Humigit-kumulang isang daang isang milya, pa-Hilagang Luzon at isang daan at siyamnaput kilometro sa gawing Timog ng Taiwan.
Matatagpuan sa Kanlurang bahagi ng Sabtang Island na pinaghihiwalay ng isang malalim na karagatan, na halos dalawang kilometro kalapad. Makikita ang isang mala-paraisong Isla na malayo sa kabihasnan.
The government declared that the island was uninhabitable. Ibig sabihin, imposible itong tirhan ng mga tao dahil sa mapanganib ang lugar. Later on, the government revoked and declared that it is now habitable. Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat ay may isang pangkat na ng mga tao ang matagal ng naninirahan sa Isla. Sila ay binubuo ng isang tribo. Ang tribong Itbayat. Sila ang namamahala at pumoprotekta sa Isla. Pinamumunoan sila ng isang Datu na may nasasakupan na halos 250 katao.
Mahigit apat na libong taon na ang nakakalipas, sa panahon ng Neolithic. Nanirahan ang tribong Itbayat sa isang bundok ng Vohas Island na tinatawag nilang idjangs. Ito ay isang burol na ginawa nilang kuta at tirahan. Matarik ito at mahirap akyatin.
Sinadya itong hubugin ng mga Itbayat upang maging mahirap sa mga mananakop na umatake. Dahil narin sa istraktura ng burol, mas madali para sa mga taga-tribo na maipagtanggol ang kanilang sarili mula sa mataas na posisyon. The hills were selected due to their location and then improved by making it steeper and adding rock formations on the sides to improve its defensibility.
Sa pagdaan ng panahon, maraming mga Itbayat ang nakapagtapos ng pag-aaral at naging mga ilustrado, na nagdala sa kanilang tribo ng mga rebolusyonaryong ideya ng katipunan. Sa kabila noon ay nanatili parin ang kanilang kultura at mga paniniwala ngunit mas malawak na ang kanilang kaalaman na pinanghahawakan. Kung kaya ang kanilang tribo ngayon ay may pamamalakad batay sa modernong panahon.
They already have access to electricity and water. They also build their own schools and churches. But still, their language is preserved. Marunong din naman silang magsalita ng Tagalog at Ingles pero hindi nila nakakaligtaan na magsalita ng kanilang sariling wika. Marami na rin sa kanila ang nagpabinyag bilang Katoliko, habang ang ilan ay nananatili sa sinauna nilang paniniwala at kasali na siya roon.
"Dakila!" sigaw ng isang bata sa may kalayuan.
Lumingon ang isang binata na may mga tattoo sa katawan at kumaway dito. Katatapos lang nito sa pag-aararo sa bukid upang taniman ng mga kamote,ube,cassava,gabi, at bawang. Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay nilang mga Itbayat. Kinuha niya ang nakapatong na tela sa balikat at ipinampunas sa pawis na pawis na mukha dahil sa maghapong pag-aararo. Inalis niya muna ang suot na salakot na tinatawag nilang talugong, pati narin ang kanayi (woven vest) na suot. Gawa ito sa ginutay-gutay na dahon ng isang puno na tinatawag nilang Voyavoy o Date Palm. Lumalaki ito hanggang apat na metro ang taas. May matigas at magaspang na katawan at matutulis na mga dahon. Isinampay niyang muli ang tela sa balikat at mabilis na naglakad patungo sa batang tumawag sa kanya.
"Anong sadya mo sa'kin Banoy?" Aniya na kaagad nagtungo sa lilim ng punong akasya.
Kinuha niya ang lagayan ng tubig at kaagad na uminom. Ngayon palang niya naramdaman ang pagod sa buong araw na pagtratrabaho sa bukid. Kinailangan niya kasing bilisan ito bago pa man dumating ang panahon ng tag-ulan.
"Pinapatawag ka ni Datu Kidlat at may pagpupulong daw na gaganapin sa nayon kasama ang lupon ng matatanda" sagot nito at umupo katabi niya.
Kaagad na inilabas nito ang isang supot na may lamang mangga.
"Makaintindi ka su Ivatan?" (nakakaintindi ka ba ng Ivatan?) tanong niya rito at kumuha ng isang kapirasong mangga.
"Machinanawu aku su Ivatan" (nag-aaral ako ng Ivatan) sabay thumbs up nito sa kanya.
"Hindi naman porke't nanirahan kami ni Ina sa Maynila ay kakalimutan ko na ang wika natin kaka" (kuya) dagdag pa nito sabay ngiti ng malawak.
