“AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.
Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama.“Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya.Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato.Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito.“Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagmamahal ng ama sa trabaho nito.“Sa kasamaang palad, isa si Simon sa mga nasawi dalawang taon na ang nakakaraan. Natunugan ng mga kalaban ang mga huli naming mga misyon. Na-ambush sila at marami sa aming mga kasamahan ang namatay. Kasama na roon ang aking asawa. At hanggang ngayon, hindi pa rin namin nabibigyan ng hustisya ang pagkawala nila.”Kahit ba dalawang taon na ang nakakalipas, kitang-kita pa rin niya sa mga mata ni Dr. Kim ang sakit sa pagkawala ng asawa nito.“Sa dami ng nawalang miyembro ng grupo, kinailangan muna namin magpalamig sa mata ng mga kalaban. At sa kasalukuyan, patuloy pa rin kaming naghahanap ng mga maaaring maging kabilang sa grupo upang mapalakas ang aming pwersa at maipagpatuloy ang aming misyon.”“Kaya ba nag-iwan ka ng clue sa bahay namin? Para matunton kita at sumapi ako sa grupo niyo?”“I’d be honest. I want you to be part of the team.”Hindi siya nakaimik. Kahit ba hinasa siya ng ama mula pa man noong bata pa siya, hindi yata niya kayang pumatay ng tao kahit masasama pa ang mga ito.“But so you know, hindi ito sapilitan. Pwede kang humindi. Ganoon pa man, bago ka mag-desisyon ay hayaan mo na muna akong ipakilala sa iyo ang mundong ginagalawan ng iyong ama.”Ibig kayang sabihin ay isasama siya nito sa lugar kung saan nagtatago ang mga ito at kung saan naroon ang iba pang miyembro ng Merciless?“Hindi ka ba natatakot na sa halip sumanib ako sa grupo niyo, isumbong ko kayo sa pulis? Alam mo naman siguro na makakakuha ng pabuya ang sino man makakapagturo kung nasaan ang lungga niyo.”Natawa ito. “Hindi naman sa pagmamayabang pero kung pera lang ang pag-uusapan, higit pa sa pabuya ang makukuha mong pera kapag sumanib ka sa grupo.”Bigla niyang naalala ang pera na nakita niya sa closet ng Mama niya. Ibig sabihin nagmula ang mga iyon sa kita ng ama niya bilang miyembro ng Merciless?“And I also know you wouldn’t sabotage the group for a small cash,” dagdag pa nito.“At paano mo naman nasabi `yan? Hindi mo pa ako kilala.”“But I know your father. At sa tingin ko, hindi mo ipapahamak ang grupo na pinahalagahan ng iyon ama sa loob ng mahabang panahon.”Kaya nga ba niyang isuplong sa pulis ang Merciless? Totoong naging loyal ang kanyang ama sa grupo sa mahabang panahon. Pero sa kabilang banda, iyon din ang naging dahilan ng ilang beses na pag-iyak ng kanyang ina.“Welcome to the group, brother,” ani Kristoff kay Brylle. “Mukhang mas tumangkad ka pa yata kumpara noong huli kitang nakita, ah.”Dati pa man, mas matangkad na sa kanila si Brylle. Six footer ito habang siya at si Kristoff ay mga 5’7”.“Sorry kung hindi ako nakarating kahapon. May kinailangan lang akong asikasuhin,” ani Brylle.“It’s fine,” wika ni Marigold habang nakayakap sa kapatid. “Ang mahalaga ay nandito ka na. Pero kung gusto mo pang umatras, may chance ka pa.”