Share

XX

Author: Gigi Lang
last update Last Updated: 2022-10-13 23:44:24

PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan.

Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.

Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo.

Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala.

“Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”

Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya nito.

“Anong ginagawa mo dito?”

“`Yan talaga ang itatanong mo after two years na hindi tayo nagkita? Nakalimutan mo na ba na minsan mo `kong naging girlfriend at hiniwalayan nang gano’n na lang? At ngayon, hindi mo man lang naisip na magpaliwanag. Gano’n na lang ba kawalang halaga sa iyo ang nakaraan natin?”

Pero sa halip na sumagot, para bang hindi nito narinig ang lahat ng sinabi niya na lalo lang nagpainis sa kanya.

“Hindi ka nababagay sa mundong `to. Masyado kang mahina para maging miyembro ng Merciless,” wika pa nito.

Nakakainis man at nakakainsulto ang mga sinabi nito, natawa na lang siya.

“Hindi mo pa `ko gano’n kakilala Mr. Kim. Saka, ano naman ang karapatan mo para pagsabihan ako ng ganyan? Hindi ikaw ang magde-desisyon niyan para sa akin.”

Obviously, ayaw nitong mapabilang siya sa grupo. Bakit kaya? Dahil ba ayaw nitong malaman ng mga tao doon na minsan naging sila? Hindi kaya may girlfriend ito doon habang sila? At kaya ayaw nitong sumali siya sa grupo ay dahil natatakot itong mabuko.

Hindi kaya girlfriend nito si Marigold? Iyong nag-iisang babaeng miyembro na pinakilala sa kanya ni Dr. Kim.

Naikuyom niya ang kamao.

Originally, wala naman talaga siyang balak na sumanib sa grupo. Kahit ba confident siya na kaya niyang sabayan ang mga ito sa pakikipaglaban, ibang usapan pa rin na papatay siya ng mga tao.

Pero sa inasal ni Oliver, bigla siyang na-challenge. Gusto siya nitong paalisin, puwis, mas lalo niya itong iinisin.

Iisipin na lang niya na sa pagsama niya sa grupo, maipagpapatuloy niya ang nasimulan ng ama. Sa mali man na paraan, maganda pa rin naman ang intensiyon ng grupo.

Sa pagsama din niya sa grupo, maaari niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama. Baka iyon din talaga ang calling niya, ang maging isang Merciless.

“May karapatan ako dahil mahalaga sa akin ang skills ng mga miyembro. Ayoko ng lalampa-lampa. Magiging pabigat ka lang sa grupo.”

“Bakit ba kung umasta ka, parang kilalang-kilala mo na `ko? Baka nakakalimutan mo, ilang buwan lang na naging tayo. Oo nga pala, hindi mo na maalala iyon.

“Pero sige, kung iyan ang tingin mo sa akin, opinyon mo `yan. Pero bago mo husgahan ang kakayahan ko, bakit hindi mo muna subukan?”

Napakunot ang noo nito. “Anong ibig mong sabihin?”

“I-check natin kung mahina nga ba `ko. Maglaban tayo. Kapag natalo mo `ko, hindi mo na makikita ang pagmumukha ko dito. Pero kapag natalo kita, eh di talunan ka.”

Baka akala nito ito lang ang marunong mang-inis. Mabait lang siya dito at sweet dati dahil crush niya ito. Pero sa totoo lang, hindi pa nito kakikilala ang totoong siya.

“What’s happening here?” Tanong ni Dr. Kim nang bumalik ito. “Bakit nandito pa rin kayo? Mukhang hindi pa ata kayo natinag mula nang umalis ako.”

“Fine. Pumapayag na ako sa gusto mo,” ani Oliver.

Na lalong nagpalito kay Dr. Kim. “What exactly is going on in here, Oliver?”

“Hindi ho ata ako gusto ng anak niyo na maging bahagi ng grupong `to,” aniya. “Pero huwag kayong mag-alala. Nakahanap na ako ng paraan para malaman kung nararapat nga ba ako dito.”

Minsan na niyang nakitang nakipaglaban si Oliver at hinangaan niya ito. Ganoon pa man, confident din siya sa mga naituro sa kanya ng ama. At kahit ba dalawang taon na mula nang mawala ito, ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-iinsayo nang mag-isa.

“ANONG kalokohan `to, Oliver? Anong match ang pinagsasabi ni Serenity? Saka hindi ba at sinabihan kita na i-tour siya sa HQ? Bakit humantong kayo sa ganyan?”

Hindi madalas magalit ang ama pero nang oras na iyon, halatang nasa bad mood ito dahil sa kinahantungan ng usapan nila ni Serenity.

Ginagawa ng kanyang ama ang lahat para maka-recruit sila ng mga bagong miyembro. At mas gusto nito na ang mga anak ng mga dating miyembro ang makuha nila. At para maging interested si Serenity sa Merciless kahit ba hindi ito na-expose sa grupo nila noong kabataan nito, malaking achievement na iyon.

Ganoon pa man, pinandigan pa rin niya ang naging usapan nila ni Serenity.

