Share

Kabanata 2

Nasa bahay nako pero di ko pa rin makalimutan ang nangyari sa hall way kanina. Di ko alam hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako.

Sino kaya siya?

Tukoy ko sa lalaking kanina

ang tanga mo naman kasi Margaux

Nag pasalamat ka nga di ka naman humarap ng maayos.

Kantiyaw ko sa aking sarili

Bahala na nga

Bumangon ako mula sa pag kakahiga sa kama at lumabas ng kwarto patungo kusina para mag luto ng tanghalian pasado alas 1:30 na di pa ako nakakakain.

Nag luto akong ng noodles habang nag papakulo pa ako ng mainit na tubig abala naman ako sa paghiwa ng cabbages naihahalo ko sa noodles na lulutuin ko.

Pagkatapos kong magluto agad akong kumain at nag hugas ng pinag kainan ko. Saka ako nag bihis at nag open sa laptop ko para manood ng kdrama. Nag updated na kasi kahapon at kagabi ang episode 3 and 4 ng Twinkling Watermelon ngayon pa lang ako manonood dahil nga nag review ako kagabi.

As usual tawang tawa ako sa mag ama at kinikilig sa love line ni Eun Yoo at Eun Gyeol. Lumipas ang dalawang oras natapos ko ang kdrama ng tumingin ako sa oras hapon na pala alas 4:00 pm na pala ng hapon.

Naalala ko si Sere hindi pa pala nakaka uwi kaya nag chat ako sa kanya.

Bash, anong oras ka uuwi?

Agad niyang sineen at nag type ng reply

Pauwi na ako bash may kausap lang diyan na ako mag chichika.

Agad akong nag react sa reply niya at pumunta ng kusina para mag isip na naman nang uulamin. Sa daily routine ko dito sa mundo hate ko talaga itong sa isang araw talong beses ka mag iisip kung ano ang uulamin.

Sa ilang minutong pag iisip habang nakatingin sa bukas na refrigerator na pag desisyunan kong bumili na lang ng preskong karne sa palengke.

Sinarado ko ang refrigerator at pumunta ng kwarto para kunin ang pitaka ko at lumabas ng apartment .

Agad akong sumakay ng traysikel patungo palengke. Bumili ako ng 150 ribs ng baboy, bawang, kamatis at iba pang kailangan para sa sinabawang baboy.

Agad na akong umuwi para mag luto pag dating ng apartment. Kumatok ako sa pintuan ng apartment ni Sere.

Agad na bumukas ang pinto masayang humarap sa akin si Sere.

Bash, may raket ako bukas mag luluto ako ng limang putahe ng ulam. Yung kausap ko kanina kaarawan niya bukas. Nag paalam akong isasama kita. Sama ka bukas ha alas 3:00 ng hapon tayo wala ka nang pasok sa oras na yan diba?

Oo morning sched ko bukas

nga pala wag ka nang mag luto

sabay ka na lang sakin kumain mag luluto akong ng sinabawang baboy.

Hay salamat bash napagod talaga ako sa ginawa namin kanina.

Sigeh alis na ako

Paalam ko sa kanya

Sigeh bash susunod na lang ako iidlip ng tulog muna ako saglit bye

Agad na niyan sinarado ang pinto pag katalikod ko.

30 minutes later

Patapos na ako sa niluluto ko ng biglang umingay ang tahimik kong apartment dahil sa masayang boses ng kaibigan kong walang iba kundi si Sere.

Wow ang bango naman ng niluluto ng asawa ko HAHAHA

Masayang bungad ni Sere sa pintuan ng kusina ko.

Gaga patapos nato kaya mag handa ka na ng mga pinggan at kubyertos.

YES BABE hahahaha

Nag sasandok na ako ng kanin at yung ulam na niluto ko

Alam mo bash minsan napapatanong ako sa sarili ko. Sino ba talaga ang HRM at IT students sa ating dalawa tulad ngayon ikaw ang nag luluto. HAHAHAHA

Daldal niya habang nag hahanda na sa lamesa. Pag katapos naming mag handa. Nag simula na kaming kumain

Bash, San Antonio tayo bukas taga San Antonio kasi si Ysabelle yung nag hire sakin.

Pagkatapos ng klase natin uuwi na tayo para mag handa.

Seryosong paliwanag niya sa akin na nag pangiti sa akin minsan lang kasi nangyayari ang pagkakataong ito. Pag trabaho ang pinag uusap asahan mong ibang tao ang makikita mo kay Sere.

Dalawang taon na kaming mag kaibigan pero marami pa rin akong hindi alam tungkol sa kanya. Hindi ko naman siya tinatanong I know someday she will open up with me.

Noted ma'am

Sagot at sabay ngiti ko sa kanya

Teka Bash saan nga pala yung bracelet mong may star na pendant?

Tanong niya sa akin agad kong hinawakan ang kaliwang kamay ko ng maramdaman kong wala nga ang bracelet ko. Tinignan ko pa to para masiguro ko at tama nga si Bash nawala ang bracelet ko.

Nag isip ako kanina at naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Baka sa campus ko nawala may naka bangga kasi ako kanina.

Paano ba yan regalo pa naman ng lola mo yon baka hanapin niya.

Hayaan muna wala na tayong magagawa

Baka napulot ng naka bangga mo nakilala mo ba siya?

Hindi nga eh

Napakamot ako sa batok

Ah Ok

Patango tango sagot ni Bash alam niya na kasi ang ibig kong sabihin. Hindi kasi ako marunong makisalamuha sa mga taong hindi ko pa gaano kakilala sabi nila introvert daw ako.

Pag katapos naming kumain nag volunter na mag hugas ng pinggan si Bash kaya hinayaan ko na. Sanay na kasi kaming dalawa para kaming boarders kung umasta sa kanya kanya naming apartment.

I open the wifi internet to my cellphone ng may message galing sa group chat namin sa course na IT 108 Data Structures and Algorithms.

Nag sent pala ng file si Sir Nikko para sa lecture namin bukas sa COMLAB 1.

Maaga pala ako bukas 7:00 am start ng klase ko sa course na IT 112 Information Management 1.

Anong oras start klase mo bukas Bash?

Tanong ko kay Sere na nag huhugas pa ng pinggan

12: 00 am to 2 pm bash

Sagot niya sa tanong ko

So mauuna na akong umuwi sayo bukas 7:00 am to 1:00 lang klase ko bukas.

Ok Bash maaga ka matutulog ngayon?

Hindi pa mag rereview ako saglit

Ay oo nga pala nakalimutan ko Dean's Lister pala bestfriend ko HAHAHA

Wag masyadong mag puyat may lakad pa tayo bukas. Beauty rest remember

Matutulog rin ako ng maaga ngayon para kahit mag luluto lang ang lakad natin bukas fresh pa rin ako baka may gwapo doon char HAHAHAH

Ewan ko sayo

Pailing iling kong sagot sa kaharutan niya.

Busy lang ako kaka scroll ko sa tiktok ng matapos na si Bash sa pag hugas ng pinag kainan namin. Agad na siyang umuwi ng apartment niya. Ako naman dumeretso sa kwarto at umupo sa study table ko para mag review saglit sa advance lesson na sinent ni Sir Perez kanina sa gc namin.

1 hour later naramdaman ko na ang antok kaya natulog na ako pero hanggang sa pag tulog naalala ko pa rin ang lalaking naka bangga ko kanina para klong sinsisi ang sarili na hindi ko man lang tinignan ang mukha niya.

Hinawakan ko ang kamay kong wala ng bracelet na sout hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status