Share

Kabanata 5

Bash, tapos ka na paalis nako

Katok at sigaw ko sa labas ng pinto ni Sere pareho kami ng schedule ngayon pero maaga lang matatapos ang klase niya di tulad ko na loaded ako ngayon araw.

Tatlong course ang klase ko isa sa umaga dalawa naman sa hapon. Ang nakakinis pa yung course ko sa umaga ay PATHFIT which is Physical Education. Ang dami kong bitbit ngayon dahil kahit PE ang klase namin ngayon need pa rin namin mag sout ng complete uniform. Kapag pumasok ako mamaya sa next course ko na naka PE uniform pa rin. Mapapagalitan ako at posible pang di ako papasuking ng instructor ko. Kaya pag dating sa campus mag bibihis pa ako ng PE uniform namin pag kataposng PE namin mag bibihis na naman ako ulit ng school uniform.

Diba ang dami kong ganap ngayon.

Hay naku, college life nga naman.

Teka lang Bash nag sasapatos pa ako.

Rinig kong sigaw ni Sere sa loob ng apartment niya.

Pag lipas ng ilang minuto lumabas na siya ng pinto at agad na kaming umalis.

Bash, dami mo atang dala?

Tanong ni bash habang nag lalakad kami palabas ng subdivision.

May PE kami ngayon at whole day pa sched ko ngayon kaya ito parang akong pupuntang field trip.

Mukha mo ayusin mo agang agang hagard na HAHAHAHA

Napa irap na lang ako sa kanya

Agad kaming naka sakay sa multicab pag labas namin ng subdivision.

15 minutes later naka rating na kami sa TCC campus agad kaming nag hiwalay ni Sere dumeretso na siya sa klase niya habang ako naman sa rest room para mag bihis ng PE.

Madali lang akong natapos sa pag bihis.

Paglabas ko ng restroom nakita ako ni Mendez at tinawag kaya lumapit ako sa kanya. Naka bihis na rin siya kaya sabay na kaming pumunta sa covered court kung saan mag tuturo ang instructor namin.

Sweet,

Uy Mendez

Sabay na tayo nga pala kamusta na pakiramdam mo?

Putlang putla ka noong Lunes ang taas ng lagnat mo buti na lang dumating boyfriend mo.

Nasamid ako sa huling sinabi niya

B-boyfriend?

Naalala ko si Gael

Bakit?

Buti nga ehh nga pala may offer ako sayo sana pumayag ka.

Ano yon?

May pa rent apartment ako lola ko ang may ari pina handle sa akin.

Gusto ko sana mag offer sayo doon na kayo tumira bakante apartment doon.

Tubig at kuryente lang babayarin niyo at saka nag hahanap kasi ako ng caretaker baka pwede yung nanay mo.

May sweldo siya every month ok ba?

Apartment walang upa tubig at kuryente lang ang babayaran?

Nako nakakahiya naman Sweet sobrang laki na ang naitulong mo sa amin. Hindi ko pa nga nababayaran ang perang binayad mo kang aling Celia.

Bakit sinabi ko bang bayaran mo yon wala diba

Kaya sana pag isipan mong mabuti kaysa naman mananatili kayo sa matapobreng Aling Celia na yon.

May sasabihin pa sana siya ngunit tumalikod na ako at iniwan siya.

Agad akong lumapit sa mga ka blockmates ko ng makarating na ako sa court nag atendance na si Ma’am Tan pag lapit ko naka sunod naman si Mendez sa likod ko. Napansin ko ng naka tingin ng makahulugan sa amin ang ilan naming mga ka blockmates. Nagugluhan man hindi ko na lang sila napansin.

Mendez?

Tawag ni Ma’am Tan kay Mendez

Agad namang sumagot si Mendez

Present Ma’am!!!

Habang nag atendance pa si ma’am Tan kinuha ko sa bulsa ang cp ko at nag open ng data.

May message sa akin si Gael at ito na namn ang puso ko lumalakas na namn ang tibok.

Binasa ko ang chat niya

Hi Sweet Candy good morning

Napangiti ako sa chat niya

Nag reply ako ng

Good morning too

May klase ka ngayon?

