

Ganon din ang pakiramdam ni Nathan. Si Jaspher ang lalake sa mga panaginip niya.

"Gusto kong umuwi ng Pampanga." biglang sabi ni Nathan. "Kung totoo nga na ikaw ang boyfriend ko ibig sabihin pareho tayong taga-Pampanga ng high school tama?. Gusto kong bumalik dun. Baka sakaling kapag bumalik ako dun ay malaman namen ang nangyari sameng dalawa before"

"Next week friday wala tayong pasok" singit ni Ivan sa kanila. Pwede tayong pumunta ng Pampanga."

"Anong sasabihin naten sa mga magulang naten? Hindi nila pwedeng malaman na pupunta tayo ng Pampanga"

"At bakit?"

"After nung aksidente ginusto nina mama na lumipat kami dito sa Taguig at ayaw niya na bumalik pa ko sa Pampanga. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na may tinatago sila saken" malungkot na tugon ni Nathan.

"Ganon din ang pakiramdam ko. Sa panaginip ko malinaw saken na may kasama ako dun sa car accident na nakasangkutan ko pero walang sinabi si mama about dun"

"Baka naman ayaw ng mga magulang niyo sa relasyon niyo kaya ginawa nilang opportunity yung pagkawala ng memory niyo para mapaghiwalay kayo" random lang na sabi ni Ivan.

Biglang natahimik ang dalawa dahil yun din yung naglalaro sa isip nila ng buong gabi pero ayaw nilang mag-isip ng masama about sa mga parents nila. Napansin ni Ivan na parang naapektuhan sila sa sinabi nito.

"Ano ba kayo nagjojoke lang ako. Baka naman wala silang idea about sainyo kaya wala din silang alam sabihin"

"Tumigil ka na kase sa mga kalokohan mo" naiinis na sabi ni Skyler. "Sabihin nalang naten na simpleng overnight na gala lang siya. Basta hindi dapat malaman ng mga parents naten na nasa Pampanga tayo sa mga araw na yun"

Nang marinig nilang nagring ang bell ay nagsibalik na sila sa mga upuan nila. Nang pabalik na si Nathan ay hinawan ni Jaspher ang kamay nito.

"Anong plano mo ngayon na nalaman mo na may past tayo" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Ano pa bang dapat naten gawin? 2 years na ang lumipas. Hindi ko nga alam kung icoconsider ba naten na tayo pa ba o hindi na. Hindi nga kita matandaan ng buo sa past ko eh"

"Nagbago ba ang feelings mo saken dahil sa hindi mo ko matatandaan?"

Syempre hindi. Kahit hindi niya matandaan si Nathan nararamdaman pa rin niya ang pagmamahal niya sa lalakeng nasa harapan niya. Pero ayaw niyang magdesisyon ng about sa kanila ng hindi pa niya nalalaman ng buo ang mga nangyari sa kanila before.

"Kahit bago ko pa malaman na ikaw yung dating lover ko. Mahal na kita Nathan. Ready pa din ako i-push ang feelings ko sayo. Kahit saan sitwasyon pa tayo hindi ako titigil na mahalin ka"

"Pag-usapan naten ang bagay na yan kapag naging malinaw na ang lahat. Ayokong gumawa ng hakbang na malabo pa yung iba."

"Sure. Pero gusto ko lang din makasigurado. Hindi pa tapos yung saten hindi ba?"

"Syempre naman hindi pa."

Napapangiti si Skyler habang nakikinig sa usapan ng dalawa.

"Alam niyo wala naman ako tutol sa pagliligawan ninyo pero baka pwedeng umupo na kayong dalawa. Nandyan kase kayo sa harapan ko. Saka andyan na si Sir oh" sabay turo nito kay Zidane na hindi pala nila napansin na nasa harapan na.

"Baka gusto niyong pag-usapan nalang naten ang love story niyong dalawa" natatawang biro ni Zidane. Namula ang pisngi ni Nathan sa sobrang hiya kaya mabilis na silang umupo ni Jaspher sa mga upuan nila. Tawa lang ng tawa si Skyler.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Memories with you   Our Love (Finale)

    Chapter 38Dumating na din ang graduation. Napuno ng ingay ang buong school dahil sa excitement ng mga graduates pati na rin ng mga magulang."Gosh! I can't believe it. Graduate na din tayo" sigaw ni Daniella na yumakap sa boyfriend niya. Pero si Anthony tahimik lang. Napatingin ang lahat sa kan

  • Memories with you   Our Love (Part 3)

    Chapter 37Although hindi lahat. Karamihan sa mga kaklase nina Skyler ay natanggap na ang relasyon nila ni Zidane. Naging okay ang lahat sa loob ng classroom pero hindi sa buong school.Pagkalipas ng ilang araw ipinatawag si Zidane ng Director para i-transfer siya.

  • Memories with you   Our Love (Part 2)

    Chapter 36Pagkalipas ng ilang araw nakapasok na din ng school si Nathan. Kasabay niyang pumasok sina Skyler ngayon at si Alvin. Nasa bungad palang sila ng gate ng daanan sila ng isang classmate nila."Ibang klase ka din pala no Skyler" natatawang comment niya dito.

  • Memories with you   Our Love (Part 1)

    Bago umuwi galing ng ospital sina Zidane ay dumaan muna sila sa 7/11 store. "Mas mabuti pang magpahinga muna tayo dito para marelax ka. Stress ka kase kaninang papunta ng ospital. Buti nalang hindi ganon kaseryoso ang nangyari" inabutan niya ito ng juice."Oo nga eh. Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong okay lang si Nathan."

  • Memories with you   Emotion (Part 5)

    Paulit-ulit nagfla-flashback sa utak ni Jenny ang aksidenteng nangyari kay Nathan. Paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili sa nangyari. Lumapit sa kanya si Jane."Sinisisi mong sarili mo tama? Hindi ka pa din talaga nagbabago" natatawang sabi nito. "Okay na ang anak mo. Nagrerecover nalang siya. Ilang oras lang magigising na din siya. Kaya wag mo ng masyado i-stress ang sarili mo."

  • Memories with you   Emotion (Part 4)

    Pagkalabas ng gate ni Jenny ay nasalubong niyang papasok sina Jaspher at Nathan sa bahay nina Jaspher."Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong nito sa anak niya."Ano bang sinasabi mo ma? Bahay ito ng boyfriend ko. Natural lang na pumunta ko dito. Ikaw? Anong ginagawa mo dito" may pagdududang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status