Share

IV

Author: Gigi Lang
last update Last Updated: 2022-05-25 22:35:17

“MABUTI naman at makakasama ka na ngayon, Oliver,” wika sa kanya ni Simon.

Tulad ng kanyang ina, isa ito sa mga pioneers ng Merciless at Team Leader nila sa misyong iyon. Dahil mga trainees pa lang sila, may isa o dalawang senior member silang kasama sa bawat misyon.

“Nagkaroon lang ng emergency kahapon, Sir.”

“Palalampasin ko ito sa ngayon pero sa susunod, wala akong tatanggapin na dahilan kung bakit hindi kayo makakasama maliban sa nag-aagaw buhay kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?”

“Yes, Sir,” sagot niya at ng dalawa pang kasama sa misyon na `yon na sina Kristoff at Marigold.

“Good. Sa misyong ito, dalawa lang ang dapat niyong gawin. Una, ang mapatay ang target. Pangalawa, ang siguraduhing makakauwi kayo nang buhay.”

Nakakakilabot man pero iyon ang mga pinaka-importanteng bagay na dapat nila isaisip sa bawat misyon. Kahit ba pinaghandaan nila iyon sa loob ng mahabang panahon, iba pa rin na totoong kalaban na ang kahaharapin nila.

Nang gabing iyon, misyon nilang patayin si Janggo Villa Vista. Matagal na itong pinaghahanap ng mga pulis. Ganoon din ng Merciless. Kaya naman hindi na sila dapat mag-aksaya ng panahon.

Birthday party ng anak nito pero hindi na sila makakapaghintay kinabukasan para tapusin ito. Baka kasi bigla na naman itong mawala at mahirapan na silang hanapin ito.

“Naka-puwesto na ba kayo?” tanong sa kanila ni Simon sa pamamagitan ng earpiece.

“Yes, Sir,” sagot nilang tatlo.

Naka-puwesto siya sa rooftop ng isang building. Tanaw niya mula roon ang garden kung saan ginaganap ang party ng anak ni Villa Vista.

“Whoever gets the chance, shoot him.”

Napalunok siya. Kahit ba marami na siyang pinagdaanan sa mga nakalipas na taon, iyon pa lang ang unang beses na papatay siya ng totoong tao. At sa misyon na iyon, ni wala siyang alam sa pagkatao ng kalaban. Basta ang utos lang sa kanila ay ang patayin ito.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang matanaw niya si Villa Vista sa zoom lense ng kanyang sniper gun. Karga-karga nito nang oras na `yon ang bunsong anak. Kahit ba sakto ang posisyon niya para patamaan ito sa ulo, nag-aalala siya sa mararamdaman ng anak nito kapag nakita nitong duguan ang ama.

“Oliver. Ano pang hinihintay mo?” ani Simon.

Alam ni Simon kung saan sila naka-posisyon. Kaya naman alam din nitong maganda ang puwesto niya para barilin si Villa Vista.

Huminga siya nang malalim. Pinagpapawisan na siya. Nagsimula na rin manginig ang mga kamay niya. Malinaw naman ang mga mata niya pero nang oras na `yon, biglang naging dalawa ang paningin niya kay Villa Vista. Napaupo siya sa sahig.

“H-hindi ko kaya.”

Narinig niyang pumiksi si Simon. Malamang disappointed ito sa kanya. Sumunod doon ay ang utos nitong bumalik na siya sa kanilang command center. Na hirap pa nga siyang gawin dahil nanginginig ang mga binti niya.

Mabuti na lang at pinakamalapit sa location niya ang van na siyang nagsisilbi nilang command center. Habang naka-dispatch sila, naroon si Simon at pinapanuod ang mga footages ng camera na naka-attach sa kanila.

Pagpasok pa lang niya, tanaw na agad niya ang sama ng tingin nito sa kanya. Nagkusa na siyang humingi ng tawad.

“Mabuti na lang at naging alisto si Kristoff. Naging successful pa rin ang misyon natin. Ganoon pa man, hindi ko pa rin nagustuhan ang naging performance mo, Oliver. Anak ka ba talaga ng mga magulang mo? Masyado kang mahina.”

Kilala ang Mama niya bilang pinaka-magaling na female assassin ng Merciless. Kaya nga nitong tumungo sa isang misyon nang mag-isa. At kahit huli man napasali ang Dad niya, ka-level na nito ngayon ang mga naunang miyembro pagdating sa skills.

Nakayuko lang siya habang pinapagalitan ni Simon.

“I’m sorry, Sir. Parang napakahirap lang kasing pumatay ng taong ni hindi ko alam kung ano ang kasalanan. Naroon din ang kanyang pamilya. Ano na lang ang mararamdaman ng mga bata?”

