MIREN'S POINT OF VIEW
"Ililigtas ko kayo," sabay yuko ko rito.Hindi p'wedeng mangyari ang aking napanginipan. Hindi p'wedeng dumanak ng dugo sa kinatatayuan namin. Hindi p'wede dahil maging ako ay mamamatay.Nakatingin ako sa mga mata ni Reid, maging si Neko ay nakawala na rin sa lubid.Hindi ko alam kung makikinig sila akin kung ang huling balita na natanggap namin ay sumusugod na ang tatlong kaharian dito. Marahil marami na ring nasugatan at namatay na bampira.Humakba ako palapit sa kanya, muntik na ko mabuwal mabuti lamang nahawakan agad ako ni Reid."Kaya mo bang lumakad, Miren." Bakas sa boses niya ang pag-aalala sa akin.Ngumiti ako sa kanya at tumango nang marahan, "kaya ko. Nabuwal lamang ako dahil sa tagal ng pagkakatayo at pagkakabitin namin. Huwag kang mag-alala."Tumayo ako sa gitna ng plaza, kaharap ang mga Rubis, "kakayanin kong ibalik ang kasiyahan ng iyong kaharian. Kakayanin kong mamuMIREN'S POINT OF VIEW"Ayos na ba si Kieron?" pagtatanong ko kay Virion na nasa aking gilid. Lumapit ito sa akin, "Mahal ko, maayos na ang pakiramdam ni Kieron. Ikaw, ang aking inaalala. Hindi pa mabuti ang iyong lagay." mahinahon nitong sabi sa akin. Bakas sa boses niya na nag-aalala siya sa akin dahil sa digmaan na nangyari sa pagitan ng mga Rubis."Ayos lang ako, Virion. Maayos na ang pakiramdam ko ng mawalan ako ng malay-tao habang nagsasagupaan ng mga oras na iyon..." wika ko sa kanya. "Nawalan lang naman ako ng malay tao dahil sa paggamot ko kay Reid ng oras na iyon. Pero, dahil sa ginawa kong 'yon nagbuklod-buklod na ulit kayong magkakaibigan." Tinapik ko ang kanyang balikat. Niyakap niya ako nang mahigpit na siyang pagsipa ko sa kanyang tuhod. Nasa gitna kami ng quadrangle tapos yayakapin niya ako. "Mahal ko," tawag niya sa aking isipan pero inangilan ko siya."Nasa gitna tayo ng quadrangle, manyak na hari ng
Miren's Point Of View"Mahal ko? Handa ka na ba?" Nangilabot ako ng marinig ang boses ng manyak na Virion na iyon. Ilang taon na ba ang nakakalipas ng hulaan kami ng isang babaylan. Na ang tamang pag-iisang dibdib namin ay ngayon. Bakit pati iyon ay kailangan namin pahulaan sa babaylan? Isa rin naman akong babaylan, ha? Pero, 'di siya naniwala sa akin. "Tumigil ka, Virion." madiin na sabi ko sa kanya. Nasa harapan ko na siya at ang laki nang ngiti niya sa akin. Ang masama pa nu'n naka-boxer shorts na lang siya. Oh, jusko, lupa bumukas ka at lamunin mo na ako. Umatras ako nang hakbang ng makitang lumalapit na sa akin si Virion. "T-t-teka lang naman!" mariing kong sigaw sa kanya para siyang walang narinig dahil palapit na palapit pa rin siya sa akin. Katapusan ko na. Dingding na itong nasa likuran ko ngayon. Nagulat ako ng ilagay ni Virion ang dalawang kamay niya sa pagitan ng
MIREN POINT OF VIEW "Miren? Do you believe in vampire?" Ngumiwi ako sa tanong ni Beverly. Sa aming tatlo siya talaga ang naniniwala sa mga bampira. Naalog na yata ang ulo nito. Kumunot ang aking noo at umiling dito, "hindi naman totoo ang mga iyan, Beverly. Isa lang iyong sabi-sabi." pagpapaliwanag ko rito. Nandito kami sa labas ng bahay namin, nagmumuni-muni. Marami kasing stars ngayon at makikita raw namin ang blue moon ayon sa balita kaya nag-aabang kami rito nila Beverly. "Pero, malay mo nga, Miren? Paano kung totoo?" pangungulit na tanong niya sa akin. Ang kulit talaga niya. Naningkit ang aking mga mata sa kanya, "ikaw, Beverly? Naniniwala ka ba sa kanila?" balik na tanong ko sa kanya. "Medyo... Dahil sa mga napapanood ko, katulad ng Twilight and Vampire's diary... Ano na kaya feeling na bampira ka, ano?" Sabay tingin sa amin ni Fille. Hindi ko na talaga alam ang tumatakbo sa utak ng isan
