Share

Reality (Part 3)

Pagdating ng Friday maagang nagbyahe ang apat papuntang Pampanga. Para magmukhang gala siya ay nagstay sila sa isang hotel resort na malapit sa dati nilang school.

"Grabe. Ngayon na nakabalik ako dito. Parang bumalik ako sa pagkabata" sabi ni Jaspher habang nakatingin ito sa view mula sa hotel. "Parang gusto ko tuloy mamasyal."

"Remember. Nandito tayo dahil kailangan makakuha tayo ng information about sa past naten" paalala ni Nathan sa kanya.

"Hindi ko nakakalimutan yun pero hindi naten kailangan i-pressure ng sobra ang mga sarili naten."

"Okay. Sinabi mo eh. Pero siguraduhin mo lang na kapag naghanap na tayo ng information about a past naten magseryoso ka. Kundi hindi ka namen isasama sa pag-uwi"

"Huh! Hindi niyo magagawa yan. Ako kaya ang driver niyo. Saka saken ang sasakyan"

"Ang ibig ko lang sabihin ay magseryoso ka"

"Lagi naman akong seryoso sayo. Kaya nga hindi ka mawala lagi sa isip ko."

"Tumahimik ka na nga lang. Busalan ko yang bibig mo"

"Naglalambing lang. Try mo din maging sweet minsan saken. Boyfriend mo kaya ako"

"Hindi pa. Umayos ka diyan"

Although marami din ang gumugulo sa isip ni Jaspher. Pero mas gusto niyang ipinapakita sa mga kaibigan niya na malakas siya at kaya niyang i-handle emotionally yung mga problema niya.

Habang nag-aayos sila ng gamit nila sa hotel nila. Tingin ng tingin si Ivan kay Skyler na may kausap sa phone niya.

"Sino kaya ang kausap niya?" nagtatakang tanong nito.

"Bakit mo ba siya pinapakealaman?"

"Iniisip ko kung may boyfriend ba yang baklang yan. Pagdating naten dito mabilis siya tumawag para i-update yung kacall niya na nasa Pampanga na tayo."

"Kung may boyfriend siya sasabihin naman siya saten" confident na sabi Nathan.

Pagkatapos ni Skyler sa kacall niya mabilis na lumapit si Ivan "Sino yang kacall mo at kailangan mo pang mag-update sa kanya?" parang nagbabanta ang tingin nito. Alam ko may tinatago ka samen.

"Yung kasama ko sa bahay. Siya yung tumatayong guardian ko ngayon remember. Kaya kailangan ko magreport sa kanya." confident din na sagot ni Skyler. "Kuntento ka na sa sagot ko?" bumaling ito kina Nathan.

"Saan ang destination naten?" mas mabuti ng iba nalang ang pag-usapan nila baka madulas pa siyang si sir Zidane ang kasama niya sa bahay.

"Sa school kung saan kami naghighschool"

"Ano bang naaalala niyo nung highschool kayo?"

"Wala masyado. Ang naaalala ko lang is yung name ng school at kung saan ang location niya"

"Edi pumunta tayo dun?"

***

Pagdating ng dati nilang school ay dumiretso sila sa photography club para tignan ang mga album sa batch nila.

Merong picture si Nathan sa isang speech niya as SSG President.

"Sumali ka pala ng SSG nun" natatawang sabi ni Mark Ivan. "Parang hindi bagay sayo" iniimagine niya ito na seryosong nagsasalita sa harap ng maraming tao.

"Aba malay ko. Wala nga kong matandaan about dun eh" naiinis na sagot nito.

Umupo sa tabi nila ang President ng photography club. "Naaalala ko, inaadmire ka ng marami dati sa disiplina na lagi mong ipinapakita sa classroom at pati sa buong school. Nung nabalitaan nila yung aksidenteng nangyari sayo. Maraming nag-alala about sayo. After ng recovery mo inaasahan ng lahat na babalik ka. Pero walang binigay na update ang mga parents mo about sa status mo maliban dun sa magtatransfer ka ng school. Grade 7 palang ako nun kaya wala din ako masyadong alam"

"Wala ka bang natatandaan na iba? Sa kung ano ang nangyari before nung aksidente?"

Umiling ito. Patuloy lang sila sa pagtingin ng mga picture. "Kahit ang mga teachers nun wala din silang masyadong alam. Hindi nagbigay ng details ang pamilya mo eh. Hindi din pwedeng makealam ang school sa mga personal na bagay ng mag estudyante nila."

"Close pala kayo talaga ni Jaspher dati" puna ni Sky dahil may mga nakikita siyang picture na laging magkasama o magkatabi sina Nathan at Jaspher.

"Sino ito?" tanong ni Ivan sa babaeng kasama ni Nathan sa picture.

Umiling si Nathan. "Hindi ko siya natatandaan."

"Siya si Nicole. Siya ang pumalit sayo as President after mo magtransfer sa ibang school"

"Close din ba kami nun?"

"Not sure. Pero may mga times na nakikita ko kayong magkasama dati."

"Pwede ko bang hingin yung address niya?"

"Pwede ko kayong samahan sa kanya. Alam ko yung address niya dahil madalas ko siyang puntahan dati para sa ilang mga documentation."

"Maraming salamat"

***

After ng ilang biyahe ay nakarating na sila sa bahay ng nagngangalang Nicole. Kumatok ang apat na mabilis naman pinagbuksan. Nagulat si Nicole ng makita ulit si Nathan.

"Nathan!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status