“Naawa ka sa pamilya ni Villa Vista kaya hindi mo siya mapatay? Sa tingin mo ba papatay tayo ng inosenting tao? Mamamatay tao ang demonyong `yon. At karamihan sa mga pinapatay niya ay mga bata. Tinatanggalan niya ng mga internal organs ang mga ito at ibinibenta. At pagkatapos mapakinabangan, kung hindi ipinapatapon, hinayaan lang maghingalo hanggang sa tuluyan mamatay. Kung hindi natin siya napatay ngayon, masaya at buo pa rin ang pamilya niya. Pero mas marami pang tao ang mapapahamak nang dahil sa kanya. Iyon ba ang gusto mo?”

Hindi siya nakaimik.

“Walang saysay na palagi kang top during trainings kung sa totoong misyon, naduduwag ka. Hindi ka nababagay sa mundong `to.”

Hanggang sa makauwi sila, hindi niya magawang tumingin sa mga kasamahan. Lalo na kay Sir Simon. Mabuti na lang at nang nakarating sila ng headquarters, wala ang Mama niya. Kung hindi, katakot-takot na sermon na naman ang maririnig niya.

Papasok na siya sa kanyang kwarto nang may tumawag sa kanya, si Richard Kim, ang kanyang Dad.

“Kamusta ang unang misyon mo?”

Napaiwas siya ng tingin dito. “Pumalpak ako,” mahina niyang sagot.

Tinapik ng ama ang kanyang balikat. “Ganyan talaga sa simula pero masasanay ka rin. Sa simula lang `yan mahirap.”

Hindi tulad ng Mama niya, chill lang ang kanyang Dad tuwing kinakausap siya. Mula nga noong maliit pa lang sila ng kapatid, hindi niya maalalang napagalitan siya nito. Ganoon kabait ang Dad niya. Pero dahil sa pagmamahal nito sa Mama niya, natuto na rin itong pumatay. Siguro pareho sila ng naramdaman nang unang sumabak sa misyon.

Gusto sana niya itong kausapin tungkol sa mga karanasan nito noong bago pa lang itong miyembro ng Merciless pero alam niyang busy rin ito. Maliban kasi sa pagiging Merciless ay isang doktor ang kanyang ama. Pakiramdam nga niya kahit gaano pa siya magsikap, hindi niya matutumbasan ang achievement ng mga magulang.

Pabagsak siyang nahiga sa kama. Huminga siya nang malalim habang nakatitig sa kisame. Iyon ba talaga ang buhay na gusto niya para sa sarili?

Dati, ginagawa lang niyang laro ang mga trainings nila. Nae-enjoy kasi niya iyon. Pero ngayong sumasabak na sila sa totoong misyon, nagda-dalawang isip na siya. Pero kahit naman ano pa ang maramdaman niya, ang ina pa rin niya ang masusunod.

Muli siyang napabuntong hininga at napatingin sa side table kung saan naroon ang box ng chocolate galing kay Serenity. Malamang si Kristoff ang naglagay niyon. Ibinigay na kasi niya iyon dito. Napabangon siya at kinuha ang hugis pusong box. Hindi siya mahilig sa chocolates pero sa unang pagkakataon, bigla siyang natakam.

Kumuha siya ng isa at muling isinara ang box. Napansin niyang nakakabit pa pala doon ang card nito. Nang buksan niya ang card, napakunot noo siya nang may mabasa siyang cellphone number. Nasa pinaka-ibabang bahagi iyon ng isinulat nito.

Naalala niyang binasa iyon ni Kristoff. Wala itong nabanggit na phone number. Paano kung ito lang pala ang naglagay no`n? Pero sa nakikita niya, mukha naman magkapareho lang ang ballpen na ginamit sa nakasulat sa itaas at sa number. Number nga kaya iyon ni Serenity?

MATUTULOG na si Serenity nang biglag tumunog ang kanyang cellphone.

-Salamat sa chocolates.-

Nang mabasa niya ang message, napaupo siya sa kama. Bigla din bumilis ang tibok ng kanyang puso. Isang tao lang naman kasi ang nabigyan niya ng chocolates. Ngayon lang kaya nito napansin ang card niya o ngayon lang ito nagkaroon ng lakas ng loob na mag-text sa kanya?

