MasukBLURB: Suraidah Agos and Crane Laviste were classmates before. Noong gabi pagkatapos ng acquaintance party ng kanilang paaralan ay nagkaroon sila ng hindi inaasahang encounter na nauwi sa pagdadalang-tao ni Suraidah. Lasing si Crane noong gabing iyon kaya ay hindi niya alam na si Suraidah ang babaeng kaniig niya. Itinago naman ni Suraidah ang katotohanan na iyon at hanggang ngayon ay pilit niya itong inililihim. Subalit muling nagkaroon ng koneksyon ang dalawa nang magkita sina Crane at Caelan, anak nila ni Suraidah. Malalaman kaya ni Crane na anak niya si Caelan? O paninindigan ni Suraidah ang layuning ilayo ang anak sa Daddy nitong Billionaire?
Lihat lebih banyakI have your son, Mister Zillionaire
(Starting: May 16, ‘26) Prologue Limang taon na ang nakalipas nang muli siyang makabalik sa Pilipinas. Tinapos niya ang kursong may kaugnayan sa pagnenegosyo sa isang prestihiyosong paaralan sa America. Nang handa na siyang saluin ang obligasyon ng kaniyang Daddy bilang tagapamahala ng Laviste Group ay nakapagdesisyon siyang umuwi at manatili na sa bansa. Paglapag ng eroplano at nang magbukas ang pintuan nito ay mabilis na lumabas si Crane Laviste—isang guwapo, matipuno ang katawan, misteryuso, at magaspang ang ugali sa mga taong mayroong gabagalan ng pag-iisip. Gayunpaman ay mabuti siyang kaibigan at anak. Tinahak niya ang airport at hinanap ang kaniyang taga-sundo. Sa kalayuan ay tanaw na niya ito. Agad siyang lumakad patungo kay Mark na may hawak na karatula kung saan nakasulat ang kaniyang pangalan. "Sir Crane!" tuwang wika ng lalaki. Tatlong hakbang na lang ang pagitan nila nang may yumakap sa kaniyang binti, dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. Tumingin siya sa paslit na yumakap sa binti niya. Isang batang lalaki ang nakalambitin sa parteng iyon ng kaniyang katawan. Nakangiti sa kaniya ang bata na tila ba ay kilala siya nito. Nangilid ang mga luha ng bata subalit nanatili pa rin ang malapad na ngiti nito. "Daddy! Daddy!" sambit ng bata na bigla niya lamang ikinagulat. "D-Daddy?" "A—am! Ikaw ang Daddy ko! Finally, I have the chance to touch you!" Humigpit ang yakap ng bata sa kaniya. Inangat niya ang titig niya kay Mark at sumenyas siyang tulungan siya nito. Nahihiya na kasi siya sa ginawa ng bata dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao. Baka isipin ng mga nakatingin sa kanila ay anak niya ito at pinabayaan lamang. Suminghal siya kaya ay agad na tumungo si Mark at agad na inalis ang mumunting mga braso ng bata na nakayakap sa binti niya. "Daddy?! Bakit? Hindi mo ba ako mahal?" Umiyak na ang bata. Nagbulungan ang mga tao. Humakbang siya patungo sa bata at agad itong pinandilatan ng mata. Yumuko si Crane at humawak siya nabg maluwag sa mga braso ng bata. "You, kid, stop whining and stop calling me Daddy. Hindi kita anak at wala akong anak," aniya. "No, ikaw ang Daddy ko! Sinabi ni Mommy na ikaw ang Daddy ko!" "What? Ni hindi ko nga kilala ang Mommy mo, and you're claiming na anak kita?" Huminga siya nang malalim, pinahinahon ang sarili bago muling umimik. "I have a fiancee at kapag nakarating sa kaniya ang balitang ito ay mag-aaway kami." Hindi niya tiyak kung naiintindihan ng bata ang sinabi niya dahil nakatingin lang ito sa kaniya. Mayamaya pa ay gumulong ang matatabang mga butil ng luha ng bata. Umiling ito. "I—Ibig-sabihin ay mag-aasawa ka na?! How about my Mommy? How about me? I—I waited for so long to end up knowing you have a fiancee!" Pumikit siya saglit. Huminga siyang muli nang kay lalim bago tumayo nang tuwid. Hinanap ng mga sulyap niya sa paligid ang ina ng bata kahit wala siyang ideya kung sino ito sa mga babaeng nasa paligid. "Kaninong anak ba ito?! Please, get him out of my way!" sigaw niya. "Ikaw ang Daddy ko! Ikaw ang Daddy ko!" Isang babaeng nakasuot ng puting kamiseta ang lumapit sa bata at agad itong hinila’t binuhat kalaunan. Tiyak ay