Ngumiti lang siya sa naging tugon ni Banoy. Sampung taong gulang na ito. Ang Ina nito ay nakapag-asawa ng taga-Maynila noong minsang may bumisitang mga Archaeologist sa Isla. Sa kasamaang palad, hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama at naghiwalay. Bumalik ang Ina ni Banoy sa Isla at dito na ulit nanirahan.
"Okay ah!" (mabuti naman) Aniya at kumuha pa ulit ng mangga.
"Makey aku nu mangga. Manawnas iya" (Gusto ko ang mangga. Matamis) tumayo siya at pinagpagan ang suot na bahag.
"Naging maaga ang anihan ng mangga kaka. Sa katunayan, ito ang mga hindi nakapasa para maibenta sa kabilang Isla. Kaya hiningi ko. Ibibigay din naman nila ito sa mga ka-tribo diba?"
Tumango siya at ginulo ang buhok ng batang lalake na ikinatawa nito.
"Mahep dana, mangay tana..." (pa-gabi na, tara)
Tumayo narin ito at sabay na silang naglakad pabalik sa nayon para dumalo sa gaganaping pagpupulong. Malayo-layo pa ang kanilang lalakbayin pababa pero hindi naman mahirap ang daan. Kasabay kasi ng modernisasyon ay naging maunlad na rin ang kanilang Isla. Naipaayos nila ang mga daan at ginawang sementado.
"Sumavat aku na sichanguryaw kaka, mirwa ta an kadwan, babay!"(uuwi na'ko ng bahay kuya, magkita nalang tayo sa susunod, paalam!) sigaw ni Banoy sa kanya na naglakad na papalayo papunta sa ibang direksyon.
Tumango lang siya rito at tipid na ngumiti. Binilisan narin niya ang mga hakbang pauwi sa kanilang tahanan.
"Ina?... Ara yu taw?" (Nay?... May tao ba?) Aniya at mahinang kumatok sa pintuan ng kanilang munting tahanan.
Ang mga bahay sa Isla ay karaniwang gawa sa apog,bato,kahoy at kati. Binubuo ito ng tatlong istraktura. Sala,kwarto at kusina, na kadalasan ay ginagawa nilang imbakan tuwing may bagyo.
Ang loob ng bahay ay maaliwalas at may malaking espasyo, kung saan pwedeng magtipon ang mga ka-tribo kapag may idinaraos na okasyon. Ang bubong ay gawa sa lime material at cogon grass. Idinesenyo ito upang maprotektahan sila laban sa malakas na hangin. Their island is known to be typhoon destination in the Philippines that's why they built their houses made of stones.
Maya-maya pa ay may lumabas na babaeng may katandaan na pero maliksi paring kumilos. May malaki itong ngiti sa mga labi at nakabuka ang mga braso para yakapin siya.
"Imu sawen,Dakila! Sumdep ka" (ikaw pala, Dakila! Halika) kaagad siyang niyakap nito at hinagkan sa pisngi.
Niyakap niya pabalik ang ina. Minsan lang kasi siya kung umuwi sa kanila. Masyado siyang abala sa bukid at nakabukod na rin. Sa edad na 30 ay may sarili na siyang bahay at doon na namamalagi. Bumisita lang siya ngayon dahil may pagpupulong at nami-miss narin niya ang ina.
"Kumninan ka na?" (kumain ka na ba?) tanong nito sabay hila sa kanya papunta sa kusina.
Umiling lang siya sa tanong ng Ina.
"Kuman ta na sichamguryaw? Angu uyaven ta?"(kakain na ba tayo?anong hapunan natin?) nakangiti niyang tanong sa Ina, "Nandito ang Ama mo. Ayun, nauna nang umupo. Kakain na sana kami kanina. Mabuti nalang at sakto kang dumating. Nakahabol ka pa sa hapunan" sagot ng Ina sabay turo sa Ama niyang tumayo sa kinauupuan at niyakap din siya.
"Dakila! Ara ka manguh?" (kamusta ka?) hinila na siya ng Ama paupo sa isang silya.
"Mapya Ama,imu?" (maayos lang ako Ama,ikaw?) sagot niya at kumuha na ng plato at kutsara, "Medyo naging abala lang ako sa bukid kaya ngayon lang nakabisita"
"Mapya... (okay lang) masdep sa u kanekanen. Kuman ta na (Masarap ang ulam. Kumain na tayo) Nagluto ang Ina mo ng piniritong dibang" sabay abot sa kanya ng ulam.
