Nangunot ang noo ko at bahagyang lumayo. Tumaas ang isang kilay niya sa ginawa kong pag-atras.
"At kailan ka pa naging pinsan ko para sunduin ako?" tanong ko.
Nakatingin pa rin siya sa paa ko ngunit unti-unti rin nag-angat muli ng tingin sa akin. Muli akong napaatras habang nakikipag titigan sa mata nito.
Bakit... nakakaramdam ako ng kakaiba? Para akong...
Naramdaman ko ang panginginig ng dalawang kamay ko kaya naman tinago ko ito sa likuran ko.
Natatakot.
Ngumuso siya ngunit may multo pa rin ng ngisi sa labi habang nakatitig sa akin.
"Then why don't you ask your cousin?" he asked while there's a hidden amusement in his eyes.
Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang panginginig nito. Nanginginig man ang kamay ko ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at mabilis na hinanap sa contacts ang pangalan ng magaling kong pinsan.
Nang makita ko ang pangalan ni Leo ay mabilis ko itong pinindot at nagtipa rito.
To: Leo
Where are you? Anong oras ka darating? Tapos na ang klase namin!
Sumulyap ako sa lalaking nasa harap ko na nakangisi lang na pinapanood ang bawat galaw ko. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay kinagat niya ang ibabang labi niya tsaka nag-iwas ng tingin.
Manyak pa ata 'tong isang 'to!
Mabilis akong napatingin muli sa cellphone ko nang mag vibrate ito.
Leo:
Andyan na ba si gago?
Nangunot ang noo ko.
"Gago? Sinong gago?" wala sa sarili kong sambit habang itinitipa iyon sa cellphone ngunit natigilan ako nang biglang tumawa ang lalaking nasa harapan ko.
"Hahahahaha!" Malakas ang pagtawa niya, nakapikit pa at nakatingala habang hawak-hawak ang tiyan niya.
Napaawang ang bibig ko at nakataas ang kilay habang pinapanood tumawa sa harapan ko ang lalaking ito. Unti-unting nalukot ang mukha ko bago dahan-dahang humakbang paatras.
What the heck... baliw pa ata 'tong isang 'to?!
Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko at handa na sanang tumakbo paalis nang biglang magsalita ang lalaking nasa harapan ko.
"That's me," he said with a wide smile on his lips. Sa sobrang lawak ng pagkangiti niya ay halos nakapikit na ang may kasingkitan niyang mata.
My lips parted.
The earlier nervousness I was feeling gradually subsided just because of his dazzling smile. But still, I don't like his aura. He always seems to think something funny about you at isa pa, mukha siyang gangster.
Hindi katiwa-tiwala.
"Ikaw si gago?" I asked.
Ang kaninang malawak niyang ngiti ay napawi at napalitan ng naiinis na ngisi.
"I have my name, Leanne," sambit niya na may ngisi pa rin sa kaniyang labi na halata namang pilit lang.
"I don't care about your name. I'm asking you kung ikaw ang tinutukoy na gago ng pinsan ko. And please don't call me on my name, we're not close," masungit na sambit ko bago ko siya nilagpasan.
Mabilis muli akong nagtipa sa cellphone ko.
To: Leo
Nasan ka ba? Bakit bigla bigla ka nalang nagpapadala ng gangster dito?!
"Tara na, hatid na kita."
Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko na ngayon ay nakasakay na sa kanyang itim na motor na may disenyong malaking tigre.
"I can walk," I said then continued walking and looked at my cellphone when it vibrated.
Leo:
Hahahaha...
Mabilis na nangunot ang noo ko at nagngitngit ang ngipin ko sa inis nang mabasa ang reply ni Leo.
'Hahahaha...'??? Ano namang gagawin ko sa reply niyang 'yan?
At may nakakatawa ba?! There's nothing funny! Siya dapat ang sumusundo sa akin ngayon!
I took a deep breath.
Calm down, Leanne. Para ka na namang bumabalik sa pagkabata.
"Of course you can walk but why are you walking in the wrong direction? Hindi ka pa ba uuwi kayna Leo?" makulit na tanong ng lalaki habang mabagal na pinapaandar lang ang motor niya upang masabayan ako sa paglalakad ko.
I stopped walking.
Unti-unti ay napatingin ako sa direkayon na nilalakaran ko. Nangunot ang noo ko nang ma-realize na naglalakad lang ako papunta sa hindi ko alam.
I looked at the man who now had a ghost of smile on his lips as he looked at me.
"Hindi ba dito ang daan papunta kayna Leo?" I asked.
He tilted his head na para bang may nakapagtataka akong sinabi.
"You don't know where your aunt and cousin's house is?" tanong niya.
Mabagal akong umiling.
