Share

CHAPTER 3

last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-25 01:23:49

Tuluyan namang naglandas ang mga luha niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Sinabi niya sa sarili na magsi-celebrate siya ngayong gabi dahil single na ulit siya pero heto't umiiyak na naman siya. Wala na yatang katapusan ang pag-iyak niyang ito.

Sakto namang pagdating ni Faye bitbit ang drinks nila. Kinuha niya kaagad ang tequila at diritsong nilagok ito. Mabuti nalang at maraming inorder ang kaibigan. Mukhang malalasing talaga siya ng bongga ngayong gabi.

"Hey... anong problema mo ha beshy? Parang tubig lang ang tequila ah? Broken ka ano?!" tanong nito sa nang- aasar na tono.

Sopistikada itong umupo sa tabi niya at may kinawayan pang mga kalalakihan sa kabilang mesa.

"Don't get me wrong, ganyan na ganyan din kasi ako dati noong na-heartbroken ako nung letcheng lalake na iyon!" dagdag pa nito.

Hindi niya ito sinagot. Pinagpatuloy lang niya ang pag-inom ng alak na parang wala ng bukas. Kaya naman, bumaling ito kay Cora at nagtanong kung napano siya.

"Hayaan mo na muna yang mag-walwal ngayon. Bukas mo nalang siya tanungin" sabad naman ng kaibigan.

Tumango-tango naman si Faye rito at sinabayan nalang siya sa pag-inom ng alak. Inaya pa siya nitong sumayaw na kaagad naman niyang tinanggap.

Nang gabing iyon, nagpakasaya siya. Nilunod niya ang sarili sa alak upang makalimot kahit pansamantala.

Nabalik siya sa reyalidad nang marinig ang pagtawag ni Cora galing sa kusina.

"Handa na ang pagkain..." anunsyo nito sa kanila.

Nagluto ito ng Sinigang na Hipon. Paborito niya. Para daw iyon sa hang-over. Hindi kasi uminom si Cora kagabi at siya raw ang magmamaneho. Kaya sila lang ni Faye ang nagpakalunod sa alak. May hang-over stew at tteokbokki na korean dish. Paborito ni Faye. May iba pa siyang niluto na paborito nilang tatlo.

Nagmukhang piyesta tuloy ang mesa niya. Masarap ang lahat ng pagkain.

Magaling din kasing magluto si Cora. Halos lahat yata ng talent nandito na. Kung siya, sinalo ang kagandahan. Si Cora naman ay sinalo lahat ng talento na ibinigay ni Lord. Pwede na nga itong mag-asawa. Jackpot talaga ang magiging future husband nito kung sakali.

Habang si Faye naman ay magaling sa pag-awit. Noong nagpaulan si Lord ng talento sa pag-awit ng pagkalamig-lamig, sinalo yata lahat ni Faye. Kahit anong kantahin nito kasi ay makakatulog ka talaga!

Bentang-benta rin ang sense of humor nito na nakukuha niya minsan. She's really proud of them. Malayo man ang mga parents nila pero heto sila at kapiling ang isa't isa. Nasa Spain kasi ang parents niya.

May mga negosyo din kasi sila doon na kailangang asikasuhin. Samantalang ang parents naman ni Cora ay nasa Russia. Ang kay Faye ay nasa UK pero okay lang naman 'yon. Isang pamilya na naman silang magkaibigan.

May nawala mang isa sa mga kaibigan niya pero nandito naman ang dalawang taong palagi niyang maaasahan. Masasandalan sa hirap man o ginhawa. Ano pa nga ba ang kulang?

They are all successful. Silang tatlo ay tinangguriang "The Young Billionaires" at the age of 26, magkaiba lang sila ng birth months. Si Faye, September. Si Cora naman ay July then siya? December.

Isa-isa niyang tiningnan ang dalawang kaibigan. Napangiti nalang siya habang masaya silang tatlo na kumakain ng pananghalian at nagku-kwentuhan.

Maya-maya pa ay itinaas ni Faye ang bowl na may sabaw at tiningnan siya.

"Alam mo beshy, marami pang isda sa dagat. Wag ka doon sa shokoy" pabiro nitong pasaring sa kanya.

Natawa naman sila ni Cora sa sinabi ni Faye.

