Share

Kabanata 4

Nagising na naman ako sa ingay ng alarm sa cp ko ngunit hindi kaagad ako naka bangon dahil sumakit ang ulo ko. May hangover ata ako. Gustuhin ko mang wag muna bumangon pinilit ko paring maka bangon dahil may klase pa ako. Agad akong dumeretso sa banyo upang maligo nag baba sakaling mawala ang hang over na ito.

God!!! mukhang naparami ang inom ko kagabi

Pagkatapos kong maligo noodles ang niluto kong ulam.

Paalis na ako ng apartment ko ng may nag notif sa i* account ko.

gael_xxx started following you

Na curious ako sa account kaya I clicked the notification only to find out it was Gael Ysa's cousin yesterday.

Natulala ako saglit at nag tatanong bakit siya nag follow sa akin at bakit alam niya i* account ko. Naka private ang account ko kaya di niya agad makikita ang laman ng i* account ko unless ipa followback ko siya. Wala akong f* account dahil deleted siya sa cp ko. Hindi naman kasi ako mahili* mag scroll sa f* kaya I* lang gamit ko.

Kahit naguguluhan man pinatay ko na lang ang cp ko upang maka alis na ng apartment.

Pag dating ko sa TCC kararating lang ni sir Molawan agad siyang nag attendance pag katapos nag simula na siyang mag turo wala akong maintindihan sa tinuturo niya dahil nahihilo ako at masakit ang tiyan ko.

Nakatulog ako sa klase ni sir ng hindi ko namamalayan.

Nagising lang ako ng may tumakip sa braso ko.

Sweet gising na tapos na ang klase ni sir Molawan.

Agad akong tumayo at tumingin sa paligid kaming dalawa na lang pala dito sa comlab 1.

Napa pikit ako sa sakit ng ulo ko

OK ka lang Sweet? namumutla ka

Hinawakan niya ang ulo ko at napa atras ang kamay niya sa sobrang init nito.

Sobrang init mo Sweet nilalagnat ka.

Lalakad na sana ako upang lumabas ng room ngunit sa hilo ko natumba lang ako buti na lang may dalawang braso agad ang sumalo sa katawan ko.

Wala na akong maintindihan sa paligid ko dahil sa hilo at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising ako ng may maamoy akong masarap na pagkain. Iminulat ko ang mata ko at ang mukha ni Sere agad ang bumungad sa akin.

Gising kana pala gigisingin sana kita para pakainin at painumin ka ng gamot.

Salamat Bash sa pag aalaga sa akin naabala pa kita.

NO NO NO Don’t thank me kararating ko lang. Si Jace yung pinsan ni Ysa ang dapat mong pasalamatan siya ang nag hatid sayo dito. Pag dating niya kasama ka paalis na rin sana ako ng apartment dahil nga may klase ako. Di kita maalagaan kasi may long quiz kami kaya nag volunter siyang mag alaga sayo. Binantayan ka niya hanggat maka balik ako. Siya rin ang luto nitong Chicken Arroz Caldo.

Tinignan ko ang katawan ko iba na ang sout kong damit.

Ibig sabihin binihisan niya ako?

Napasabot ako sa buhok ko sa hiya.

Hoy!! Gaga hindi ka pa masyadong magaling baka mabinat ka.

Sabay tagal ng mga kamay ko sa buhok ko.

Nakakahiya Bash

Anong nakaka hiya?

Finallow niya ako sa I* kaninang umaga.

Finallow back mo?

Wala

Gaga ka I followback mo mukhang interesado sayo akalain mo. Hindi pa talaga kayo pormal na mag kakilala pero kung umasta siya parang boyfriend mo o kaya manliligaw.

Natatawang pahayag ni Sere

Ang dumi ng utak mo Bash di pwedeng gentleman lang talaga siya.

Basta iba yung pakiramdam ko gusto ka niya.

Kanina pag dating ko nakatulog siya kakabantay sayo. Nakaupo siyang natutulog sa sahig habang naka dantay sa kama mo.

Agad kong kinuha ang cp ko sa tabi ng kama ko para tignan ang camera ng cctv naka install sa apartment ko lalo na dito sa room ko.

Tumabi sa akin si Bash alam niya rin kasing may secret cctv ang apartment ko.

Nakita namin kung paano ako alagaan ni Gael. Tawang tawa si Bash sa part na binibihisan ako ni Gael. Nahirapan kasi siyang bihisan ako habang naka pikit ang kanyang mga mata. Kung hawakan niya ang balat ko para siyang takot mapaso. Napaka gentleman niya sa video na ikinalakas ng tibok ng puso ko.

Agad ko siyang at finallow back sa I*.

Ui si Bash namumula ka HAHAHA kinikilg siya sana all HAHAHA

Hindi ahh!!

sabay talikod sa kanya

Bash pulang pula mukha mo. HAHAHAHA

May bigla akong naalala napa ngit ako sa naisip kong ganti sa kanya.

