Share

Millionaire Men's Club: Alexandros Ruffalo
Millionaire Men's Club: Alexandros Ruffalo
Author: Shelly Moirae

Chapter 1

 ''Elaine! Gumising kana dyan at late kana sa trabaho!'' sigaw ng kanyang Nanay Merlina.

Nagmamadaling bumangon sa kama si Elaine at napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Nanlaki ang mata nya nang makita mag aalasais na pala ng umaga! Alas otso ang pasok nya at bbyahe pa sya.

Paniguradong magagalit sa kanya ang manager nila kapag nalate sya. May special occasion pa naman ngayon araw sa Escusina de Restaurant kung saan sya nagttrabaho bilang waitress. 

''Ay kung sinuswerte ka nga naman! Bakit ba hindi gumana ang alarm ko sa cellphone!?'' Hinanap nya ito sa kama pero hindi nya makita. ''Asan na ba kasi yun!?'' naiiritang sabi nya.

''Elaine, etong telepono mo tumutunog,'' ani ng kanyang ina na pumasok sa loob ng kanyang kwarto habang hawak hawak neto ang cellphone nya na nag aalarm.

''Saan nyo po nakita?'' tanong nya at kinuha dito para patayin ang alarm.

''Naiwan mo yung bag mo kagabi sa sala. Siguro eh sa sobrang pagod mo di mona naalala at nakatulog ka kagabi ng hindi kumakain ng hapunan.'' Bakas sa magandang mukha neto ang pag aalala sa kanya.

Napakamot sya sa ulo at ngumiti sa ina. ''Pasensya na Nay, Sobrang pagod ko po kagabi at andami namin ginawa na trabaho kahapon. Sobrang daming customer sa restaurant kaya nag extend kami ng oras.''

''Sige na at ikaw eh mag intindi at malalate kana sa trabaho. Maghahanda muna ako ng pagkain mo sa ibaba at ng busog yang tyan mo bago pumasok.'' Lumabas na ang kanyang ina kaya nagmamadali na ang kilos nya. Ayaw nyang malate sa trabaho dahil masungit ang kanilang manager.

Pagkatapos maligo at magblower ng buhok ay umupo na sa harapan ng salamin si Elaine para mag ayos ng kanyang mukha. Pulbos at lipstick lang naman ang ilalagay nya para naman magmukha presentable ang itsura nya. Actually madami nagsasabi sa kanya na hindi na nya kailangan pa mag ayos dahil natural ang kanyang ganda. Matangos ang kanyang ilong na namana nya  sa namayapang ama. Ang kanyang pilik mata ay mahaba samantalang ang kilay nya ay medyo makapal na bumagay sa kanyang mukha. Nakuha naman nya sa ina ang brown netong mata at mamula mulang labi. 

Tumingin sya sa salamin at ngumiti.''Another day nanaman para magtrabaho.'' Napabuntong hininga na lamang sya.

Mula ng mamatay ang kanyang ama ay sya na ang sumalo ng lahat ng responsibilidad na naiwan nito. Kaya napilitan syang huminto sa pag aaral ng kolehiyo at magtrabaho sa restaurant para matustusan ang pangangailangan ng pamilya nila. Walang trabaho ang kanyang ina dahil iniintindi nito ang bunso nilang kapatid na si Sabrina, may sakit ito sa puso kaya kailangan alagaan ng mabuti. Samantalang ang sumunod sa kanya na si Raven ay nag aaral ng highschool. Tatlo silang magkakapatid at panganay sya.

Bumaba na sya at pumunta sa kusina. Kumuha lang sya ng isang tinapay at mabilis na kinain ito. Wala na syang oras para kumain ng maayos. 

''Nay una na po ako.'' Paalam nya at nagmamadaling lumabas

''Sige at magiingat ka!'' sigaw nito.

 ***

Alexandros staring at his room ceiling and thinking what his Brother Marcus told him. He gave him ultimatum to go back to their country and manage the Millionaire Men's Club that based in Bicol. Ayon dito ay utos iyon ng kanilang Ama dahil magreretiro na raw ito at silang apat na magkakapatid na ang maghahandle ng family business nila. He remembered the conversation he had with his eldest brother.

Patulog na sana sya ng makatanggap sya ng tawag. Tinatamad na sinagot nya ito. ''Hello?''

''How's the business there, Alexandros?'' Marcus said with a cold voice.

''I'm great bro! Thanks for asking.'' He laugh and fall back to bed.

''Stop laughing and be serious, Alexandros! But it's good that you're okay.'' Seryosong sabi ng kapatid nya. Ito ang panganay sa kanila kaya ito ang nagmamanage ng halos lahat ng business ng pamilya nila. Wala nga ata oras to para lumabas at mag enjoy.

Tumikhim sya at nagseryoso. ''The hotels and restaurants are okay. I managed to find the culprit who stole some of our famous recipe and sold it to our competitor.''

'' That's good, don't go easy on him.''