pamangkin ito ng babae. Hindi pa kasi ito mukhang ina. Mahaba ang buhok ng babae, maputi ito at tila'y alagang-alaga nito ang sarili. Tumingin sa kaniya ang babae na may pagmamakaawa sa mga mata. "I'm sorry, S—Sir." Tumingin ang babae sa bata. "Caelan, stop whining. You're making a scene." "But you said he's my Daddy! Sinasabi mo iyon sa akin, Mommy!" "Caelan, I said stop whining about it. H—Hindi mo siya Daddy," giit ng babae sa bata. "Wait, ikaw ang Mommy niya?!" Muling tumingin kay Crane ang babae. Ngumiti ito at tumango. "Damn, too young and beautiful to be a mom," wika ng isip niya. "Pagpasensiyahan mo na ang anak ko sa pag-aabala sa inyo, Sir. Sorry ulit." Tumalikod ang babae at agad na may naalalang mukha si Crane. Para bang nakita niya na noon ang babae. There's familiarity in the corner of his head that he was sure about. "Mommy, sabi mo na Daddy ko si Crane Laviste! You said that! Pati si Tita Ninang Shiela ay iyon ang sinabi niya." "Wait," aniya at hinabol ang babae. "Suraidah Agos?" Namutla ang babae at agad na inalis ang kamay niya sa balikat nito. "Ah, O—oo." "Suraidah, wait!" "W—W need to go, S—Sir." "Daddy!" sigaw pa rin ng bata kahit na malayo na ito sa kaniya. Noong kolehiyo siya, bago siya lumipad sa States at doon na ipagpatuloy ang pag-aaral ay minsan siyang nag-aral sa St. Luke College at kaklase niya sa isang minor si Suraidah. Kahit nasa loob na siya ng sasakyan ay iniisip niya ang nangyari sa airport kanina. There's a kid claiming as his own son, and it happened that his old acquaintance is the kid's mother. "Sir, ang tahimik mo naman. Huwag mong sabihin na apektado ka pa rin sa batang sinasabi na ikaw ang Daddy." "Ah, familiar kasi ang Mommy niya sa akin, Mark. Pero bukod sa pagiging classmates namin sa minor subject noon sa St. Luke ay hindi ko na maalala kung may naging encounter pa kaming dalawa." "Iyon naman pala, Sir. Edi, huwag mo nang isipin iyon." "But there's fear in her eyes when I was trying to confirm if she was the Suraidah in the same minor subject I am in." "Nahiya lang siguro sa nagawa ng bata, Sir." "Hindi lang takot ang nakita ko sa mga mata niya, Mark. Para bang may something. I think she's hiding something, and I want to know kung ano ang bagay na iyon." "Sir Crane, don't tell me that you are interested to—" "Yes, Mark. I want you to find out everything about Suraidah Agos. Simula kasi noong tumungo ako sa States ay wala na akong balita tungkol sa kaniya." "Sinasabi ko na nga ba na hindi maganda ang katahimikan na bumalot sa iyo." "Just do what I say, find out everything about her. Huwag mo lang ipaalam kay Daddy at Mommy na may pinapagawa ako sa iyo, lalo na kay Shari." "Yes, Sir." Bumaling siya sa bintana ng sasakyan. Patuloy na iniisip ang nangyari kanina. May nararamdam siyang hindi niya maipaliwanag at nais niyang maliwanagan.Kabanata 6Her mouth was totally out of words to say. She couldn't even blink properly. Gumuho ang kaniyang damdamin nang marinig mula sa lalaki ang pag-amin na iyon. She refused to agree with the DNA test proposal of Crane because she was certain that the result would be positive as it is.Matagal na panahon niyang itinago sa lalaki ang katotohanan. Subalit nang muling magkrus ang mga landas nila ay sa isang iglap, nabuklad ang palad niyang kumimkim ng lihim na iyon. Her lips trembled. Her hands were shaking. Gayunpaman ay kinaya niyang magpakawala ng malalim na hangin. She wiped her tears, turning to where her things are. Kinuha niya ang bag niya at akmang lalagpasan ang lalaki. The man grabbed her arm, making her face him. "Bakit hindi mo kayang sagutin ang mga tanong ko, Miss Agos?!""L—Let go of me," she said."I won't, unless you answer my questions. How did it happen?! P—Paano? Kailan?! Saan?!"Binawi niya mula sa mga kapit ng lalaki ang kaniyang braso. "K—Kalimutan mo na a
