Share

Kabanata 7

Maaga akong nagising kahit walang klase kailangan kong mag linis ng apartment ngayon dahil may mga bisita ako. Pupunta ngayon sila Gael para mag patulong sa pag revise ng thesis nila for capstone.

6:30 am gising na ako agad akong nag luto ng agahan at nag linis. 7:30 am na nang matapos ako. Agad akong naligo at nag handa patapos na ako sa ginagawa ko ng mag notif ang messenger ko.

Jace: good morning Sweet Candy nasa labas na ako ng apartment mo.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa dali dali akong pumasok sa kwarto para tumingin sa salamin. Sinuklay ko ang maikli kong buhok at inayos ang gusot kong damit. Lalabas na sana ako ng kwarto pero agad akong bumalik sa salamin para siguraduhing mayos na ang itsura ko.

Nang makonteto lumabas na ako ng kwarto para pag buksan si Gael. Kinakabahan kong pinihit ang door knob para buksan ito. Nakatalikod si Gael nang mabuksan ko ang pinto tatawagin ko na sana siya ng bigla siyang lumingon na ikina gulat ko sa kaba. Napatulala ako sobrang fresh niya sa sout na t-shirt kulay puti na tenernuhan ng black jeans para akong naka tingin sa isang modelo ng penshoppe. May bitbit siyang itim na bag na naka sukbit sa braso niya. Napatingin ako sa bitbit niyang two cups of Don Macchiatos Matcha and Dark choco flavor na ikina kunot ng noo ko.

Hi Sweet Candy

sabay ngiti niya sa akin

Napatalon ako sa gulat ng mag salita si Bash na nasa likod ni Gael.

Jace, dumating ka na pala bye the way Bash, may lakad pala ako ngayon kaya pass muna ako sa pinag usapan natin tsaka nag chat sa gc si Ysa may sarili rin siyang lakad kaya si Jace lang makakasama mo ngayon.

Sabay ngiti niya na may pa sipol pa.

So alis na ako and bye enjoy your getting to know each other..

Nanlaki ang mata ko sa sa sinabi niya pero kahit nahihiya agad akong humarap kay Gael na nakatingin sa akin.

Binuksan ko nang malaki ang pinto upang maka pasok siya.

Halika Gael tuloy ka

Anyaya ko sa kanya

Agad pumasok si Gael napa singhap ako ng lihim nang maamoy ko ang fresh niyang amoy. Yumuko siya upang tanggalin ang sout niyang sapatos napangit ako ng lihim na walang amoy ang sapatos niya. Sobrang lapit niya sa kinatatyuan ko kaya nang tumayo sya ng maayos napa atras ako.

Agad niyang iniharap sa akin ang dala niyang dalawang ice coffee.

Saan to ilalagay?

Kukunin ko na sana ito sa kamay niya nang ilayo niya ito sa akin.

Ako na saan to ilalagay ?

Napaiwas ako nang tingin sa hiya

sa refrigerator muna or baka iinumin muna.

Mamaya na natin to iinumin busog pa ako ikaw kung gusto mo.

Agad akong tumalikod sa kanya para pumunta ng kusina naramdaman kong nakasunod siya sa akin kaya

Hindi mamaya na rin sa akin busog rin ako.

Nang makapasok na kami sa kusina agad kong binuksan ang refrigerator para maipasok ang dalawang ice coffee na bitbit niya pagkatapos lumabas na kami ng kusina at dumeretso sa sala upang simulan ang gagawin namin.

Nang maka upo na kami sa harap ng maliit na mesa na inihanda ko malapit sa may coach agad niyang inilabas ang laptop niya.

Pasensya na talaga Sweet kong maaabala kita halos mga programmer kasi mga kasama ko hirap kami sa documents last week na defense namin di pa maayos ang documents namin.

It’s ok excited nga ako eh at tsaka curious rin ako sa thesis. I want to have an advance knowledge about capstone yung instructor namin bijnibigyan na kami ng hints anong meron sa capstone na course kaya na eexcite akong tulungan ka.

Napangiti siya sa sinabi ko.

Ano nga pala yung system na ginawa niyo?

Tanong ko sa kanya kahit kinakabahan ako dahil sa titig niya.

Agad siyang umiwas ng tingin at pinag patuloy ang ginagawa habang binubuksan ang laptop.

It was GMIS Grade Management Information System for San Martin Senior High school.

Nang mabuksan ang laptop naalala ko yung laptop ko.

Teka lang yung laptop ko nakalimutan ko.

Agad akong pumasok sa kwarto ko para kunin ang laptop kong nasa study table ko. Nang maka upo na ako sa tabi niya agad niyang binigay sa akin ang flash drive niya para ma open ang document nila.

