NAPASIGAW si Luisa ng malakas nang sabay silang tumalon sa ilog. Wearing nothing but her pair of underwear, and Levi in his boxers. They swam together under the water. Parang mga bata na naglaro sila sa tubig. Nag-uunahan sa paglangoy. Nagsasabuyan ng tubig. Aahon at muling aakyat sa pinakamataas na parte ng lugar na iyon at doon ay magtutulakan silang dalawa. Doon sa mistulang Paraiso, sa lugar kung saan sarili nila ang mundo. A world that Levi created just for them.
Mula sa gitna ay dinala siya ni Levi sa ilalim ng waterfalls. Napasigaw si Luisa dahil sa lakas ng bagsak ng tubig at napayakap sa binata.
“Gusto mo maupo doon?” humihingal na tanong nito sabay turo ng espasyo na tila isang maliit na kuweba kung saan maaaring maupo ang dalawang tao.
&nbs
SA kalaliman ng gabi. Hindi sigurado si Levi kung anong oras na eksakto. Bukod sa malakas na lagaslas ng tubig mula sa waterfalls. Wala nang iba pa siyang naririnig kung hindi ang tunog ng mga kuliglig at ilang mga ibon sa paligid. Lumingon si Levi sa katabi. Napangiti siya habang malayang tinititigan ang himbing na natutulog na si Luisa. She has been sleeping for quite a while. She is so beautiful. Habang tumatagal na nakatitig lang siya sa magandang mukha nito ay mas lalong nahuhulog ang kanyang damdamin. Tahimik ito at tila anghel na natutulog. Ibig sabihin ay payapa ito at hindi ginugulo ng ano man bangungot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na umabot na sa ganoon antas ang kanilang relasyon. Parang ilang buwan pa lang ang nakakalipas nang magsimula siyang
“OH, INGAT sa paghakbang,” paalala sa kanya ni Levi. Kahit na hingal na hingal ay pilit inipon ni Luisa ang lakas para makahakbang. Pasado alas-dos ng hapon nang magyaya itong maglakad-lakad doon sa gubat. Ayon dito ay may lugar pa doon sa kagubatan na nais nitong makita niya. Sa pag-aakala na malapit lang iyon ay walang pag-aalinlangan na sumama si Luisa. Habang papalayo sila at makaramdam ng pagod ay saka siya nagsimulang magreklamo. “Please, ayoko na, magpahinga na tayo!” daing ulit niya. “Nandito na tayo,” sagot ni Levi. Sa wakas, matapos ang mahigit isang oras na
“IT is great to see you again, Luisa. How are you?” magiliw na bungad sa kanya ng kliyente.“Oh, I am doing well.”“Did you take a lot of rest?”“Oh, yes! I am finally refreshed and ready to work again,” nakangiting sagot niya.Tumango-tango ito. “Yeah, I can see that in your face. You looked happier and more glowing.”“Thank you.”“So, shall we start?”“Sure.”Luisa could not be happier. Dahil sa pagtaas ng lebel ng relasyon nilang dalawa ni Levi. Mas naging inspirado siyang magtrabaho. Kaninang madaling araw, umuwi siya ng magkahalong lungkot at saya. Malungkot dahil babalik na siya sa dating routine at hindi na magagawa na maglagi doon sa bahay ng nobyo. Masaya dahil babalik naman sila sa dati nilang set-up, kung saan at paano sila nagkakilala.Hindi lang ang kliyenteng kausap ngayon ang nakapansin ng kakai
NAGTATAKA na sinundan ng tingin ni Luisa si Lydia, habang titig na titig ito sa kanya.“Huy! Ano ba at makatingin ka diyan sa akin?” natatawang tanong niya.“May iba kasi sa’yo.”“Ano naman?”Lumipad ang tingin nito sa kanyang mga mata. “In love ka!”Malakas siyang tumawa. “Paano mo naman nasabi?”Hinawakan siya sa baba ni Lydia at ginalaw galaw ang mukha niya.“Tignan mo nga ‘yang mukha na ‘yan! Jusko girl, blooming na blooming ka!”Natawa na naman si Luisa. Hindi siya makapagsalita, kahit na itanggi ang sinabi nito dahil totoo naman lahat iyon. She is madly in love with Levi. Head over heels.“Ano nga ulit ang pangalan n’ya?”“Levi. Levi Serrano.”Hindi nagsalita si Lydia. Bigla itong natahimik at parang napaisip ng malalim.“Serrano? Hmmm…&r
“PINAGALITAN ka kanina ng Nanay Elsa mo?” Natawa si Luisa at marahan tumango. “Hindi naman galit na galit, sinermunan lang tapos tinanong ako kung saan ako nagpunta.” “And?” “Sinabi ko nag-ikot lang kami sa bayan ni Lydia.” “Sa tingin mo naniwala siya?” She sighed and shrugged her shoulders. “Ewan ko pero naniwala man siya o hindi, I don’t care. Basta masaya ako kanina.” Napangiti si Luisa nang marinig niya it
“HAY salamat!” komento ni Nanay Elsa matapos mapanood ang pinakahuling weather report. Sinabi kasi doon na magiging maayos na ang panahon sa mga susunod na araw at gabi. “Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon taon eh masyadong maulan. Ang hirap pa naman magcommute kapag naulan,” reklamo nito. “Ang sarap kaya ng maulan, malamig at hindi ka maglalagkit sa pawis,” kontra naman ni Tere. Hindi kumibo si Luisa habang kumakain ng tanghalian kasabay ng mag-ina. Hindi rin niya alam kung anong mararamdaman. It is just a rain. Dati naman ay wala siyang pakialam kung umulan man o hindi. And she used to hate it so much because of the nightmares
“I AM really sorry, Helena. I promise it won’t happen again,” buong puso na paghingi ng paumanhin ni Luisa sa regular client niya. Marahan lang itong tumawa at umiling. “Hey, it’s okay! Don’t worry about it. People can make mistakes, every day is not a good day for us.” Bumuntong-hininga si Luisa. Kung puwede lang magpalamon sa silya na inuupuan sa mga sandaling iyon ay ginawa na niya. Everything has been so hard and tough for her these past few days. It has been more than two weeks since Levi came and visit her. Iyon ang unang beses na hindi ito nagparamdam sa kanya ng mahabang panahon. Sa umaga, hindi siya makatulog sa paghihintay, nagbabaka-sakali na biglang dumating si Levi. Sa madaling araw naman, matapos ang trabaho ay nagpupunta siya sa bahay nito at doon naghih
MATAPOS ang nangyaring insidente noong isang araw. Hindi na natahimik pa si Luisa. Pansamantala ay napunta doon ang kanyang isipan. Sa halip na sabihin sa Nanay-nanayan ang pagbalik ng isang bahagi ng alaala. Minabuti niya na manahimik na muna at pag-isipan ang lahat. Hoping she will remember another even a tiny bit of memory from her past. Tungkol naman kay Levi, dismayado at lungkot pa rin ang kanyang nararamdaman. As days passes by, Luisa started to feel that the chance to see Levi again is getting slimmer. Para bang pilit silang pinaglalayo ng tadhana. Dali sa samu’t saring problema ang kanyang naiisip. Hindi naiwasan ni Luisa na sakitan ng ulo. Nang araw na iyon ay sinadya niyang hindi muna magtrabaho. Alas-dose na ng hatinggabi. Nakahiga siya sa kama at nakapikit, ngunit ang diwa naman niya ay gising na gising habang pilit na kinakalma ang