“ANONG nangyayari sa loob?” tanong ni Luisa pagpasok niya sa kusina.
“Dumating ‘yong abogado ni Don Ernesto. Babasahin na yata ‘yong last will and testament ni Sir.”
“Ay, talaga?”
Nakisilip si Luisa sa maliit na uwang ng pinto. Bukod kay Levi ay naroon din si Marga at ang dalawa nitong anak.
“Kaloka, ang kapal ng make-up ni Madam, feel na feel na pamamanahan siya,” natatawang komento pa ni Doris.
“Manang Elsa, sa tingin mo ba magkano ipapamana ni Don Ernesto diyan?”
HINDI maawat si Luisa sa pagluha habang halos hindi kumakalas sa pagkakayakap mula kay Levi. Paalis ito ng mga sandaling iyon papunta sa New York, USA, para ayusin ang mga negosyo doon ng yumaong ama. Aabutin ng isang buwan bago ito makabalik kaya ganoon na lang ang nararamdaman niyang lungkot. “Bakit ba kasi hindi ako puwedeng sumama?” emosyonal na tanong niya. “May pasok ka pa, exam week mo at kailangan mo mag-review, importante ‘yon. Saka babalik naman ako at tatawagan kita.” “Bumalik ka agad ah?” Ngumiti ito sa kanya. Ngunit sa likod ng ngiting iyon ay ang lungkot na pili
SIX YEARS LATER... “TABLE number eight.” Agad kinuha ni Luisa ang order na pagkain at dinala iyon sa nasabing mesa. “Medium rare steak, lobster soup, and Caesar salad?” “Thank you, you can put it anywhere,” sagot ng lalaki. Matapos ilagay ang pagkain ay agad siyang umalis doon para naman ibigay ang order sa iba pang mesa. Matapos i-serve ang pagkain sa table number three, pabalik na siya sa counter para ibigay ang bayad ng isa pang customer nang biglang may humablot sa kanyang braso.
“YOUR hands are getting warm, mahal,” pagkausap niya dito. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito at hinalikan ang palad nito. “I can’t wait to see you open those eyes, Levi. But don’t rush. Wake up when you feel like it. Huwag kang mag-alala, nandito lang ako. All your life all you did was looked for me and wait. Now, it’s my turn. Handa akong maghintay kahit gaano katagal, basta magigising ka. Basta mangako ka na babalik ka sa akin.” Ngumiti siya dito saka nilapit ang mukha at hinalikan ito sa labi. Napangiti si Luisa nang bumalik sa kanyang alaala ang unang beses na may mangyari sa kanila. Kinuha niya ang kamay ni Levi ay nilapat ang palad nito sa kanyang pisn
“BIGLAAN yata ang pag-alis mo,” sabi ng mabait na landlord ni Luisa. “Oo nga po eh, mahaba pong kuwento eh.” Tumingin ito sa kanyang bandang likuran kung saan nakatayo si Levi at naghihintay. “Siya ba ang lalaking kinuwento mo sa akin noon?” Ngumiti si Luisa at tumango. “Siya nga po.” Bumuntong-hininga ang may edad na babae at ngumiti rin sa kanya. “Tig
ALAS-DOSE ng hatinggabi. Dahil day off ni Tere, si Luisa ang nagbantay kay Levi buong araw. Napalingon siya sa bintana nang gumapang ang liwanag mula sa kidlat kasunod ng malakas na tunog niyon. Matapos iyon ay malakas ang pagbuhos ng ulan kaya sinarado niya ang kurtina. Napangiti si Luisa nang maalala ang nakaraan. Noong may amnesia siya at una niyang nakita si Levi sa kalagitnaan din ng gabi at sa ilalim ng ulan. Mayamaya ay lumingon siya kay Levi. Parang kailan lamang nang malaman niya na ang nakasama niya sa Santa Catalina ay isang kaluluwa. Ngayon heto na si Levi sa kanyang harapan. Buhay at humihinga. At ang tanging kulang na lang ay imulat nito ang mga mata. Nang lumapit siya sa kama ay sumampa siya doon at sumiksik sa tabi ni Levi. Yumakap siya sa beywang nito saka pinikit ang mga mata.&n
“GUSTO kong tumayo at maglakad,” sabi ni Levi. “Kaya mo na ba?” nag-aalalang tanong ni Luisa. “Kaya ko,” determinadong sagot nito. Dahil sa isang taon pagkaka-coma ay hindi naiwasan na nanginig ang mga binti ni Levi nang subukan nitong ibaba ang mga paa sa kama. Inalalayan ito ni Luisa. Kahit nahihirapan dahil sa nanlalambot na tuhod ay nilabanan iyon ni Levi at pilit na naglakad mula sa kama hanggang doon sa sofa kung saan naroon ang bintana. Ilang hakbang lamang iyon pero parang napakalayo na ng kanilang nilakad. Humihingal na naupo si Levi sa sofa. “Okay ka lang?” tanong pa niya.&n
“KUMUSTA na ang lagay ng mansion?” tanong ni Levi kay Ian. “Ayos naman, Kuya. Salamat sa mga kasama natin sa bahay at napapangalagaan iyon ng maayos.” “Eh sila Marga at Dexter, nasaan na sila ngayon?” Bumuntong-hininga si Ian at marahan umiling. “Hindi pa rin sila nahahanap ng mga tauhan ko, Kuya. May mga pulis akong kakilala na tumutulong sa akin. Hanggang ngayon ay nagtatago pa rin sila. Pero ang huling balita namin ay namataan sila sa bandang Calasiao, Pangasinan. Nang balikan namin kinabukasan, nakaalis na agad sila.” Huminga ng malalim si Levi at binalikan ang gabi kung saan kinompronta niya si Marga.&n
“KUMUSTA ka naman?” tanong sa kanya ni Lydia. Isang ngiting umabot sa mga mata ang sinagot ni Luisa sa kaibigan. “Never been this happy.” Huminga ng malalim ito at sumandal sa kitchen counter. “Alam mo mula nang magkakilala tayo, dalawang beses ko nang nakita na ganyan ka kasaya. At iyong dalawang beses na iyon ay parehong tungkol kay Levi.” “Dahil siya lang naman ang nakakapagpasaya sa akin. We’ve been together most of our lives, at masasabi ko na sa kanya na umiikot ang mundo ko.” “At masaya ako na makita kang ganyan. Halata rin naman na mahal na