Saan nga ba ang bahay nila rito sa Caloocan noon? Dahil sa sobrang tagal ko na rin na hindi na nakabalik pa rito mula pa noong nagdesisyon kaming umalis noon ni Mommy dito upang tumira sa Maynila, ay hindi ko na alam at matandaan ang mga pasikot-sikot dito. Balak ko pa naman sanang pumunta ng Pandayan upang bumili ng mga kakailanganin kong materials para sa assignment ko sa Arts kaso hindi ko naman alam kung saan ang papuntang Pandayan.
"That's weird. I just seen you last week sa bahay nina Leo." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ng gangster na 'to.
Last week? Eh, kakabalik ko lang ulit dito kahapon. Ibig ba niyang sabihin ay yung batang Leanne ang nakita niya last week? The young Leanne eleven years ago?
"I... I just forgot where it is now," palusot ko.
Mukhang magiging pambansang dahilan ko pa ata ang 'I forgot' mula ngayon sa tuwing tatanungin nila ako at pagdududahan sa mga magiging sagot ko.
"Then you don't have any choice but to ride with me," he said and gave me a playful smile.
Itong lalaking 'to hindi ko malaman kung presko lang ba, may sayad sa utak dahil bigla bigla nalang tumatawa, mabait dahil kapag nakangiti siya ay parang napaka genuine na tao niya o loko-loko dahil sa labi niyang laging nakaangat ang gilid na para bang may nakakatuwa siyang naiisip tungkol sa'yo na siya lang ang nakakaalam.
But then, I sighed. Wala naman akong choice kun'di ang sumampa nga sa motor nito.
My brow shot up when I noticed how his eyebrow met when I held my hand to the support that was behind me.
"What?" I asked.
He shook his head before taking off his helmet and without saying a word, he put it on me.
"Do you know where's Pandayan here? Daan muna tayo roon. May bibilhin ako," sambit ko habang inaayos pa niya ang helmet sa ulo ko.
Ngayon na binigay niya sa akin ang helmet niya ay siya tuloy itong walang helmet. But well, pabor ito sa akin. Paano nalang ako kung mahulog ako rito? Hindi pa naman ako sanay na sumakay sa motorsiklo. Mas mabuti ng may helmet ako. Safe.
"I thought we're not close? Pero kung makapag-utos ka..." he trailed off and just end his sentence with an amusing smile on his lips when I glared at him.
"Pasalamat ka nga sumakay pa ako sa motor mo even though you're just a stranger," sambit ko sabay irap.
Matapos niya ayusin ang helmet sa ulo ko ay tiningnan na naman niya ako na tila namamangha at hindi makapaniwala sa inaasta ko.
"Ako ba ang dapat magpasalamat? O ikaw dahil sinundo pa kita dito?" tanong niya habang parehong nakataas ang kilay at gilid ng labi niya.
"Sino ba ang nagsabi sa'yo na sunduin mo ako?"
"Oh, ngayon nagsisisi na akong nagpadala ako sa blockmail ni Leo. That punk.." Umiling-iling siya bago humarap na sa daan at pinatunog ang motorsiklo niya.
"Nasaan ba kasi si Leo? Bakit ikaw ang nandito?" Medyo nilakasan ko ang boses ko dahil napaka-ingay ng motor niya.
Ngayon ko nga lang napansin na nakatingin na pala sa amin ang lahat ng estudyanteng nasa labas na ng school at papalabas palang. Hindi lang nakatingin dahil ang karamahin sa kanila ay nagbubulungan pa na animo'y isang malaking tsimis ang nakikita kaming magkasama ng lalaking ito.
Napangiwi ako.
Nakalimutan kong ganito nga pala ako kasikat sa school namin noon. Na may makasama lang akong lalaki ay pag-uusapan na ng lahat at ia-assume na isa na naman sa mga lalaking paglalaruan at iiwan ko lang din sa huli.
"Pinsan mo?" He scoffed, "May sinundong iba. Ang lokong 'yon mas inuna pa ang babae kaysa sa pinsan niya," iiling-iling na sambit niya.
Nangunot ang noo ko.
Babae? May babae si Leo?
Ngunit gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko at halos iwanan ako ng kaluluwa ko nang bigla na lang niyang pinaandar ang motorsiklo niya na muntik ko nang ikahulog! Mabilis akong yumakap sa bewang niya.
"What the hell?! Plano mo ba akong patayin?!" I shouted.
Mukhang siya pa ata ang magtutuloy sa naudlot kong kamatayan, ah?! Gago 'to!
Kahit na maingay ang tunog ng motorsiklo niya ay dinig na dinig ko pa rin ang pagtawa niya. Sinandya niya. Sinandya niyang ipaharurot ang motor para mahulog ako! Sabi na nga ba at hindi siya katiwa-tiwala!