"Grabe ka naman sa shokoy beshy... Eh sa'n ba kasi ang dagat na iyan at nang makapag-swimming ako" pabiro niyang sagot dito.

"So, magsi-swimming ka lang? Di ka manghuhuli ng isda?" balik nitong tanong sa kanya.

Tiningnan niya ang soup na mainit pa habang dahan-dahang hinahalo ito.

"Kahit nga seguro isda ngayon,hindi na faithful" malungkot na wika niya sa mga kaibigan.

Hinipan niya muna ang soup bago tinikman. As usual, masarap talagang magluto si Cora kung kaya,busog na busog sila ni Faye. Sa dami ba naman ng nilutong putahe ni Cora. After nilang magligpit ng pinagkainan, si Faye na ang nagpresenta na maghugas ng mga plato while Cora on the other side, niligpit ang mga natirang pagkain at inilagay sa ref. Habang siya? Nakatunganga lang.

Ayaw din naman siyang pakilosin ng mga kaibigan niya. After that, they decided na manuod nalang muna ng movie sa sala para naman ma-digest ang kinain nila. Dito kasi muna titira sina Cora at Faye. Babantayan daw siya ni Cora at sasamahan sa journey of moving on. Si Faye naman, sinabi na babantayan daw siya kung sakaling maisipan niyang magpakatanga ulit kay Noah. Well, hindi niya rin masisisi ang kaibigan. Binalak nga niyang patawarin ang gago diba?

Work from home lang muna ang naisip nila for now. Sila nga lang muna because she took a break. Iyon din ang advice nina Cora at Faye sa kanya. Segurado naman kasing lutang pa siya dahil sa mga nangyari sa kanya. Hindi rin siya makakapag-work as usual. Mabigat parin ang pakiramdam niya pero hindi na niya nalang inalintana pa iyon. Kailangan niyang mag-move forward. Masakit man sa una pero alam niyang malalagpasan niya ito. Sa tulong na rin ng mga kaibigan niya. Maya-maya pa ay nilingon sila ni Cora.

"Anong gusto niyong panuorin guys?" tanong nito sa kanila habang busy sa kaka-scroll sa flat screen TV, "Ito nalang kaya? Documentary about different tribes?"

Nagkatinginan naman sila ni Faye dahil sa suggestion ni Cora. Nagkibit-balikat lang ang kaibigan. Tumango naman siya kay Cora. Wala rin namang siyang pakialam sa movie. Alam niya sa sarili niya na hindi rin siya makakapag-focus doon. Cora played the movie. Pinanuod nalang din niya ito.

"Ang dami namang tattoo nila. Gosh! Nakakatakot! Ang la-laki pa ng mga katawan. Kapag niyakap ka niyan, for sure, basag ang bones mo" reklamo pa ni Faye habang lukot ang mukha na nakatingin sa pinapanuod nila ngayon.

Natawa siya sa sinabi nito kaya naisipan niya na asarin ang kaibigan. Total naman, badtrip siya. Ba-badtripin nalang din niya si Faye. Damay-damay na'to. What are friends are for diba? Napahagikhik nalang siya sa naisip. Si Faye pa naman ang madaling asarin sa kanila.

"Hoy beshy, bakit ka tumatawa d'yan? Wag mong sabihin na nabaliw ka na dahil sa break up niyo ni Noah?"

Pinandilatan naman niya ito ng mga mata.

"Akala ko ba gusto mo'kong makapag-move on?! Bakit mo binanggit ang pangalan ha?!" sagot naman niya rito, "Natawa lang ako kasi diring-diri ka sa pinapanuod natin. Not knowing na baka nga nand'yan ang The One mo"

"Eeeewwww! Kilabutan ka nga d'yan Amara! Hinding-hindi 'yan mangyayari no! Isa pa, ang layo-layo niyan. Baka nga kahit dito sa Pilipinas, hindi na 'yan nag-e-exist eh. Baka naman ikaw, nand'yan ang true love mo" pang aasar din nito pabalik at tinaasan pa siya ng kilay.

Natawa nalang siya sa reaction nito. Kapag ganyan na binanggit na ni Faye ang pangalan niya. Ibig sabihin lang noon ay naaasar na ang kaibigan.