Agad niyang reply sa chat ko

Oo meron tatlong course PE namin ngayon umaga

Bakit mo tinatanong?

Para kasing nakita kita

Nasa comlab 1 ako ngayon may klase kami kang sir Actub.

Mag rereply pa sana ako ng tinawag na apelyido ko.

Villafranco?

Present Ma’am!!

Agad kong sagot habang binubulsa ang cp ko.

Ok class let’s start our discussion

After our discussion, we will have our first performance tasks.

Nakinig na kaming lahat sa discussion ni ma’am Tan excited ako sa leksyon namin dahil its about dancing paborito kong habit ang pag sasayaw.

Umabot lang ng 30 minutes ang discussion ni ma’am at agad siyang nag bigay ng performance.

She grouped us into 10 groups with six members in each group.

Kaso lima lang kami ng mga ka members ko dahil dahil may ka blockmates kaming absent.

Ang binigay na task ni ma’am dahil first performance pa lang namin to is

Kukuha kami ng limang tiktok dance challenge at isasayaw namin it sa harap ng klase.

Napangiti ako ng mapagtanto kong mga tiktoker ang mga naging ka group ko. Nag si aperan sila sa isa’t isa habang masayang tumingin sa akin.

Lumapit silang apat sa akin at umupo sa tabi ko.

Anong tiktok dance challenge sasayawin natin leader?

Tanong ni Saway sa akin

Ako ang leader?

Gulat na tanong ko sa kanya

Oo naman ikaw lang isa ang dancer sa amin kaming apat mga tiktoker lang kaya ikaw ang leader.

Masayang sagot ni Dela Cruz sa kin na sinang ayunan naman ng tatlong kasama namin.

Kayong bahala hindi naman kasi ako familiar sa mga tiktok dance challenge na yan.

Bakit ayaw mong mag tiktok Sweet sobrang galing mo kayang sumayaw for sure marami kang magiging followers.

Wala kasi akong time mag tiktok

Agad naman nilang naintindihan na focus ako sa pag aaral. Ang hindi nila alam tiktok content creator ako ng mga kpop idols ko. May isa akong account 800K overall likes na. Tatlong account ang meron ako na puro kpop lang ang contents.

Kanya kanya na kaming hanap ng mga dance challenge sa tiktok. Umabot kaming sampong minuto bago namin ma kompleto ang limang dance challenges.

Hindi mawawla sa lista ang everyday dc ni Ariana Grande, New flame ,untouchable dc,gugmang ga aso aso dc and last dahil may fan girl ng treasure rin pala akong ka grpips which is si Alabada pinaka last tintok dance challenge namin is Bomb Treasure.

1 hour ang binigay ni Ma’am Tan sa amin para sa pag insayo. Alam niya kasing marami sa amin ang hindi mga tiktoker at di marunong sumayaw.

Habang nag iinsayo kami lumapit sa akin si Alabada at bumulong

Teume ka noh? Bat alam na alam mo ang dance challenge na Bomb ng treasure?

Ngiting tumango ako sa kanya.

Agad nag liwanag ang mukha niya sa saya

Sinong bias mo? Bias ko si Junkyu

Si Haruto ang bias ko bias wrecker ko lang si Junkyu

So Harukyu shipper ka?

Oo

Same!!!

Tuwang tuwa niyang sagot

Sigeh na practice na tayo

Natatawa kong pahayag sa kanya

Agad naman siyang sumunod at nag umpisa na kaming mag insayo kasama ng talo pa naming kasama na walang alam sa pinag usapan nami.

Lumipas ang isa oras at binalikan kami ni ma’am Tan para malaman kung sino ang unang mag represent. May inihanda si ma’am Tan na Sampong naka tupi na papel at pina bunot sa mga leader each group. Huli akong bumunot dahil kami ang huling groups.

Nang buksan ko ang papel napangiti ako dahil pangalawa kaming mag present ng performance task namin.

Masaya rin ang mga kasama ko dahil hindi kami ang una. Rmadam ko rin confidence sila sa performance namin.

Unang tinawag ni ma’am group 5 na naka bnot sa number 1.

