MATAPOS ang nangyaring insidente noong isang araw. Hindi na natahimik pa si Luisa. Pansamantala ay napunta doon ang kanyang isipan. Sa halip na sabihin sa Nanay-nanayan ang pagbalik ng isang bahagi ng alaala. Minabuti niya na manahimik na muna at pag-isipan ang lahat. Hoping she will remember another even a tiny bit of memory from her past. Tungkol naman kay Levi, dismayado at lungkot pa rin ang kanyang nararamdaman. As days passes by, Luisa started to feel that the chance to see Levi again is getting slimmer. Para bang pilit silang pinaglalayo ng tadhana.
Dali sa samu’t saring problema ang kanyang naiisip. Hindi naiwasan ni Luisa na sakitan ng ulo. Nang araw na iyon ay sinadya niyang hindi muna magtrabaho. Alas-dose na ng hatinggabi. Nakahiga siya sa kama at nakapikit, ngunit ang diwa naman niya ay gising na gising habang pilit na kinakalma ang
NAALIMPUNGATAN si Luisa nang umagang iyon na may humahalik sa kanyang labi. Nang dumilat, agad siyang napangiti nang bumungad ang guwapong mukha ni Levi. Lumobo ang puso at mas lalo siyang nain-love sa nobyo nang salubungin din siya nito ng magandang ngiti. She held his face and kiss him on the lips. “Good morning,” malambing nitong bati. “Morning,” sagot niya. “Kanina ka pa gising?” “Medyo.” “Dapat ginising mo ako para nakapagluto na agad ako ng breakfast.” “Okay lang, mas gusto na panoorin ka habang natutulog.” 
“HOW much do you trust me?” tanong ni Levi sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Luisa na halos bente kuwatro oras na silang magkasama. Out in the open. Kasama ang mga taong importante sa kanyang buhay. Hindi nagtatago. Hindi na kailangan pa magsinungaling. Sa sobrang saya ni Luisa, hindi niya namalayan ang pagdaan ng mga oras. It’s already past midnight. They are now lying on her bed. They are not yet sleepy but she just wants them to cuddle. Tumingala siya sa nobyo at ngumiti. “More than my life.” Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan ang likod niyon. Pagkatapos ay hinila siya palapit nito at niyakap ng mahigpit.
WALANG patid ang pag-agos ng luha ni Luisa habang tumatakbo sa kagubatan. Sa bawat hakbang ay pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na hindi totoo ang sinasabi ni Nanay Elsa at Tere. Hindi pa patay si Levi. Hindi pa patay ang kanyang asawa. Magkasama lang sila ng dalawang gabi na. Nakatulog pa siya katabi ito. May nangyari pa sa kanila noong isang gabi matapos nitong mawala ng mahigit dalawang linggo. Kaya paano mangyayari na wala na si Levi. Iyon ang pilit na sinisiksik ni Luisa sa isipan. Hindi alintana ang matatalas na sanga ng mga halaman at damo na sumusugat sa kanya. Hindi niya iyon maramdaman. Dahil wala nang mas sasakit pa sa katotohanan na pilit tinatanggi na hindi na niya muli pang makakasama si Levi. Ngayon pa kung kailan nagbalik na ang kanyang alaala. “Levi!” malakas na sigaw ni Luisa pagdating sa kinaroroonan ng bahay nito.&nb
DAHAN dahan gumalaw si Luisa hanggang sa tuluyan nang maalimpungatan. Pilit niyang pinikit ang mga mata na para bang gusto pa rin matulog. Mabigat pa rin ang mga talukap na lumingon siya sa paligid. Hanggang sa mga sandaling iyon ay umiikot pa rin ang kanyang paningin. Sinapo niya ang ulo at pinilit ang sarili na bumangon. Bahagya pa niyang pinilig ang ulo para mawala ang pagkahilo. Mayamaya ay natigilan si Luisa nang biglang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari. Halos mapatalon siya sa gulat nang biglang narinig ang malakas na ingay sa labas. May sumisigaw, may nagkakalampag ng pinto, may tumatawa, at may umiiyak ng malakas. Doon tuluyan nagising ang kanyang ulirat at agad na lumingon sa paligid. Doon lang napansin ni Luisa na nasa estrangherong silid na siya. Sa isang maliit na kuwarto na may iisang maliit na bintana.
HABANG kumakain ay may nakabantay sa kanya na isang nurse na lalaki. Hindi masarap at walang lasa ang pagkain pero nagtiis si Luisa at pilit kumain. Tama si Ian at Tere, kailangan niyang mag-ipon ng lakas. Kaya naman kinalma na muna ni Luisa ang sarili, kahit na ang totoo ay kanina pa niya gustong kumaripas ng takbo palabas ng pinto na nasa kanyang harapan lang. “Bilisan mong kumain,” maangas na sabi sa kanya ng nurse. Pinukol niya ito ng masamang tingin ngunit pinigil ang sarili at hindi muna nagsalita. Nang matapos kumain ay saka siya tumayo, nang dumaan sa gilid nito. Luisa suddenly grabbed his nape and whispered. “Huwag mo akong subukan inaangasan. Hindi ako gaya ng ibang pasyente mo na wala sa sarili at hin
HINDI alam ni Luisa ang eksaktong oras, pero sa kanyang tantiya, base sa katahimikan ng paligid ay tila madaling araw na. Ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. She is exhausted physically, emotionally, and yes, mentally. Iyon dapat ang panahon na makakatulog siya ng mahimbing dahil sa pagod, pero kahit ang kanyang mata ay ayaw makipagtulungan. Panaka-naka ay nagugulat siya sa iba’t ibang ingay mula sa ibang mentally disabled na pasyente, mga ingay na nagbibigay sa kanya ng takot. Nariyan may biglang sisigaw, o kaya naman ay biglang may magwawala. Minsan ay bigla siyang maririnig na nakakakilabot ang tawa, o kaya ay may biglang magsasalita. Nang hindi nakatiis ay bigla siyang dumilat saka tumitig sa kisame. Levi is the main reason why her
NAALIMPUNGATAN si Luisa nang umagang iyon at nagising na nasa isang estrangherong silid na siya. Malamig ang loob ng silid dahil sa malamig na hangin na pumapasok sa loob ng nakabukas na pinto ng terrace. Mula doon ay naririnig ni Luisa ang huni ng mga ibon. Maingat siyang bumangon saka tumingin sa paligid. Agad siyang nakaramdam ng lungkot nang bumalik sa kanyang alaala ang mala-paraisong lugar sa gubat kung saan naroon ang dampa ni Levi. And the birds chirping reminds her so much of that place. Luisa slowly closed her eyes. “Levi… hindi na ba talaga kita makikita? I missed you so much, Mahal,” pagkausap niya dito sa isipan. Biglang napadilat si Luisa nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Lydia. A
“PABABA na yata si Luisa eh,” narinig niyang sabi ni Lydia. “Lydia, bakit?” tanong niya habang pababa ng hagdan. “Pinapatawag ka ni Sir Ian, may gusto siyang itanong sa’yo.” Binilisan ni Luisa ang pagbaba at agad na lumapit kay Ian na naghihintay sa kanya sa sala. Doon naabutan niya bukod sa binata ay ang dalawa pang lalaki. “Ano ‘yon? May problema? Tungkol ba ‘to kay Tita Marga?” “No. But to give you an update. Kasalukuyan na silang nagtatago, pero bago ‘yon pakilala ko muna sila sa’yo. Si Inspector Antonio at SPO2 Reyes, si