"May pagpupulong mamaya... Makangay ka? (Makakadalo ka ba?) Mapya siguro an myan ka dawri (Mas maigi kung naroon ka) pag-uusapan ang tungkol sa nalalapit na pagdiriwang"
“Handa na ang pagkain...”Napalingon kami ni Mama Diwa sa tawag ni Dakila. Ang cute nitong tingnan sa suot nitong pink apron na galing sa akin. Ibinigay ko iyon sa kanya after kong makuha ang aking luggage bag. Noong una, ayaw niya pang tanggapin pero napilit ko rin kalaunan.“Kumain na muna tayo ng hapunan, Inang...” napakamot ito sa kanyang ulo at palipat-lipat ang tingin sa amin, “Nakadisturbo ba ako?”Mukhang napansin yata nito ang namamaga naming mga mata dahil sa naging iyakan namin kanina.“Tapos na kaming mag-usap, halika na Amara. Masarap iyong mga dala ko. Magugustuhan mo panigurado”Tumango ako kay Mama at saka magkasabay kaming naglakad patungo sa loob ng bahay. Nakasunod naman sa amin si Dakila na tahimik lang. Pagdating namin sa kusina ay nabungaran kaagad namin si Makisig na may malaking ngiti sa labi habang namimilog ang mga m
Tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi madali ang pinagdaanan ni Mama. Alam ko dahil pinagdaanan ko narin iyon. Nangyari narin sa akin na nasaktan ako ng pisikal ni Noah.“Tahan na, Mama...” I rubbed her back to calm her.“No, I’m okay... I want you to know what happened also...” inilayo nito ang sarili sa akin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti, “Nagtiis ako. Akala ko kasi, magiging maayos din kami. Kasi, hindi naman siya ganun nung nagkakilala kami. He’s a very sweet and caring man. He loves me so much. Sabi ko sa sarili ko, hindi iyon si Jude. Hindi niya kayang gawin sa akin ang mga bagay na iyon. Pinaniwala ko ang sarili ko na magiging maayos kami muli. Kaya mas pinili ko parin mag-stay kahit binubugbog na niya ako ng paulit-ulit. Hanggang sa nag away na naman kami. Sinuntok niya ako sa sikmura. Alam mo kung ano ang
Nakaupo kami ngayon sa sala. Magkatabi si Dakila at Makisig na nasa harapan namin habang kami naman ng Inang Diwa ni Dakila ang magkatabi. Ang Inang niya na dati ko palang nanny. Oo, tama kayo, ang hinahanap kong nanny ay nasa isang Isla lang pala na katabi ng Batanes. Ang nanny ko na itinuring ko ng pangalawang Nanay. Ang nanny na mahal na mahal ako at mahal na mahal ko. Nakayakap ako ngayon sa kanya. Naglalambing habang nakataas ang isang kilay kay Makisig. Ano ka ngayon ha?! May bago akong kakampi! “Ano bang nangyari sa inyong dalawa, Makisig?” tanong ni Inang Diwa sa malumanay na boses.Umayos ng upo si Makisig saka nagsimulang magpaliwanag.“Nagkukulitan lang naman kami, Dayang Diwa...” hindi makatingin nitong sagot.Bumaling naman si Inang Diwa sa akin. Hinaplos nito ang buhok ko at may ngiti sa mga labing nagsalita.“Amara... Ano bang nangyari
Naiyak nalang ako ng tahimik sa loob ng cubicle. Hindi pa ako tapos magsalita. Bakit naman ganun?Natawa nalang ako nang maalala ang mga nangyari. Pagkatapos noon ay iniwan ako ni Noah sa restaurant. Mabuti nalang at dumating sina Cora at Faye upang tulungan ako.Gusto nga nila na hiwalayan ko kaagad si Noah after what happened pero nagpaliwanag naman din kasi ito na nagkaroon daw ng emergency sa bahay nila kung kaya hindi na nakapag-paalam sa akin. Syempre, mahal ko kaya pinatawad ko.Sinabunutan pa nga ako ni Faye noon na humantong sa tampuhan namin. Tanga raw kasi ako na sa ngayon ay masasabi kong tama talaga siya. Mabuti nalang at naayos ni Cora ang misunderstanding namin na iyon. Ilang beses rin naming pinag-awayan si Noah.Naalala ko rin ang dati na nag-away kami at hinayaan niya lang akong umiyak. Iniwan niya pa ako sa gitna ng kalsada. Ni hindi manlang naisip nito na mapapahamak ako. Mabut