Habang nag sasayaw ang na unang group. Hindi ko mapigilang lumingon sa mga taong unti unting lumapit at nakinood sa sumasayaw sa gitna ng court. Sa pag lilikot ng mata ko naka titigan ko ang dalawang pares ng mata na laging nag papalambot ng tuhod ko kapag nakakatitigan ko ito.

Ngumiti siya sa akin na ikinapula ng pisngi ko agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

Tapos na palang mag perform ang unang grupo. Tinawag na kami ni ma’am

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba lalo’t nat alam kong manonood siya. Nakita ko sa pheripheral vision ko na lumapit siya at tumabi sa mga nag kukumpulang studyante na kanina pa nanood sa unang nag perform.

Nasa gitna na kami ng court at bilang leader ako ang naging center.

Yumuko ako at pumikit ng ilang minuto bago tumayo ng maayos para kahit papanao mabawasan ang kaba ko.

Nag simula na tumunog ang music hudyat na sasayaw na kami. Humarap na ako at ang nakangiting mukha niya ang una kong nakita. Hindi ko alam pero bigla nawala ang kaba ko at napangti pabalik sa kanya bago sumayaw.

Sumayaw lang ako na parang kaming dalawa lang ang nasa mundong ito. Sumayaw ako sa tunog ng musika habang naka tingin sa kanyang mga matang masayang nakatingin sa akin.

Sa mga minutong ito sya lang mag isa ang nakikitang kong nanonood sa akin.

Natauhan lang ako ng biglang napuno ng palakpakan ang court. Napa yuko ako sa hiya

Gaga ka talaga Sweet ano yong iniisip mo wala ka sa fairytale nasa totoong mundo ka wag kang delulu.

Sabi ng isip ko.

Agad kaming umalis sa gitna ng mga kasama ko. Masaya sila dahil naging maganda ang performance namin at yung cheer ng mga taong nanonood ang lalong nag pasaya sa kanila.

Sa mga sumunod na nag performed magaling rin ang iba.

May mga group na napuno ng tawa ang court dahil sa mga

blockmates kong makukulit tulad ng grupo nila Mendez.

May mga group naman na hindi marunong ang ibang members pero kakahit papano masaya silang nag performed.

Habang nanonood ako biglang may bumulong sa tainga ko.

Hi idol ang galing mo kanina

Agad akong lumingon sa kanya ngunit dibdib lang niya ang nakita ko kaya kailangaan kong iangat ang mukha ko para makita ang mukha niya nakigulat ko. Umatras ako sa gulat

Nakaka gulat ka naman

Sorry kung nagulat kita

Natatawa niyang reaction

Bakit ka tumatawa?

Simangot kong tanong sa kanya

Ang cute mo kasing magulat.

Sabay yuko niya upang mag pantay ang paningin namin dalawa hanggang dibdib lang kasi ang height ko sa kanya.

Napatitig ako sa mukha niya. Una kong napansin ang matangos niyang ilong. Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa labi niyang namumula. Napalunok ako kaya umiwas akong ng tingin at natagpuang ang kanyang singkit na mga mata na kung maka titig ay para kang malulunod. Na para bang kayang niyang pasukin ang boung pag katao mo. Nalulunod ako sa ka gwapuhan niya na hindi kayang tumitig nang matagal kaya umiwas ako ng tingin.

Agad ko namang nakita si Mendez na papalapit sa pwesto namin.

Nang makalapit na si Mendez sa harap ko. Napansin ko sa peripheral vision ko na umatras si Gael para bigyan kami ng privacy.

Tumingin muna si Mendez kay Gael bago sa akin.

Napag isipan ko na ang offer mo Sweet papayag na akong umupa kami sa apartment niyo at for sure papayag naman si mama maging care taker ng apartment building niyo. Masipag yun mga linis ehh.

Nahihiya niyang pahayag

Napangiti ako sa desisyon niya

So kailan kaming pwedeng lumipat?

Bukas ng umaga pwede na kayong lumipat

Wala naamn tayong klase sa umaga right dahil wala si sir Kent

Sigeh sweet maraming salamat talaga. Alis na ako

Bago siya tumalikod nag paalam rin siya kay Gael na pinag taka ko.

Una na ko pre

Lumingon ako kay Gael para mag tanong

Mag kakilala kayo?