On the other hand, napaisip naman siya sa sinabi ni Faye.Paano kaya kung isang taga-tribo talaga ang para sa kanya?

Tiningnan niya si Faye na ngayon ay nakahiga na sa mga hita ni Cora at nagsusumbong. Para talaga itong bata. Hindi parin nag-mature.

"Alam mo beshy, okay lang naman seguro kung ganyan ang makatuluyan ko. Basta ba, hindi ako sasaktan. Isipin mo, nakailang ex na ba ako? Anim na. Imagine? pero lahat sila, niloko ako" malungkot na wika niya sa kaibigan

Bumangon si Faye at saka maayos na naupo sa harapan niya. Tiningnan siya nito nang may malamlam na mga mata.

"Alam mo kasi beshy, love without romance is nothing. Ikaw naman kasi, kahit halik. Bawal sayo. Dapat holding hands lang at kapag halik naman, dapat sa cheeks lang. Ano kayo nun? Magkaibigan? Parang hindi kayo mag-syota!"

Pinitik naman ni Cora si Faye sa ilong na ikinareklamo nito lalo.

"That's her choice. Modern Maria Clara 'tong kaibigan natin eh"

Nag-thumbs up naman siya kay Cora na ikinatawa lang nito.

"Masama ba 'yon? Gusto ko lang naman na kapag kinasal kami, buong-buo kong maibibigay ang puso't kaluluwa ko sa kanya. Pati katawan. Hindi naman porke't liberated akong tingnan at may negosyo na puro kalaswaan ay ganoon narin ako. Ipinamana lang naman iyon sa akin nila Daddy. Masama bang mangarap?"

Nilapitan siya ni Faye at hinawakan ang mga kamay.

"Wala namang masama doon beshy. Kaya lang, that's not how the world works. Sa panahon ngayon, baka nga kahit ganyang taga-tribo eh wild na rin" sabay turo sa TV.

Napabuntong-hininga nalang si Amara sa sinabi ng kaibigan. Niyakap naman siya nina Cora at Faye.Wala na ba talagang maginoo sa panahon ngayon? Iyong papasa sa standards niya?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 44

    “Handa na ang pagkain...”Napalingon kami ni Mama Diwa sa tawag ni Dakila. Ang cute nitong tingnan sa suot nitong pink apron na galing sa akin. Ibinigay ko iyon sa kanya after kong makuha ang aking luggage bag. Noong una, ayaw niya pang tanggapin pero napilit ko rin kalaunan.“Kumain na muna tayo ng hapunan, Inang...” napakamot ito sa kanyang ulo at palipat-lipat ang tingin sa amin, “Nakadisturbo ba ako?”Mukhang napansin yata nito ang namamaga naming mga mata dahil sa naging iyakan namin kanina.“Tapos na kaming mag-usap, halika na Amara. Masarap iyong mga dala ko. Magugustuhan mo panigurado”Tumango ako kay Mama at saka magkasabay kaming naglakad patungo sa loob ng bahay. Nakasunod naman sa amin si Dakila na tahimik lang. Pagdating namin sa kusina ay nabungaran kaagad namin si Makisig na may malaking ngiti sa labi habang namimilog ang mga m

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 43

    Tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi madali ang pinagdaanan ni Mama. Alam ko dahil pinagdaanan ko narin iyon. Nangyari narin sa akin na nasaktan ako ng pisikal ni Noah.“Tahan na, Mama...” I rubbed her back to calm her.“No, I’m okay... I want you to know what happened also...” inilayo nito ang sarili sa akin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti, “Nagtiis ako. Akala ko kasi, magiging maayos din kami. Kasi, hindi naman siya ganun nung nagkakilala kami. He’s a very sweet and caring man. He loves me so much. Sabi ko sa sarili ko, hindi iyon si Jude. Hindi niya kayang gawin sa akin ang mga bagay na iyon. Pinaniwala ko ang sarili ko na magiging maayos kami muli. Kaya mas pinili ko parin mag-stay kahit binubugbog na niya ako ng paulit-ulit. Hanggang sa nag away na naman kami. Sinuntok niya ako sa sikmura. Alam mo kung ano ang