Nang mabuksan ko na ang document agad niyang tinuro sa akin ang mga dapat I revise tahimik lang akong nakikinig sa kanya ngunit di ko parin maiwasan hindi tumitig sa mukha niyang naka tingin sa screen ng laptop ko. Sobrang lapit ng mukha namin kaya kitang kita ko ang mataas niyang pilik mata. Napatitig ako sa matangos niya ilong patungo sa mapula niyang labi. Agad akong napa iwas ng tingin nang humarap siya sa akin.

ok konti na lang pala ang dapat I revise sa documents niyo kaya madali lang to yung ibang grammar na lang ang problema.

Tumingin ako sa kanya at napangiti sa reaction niyang nahihiya.

Talaga?

Sabay kamot niya sa batok

Agad kong sinimulan ang pag revise sa documents at siya kinuha ang laptop niya para tignan ang system nila. Kanina bago niya pinakita sa akin ang document nila pinakita niya muna ang system nila para maintindihan ko ang flow ng documents nila. Napa hanga ako sa system nila. Sobrang galing nang pagka program.

Sa kalagitnaan ng ginagawa namin bigla niya akong tinatanong tungkol sa midterm exam.

Midterm exam na pala simula Lunes baka naka abala ako sayo.

Ok lang may linggo pa ata saka martes pa simula ng midterm exam namin kaya may dalawang araw pa.

Sagot ko sa sinabi niya

Ikaw kaya pa? midterm exam tapos defense niyo pa.

May try outs pa kami sa volleyball kaya sobrang nakaka stress pero kakayanin parin.

Pagkatapos kasi ng miderm exam week namin Instram na namin kaya nag sisimula na rin ang mga tryouts sa iban’t ibang sports.

Volleyball player ka?

Gulat kong tanong sabagay sa tangkad niyang pang six footer di na dapat ikagulat.

Then goodluck sa tryouts niyo laban lang

Sabay ngiti ko sa kanya

Kung di ka busy pwede kang manood kung ok lang sayo.

Nag isip muna ako dahil nag tataka ako bakit gusto niya akong manood ng tryouts nila.

Di ko na kailangan manood sa itsura mo palang pasok ka na .

biro ko sa kanya

Agad nawala ang ngtit sa labi niya ng ilang minuto ngunit agad rin itong nawala.

Ok lang basta sa Intrams manood ka.

Ok manonood ako niyan

Agad siyang ngumiti

Pinagpatuloy naman namin ang ginagawa and exactly at 11:00 na ng natapos ko nang I revised ang documents nila kaya agad akong pumunta sa kusina para mag luto ng kakainin namin pero bago yun kinuha ko muna ang ice coffe na dala ni Gael na nakalimutan naming inumin. Nang sumunod si Gael sa kusina agad kong binigay sa kanaya ang ice coffee na dark choco.

Nga pala paano mo nalaman favorite ko ang don Macchiatos matcha flavor?

Tanong ko sa kanya kanina ko pa siya gustong tanungin.

Secret

Agad niyang sagot na ikina simangot ko.

One time nakita kitang iniinom ito

Ah ok

kahit di ako kumbinsido sa sagot niya binaliwala ko na lang at nag simula ng mag luto habang iniinom ang ice coffee.

Adobong manok ang napili kong lutuin dahil madali lang ito lutuin.

After 20 minutes tapos ko na itong lutuin agad na kaming kumain dahil kaniana habang nag luluto ako inihanda na pala ni Gael ang lamesa kaya nakakain kami ng deretso habang kumakain kami ang dami nain pinag usapan na minsan ikinatatawa namin.

Pagkatapos naming kumain siya na ang nag hugas nang mga platong pinag kainan namin.

Sweet, may tryouts kami ngayon kaya aalis na ako pagkatapos nito. Salamat talaga matutuwa talaga ang mga kasama ko dahil sayo ok na ang documents namin.

Pahayag niya sa akin.

Na ikinalungkot ko pero hindi ko pinahalata.

Walang anuman good luck sa defense nyo at saka tryouts galingan mo.

Napangti siya nang malawak na ikinangiti ko rin nang matapos siyang mag hugas agad siyang nag ligpit ng mga gamit niya.

Sweet pwede mag bihis ng jersey?

Ha?

Gulat kong tanong

Ah sigeh sigeh agad akong tumalikod sa kanya habang nag bibihis siya.

Matapos ang ilang minuto natapos rin siayng mag bihis. Hinatid ko siya hanggang pinto. Habang nag susuot siay nang sapatos naala ko ang flashdrive niyang di pa na eject sa laptop ko kaya tinakbo ko ito para ibigay sa kanya.

Tapos na siyang mag sout ng sapatos niya ng

Tumayo siya ng tuwid paharap sa akin at tumitig nang matagal na ikina pula ng pisngi ko. Agad akong umiwas nang tingin

Good bye Sweet Candy and thank you

Haharap na sana ako sa kanya para sagutin siya nang bigla siyang yumuko at halikan ako sa pisngi na sobrang ikinagulat ko. Napatulala ako at agad na hindi naka galaw sa kinatatayuan ko. Saka lang ako natauhan ng biglang tumunog ang pinto hudyat na lumabas na siya at umalis.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status