Share

XXI

Author: Gigi Lang
last update Last Updated: 2022-10-14 20:15:46

RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity.

“Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito.

Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.”

“Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.”

Hindi siya nakaimik.

“Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.”

Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan sa mga huli nilang mga misyon kaya hindi na iyon masyadong big deal sa kanya.

Ang mas inaalala niya ay si Serenity. Hindi lang pala ito straightforward pagdating sa mga nararamdaman nito. Palaban din pala itong babae. Mukhang nagkamali siya sa pagkakakilala dito.

Ganoon pa man, hindi pa rin siya sang-ayon na maging bahagi si Serenity ng Merciless. Isinakripisyo niya ang kanilang relasyon dahil ayaw niya itong mapahamak tapos magiging bahagi lang pala ito ng Merciless?

Kaso sa nangyari, mukhang mahihirapan siyang mapaalis ito. Hindi na nga niya ito napaalis, lalo pa niya itong nabigyan ng rason para magalit sa kanya. Pagkatapos ng inasal niya sa harapan nito, siguradong kinamumuhian na siya ni Serenity.

“MUKHANG mali ako ng naging impression sa `yo. I’ve seen Oliver’s growth over the years and no doubt he’s very skilled and strong. Pero para mapatumba mo siya nang ganoon, sigurong hindi lang iyon basta tiyamba,” ani Marigold na g pumasok ito sa kanyang kwarto sa HQ nang walang paalam.

“Bakit, hinihingi ko ba ang opinyon mo?” aniya. Pero syimpre, sa isipan lang niya iyon nasabi.

Kunwari curious ito pero halata naman na gusto lang nitong depensahan si Oliver.

“Mula pagkabata ay tinuruan na kami ng Papa ko ng martial arts. Kaya hindi niyo man ako kasabay sa mga training niyo, hindi iyon nangangahulugan na mahina ako at walang binatbat. Kaya pakisabi sa boyfriend mo na huwag siyang basta-basta na lang nanghuhusga.”

“Actually, hindi naman talaga gano’n si Oliver. Nagulat na nga lang ako na nagka-conflict na agad kayo.”

“Sa akin lang gano’n si Oliver dahil gusto nitong tuluyan na akong mawala sa buhay niya.”

Ang totoo, sinubukan lang niyang hulihin si Marigold kaya binanggit niya na boyfriend nito si Oliver. Hindi ito nag-react kaya ibig sabihin tama nga ang hinala niya. Girlfriend ito ni Oliver.

Kahit ba dalawang taon na ang nakalipas mula nang maghiwalay sila, masakit pa rin palang malaman na may girlfriend na ito. Ang mas malala pa, baka gaya ng hinala niya ay pinagsabay nga sila ni Oliver.

Maging nang oras na iyon ay mahal niya pa rin niya si Oliver lalo na at hindi naman sila nagkaroon ng matinong closure. Kaya naman hindi yata niya kayang makita na palaging magkasama ang dalawa.

Kaso napasubo na siya. Kung bakit kasi nagpadala siya sa galit. Dapat ay umalis na lang siya at lumipad na pabalik ng Singapore.

Bigla niyang naalala ang kanyang Mama at kapatid. Siguradong nag-aalala na ang mga ito sa kanya. Mula kasi nang makauwi siya ng Pilipinas, hindi pa niya nakakausap ang mga ito.

Sa halip na ang kanyang Mama, ang kapatid ang una niyang tinawagan. Agad naman siyang nakaramdam ng guilt nang marinig sa boses ng kapatid ang sobrang pag-aalala.

“Nasaan ka ba, Ate? Sobrang alalang-alala kami sa `yo.”

“Nasa Maynila ako,” pag-amin niya.

“Anong ginagawa mo diyan?”

“May mga bagay lang akong gustong malaman.”

“Tungkol pa rin ba `to sa pagkamatay ni Papa? Akala ko ba magmo-move on na tayo?”

Kahit ba thirteen pa lang ang kapatid, napaka-mature na nitong mag-isip. Kaya kapag may mga gumugulo sa isipan niya ay nagagawa niyang masabi dito.

“I’m sorry kung sumira ako sa usapan. Gusto ko lang talaga kasing malaman ang buong katotohanan.”

“Nalaman mo ba?”

“Oo,” maikli niyang sagot.

“Pero hindi mo pwedeng sabihin aa akin.”

Kapag nalaman nito ang totoo, baka bigla din itong mapalipas sa Pilipinas. Para sa kanya, sapat na siguro na siya lang ang maging bahagi ng Merciless. Hindi na dapat matuklasan pa ng kapatid ang mundong iyon ng kanilang ama.

“Pasensiya na bunso.”

