JANINA MARIE Makalipas ang isang taon, habang masaya kaming magkakaharap na kumakain sa malawak na bakuran ng Paraiso De Montefona sa Calauag ay biglang umiyak ang aking bunso. Parang sinilaban ang puwet ni Xavier dahil sa bilis n’yang tumayo. "Dessa, don't cry, baby," sabi niya habang isinasayaw ito. Kumikislap ang aking mga mata habang pinapanood ko sila. Sa tabi ko ay naroon sina Yna at Jude. Tinutulungan ni Yna ang kanyang kapatid para tanggalan ng tinik ang isda na nasa plato nito. "Ako na ate. Ayaw kong mahirapan ka kasi girl ka. Dapat ako ang tutulong sa iyo," saad ni Jude. "'Wag ka na ngang magreklamo diyan. Ate ako," sagot ni Yna. "Oh, 'wag na kayong mag-away. Ako na lang ang gagawa," sabad ni Nanay Elle. "Hindi po kami nag-aaway. Ganito lang po talaga kami," mahinang sabi ni Jude. Nakangiting sumubo ako ng pagkain. Sa mga gano'ng pagkakataon ay pinapabayaan ko ang aking mga anak upang matutunan nila kung paano respetuhin ang isa't isa. Hinahayaan ko sila para
JANINA MARIEAng mga sumunod na linggo na wala si Xavier ay napakahirap para sa akin. Nagsimula na akong makaranas ng morning sickness at katulad noong ipinagbubuntis ko si Jude, wala akong asawa na puwedeng tumulong sa akin. Nag-initiate ang mga biyenan ko na sa mansyon ng Montefona muna ako tumira subalit tinanggihan ko sila. Mas gusto ko kasing manatili sa bahay kung saan ay na kasama ko si Xavier ng matagal. Gusto kong mabuhay sa mga alaala ng aking mag-ama. "Kumusta ka rito," tanong sa akin ni Althea. "Maayos naman ako," sagot ko sa kan'ya. Tumingin sa akin ang aking kaibigan na para bang hindi niya ako pinaniniwalaan. "Sigurado ka?" tanong niya ulit sa akin. "Baka mamaya tumalon ka riyan sa swimming pool katulad nang ginawa mo noon sa dagat sa Batangas."Nahampas ko ang aking bestfriend. Kahit kasi ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang nangyaring iyon. Aaminin kong nawala ako noon sa aking sarili, ngunit hindi ko na gustong mangyari pa iyon.
RHIAN HOFREY Jake has been irritable lately. Madalas ay ikinukulong niya ako sa silid at hindi pinakakain. Ginagamit niya rin ako na parang hayop. My life with him is like hell. Nakakasakal at nakakapagod ang bawat segundo. Kapag lasing siya ay pinagdidiskitahan niya ako at binubugbog na para bang wala ng bukas. Madalas ay nagiging unconscious ako sa bawat atake niya. The love I felt for him turned into hate. Galit na pumapatay unti-unti sa akin. Ang daming mga boses ang bumubulong sa akin na tapusin ko na raw ang aking buhay pero pilit kong pinaglalabanan iyon. Ang tanging pangarap ko ngayon ay ang makita si Yna. Subalit idineklara na siyang patay ng mga alagad ng batas. Pumasok si Jake sa silid ko at pinukpok ako ng baril sa ulo. Naramdaman ko ang pagtulo ng pulang likido sa aking noo. Pinahid ko iyon ng likod ng aking palad. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig ako kay Jake na parang sinasapian din ng demonyo. “Jake, set me free. Hayaan mong hanapin ko si Yna,” I beg
JANINA MARIEHalos mawasak ang mundo ko dahil sa balitang dumating. Hindi ko napigilan nang unti-unti akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako dahil sa mga boses na tumatawag sa pangalan ko. “Ma’am, gusto n’yo po bang dalhin namin kayo sa hospital?” tanong sa akin ng secretary ko. "Ma'am, ano po ang nararamdaman mo?""Misis Montefona, kumusta po kayo?""Ma'am, gusto n'yo po ba ng tubig o kahit anong inumin?"Umiling ako sa bawat tanong ng mga taong nakapaligid sa akin. Pinilit kong umupo kahit nanghihina ako. Agad kong inutusan ang aking personal assistant na tawagan si Althea at Lola Genevieve. Agad naman siyang tumalima sa utos ko. “Ma’am, on the way na raw po ang lola mo,” wika ng inutusan ko.Bago pa man ako magsalita ay agad na pumasok si Althea sa conference room ng isang hotel kung saan namin isinagawa ang meeting para sa expansion ng mga projects ng Villasanta. Agad akong yumakap kay Althea habang hinahayaan niya lang na dumaloy ang mga luha ko.“Ano ang gagawin ko?” ta
JAKE ADMERSONKapag pera ang gumalaw, kahit anghel ay magiging demonyo!I am patiently waiting sa news sa tv. Hindi ko na kasi makontak ang taong inutusan ko kaya sa balita ako ngayon umaasa. Si Rhian ay walang alam sa ginawa ko at panay lang ang ngawa niya dahil wala raw akong ginagawa kahit malapit na kaming magutom. Nakaririndi ang bibig niya ngunit hindi ko siya magawang palayasin o patayin dahil pwede ko pa siyang magamit laban kay Xavier. “Jake, ano ba, wala ka na bang gagawin riyan kung hindi ang umupo at tumunganga sa tv?” she asked angrily. Sinulyapan ko lang siya. Hindi ko gustong makipag-away dahil ayaw kong mabahiran ang saya ko ng galit. Hanggang sa binato niya ako ng unan. Sinalo ko lang iyon. “Jake, ano ba ang susunod na plano natin? Nakakainip na. Wala ka ng pera, wala na rin ako. Paano na tayo? Magtatago na lang ba tayo rito? I don’t want to live my life like this forever,” reklamo ni Rhian. Dahil nakakatulig na ang bibig niyang walang preno kaya binunot ko ang ba
XAVIER WESLEY As I watched Tommy suffer because of some people's cruelty, I couldn't keep my range under control. I feel bad for his mother, who recently lost her husband. I feel sorry for my wife because she blames herself for what happened.I resolved to take action once more. Although paulit-ulit na pumapalpak ang mga plano ko, hindi ako mapapagod na sumubok ulit para sa safety ng aking buong pamilya. Batid kong hanggang nakakalaya sina Jake at Rhian, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kalayaan na tinamasa ko dati. Hindi nila magagawang maglaro ng malaya sa mga parks at lalong hindi sila makakakain sa labas na walang iniisip na panganib. Dad was surprised when I told him na pipilayan kong muli ang mga Admerson. He asked me why and I simply said na preparation lang iyon para sa isang sorpresa. He looked at me and said, "Okay. I'll support you all the way. Tell me what you need and I'll give it to you." It's not usual na basta-basta ako papayagan ni Daddy sa mga ganoong gawain pe