Nang oras na `yon, gusto niyang tumili sa kilig. Ibig sabihin kaya ng pag-reply nito ay gusto rin siya ni Oliver?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XXI

    RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XX

    PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XIX

    “AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVIII

    KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwanKahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan. Napahinga siya nang malalim. Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon. Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya. “Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig. “Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVII

    “HE’S Bullet Do, bago nating miyembro. Anak siya ni Russell,” wika ng ama. “Bullet, meet my son, Oliver Kim,” turo nito sa kanya. Tumingin sa kanya si Bullet. Tumango ito at ganoon rin ang naging tugon niya dito. Ipinakilala rin ng ama dito si Kristoff at Marigold. Ang totoo niyan ay matagal na niyang kilala si Bullet. Madalas kasing ipagyabang ni Sir Russell sa kanila ang galing nito. Kahit eighteen pa lang ito, tulad ng ama, eksperto na ito pagdating sa paggawa ng mga bomba, mga armas at iba pang inventions na maari nilang magamit sa kanilang mga misyon. Minsan nga ay may dinala si Sir Russell na parang mga simpleng candies lang pero kapag ihinahagis, sumasabog pala. At ayon dito, si Bullet ang may gawa no’n. Ganoon ito ka genius. “Siya nga pala. Akala ko ba darating din ngayon ang kapatid mo?” ani Kristoff kay Marigold.“Iyon ang sabi niya sa `kin. Baka may dinaanan lang.”“O baka naman nagbago na ang isip? Baka natakot na.”“Kung nagbago man ang isip niya, hindi ako ma

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVI

    AFTER TWO YEARS... “SORRY kung ito lang ang regalo ko sa birthday mo. Nag-iipon kasi ako,” ani Serenity sa kapatid habang hawak ang cake na siya mismo ang may gawa.” “Sapat na sa `kin `to, Ate. Maraming salamat,” hinipan na ng kapatid ang kandila. “Thank you uli, Ate.” “Walang ano man para sa gwapo kong kapatid.” Tumingin sa paligid ang kapatid. Mukhang alam na niya ang hinahanap nito. “Hindi pa siya dumarating. Malay mo, may surprise din siya sa `yo.” “I doubt. Mula nang mawala si Papa, nakalimutan na niya ang maraming bagay. Nakalimutan na nga ata niya na nandito pa tayo.” Dalawang taon na mula nang dumating sila sa Singapore. Ganoon na rin katagal mula nang isubsob ng ina ang sarili sa trabaho. Madalas, wala ito sa bahay. Minsan nga feeling nila hindi lang ama ang nawala sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may inililihim nga sa kanila ang ina. May hindi tama sa mga nangyayari. Ano nga kaya kung may itinatago sa kanya ang ina? Matapos nilang kumain, naghugas na s

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XV

    MATAPOS niyang maipadala ang message na iyon kay Serenity, pinatay na niya ang kanyang cellphone. Papalitan na rin niya iyon ng bagong simcard para tuluyan nang maputol ang ugnayan nila. Masakit man para kay Oliver ang pakikipaghiwalay kay Serenity, iyon ang naisip niyang pinakamabuting gawin sa lahat ng nangyayari. Mapapahamak lang ito kapag pinahaba pa nila ang kanilang relasyon. Gustong umiyak ni Oliver nang malaman na wala na nga ang Mama niya. Pero ni isang patak, walang tumulo mula sa kanyang mga mata. Puno ng galit ang puso niya. Gusto niyang maghiganti sa may kagagawan no’n sa kanyang ina at sa iba pang mga kasamahan. At maliban sa galit, ramdam din niya ang guilt. Guilt dahil sa huling hininga ng ina, dala-dala nito ang galit sa kanya dahil sinuway niya ito. Ayaw man niyang isipin pero sa galing ng Mama niya, paano kung naging dahilan iyon kaya hindi ito nakapag-concentrate at namatay? Hindi pa man naiuuwi sa HQ ang bangkay ng ina, naitawag na sa kanila ang nangyari. At ko

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XIV

    NANG makarating si Oliver sa apartment niya, may nadatnan siyang paper bag at isang box sa labas ng pinto pero wala na doon si Serenity. Malamang ay hindi pa nito kayang sagutin ang tanong niya kaya naisipan nitong umalis na lang. Pero kung umayaw man ito, hindi rin naman niya pipilitin si Serenity. Kahit ba mahal nila ang isa’t-isa, alam niyang mahirap kay Serenity ang mag-desisyon. Syimpre, nag-aaral pa sila. Hindi rin nito alam na kaya na niya itong buhayin sa laki ng pera na meron siya. “Sir. Andito na pala kayo. Sayang, kaaalis lang ni Mam.” Napatingin siya sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Kapag may nakakasalubong siyang staff, minumukhaan niya at binabasa ang nameplate. Kaya naman agad niyang nakilala si Romeo. At mukhang kilala na rin ito ni Serenity. “Sayang. Dinalhan pa naman kayo ni Mam ng cake at pagkain. Saan ba kasi kayo galing, Sir?” Tahimik lang siya pero hindi niya ata nagugustuhan ang pakikialam nito. At mukhang ayaw pa talaga nitong tumigil. “Sa susunod, Sir,

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XIII

    MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit. Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon. Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan. Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space. Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa is

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status