Oo

Nakasimangot niyang sagot

Saka ko palang naalala na pareho pala silang taga San Antonio.

Tumalikod na ako sa kanya upang mga ligpit ng mga gamit ko. Tapos na ang lahat mag performed at konting comment lang ni ma’am sa aming performance saka niya na kaming iniwan hudyat na tapos na ang klase niya.

Dumeretso na ako sa restroom para mag bihis na ng school uniform.

Nagulat ako pag labas ko ng restroom nasa labas si Gael. Hindi ko napansing sumunod siya sa akin kanina at nag hihintay sa akin dito sa labas.

May klase ka pa ngayon?

Oo meron pa dalawang course mamayang 2 pm and 5 pm.

Ikaw?

Wala na pauwi na ako pero tika

kakain ka na ba 12: 25 pm na.

Oo gutom na ako

Sigeh tara na

Pag labas namin ng campus nagulat ako dahil naka sunod siya sa akin na ibang direksyon na patungo sa National Highway.

Akala ko ba uuwi ka na eh nandoon ang daanan pauwi

Sasamahan muna kitang kumain nagutom rin kasi ako bigla.

Are you sure?

Paniniguro ko sa kanya

Yes promise nagutom talaga ako

Sigeh ok tara na baka maubusan tayo ng lamesa.

Agad naman siyang sumunod sa akin.

Pag dating namin sa lagi kong kinakainan agad kaming naka kita ng bakanteng lamesa nasa pinaka sulok ito ng karenderya.

Inilapag ko muna ang bag ko bago ako pumunta sa taga serve ng pagkain. Inuna ko talagang mag hanap ng bakanteng upuan bago bumili ng ng pag kain dahil marami kasing customer baka wla na kaming mauupuan.

Agad akong pumili ng uulamin ko bago lumingon kay Gael na kanina pa naka buntot sa akin.

Anong sayo?

Tanong ko sa kanya natatawa ako sa reaction niya parang first time pa lang niyang bumili ng ulam.

K-kung ano sayo

Sabay kamot sa batok niya

Napangiti ako sa kanaya bago tumingin sa tindera

Palipat lipat ng tingin sa aming dalawa na may malawak na ngiti sa labi.

Naku sa wakas hija may kasama ka nang kumain gwapong binata.

Wag munang pakawalan.

Mukha namang green flag

Gulat ako sa sinabi ni manang

Naku po nag kaka mali kayo mag…

Oo nga po eh hindi ko rin po siya papakawalan

Sagot naman ni Gael na lalong nag pagulat sa akin.

Sobrang nakakahiya ang tabil ng dila mo manang kainis ka

Hija anong ulam na bibilhin mo?

C-chicken Curry po

Iisang platito lang gagamitin ko ha

Hindi na ako napaimik dahil hiyang hiya na ako.

Kukuha na sana ako ng perang ibabayad ng inunahan na ako ni Gael sa pag bayad

Mag kakanin pa kayo?

Hindi na po ako manang siya lang po.

Sagot ko sa tanong ni manang

Nang matapos na I served ni manang pag kain order namin agad na kinuha ito ni Gael kay manang upang dalhin sa lamesa naka served sa amin.

Hanggang na sa lamesa na kami dala ko pa rin ang kakahiyang nang yari.

Wag ka nang mahiya kumain ka na wag munang isipin mga pinag sasabi ni manang.

Nawala ang hiya ko dahil sa sinabi niya at nag simula ng kumain.

Lumapit ang isang batang babae sa amin may dalang dalawang maliit na mangkop na sabaw ang laman.

Libreng sabaw po sa inyo

Sabay ngiti niya sa amin.

Agad naman tinanggap ni Gael ang dala ng bat.

Bago siya umalis may sinabi siyang ikina pula ng pisngi ko. Agad akong yumuko sa hiya.

Sobrang mganda at gwapo niyo po bagay po kayo.

Sabay talikod sa amin

Narinig ko ang konti tawa ni Gael dahil sa sinabi ng bata.

Kumain ka na nahihiya ka naman malapit ka nang ma late.

Natatawa niyang sabi

Agad ko siyang tinitigan ng masama

Ok ok sorry na pero totoo naman ang sabi ng bata maganda ka.