''Him? who said it a guy? Her bro! and She's so pretty, sexy and - '' his words cut off with his brother's angry voice.

''Alexandros! Be serious! Stop playing around!'' 

Natatawang itinaas nya ang isang kamay na akala mo kaharap ito.''Okay, okay! Chill. Stop being serious always Marcus. Have some fun sometimes!''

''I don't have time to have some fun. Specially Dad want to retire and enjoy his life with Mom. That's why i also called to tell you that Dad want you to manage the MMC and come back here.'' Marcus sighed.

''What!?'' he's shocked with the news. ''But Dad is still young and strong. Why he want to retire already?''

''He just said he want to spend more time with Mom. Just come back here because Dad want to talk to all of us.''

''What about the hotels and restaurants here? Who's gonna manage?'' tanong nya dito.

''I don't know, malalaman natin sa meeting. Anyway i need to go, i have meeting in 5 minutes.''Marcus ended the call.

His phone ring that makes him go back to reality. 

Nicole calling ..

One of his fling but he decided not to answer it. He get up and called the maid to help him pack some of his clothes and stuff. After fixing everything, he called his secretary. ''Prepare the private plane, we're going back to the Philippines tomorrow.''

''Noted sir.''

Then he ended the call and go back to bed. He need some rest before his flight.

***   

Manila, Philippines

Naiiritang napasabunot na lang sa sarili si Elaine ng mahirapan syang makasakay. ''Kung bakit ba naman kasi ako pa ang inutusan sumundo sa pamangkin nya!''nagpapapadyak pa sya sa inis dahil sobrang init na nga wala pa masakyan. ''Akala mo naman bata pa! Susku isang sakay laang mula airport papunta dito sa restaurant!''

Pumara ulit sya, buti na lang at huminto yung taxi sa harap nya. ''Kuya, airport po.'' Nagmamadaling sumakay sya.

Napakamaldita talaga  ng manager nila, na late lang sya ng 2 minuto kung ano ano na sinabi. Heto't inutusan pa sya sunduin ang pamangkin na galing daw Spain. Hindi naman parte ito ng trabaho nya pero wala sya magagawa, ayaw nya pagbuntungan sya ng init ng ulo nito.

Uminom na lang sya ng Ice coffee para kumalma sya kahit papaano. Dahil sa traffic nalate sya ng kalahating oras. ''Kung sinuswerte ka nga naman talaga ngayon araw.'' Bulong nya sa sarili.

''Kuya, dito na lang po. Salamat!'' sabay abot ng ng bayad dito at tumakbo.

Malilintikan sya lalo nito kapag nalate pa sya sa pagsundo. Kinuha nya ang bond paper na may pangalan ng pamangkin ng manager nya sa bag nya, itataas na sana nya ito ng may bumangga sa likod nya dahilan para matumba sya at matapon  ang kapeng hawak nya.

''Nayyyku poooo!'' sigaw nya sabay pikit ng mata, ready na syang bumagsak sa sahig at masaktan. Pero may matigas na braso ang sumalo sa kanya.

Napamulat sya at napatingin sa sumalo sa  kanya. Titig na titig ang magagandang mata nito sa kanya na akala mo'y nangangausap.

''Excuse me, Sir.''

Bigla sila natauhan sa boses na nagsalita, dahan dahan naman s'yang itinayo nito at kinuha ang panyo inabot dito ng babaeng nagsalita at pinunasan ang puting t-shirt nito.

Dun lang nya napagtanto na nabuhusan nya pala ito ng hawak nyang kape! dali dali naman syang kumuha ng tissue sa bag at tutulungan sana ito sa pagpupunas ng magsalita ito.

''It's okay, I can handle it.'' Malamig na sabi nito, nababakas sa gwapong mukha ang pagkairita.

Napakagat labi sya, gusto na lang n'ya lamunin sya ng lupa dahil nahihiya sya sa nangyare. May mga tao din na nakatingin sa kanila.

''Sorry Sir! Di ko po sinasadya at may bumunggo po sa likod ko.'' Paliwanag nya dito habang nakayuko.

He ignored her, and asked Amari for his jacket and put it on.

''Where's the ca-''

Before he even finish his sentence a black BMW X6 stopped infront of them and the driver went out. ''Good morning, Sir!''the driver smiled and opened the car door for him.

''Morning.'' He get inside.

His secretary Amari opened the front door para dun umupo katabi ng driver seat. Pinaandar na ng driver ang kotse at umalis sa lugar nayun.

Naiwan naman nakatulala si Elaine sa sasakyan na umaandar palayo sa kanya. ''Ang sungit! Di naman sinasadya.'' Bulong nya sa sarili.

Bigla naman nya naalala kung bakit andoon sya sa airport, ang pamangkin ng manager nila! Malalagot talaga sya nito. Nagmamadaling nagpunta sya sa exit area kung saan lumalabas ang mga bagong dating sa bansa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status