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 42

    Nakaupo kami ngayon sa sala. Magkatabi si Dakila at Makisig na nasa harapan namin habang kami naman ng Inang Diwa ni Dakila ang magkatabi. Ang Inang niya na dati ko palang nanny. Oo, tama kayo, ang hinahanap kong nanny ay nasa isang Isla lang pala na katabi ng Batanes. Ang nanny ko na itinuring ko ng pangalawang Nanay. Ang nanny na mahal na mahal ako at mahal na mahal ko. Nakayakap ako ngayon sa kanya. Naglalambing habang nakataas ang isang kilay kay Makisig. Ano ka ngayon ha?! May bago akong kakampi! “Ano bang nangyari sa inyong dalawa, Makisig?” tanong ni Inang Diwa sa malumanay na boses.Umayos ng upo si Makisig saka nagsimulang magpaliwanag.“Nagkukulitan lang naman kami, Dayang Diwa...” hindi makatingin nitong sagot.Bumaling naman si Inang Diwa sa akin. Hinaplos nito ang buhok ko at may ngiti sa mga labing nagsalita.“Amara... Ano bang nangyari

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 41

    Naiyak nalang ako ng tahimik sa loob ng cubicle. Hindi pa ako tapos magsalita. Bakit naman ganun?Natawa nalang ako nang maalala ang mga nangyari. Pagkatapos noon ay iniwan ako ni Noah sa restaurant. Mabuti nalang at dumating sina Cora at Faye upang tulungan ako.Gusto nga nila na hiwalayan ko kaagad si Noah after what happened pero nagpaliwanag naman din kasi ito na nagkaroon daw ng emergency sa bahay nila kung kaya hindi na nakapag-paalam sa akin. Syempre, mahal ko kaya pinatawad ko.Sinabunutan pa nga ako ni Faye noon na humantong sa tampuhan namin. Tanga raw kasi ako na sa ngayon ay masasabi kong tama talaga siya. Mabuti nalang at naayos ni Cora ang misunderstanding namin na iyon. Ilang beses rin naming pinag-awayan si Noah.Naalala ko rin ang dati na nag-away kami at hinayaan niya lang akong umiyak. Iniwan niya pa ako sa gitna ng kalsada. Ni hindi manlang naisip nito na mapapahamak ako. Mabut

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 40

    "Hala! Sorry! Ikaw kasi eh! Puro kababuyan ang mga sinasabi mo!" wika ko saka dali-daling kumuha ng tissue na palaging nasa gitna ng lamesa ni Dakila nakalagay.Napapikit ito at halatang nagpipigil lang sa sarili.Pinunasan ko ang mukha nito habang pinipigilan ang sarili kong matawa at the same time, naaawa rin ako rito. Poor Makisig. Sorry talaga."At natatawa ka pa talaga ha?" naiinis na bulyaw nito sa akin."Ha? Hindi... Sinong natatawa? Ako ba? Naku! Hindi. Bakit naman ako matatawa? May Buko-Salad ka lang naman sa may bukana ng ilong mo" sagot ko na hindi makatingin dito."Ano ba! Sinusundot mo na ang ilong ko eh!" reklamo nito."Ay naku! Sorry talaga Beshy..." inilayo nito ang mukha sa akin saka ito tumayo at naghilam

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 39

    Nagising ako dahil sa isang awitin na aking narinig. May kumakanta gamit ang gitara. Medyo husky ang boses ha? Alam kong hindi si Dakila iyon dahil alam ko na ang boses nun. Napailing nalang ako at tinampal ang aking noo."Baka naman nagkakamali ako? Baka si Dakila nga? May mga singer din naman na nag-iiba ang boses kapag umaawit na, diba?"Bumangon na ako saka niligpit ang aking higaan. Medyo, pagod parin ang pakiramdam ko. Malakas ang menstruation ko ngayon dahil first day. Usually kasi, lumalakas agad ang period ko basta unang araw at pangalawa. Kapag 3rd day na, medyo okay na ang pakiramdam ko nun. Hindi narin masyadong malakas ang period ko that day. Pagka-4th day, mawawala na. Kaya, tiis-tiis nalang muna ako sa period na ito.Binuksan ko ang pintuan at dumiritso muna sa banyo. Kailangan ko kasing e-dispose ang nakolektang dugo galing sa cervix ko at itapon. After that, huhugasan ko

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status