Share

Kabanata 22

MIREN'S POINT OF VIEW

"S-seryoso ka ba, Kieron? Huwag mo nga akong takutin!" mataas na boses na sabi ko sa kanya.

Tinitigan niya ako nang mabuti, "hindi ako nagbibiro, Miren. Si Maximo ay isang mababang uri ng bampira pero hindi tatalab sa kanya iyong tinapon mo sa akin kanina." Sabay ngiwi nito sa akin.

Agua bendita iyong sinasabi niya.

"Ilan ba kayong bampirang nandito? Diba mababang uri siya ng bampira? Ba't hindi sa kanya tatalab, e, ang sabi mo para sa mga mababang uri lang tatalab ang mga gano'n." Tanong ko sa kanya pero imbis na siya ang sumagot sa akin, umepal si Virion at siya nagpaliwanag sa akin.

"Mahal kong Miren, ang sinasabi ni Kieron na mababang uri ay sila ang mga alagad ni Reid, ang mga tinatawag naming mga Rubis."

"R-rubis?" Nasabi na ni Kieron ang tungkol sa mga Rubis sa amin pero ayoko pa ring makakita ng gano'n.

Tumango ito sa akin, "sila ang mga bampirang makasalanan. Ginawa sila ni Reid para pumatay at kumain ng mga tao.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status