"What?!" I shouted when I heard him asked me but I did not quite understand what he asked.
Bakit ba kasi ang ingay ng tambutso ng motor na 'to?!
"I said, what do you want me to call you?!" he shouted.
Nangunot ang noo ko. Hindi agad nakuha kung bakit tinatanong niya 'yon.
"You said earlier that I can't call you on your name because we're not close!" dagdag pa niya nang hindi ako sumagot, "Then what do you want me to call you?!"
Oh, ayon ba? Bakit? Kailangan ba may itawag siya sa akin, eh hi ko naman siya kilala? Atsaka eto na rin naman ang first and last naming pagkikita dahil siguraduhin kong bukas na bukas ay si Leo na magsusundo sa akin o 'di kaya'y magc-commute ako!
"Nothing! Let's just not see each other again pagkatapos ng araw na 'to!"
He let out a bark of laughter.
"How rude of you, sweet heart!"
Mabilis na nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig kong tinawag niya sa akin.
"Eto?! Gusto mo?!" Sabay pakita ko sa kaniya ng kamao ko ngunit muli rin akong napayakap sa kaniya nang mas binilisan pa niya ang takbo ng motorsiklo niya. Agaw pansin tuloy sa daan ang motorsiklo niya dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya at sa ingay na nilalabas ng tambutso nito.
"Slow down!" I shouted habang mahigpit ang yakap sa kaniya dahil pakiramdam ko ay anytime ay liliparin na ako ng hangin sa bilis ng pagpapatakbo niya!
"Sorry! I just saw my friends!" he shouted and pointed to the three motors in front of us now aboard the three men who were looking in our direction and waving.
Naningkit ang mata ko dahil hindi ko makita ang mga itsura nila dahil mga naka-helmet sila. Ngunit napansin ko ang parehong tigre na disenyo sa mga motor nila. Bumagal ang takbo ng isang motorsiklo hanggang sa makatapat namin 'to.
"Kakakita lang namin kay Leo na angkas yung chix niya tapos makikita ka rin namin na may angkas ng chix?! Kingina, respeto naman, master!" sigaw ng lalaki na tinawanan lang ng gangster na 'to.
Nangunot ang noo ko. Tila pamilyar ang boses niya. Para bang narinig ko na ito noon ngunit hindi ko maalala kung saan at kailan. But his voice was really familiar.
Sa likod niya ay may isa ring lalaki ang nakaangkas sa kaniya prenteng nakahawak lamang sa hawakan sa likuran habang nasa harap lang ang atensyon.
"Pinsan ni Leo!" sigaw nitong gangster na kasama ko.
Bumagal din ang takbo ng dalawang motor na nasa harapan namin hanggang sa naging katabi na namin ang mga motor nila.
"Pinsan ni Leo?!" tanong naman nung isang lalaki na may kahabaan ang buhok.
Pati ang boses niya. Para bang narinig ko na rin sa kung saan ngunit hindi ko maalala.
Napayuko ako dahil lahat sila ay lumingon sa gawi ko bago sabay-sabay na malalakas na tumawa habang magkakasunod ang pang-aasar nila sa lalaking ito. Talaga bang dito sila mag-uusap? Dito mismo sa kalsada habang nagmo-motorsiklo?! Atsaka bakit ba parang big deal sa kanila na angkas ako ngayon ng lalaking 'to?
"Umuusad tayo, bossing ah?!" Halakhak ng lalaki na siyang may pinakamalakas na tawa.
"Shut up, Draco!"
Malakas na nagtawanan na naman ang mga kaibigan niya habang panay pa rin ang kantyaw sa kaniya. Napapikit ako sa inis.
Maingay na nga ang motor, ang iingay pa nila. Ganito ba talaga ang mga magkakaibigan na lalaki pag nagkikita-kita sa daan? Parang mga nakawala sa hawla na nakikipaglisahan pa sa ingay ng kalye!
"Mukhang malapit na tayo magkaroon ng sweetheart!" pang-aasar pa rin nila sa gangster na 'to.
Sweetheart? Are they referring to me?!
"Go away, dumbass!" Napipikon nang sigaw ng gangster na 'to.
Mabilis na humarurot ang mga motor ng mga kaibigan niya habang nagtatawanan pa rin at panay ang sigaw ng 'sweetheart'. Nang makalayo na ang mga kaibigan niya ay doon lang nagkaroon ng ginhawa ang tainga ko kahit na maingay pa rin ang tambutso ng motor ng lalaking 'to.
Nang madako ang paningin ko sa side mirror ng motor ay nagsalubong ang kilay ko nang makita ang repleksyon ng gangster na 'to roon.
He's blushing.
Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili
Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang
"Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka
"Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla
"Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m
"It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?