"Hala! Sorry! Ikaw kasi eh! Puro kababuyan ang mga sinasabi mo!" wika ko saka dali-daling kumuha ng tissue na palaging nasa gitna ng lamesa ni Dakila nakalagay.Napapikit ito at halatang nagpipigil lang sa sarili.Pinunasan ko ang mukha nito habang pinipigilan ang sarili kong matawa at the same time, naaawa rin ako rito. Poor Makisig. Sorry talaga."At natatawa ka pa talaga ha?" naiinis na bulyaw nito sa akin."Ha? Hindi... Sinong natatawa? Ako ba? Naku! Hindi. Bakit naman ako matatawa? May Buko-Salad ka lang naman sa may bukana ng ilong mo" sagot ko na hindi makatingin dito."Ano ba! Sinusundot mo na ang ilong ko eh!" reklamo nito."Ay naku! Sorry talaga Beshy..." inilayo nito ang mukha sa akin saka ito tumayo at naghilam
Nagising ako dahil sa isang awitin na aking narinig. May kumakanta gamit ang gitara. Medyo husky ang boses ha? Alam kong hindi si Dakila iyon dahil alam ko na ang boses nun. Napailing nalang ako at tinampal ang aking noo."Baka naman nagkakamali ako? Baka si Dakila nga? May mga singer din naman na nag-iiba ang boses kapag umaawit na, diba?"Bumangon na ako saka niligpit ang aking higaan. Medyo, pagod parin ang pakiramdam ko. Malakas ang menstruation ko ngayon dahil first day. Usually kasi, lumalakas agad ang period ko basta unang araw at pangalawa. Kapag 3rd day na, medyo okay na ang pakiramdam ko nun. Hindi narin masyadong malakas ang period ko that day. Pagka-4th day, mawawala na. Kaya, tiis-tiis nalang muna ako sa period na ito.Binuksan ko ang pintuan at dumiritso muna sa banyo. Kailangan ko kasing e-dispose ang nakolektang dugo galing sa cervix ko at itapon. After that, huhugasan ko
Nabulunan ako sa aking pagkain dahil sa sinabi ni Dakila. Dali-dali namang iniabot nito ang tubig sa akin at hinagod ang aking likod.“Ayos ka lang ba, Amara?” nag-aalalang tanong ni Dakila sa akin.“H-Ha? Oo, Oo naman. Ayos lang ako. Uhm... Iyong kanina ba? A-Ano kasi... Personal cup ko iyon!” paliwanag ko na nauutal.Para tuloy akong pinagpapawisan. Bigla akong na hot seat! Paano ko naman kasi ipapaliwanag rito na iyong laman nun ay para sa period ko?! Tiningnan naman ako ni Dakila ng nagtataka pero hindi na rin ito nag-usisa pa na ipinagpasalamat ko. Nakahinga ako ng maluwag. Sa susunod, hindi ko na talaga iiwanan ang MC ko kahit saan! Mag-iingat na ako upang hindi na maulit ang kahihiyang ito.Tumayo na si Dakila upang ligpitin ang aking pinagkainan at lumabas ng kwarto. Pagbalik ni Dakila ay inilapat na nito ang tumbler na kanina ay inihanda nito. Min
Tanghali na ng magising si Amara. Ang bigat ng kanyang pakiramdam. Kanina pa siya ginigising ni Dakila pero puro tango lang ang naging tugon niya. Wala siya sa tamang wisyo ng iminulat niya ang mga mata. Parang gusto niyang manapak dahil sa bigat ng pakiramdam niya ngayon. Ang sakit din ng kanyang puson. Naglakad siya palabas sa kwarto dala ang kanyang mini pouch na may lamang mga necessary items na need niya. Nagpakulo na muna siya ng tubig. After that, kinuha niya ang kanyang menstrual cup.Si Faye ang nag-introduced nito sa kanila ni Cora and she finds it so convenient and environmentally friendly. The menstrual cup is collapsible and she likes the fact that it is so small that you can carry it anywhere. Given that it is the only collapsible menstrual cup. It has a compact-like container. This means you can discreetly toss it in the bottom of your purse, assured that it’s there whenever and whereve
DAKILA’S POV Ako ang unang nagbaba ng tingin. Kailangan kong pigilan ang aking sarili. Gusto kong magsimula kami ulit ni Amara. Mula sa pagiging magkaibigan. Gusto kong makilala siya. Gusto ko ring makilala niya ako ng lubusan. Nang sa gayon ay unti-unti kong maipapaliwanag sa kanya ang tungkol sa aking panata. Alam kong may iba na akong nararamdaman ngunit kailangan ko itong pigilan. Hindi maaari. May sinumpaan ako. Hindi ko ito kayang baliin. “I am a CEO of a big company in Manila. May iba rin akong mga business aside from that” wika ni Amara na nakatingin sa kalangitan, “I am in a relationship with my longtime boyfriend” Naging masama ang templa ko sa huling sinabi ni Amara. Hindi ko mapigilang mairita. Tumikhim muna ako bago nagsalita. “Anong nangyari pagkatapos?” tanong ko. Tumagilid ng higa si Amara paharap sa akin saka ngumiti ng malungkot. “He cheate