Narinig niya itong napabuntong-hininga. “Ano pa ba ang magagawa ko? So, kailan ka babalik para masabi ko kay Mama.”

“Huwag mong sabihin kay Mama na nandito ako. Bala bigla `yong umuwi dito. Basta, sabihin mo lang na okay lang ako. At kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, uuwi ako diyan.”

Tapos na siyang magsalita pero tahimik lang ang kapatid. Tiningnan niya ang kanyang cellphone. Hindi naman naputol ang tawag.

“Dean? Naririnig mo pa ba `ko?”

“Anak.”

Siya naman ang natahimik nang marinig ang boses ng ina.

“Nakilala mo na ba sila?”

Natigilan siya. Ang mga miyembro ba ng Merciless ang tinitukoy nito?

“Sasama ka ba sa kanila?”

Mukhang tama nga siya. Pakiramdam niya isa rin sa mga rason kung bakit dinala sila nito sa Singapore ay para mailayo sila sa Merciless. Pero heto at siya pa mismo ang lumapit sa mga ito

“I’m sorry, Ma,” maikli niyang sagot.

Ito naman ang natahimik sa kabilang linya. At kahit tahimik, alam niyang umiiyak ang kanyang ina.

“Siguro nga ay iyan na talaga ang nakatadhana para sa `yo, anak. Sinubukan ko na kayong ilayo pero nagtagpo pa rin ang landas niyo. Isa lang sana ang hiling ko, anak. Palagi kang mag-iingat. At sa oras na magbago ang isip mo, nandito lang kami.”

Ang akala niya ay magagalit sa kanya ang ina. Malamang napag-usapan na nito at ng Papa niya ang posibilidad na maging miyembro din siya ng Merciless.

“Pangako, Ma, mag-iingat ako. Kapag may pagkakataon, uuwi ako diyan. At sana huwag niyo na lang din sabihin kay Dean kung nasaan ako.”

Ang totoo, hindi naman talaga iyon bukal sa kanyang kalooban ang mapabilang sa Merciless. Napasubo lang siya. Kaya sana, huwag sundan ng kapatid ang yapak niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XXI

    RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XX

    PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XIX

    “AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVIII

    KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwanKahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan. Napahinga siya nang malalim. Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon. Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya. “Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig. “Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVII

    “HE’S Bullet Do, bago nating miyembro. Anak siya ni Russell,” wika ng ama. “Bullet, meet my son, Oliver Kim,” turo nito sa kanya. Tumingin sa kanya si Bullet. Tumango ito at ganoon rin ang naging tugon niya dito. Ipinakilala rin ng ama dito si Kristoff at Marigold. Ang totoo niyan ay matagal na niyang kilala si Bullet. Madalas kasing ipagyabang ni Sir Russell sa kanila ang galing nito. Kahit eighteen pa lang ito, tulad ng ama, eksperto na ito pagdating sa paggawa ng mga bomba, mga armas at iba pang inventions na maari nilang magamit sa kanilang mga misyon. Minsan nga ay may dinala si Sir Russell na parang mga simpleng candies lang pero kapag ihinahagis, sumasabog pala. At ayon dito, si Bullet ang may gawa no’n. Ganoon ito ka genius. “Siya nga pala. Akala ko ba darating din ngayon ang kapatid mo?” ani Kristoff kay Marigold.“Iyon ang sabi niya sa `kin. Baka may dinaanan lang.”“O baka naman nagbago na ang isip? Baka natakot na.”“Kung nagbago man ang isip niya, hindi ako ma

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVI

    AFTER TWO YEARS... “SORRY kung ito lang ang regalo ko sa birthday mo. Nag-iipon kasi ako,” ani Serenity sa kapatid habang hawak ang cake na siya mismo ang may gawa.” “Sapat na sa `kin `to, Ate. Maraming salamat,” hinipan na ng kapatid ang kandila. “Thank you uli, Ate.” “Walang ano man para sa gwapo kong kapatid.” Tumingin sa paligid ang kapatid. Mukhang alam na niya ang hinahanap nito. “Hindi pa siya dumarating. Malay mo, may surprise din siya sa `yo.” “I doubt. Mula nang mawala si Papa, nakalimutan na niya ang maraming bagay. Nakalimutan na nga ata niya na nandito pa tayo.” Dalawang taon na mula nang dumating sila sa Singapore. Ganoon na rin katagal mula nang isubsob ng ina ang sarili sa trabaho. Madalas, wala ito sa bahay. Minsan nga feeling nila hindi lang ama ang nawala sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may inililihim nga sa kanila ang ina. May hindi tama sa mga nangyayari. Ano nga kaya kung may itinatago sa kanya ang ina? Matapos nilang kumain, naghugas na s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status