“Hinding-hindi mangyayari `yon. Buo na ang desisyon ko, Marigold.Kahit hindi totoong magkapatid si Brylle at Marigold, malapit ang dalawa sa isa’t-isa. Nang mamatay kasi ang kanilang magulang, si Marigold na ang tumayong magulang para kay Brylle.Minsan na rin nabanggit ni Marigold sa kanya na kung ito ang pipiliin, ayaw sana nitong maging miyembro ng Merciless ang mga kapatid. Kaso, bata pa lang si Brylle ay inihanda na ito ng kanilang magulang. In the first place, iyon naman talaga ang dahilan kung bakit inampon ng mag-asawang Kim si Brylle, dahil bata pa lang nakitaan na nila ito ng potensiyal maging Merciless.Kaya hindi man naprotektahan ni Marigold si Brylle sa grupo, pinipilit nitong ilayo sa mundong iyon ang totoo nitong nakababatang kapatid. Sa katunayan, umabot pa ito sa pag-hire ng mga fake na magulang ng kapatid para hindi ito magtanong tungkol sa totoo nilang mga magulang.Medyo extreme man ang nagawa nito, hindi niya hinuhusgahan si Marigold sa naging desisyon nito. Kung pwede nga lang niya iyong gawin para sa sariling kapatid, ginawa na niya maprotektahan lang ito.Sa pagdating ni Brylle at Bullet, unti-unti na silang dumarami.“Sandali. Akala ko ba sa maliban kay Brylle at Bullet, wala ng ibang madadagdag na miyembro sa grupo natin ngayong taon?” ani Kristoff habang nakatingin sa mga CCTV monitors.Iyon din ang alam niya“Kung ganoon, sino `yang kasama niyang bumababa sa kotse?”Nasa loob lang sila pero nasa harapan nila ang mga monitors connected sa mga CCTV na nakapalibot sa HQ.At doon, kitang-kita nila ang kanyang ama na lumabas ng kotse nito kasama ang isang babae.Hindi nagtagal, pumasok na ang mga ito sa main door. Nanlaki ang mga mata niya nang mamukhaan ang babaeng kasama nito. At tulad niya, mukhang nagulat din ito sa muli nilang pagkikita pagkalipas ng dalawang taon.“Everyone meet Serenity Oh, Simon Oh’s daughter,” wika ng kanyang ama.Lalo siyang nagulat sa natuklasan. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit gusto siyang kausapin ni Sir Lendon tungkol sa anak nito. Bago ito mamatay, mukhang natuklasan na nito ang relasyon nila.Pero sandali. Anong ginagawa ni Serenity sa HQ kasama ang Dad niya? Ibig sabihin ba magiging miyembro na rin nila ito?Hindi maaari `yon.Kailangan niyang makagawa ng paraan para hindi ito tumuloy. Hindi ito nababagay sa mundo nila. Hindi niya isinakripisyo ang relasyon nila para mapahamak lang ito sa huli. Kailangan niyang mailayo si Serenity sa Merciless at gagawin niya ang lahat ng paraan maisagawa lang iyon.RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan
PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya
“AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma
KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwanKahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan. Napahinga siya nang malalim. Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon. Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya. “Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig. “Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-
“HE’S Bullet Do, bago nating miyembro. Anak siya ni Russell,” wika ng ama. “Bullet, meet my son, Oliver Kim,” turo nito sa kanya. Tumingin sa kanya si Bullet. Tumango ito at ganoon rin ang naging tugon niya dito. Ipinakilala rin ng ama dito si Kristoff at Marigold. Ang totoo niyan ay matagal na niyang kilala si Bullet. Madalas kasing ipagyabang ni Sir Russell sa kanila ang galing nito. Kahit eighteen pa lang ito, tulad ng ama, eksperto na ito pagdating sa paggawa ng mga bomba, mga armas at iba pang inventions na maari nilang magamit sa kanilang mga misyon. Minsan nga ay may dinala si Sir Russell na parang mga simpleng candies lang pero kapag ihinahagis, sumasabog pala. At ayon dito, si Bullet ang may gawa no’n. Ganoon ito ka genius. “Siya nga pala. Akala ko ba darating din ngayon ang kapatid mo?” ani Kristoff kay Marigold.“Iyon ang sabi niya sa `kin. Baka may dinaanan lang.”“O baka naman nagbago na ang isip? Baka natakot na.”“Kung nagbago man ang isip niya, hindi ako ma