MIREN POINT OF VIEW"Alam niyo ba iyong balita? May natagpuan daw na patay sa bakanteng lote malapit sa school natin...""May nakitang dalawang butas sa may leeg ng bangkay at narinig ko kanina roon sa nakakita, ang putla raw ng bangkay..."Napakunot ang aking noo sa narinig ko. Nandito kasi ako sa canteen, hinihintay na dumating sila Beverly, na-late kasi ng gising ang mga iyon kaya nauna na ako sa kanila, iyon nga lang wala pala akong assignment sa isang subject namin, need kong kumopya."Baka naman kanina pa kasi patay iyon?""Hindi, e. Hindi pa raw matigas iyong bangkay sabi nu'ng nakakita sa mga pulis... At, ang nakakapagtaka wala na raw ibang galos ang bangkay. Walang saksak or tama man lang ng baril sa katawan. Wala nga raw nawalang gamit sa biktima.""Nakakakilabot naman. Last week lang din may natagpuan ding bangkay roon
VIRION POINT OF VIEWMay kumatok sa aking silid, sumilip si Blade kaya pinatuloy ko ito.Yumuko ito sa akin, "Mahal na prinsipe, sumalakay na naman ang mga Rubis sa mundo ng mga tao. Isa na naman ang natagpuang patay malapit sa eskwelahan nila Miren." Balita nito sa akin.Tumayo ako sa aking upuan, "nag-uumpisa na naman sila sa kanilang binabalak. Hindi na sila nadala sa nangyari sa kanila...""Kailangan na natin sila bantayan, Mahal kong kapatid... Mukhang alam na nila kung sino ang iyong katipan... Ang magiging susunod na Reyna sa ating kaharian." Hindi na ako nagulat sa palaging pagsulpot ng aking kapatid.Gawain na rin naman niya ito simula pagkabata namin.Lumingon ako sa kanya, nakaupo siya sa bintana ng aking k'warto at kung may anong hinahagis sa ere at sasaluhin ng kanyang kamay."Pumunta ka na naman
MIREN POINT OF VIEW"Miren! Miren! Miren!" Napahinto ako sa pagsubo ko nang kutsara ng marinig ko si BeverlyAng aga-aga pa pero iyong boses niya rinig hanggang kabilang kalawakan. Ano na naman ang pakay ng isang ito? Si Fille kaya guluhin niya, tignan ko kung hindi tumiklop ang bibig niya kapag tinignan siya ng masama ni Fille."Anong kailangan mo, Beverly? Ang aga-aga pa nambubulabog ka na. Natutulog pa iyong kapatid ko!" angil ko rito at pinagpatuloy ang pagkain ko.Umupo ito sa tabi ko at kumuha ng pandesal, "may bagong nangungupahan sa apartment namin..." Naningkit ang mata ko sa kanya.Iyon lang ba sasabihin niya?"Edi, congrats, Verly!" matamlay na ani ko rito.Akala ko naman kung anong good news na ang sasabihin niya."Hindi lang iyon, Miren..." Tumingin siya sa paligid namin at pinagpatuloy
VIRION POINT OF VIEW"Bago ba sila?""Ang ya-yummy naman nila!""Ang gwapo nu'ng may blue hair!""Mas gwapo iyong may gray hair, girl!""Mas bet ko iyong black hair!""Ano kaya pangalan nila?""Sisipagin na akong pumasok kapag ganito. Kapag sila kaklase ko!""Iyong mga kaklase talaga natin, makakita lang ng gwapo, ang haharot na nila..." rinig ko bulyaw ni Beverly sa dalawa niyang kaibigan."Hindi ka pa nasanay sa kanila." Sabay iling nitong si Fille."... Classmates namin kayo, right?" tanong nito sa amin. Tumango naman sa kanya si Orpheus."Hindi ba kayo nagsasalita? Malimit lang ba kayong magsalita? Mapapanis niyang laway niyo." dugtong pa nitong sabi sa amin."Mapapanis daw laway natin. Hahaha. B
MIREN POINT OF VIEW.Nasa canteen kami, lunch break na namin. May sariling mundo pa rin iyong apat. Weird talaga nila. Kinalabit ko si Fille, kaya tumingin ito sa akin, "ang weird ng panaginip ko kagabi, Fille..." mahinang sabi ko sa kanya na palihim. Palihim kami nag-uusap. Pakiramdam ko kasi may nakakarinig sa amin. Kanina ko pa ito iniisip. Hindi ko alam pero si Virion iyong lalaking nasa panaginip ko. Sobrang weird lang kasi talaga."Paanong weird? Ano ba panaginip mo kagabi?" mahinang tanong niya pabalik sa akin. Palihim akong tumingin sa apat at saka bumulong kay Fille, mukhang busy naman sila at itong si Beverly nakikipagdaldalan dito kay Blade mukhang close na silang dalawa."Sa comfort room ko sasabihin. Sobrang weird talaga, Fille." ani ko sa kanya at sabay kaming tumayong dalawa.'Pagka-tayo namin ni Fille, sabay-sabay silang napatingin sa amin. Maging si Beverly ay napatingin sa amin."Restroom lang," ani ko at sabay kaming lu