Kabanata 5Napatingin siya sa orasan ng kaniyang phone. She's a bit late. Hinanap nila ni Shiela ang kaniyang dressing room. May nakita silang staff ng kompanya kaya ay tumungo sila rito. "Miss, saan ang dressing room para kay Suraidah?" tanong ni Shiela."Ah, dumiretso na lang po kayo. May nakalagay na name sa itaas ng door. Dalawa pala sila ni Miss Shari. Hindi kasi nagamit ang isang dressing room dahil sira daw ang aircon." Aalma na sana siya subalit pinigilan siya ni Shiela. "Sige, Miss. Thank you." Tumango lang ang staff at agad na itong umalis. "Shiela, titiisin ko ang room na may sirang aircon, huwag lang kaming magsama ni Shari sa iisang room. Can't you do something about this?""Te, hindi na ito ang oras para mag-inarte. Gawin mo na lang ang trabaho mo nang sa ganoon ay matapos na tayo.""Shiela, nakita mo naman ang sasakyan na tinuro ko sa iyo kanina, hindi ba?" She sighed. "Sasakyan iyon ni Crane. For certain, he was here! B—Baka sinamahan niya si Shari!""So? Ano nama
Kabanata 4Her heart was beating the unusual. Hindi naman siya nagkape nitong umaga pero para bang ninenerbyos siya. "Suraidah!" panggugulat ni Shiela sa kaniya"Dios Mio!" napahawak sya sa kaniynag dibdib. "May plano ka bang kitilin ako ng buhay? You're killing me, Shiela!""Ginulat lang, killing agad?!""Seryuso!""Seryuso rin, Suraidah! Ilang araw ka nang wala sa sarili mo! You are not on your shape! Pinabayaan mo ang sarili mo because of Crane?! God! Alam mo naman na hindi ka puwedeng magkaroon ng darks sa under eyes mo! You are a model!"Umismid na lang siya. Balisa siya sa pag-iisip nang malalim ukol sa nais na mangyari ni Crane. Kinababahala niya ngayon ay baka bigla na lang maisipan ni Crane na magpa-DNA test sila ni Caelan. Posibleng gawin ito ng lalaki nang palihim. Sa yaman ba naman nito ay tiyak magiging madali lang upang magawa ang nais nito. "Kinakausap kita, Suraidah. Bukas ay may shoot ka sa studio." Umiling ang kaibigan niya. "Ano ang gagawin natin kung magiging vis
Kabanata 3Ganitong pakiramdam iyon. Nang-iinit ang katawan niya noong gabing pumasok siya sa opisina ng student council. She found Crane on his chair with his unbuttoned polo. Lasing na lasing ang lalaki. She shook her head, trying to put herself back to reality. The way the man in front of her cleaned his throat caught her attention. Napahawak siya sa kaniyang noo, pawisan. Lumalakas ang tibok ng puso niya habang papalapit sa kaniya si Crane. "Who is your child's father?"Halos mawalan siya ng balanse nang marinig ang tanong na iyon mula kay Crane. Bago pa siya makapagsalita ay tumulo na ang kaniyang luha. Nanginig ang mga labi niya't hindi na niya batid kung ano ang isasagot niya sa lalaki. "Miss Agos, I am asking you a question." Katahimikan ang namayani sa loob ng opisina ng lalaki. "Simpleng tanong lang ay hindi mo masagot?""H—He d—died," nauutal niyang wika. "Damn, Miss Agos. Hindi ako naniniwala na patay na ang ama ng anak mo."She sighed heavily, making her best to compo
Kabanata 2He was looking at the folder, starting to read what was written on the paper inside. Isang portfolio ang naroon at iyon ay detalye ng buhay ni Suraidah. Napahanga siya sa mga achievements na mayroon si Suraidah kaya ay napangiti siya nang kusa."She's 27, an entrepreneur and a model," an
Kabanata 1Sinilip niya ang anak na nakatulog sa malambot na sofa sa sala ng kanilang bahay. Napakamot siya sa kaniyang batok nang maisip muli ang naganap sa airport kanina. "Suraidah, ano na naman ang nangyari at para bang asong may galis ka riyan?!" Tumayo siya at humakbang patungo sa pintuan.
I have your son, Mister Zillionaire(Starting: May 16, ‘26)PrologueLimang taon na ang nakalipas nang muli siyang makabalik sa Pilipinas. Tinapos niya ang kursong may kaugnayan sa pagnenegosyo sa isang prestihiyosong paaralan sa America. Nang handa na siyang saluin ang obligasyon ng kaniyang Daddy






![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.