Humarap ako kay Sere

Alam mo Bash pansin ko bagay kayo ng kuya ni Ysa HAHAHHA

Nawala yung malaking niyang ngiti sa labi dahil sa sinabi ko.

Enemy to lovers troupe ang peg ayyyieehhh HAHAHA

Pahabol ko pang hirit na lalong kina iinis niya.

Anong bagay ewwww yuccckk ang lalaking yun bagay maging boyfriend ko?

Nakakadiri ewwww yucckkk

Natatawa ako sa reaction niya parang siyang masususka

Wag na lang mas gugustuhin ko pang maging single habang buhay. Wag lang siyang maging boyfriend ko.

Sobrang yabang ng lalaking yun. EKIS sa RED FLAG hahahah

Kumain ka na nga ang dami mo ring alam

Nilalamig na ang nilutong chicken Arroz Caldo ng future boyfriend mo at saka alis na rin ako mag rereview pa ako may long quiz kami bukas kang sir Jeff.

Sigeh Bash Salamat

Agad ko nang kinain ang pag kaing nasa harap ko habang kumakain ako. Nag iisip ako kung paano ko ba papasalamatan si Gael sa pag babantay sa akin habang may sakit ako. Pag katapos kong kumain niligpit ko muna pinag kainan ko at hintay muna ang 30 minutes para inumin ang gamot saka ako bumalik sa kwarto .

Pag balik ko agad kong tinignan ang messenger kong may chat ba sa gc namin pero walang chat ngunit may nag message request sa akin nang tignan ko si Gael agad ko itong inaccept.

Gusto kong mag pasalamat sa ginawa niya kaso nahihiya akong mag chat ng bigla siyang mag chat

Hi Sweet

Ilang minuto akong natulala sa chat niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba at saya kaya kahit nanginginig ang kamay ko nag reply ako ng

Hello Gael, thank you nga pala sa pag alaga sa akin habang may sakit ako.

Gusto ko sanang sabihin na masarap ang luto niyang chiken arroz caldo ngunit binura ko ito at ang unang sentence lang ang sinent ko.

Agad nag appear ang tatlong tuldok senyales na nag ta type siya ng reply.

Matapos ng ilang minuto nabasa ko na ang reply niya na

Welcome, kamusta na pakiramdam mo? May niluto ako bago umalis kinain mo na ba?

Napa singhap ako sa mga tanong niya kung maka tanong parang boyfriend lang. Napangiti ako sa kilig at agad na nag reply sa chat niya.

Medyo ok na pakiramdam ko kailangan ko pa ng konting pahinga katatapos ko palang kumain at uminom ng gamot.

Masarap siya

Pahabol kong chat

Ang alin?

Yung niluto mong chiken arroz caldo naubos ko.

Salamat, buti naman kinabahan ako kanina noong bigla kang nahimatay.

Oo nga pala paano mo ako nakita kanina naalala ko kasi yung blockmates ko kasama ko bago ako nahimatay.

Napadaan ako sa comlab 1 nakita kitang namumutla habang kausap yung blockmate mo kaya pumasok na ako para lapitan ka. Timing pag lapit ko sayo natumba ka na.

Napangiti ako sa reply niya

Salamat talaga Gael

Reply ko sa chat niya

Gael?

Nag taka ako sa reply niya kaya nag tanong ako

Bakit ayaw mo bang tawagin kitang Gael?

Hindi, first time kasing may tumawag sa akin sa second name ko halos lahat pati pamilya ko Jace ang tawag nila sakin kaya nakakatuwang tinawag mo kung Gael.

So ok lang tawagin kitang Gael?

Yes sobrang ok lang nakaka kilig nga HAHAHAH

Natawa ako sa reply niya bago nag reply

You can call me anything you want also

Then Sweet Candy itatawag ko sayo

ok lang?

Lalo akong natawa ang taas

Bat Sweet Candy?

Diba sabi mo ok lang kung anong gusto ko itawag sayo.

Kaya Sweet Candy or Candy ang itatawag ko sayo.

Ikaw bahala HAHAHA

Out muna ko Sweet Candy may klase pa ako dumating na si sir Janu.

Sigeh ingat good luck

Hindi na niya sineen chat ko kaya ini off ko na cp ko para matulog muli.

Nabitin ako sa chat namin pero ok lang naka pag pasalaamt naman ako. Sana maka chat ko siya ulit.

Nagulat ako sa sarili kong iniisip

Gaga ka Sweet ang landi mo gusto mo pang maulit? HAHAHA

Saway ko sa sarili

Ang utak ko sinasabing wag maging marupok ayaw sundin naman ng puso ko.

Aiissssshhh bahala na nga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status