Agad siyang yumuko pag katapos niyang sabihin yon at nag patuloy sa pag kain.

Tinignan ko ang orasan malapit na nga akong ma late kaya nag patuloy na ako sa pag kain.

Nang matapos kaming kumain hinatid muna ako ni Gael sa entrance gate ng campus bago siya umuwi ngunit may habol pa siyang tanong

Anong oras matatapos klase mo mamaya?

Mga 6 pm or 7 pm discussion lang meron last course ko mamaya kay sir Llemit.

Ok sigeh una na ako ingat ka

Nag wave muna siya sa akin bago tuluyang tumalikod para umalis.

Hindi ko mapigilan ngumiti ng malaki ngunit naguguluhan rin ako sa ginagawa niya ngayon dahil wla akong sagot sa sarili kong tanong binalewla ko na lang ito.

Pumasok ako sa dalawang course ko ngayon hapon na puro discussion lang ang nang yari muntik pa akong antukin sa sched time ni sir Roa 2 pm.

Exactly 7:00 pm natapos ang klase ko ng mag chat si Gael

Tapos na klase niyo? Nasaan ka na ngayon?

Naguguluhan man kung bakit nag tanong

Nag reply pa rin ako sa chat niya.

Kakatapos pa lang palabas na ako ng campus bakit mo na tanong

Ok wala lang

Agad niyang reply na lalo kong pinagtaka at nasagot ang mga tanong ko ng pag labas ko palang ng exit gate ng campus nakita ko siya nasa labas naka abang ng makita niya ako agad siyang lumapit sa akin at kinuha ang mga bitbit kong dalawang bag.

Agad akong lumingon sa mga ka blockmates ko na nakita ang ginawa niya.

Bumulong ako sa kanya at nag tanong

bakit ka nandito?

Sinusundo ka delikado na ngayon umuwing mag isa gabi na.

Tumingin ako sa suot niyang naka pambahay na lang. Naka puting short siya at violet na sleeveless kaya kita ang bicep niya. Kitang kita ang kakisigan niya nag papalingon sa mga kababaihan studyanteng papalabas rin ng exit gate.

Sigeh Sweet una na kami nandiyan na pala sundo mo.

Sabi ni Alabada sa likod ko na hindi pa pala umaalis

Agad akong lumingon sa kanila at nag pasalamat

Agad na akong umangkas sa likod ni Gael na naka pwesto sa motor niya. Maikli yung palda ng uniform namin kaya yung pwesto ng upo naka takilid sa likod niya. Nang naka upo na ako kinuha niya ang dalawang kamay ko at pinayakap niya sa beywang niya.

Kumapit ka ng mabuti baka mahulog ka.

Namula ako sa ginawa niya kaya hindi na ako nag salita.

Pinaandar na niya ang motor paalis ng TCC.

Pag dating sa pinto ng apartment ko nag pasalamat ako sa ginawa niya ngayon araw.

Thank you so much Gael sa araw na to see you tomorrow.

Sabay smile sa kanya

Agad na akong tumalikod at bubuksan ko na sana ang pinto ng pigilan niya ang kamay ko.

Lumingon ako at tumingin sa mga mata niya.

Alam kong naguguluhan ka sa mga ginawa ko ngayon araw.

Gusto kita Sweet Candy at gusto ko sanang manligaw

Alam kong sobrang bilis ko ngunit hindi na ako maka pag hintay humingi ng permesong ligawan ka.

Pag isipan mong mabuti at sana payagan mo akong ligawan kita.

Sigeh good night alis na ako ungat ka.

Agad na siyang tumalikod

Sobrang bilis ng pangyayari hindi ko namalayan nasa kwarto na pala ako nakahiga habang tulala nawala ang gutom ko.

Yung akala ko makatulog agad ako ngayon dahil sa pagod. Hindi nangyari nakatulala lang ako nakatingin sa kisame ng partment ko paukit ulit na nsg rereplay ang lahat ng yari ngayon araw simula nang makita ko siya. Lahat ng ginawa at yung mga sinabi niya.

Hindi ko namalayan ang oras maaga na pala 4:00 am na.

Wala na akong nagawa kundi bumangon na lang at mag exercise.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status