“Don’t worry, Dad. Kapag nanalo naman siya ay magiging ganap na miyembro na siya ng grupo.”

“Don’t tell me you will take this seriously, Oliver? Hindi ka naman ganyan sa ibang bagong members natin, ah. Ano ba kasi talagang nangyari sa inyong dalawa habang wala ako?”

“I just want the best members for our group, Dad. And I don’t think she’s one of them.”

“We can always train her. And don’t tell me that she’s already to old for that. Ako mismo ang living proof na pwede pa rin siyang maging magaling kahit huli na siyang nakapagsimula mag-training.

“Kaya naman itigil niyo na ang kalokohan na `to. M*****i na kayo.”

“I’m sorry, Dad, but I really need to do this,” iniwan na niya ang ama at nagtungo sa area kung saan gaganapin ang match nila ni Serenity.

Minsan na niyang nakitang muntik mapahamak si Serenity. Hindi pa nga skilled ang mga nakaharap nito pero wala man lang itong nagawa para ipagtanggol ang sarili. Paano pa kaya kapag mga taong halang ang kaluluwa ang makaharap nito?

Kaya mahirap man sa kanyang saktan si Serenity, seseryosohin niya ang laban nila. Mas magiging ligtas ito sa labas ng Merciless.

Malapit na siya sa sparring room nila nang harangin siya ni Kristoff.

“What a coincidence. Sinong mag-aakala na anak pala ni Sir Simon ang ex-girlfriend mo. Pero seryoso ka ba talaga sa balak mong gawin? Kaya mong saktan ang taong minsan mong minahal?”

“Para din naman ito sa kabutihan niya,” aniya at pinagpatuloy ang paglalakad.

Malamang gusto ni Serenity ipaghiganti ang ama kaya gusto nitong maging miyembro ng Merciless. Pero kung ilalagay niya sa paa ni Sir Simon ang sarili, seguradong hindi rin nito gustong mapahamak ang anak nito. Hindi nito itatago sa kanila ang mga anak sa loob ng mahabang panahon kung gusto lang din naman pala nitong maging miyembro nila ang anak.

Kaya kung masaktan niya ai Serenity, siguradong maiintindihan siya ni Sir Simon. Para din naman sa kapakanan nito ang gagawin niya.

“Ano, handa ka na?” Tanong sa kanya ni Serenity nang makapasok siya sa kwarto. At sa isang iglap, tumama sa panga niya ang napakalakas na sipa nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XXI

    RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XX

    PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XIX

    “AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVIII

    KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwanKahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan. Napahinga siya nang malalim. Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon. Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya. “Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig. “Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVII

    “HE’S Bullet Do, bago nating miyembro. Anak siya ni Russell,” wika ng ama. “Bullet, meet my son, Oliver Kim,” turo nito sa kanya. Tumingin sa kanya si Bullet. Tumango ito at ganoon rin ang naging tugon niya dito. Ipinakilala rin ng ama dito si Kristoff at Marigold. Ang totoo niyan ay matagal na niyang kilala si Bullet. Madalas kasing ipagyabang ni Sir Russell sa kanila ang galing nito. Kahit eighteen pa lang ito, tulad ng ama, eksperto na ito pagdating sa paggawa ng mga bomba, mga armas at iba pang inventions na maari nilang magamit sa kanilang mga misyon. Minsan nga ay may dinala si Sir Russell na parang mga simpleng candies lang pero kapag ihinahagis, sumasabog pala. At ayon dito, si Bullet ang may gawa no’n. Ganoon ito ka genius. “Siya nga pala. Akala ko ba darating din ngayon ang kapatid mo?” ani Kristoff kay Marigold.“Iyon ang sabi niya sa `kin. Baka may dinaanan lang.”“O baka naman nagbago na ang isip? Baka natakot na.”“Kung nagbago man ang isip niya, hindi ako ma

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVI

    AFTER TWO YEARS... “SORRY kung ito lang ang regalo ko sa birthday mo. Nag-iipon kasi ako,” ani Serenity sa kapatid habang hawak ang cake na siya mismo ang may gawa.” “Sapat na sa `kin `to, Ate. Maraming salamat,” hinipan na ng kapatid ang kandila. “Thank you uli, Ate.” “Walang ano man para sa gwapo kong kapatid.” Tumingin sa paligid ang kapatid. Mukhang alam na niya ang hinahanap nito. “Hindi pa siya dumarating. Malay mo, may surprise din siya sa `yo.” “I doubt. Mula nang mawala si Papa, nakalimutan na niya ang maraming bagay. Nakalimutan na nga ata niya na nandito pa tayo.” Dalawang taon na mula nang dumating sila sa Singapore. Ganoon na rin katagal mula nang isubsob ng ina ang sarili sa trabaho. Madalas, wala ito sa bahay. Minsan nga feeling nila hindi lang ama ang nawala sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may inililihim nga sa kanila ang ina. May hindi tama sa mga nangyayari. Ano nga kaya kung may itinatago sa kanya ang ina? Matapos nilang kumain, naghugas na s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status