AFTER TWO YEARS... “SORRY kung ito lang ang regalo ko sa birthday mo. Nag-iipon kasi ako,” ani Serenity sa kapatid habang hawak ang cake na siya mismo ang may gawa.” “Sapat na sa `kin `to, Ate. Maraming salamat,” hinipan na ng kapatid ang kandila. “Thank you uli, Ate.” “Walang ano man para sa gwapo kong kapatid.” Tumingin sa paligid ang kapatid. Mukhang alam na niya ang hinahanap nito. “Hindi pa siya dumarating. Malay mo, may surprise din siya sa `yo.” “I doubt. Mula nang mawala si Papa, nakalimutan na niya ang maraming bagay. Nakalimutan na nga ata niya na nandito pa tayo.” Dalawang taon na mula nang dumating sila sa Singapore. Ganoon na rin katagal mula nang isubsob ng ina ang sarili sa trabaho. Madalas, wala ito sa bahay. Minsan nga feeling nila hindi lang ama ang nawala sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may inililihim nga sa kanila ang ina. May hindi tama sa mga nangyayari. Ano nga kaya kung may itinatago sa kanya ang ina? Matapos nilang kumain, naghugas na s
MATAPOS niyang maipadala ang message na iyon kay Serenity, pinatay na niya ang kanyang cellphone. Papalitan na rin niya iyon ng bagong simcard para tuluyan nang maputol ang ugnayan nila. Masakit man para kay Oliver ang pakikipaghiwalay kay Serenity, iyon ang naisip niyang pinakamabuting gawin sa lahat ng nangyayari. Mapapahamak lang ito kapag pinahaba pa nila ang kanilang relasyon. Gustong umiyak ni Oliver nang malaman na wala na nga ang Mama niya. Pero ni isang patak, walang tumulo mula sa kanyang mga mata. Puno ng galit ang puso niya. Gusto niyang maghiganti sa may kagagawan no’n sa kanyang ina at sa iba pang mga kasamahan. At maliban sa galit, ramdam din niya ang guilt. Guilt dahil sa huling hininga ng ina, dala-dala nito ang galit sa kanya dahil sinuway niya ito. Ayaw man niyang isipin pero sa galing ng Mama niya, paano kung naging dahilan iyon kaya hindi ito nakapag-concentrate at namatay? Hindi pa man naiuuwi sa HQ ang bangkay ng ina, naitawag na sa kanila ang nangyari. At ko
NANG makarating si Oliver sa apartment niya, may nadatnan siyang paper bag at isang box sa labas ng pinto pero wala na doon si Serenity. Malamang ay hindi pa nito kayang sagutin ang tanong niya kaya naisipan nitong umalis na lang. Pero kung umayaw man ito, hindi rin naman niya pipilitin si Serenity. Kahit ba mahal nila ang isa’t-isa, alam niyang mahirap kay Serenity ang mag-desisyon. Syimpre, nag-aaral pa sila. Hindi rin nito alam na kaya na niya itong buhayin sa laki ng pera na meron siya. “Sir. Andito na pala kayo. Sayang, kaaalis lang ni Mam.” Napatingin siya sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Kapag may nakakasalubong siyang staff, minumukhaan niya at binabasa ang nameplate. Kaya naman agad niyang nakilala si Romeo. At mukhang kilala na rin ito ni Serenity. “Sayang. Dinalhan pa naman kayo ni Mam ng cake at pagkain. Saan ba kasi kayo galing, Sir?” Tahimik lang siya pero hindi niya ata nagugustuhan ang pakikialam nito. At mukhang ayaw pa talaga nitong tumigil. “Sa susunod, Sir,
MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit. Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon. Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan. Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space. Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa is