"Ano ba?!" Rinig kong sigaw ni Lucia nang maabutan ko sila ni Dacey.
Hindi siya makadaan ngayon dahil hinaharangan siya ni Dacey. Napayuko naman muna ako, hinahabol ang paghinga bago kalmadong nilapitan ang dalawa."Lucia," tawag ko rito. Mula rito ay kita ko ang pinaghalong galit at takot na dumaan sa mukha nito. Papalapit palang ako ay ilang hakbang na ang ginawa nito papaatras. I sighed."A-Ano?! Sasampalin mo ulit ako?! Kulang pa ba yung mga sampal mo sa'kin kanina?!" galit na galit na tanong nito. Ang kaninang kaunti lang na estudyante ay biglang unti-unting dumami. Sinubukan ko muling lumapit ngunit ayon na naman ang pag-atras niya kaya naman nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko."Lucia, I'm here to say so–""Puwede ba? Tama na, Leanne?! Alam ko namang ginagawa mo lang sa'kin lahat ng 'to dahil napahiya ko kayo ng Mommy mo noon! Ano? Sobrang nakakahiya ba? Natapakan ego mo? Ego ng Nanay mo? Well, deserve!!!" Nangunot ang noo ko. Hindi alam kung ano ang sinasabi ng babaeng 'to."What did you say?" Tumawa siya na parang sira bago siya mismo ang naglakad papalapit sa akin. "Bakit, hindi ba? Kaya nga lahat ng boyfriend ko inaagaw at nilalandi mo dahil hindi mo pa rin matanggap ang pagkapahiya ninyo ng Mommy mo noon! Naghihiganti ka!!" Napapikit ako. Bukod sa sobrang sakit sa tainga ng bawat sigaw niya ay kasabay din no'n ang pagkirot ng ulo ko dahil sa isa na namang alaala ang rumerehistro sa utak ko. It's my elementary graduation day. Me and my Mommy in the midst of the crowd. Confused and furious dahil sa maling akusa ng mag-ina na ninakaw daw ni Mommy ang purse ng nanay ni Lucia kahit na ang totoo ay isasauli lang namin sana ito dahil nakita naming nahulog nila ito bago pumasok sa venue. Sa sobrang pagpapahiya ay hindi namin nagawa ni Mommy na umakyat ng stage dahil sapilitan pang pinakaladkad sa mga guard palabas si Mommy habang ako ay nanatili lang nakatayo, umiiyak at walang magawa kun'di ang iwanan ang graduation at samahan si Mommy. Bago matapos ang alaala ay ang nakangising si Lucia ang huli kong nakita.Unti-unti kong naiyukom ang kamao ko. Now I know kung bakit gano'n nalang ang galit na nararamdaman ko sa naunang alaala na pumasok kanina. Kung bakit gano'n nalang ang reaksyon ng mga kaibigan ko sa biglaang paghingi ko ng tawad sa babaeng 'to. Kung bakit gano'n nalang kasama ang ginagawa ko sa babaeng 'to because after all...She doesn't deserve my sorry.Pero ibig bang sabihin no'n deserve niya rin ang kasamaan na ginagawa ko sa kaniya? Sa pagdilat ko ay ang namamaga niyang mata na puno ng galit at pangamba ang bumungad sa akin. "But you know what?! I don't know why you're still doing this to me! Sa huli naman kami pa rin naman ni Mommy ang napahiya! We said our sorry and your Mommy already forgive us but you!" Isang hakbang paatras ang nagawa ko nang itulak ako nito. "Y-You devil witch! You don't want to forgive me because you.want.me.to suffer!!!" Muntik na akong mapabagsak sa sahig sa huling malakas na tulak niya kung wala lang sumalo sa akin sa likod. "Ayos ka lang?" tanong ni Dacey na siyang nakasalo sa likod ko. Tumayo muli ako ng maayos bago tumango.'Thank you.' I mouthed.Malakas na humahagulgol na ngayon sa harapan ko ang babae. Tila nahihirapan na nga itong huminga dahil sa pag-iyak kaya naman akmang lalapitan ko muli ito nang umatras na naman ito. "Don't come near me!" "Lucia, please here me out–""Nandito ka para saktan ulit ako di'ba?!" "No. I'm here to say sorry, Lucia. Please..." Napapikit na ako sa frustration na nararamdaman dahil kanina pa niya ako ayaw pakinggan. Dahil sa alaalang pumasok na naman sa akin kanina ay hindi ko maitatanggi na parang gusto ko nalang mag back out ngayon. Ayoko nalang mag sorry. Dahil sa ginawa niyang pag-akusa kay Mommy noon parang gusto ko nalang na sampalin siya ulit ngayon pero mali... alam kong mali. Dahil hindi matatapos ang lahat ng 'to kung patuloy akong kakainin ng galit dahil sa ginawa niya noon. Isa pa, humingi na sila ng tawad sa amin ni Mommy noon. Kung napatawad na pala sila ni Mommy, sino ako para hindi rin sila patawarin? It's just the young Leanne who didn't want to forgive because instead of forgiving, she would rather choose to do bad things to you to make your life hell. And that's... the thing I wanna change. "What?" tanong ni Lucia. Natigil sa pag-iyak at halos gulantang na nakatingin na sa akin ngayon. I bit my lips. I admit. Until now, hirap pa rin ako banggitin ang salitang 'sorry' kahit na napakaraming beses ko nang nabanggit iyon nung nagtatrabaho ako. Napakahirap pa rin sa akin bigkasin ang salitang ito pero sa pagkakataong ito...Kinain ng mga hakbang ko ang pagitan namin bago ako pikit-matang yumuko sa harap niya, kapantay ng aking d****b. "I'm sorry..." Sa pagkakataong ito, ito na ang pinaka sincere na 'sorry' na nasambit ko sa buong buhay ko. Napasinghap ang lahat ng estudyante sa paligid maging si Lucia. Oo, ipagkalat ninyo. Eto ang kauna-unahang araw na humingi ng tawad si Leanne Lilith. Eto ang kauna-unahang nagpakumbaba ang queen bitch ng paaralang 'to. Nanuyo ang lalamunan ko nang marinig ang tawa ni Lucia."Ano na namang pakulo 'to Leanne? Ikaw? Hihingi ng tawad? Bakit? Nabagok na ba ang ulo mo?" sunod-sunod na tanong nito.Mapait akong napangiti. Oo nga naman. Napaka hindi kapani-paniwalang humihingi ako ng sorry ngayon kaya naman kahit gaano pa ako ka sincere, ke-kwestyunin at ke-kwestyunin pa rin niya ako. "At anong ina-arte-arte mo riyan, Lucia?" Gulat akong napatingin sa likuran ko nang marinig ang boses ni Kishen. Sa paglingon ko ay naroon na silang lima. Matataray ang mga itsura nang tumabi sila sa akin habang nakatingin kay Lucia na napaatras na naman ngayon dahil sa takot. Bumuntong-hininga ako. Hindi magandang nandito sila at baka magkagulo lang imbis na mapatawad ako!"Girls–" "At ikaw." Putol agad sa akin ni Kishen. "Shut up. Hindi ko pa rin gusto 'tong paghingi mo ng tawad sa babaeng 'to." Nakagat ko nalang ang labi ko. Kapag ganito ang mood ng babaeng 'to ay wala talagang makakapigil sa kaniya maski na ako. Humarap ulit siya kay Lucia na ngayon ay hindi na makatingin sa kaniya."You see. Leanne Lilith Sarmiento, humingi ng tawad sa'yo pero tinawanan mo lang? Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang tao na hiningian ng tawad niyan tapos hindi mo lang tatanggapin? Tangang tanga ka na ba?" "Kishen..." Pigil ko rito pero hinawakan lang ni Ravah ang braso ko. "So... d-dapat pa pala akong matuwa? G-Gano'n ba?!" ani Lucia."Aba dapat lang!" Napatalon si Lucia sa sigaw ni Kishen. "Dapat lang dahil in the very first place you don't deserve her sorry. Biruin mo? Nanay niyang pinakamagaling na abogado ng Pilipinas aakusahan mo lang na isang magnanakaw kung hindi ka naman kasi malaking tanga–""Kishen!" sigaw ko na dahil walang patutunguhan ang matatalim niyang salita. "Let her or I will pull your hair. Try me," ani Rachel na nasa tabi ko na ngayon. Nakahalukipkip at masama ang tingin sa akin. Naiintindihan ko naman na ayaw nga nila ang ideya kong 'to. Naiintindihan ko but please! Gusto ko lang naman tapusin na 'to. Sa tamang paraan. Hindi yung ganito na mukhang naghahamon pa ng away 'tong si Kishen! "I'm not scared," matamang sagot ko kay Rachel bago nilapitan si Kishen pero bago ko pa malapitan ito ay natigilan na ako sa biglaang pagyuko niya. "If you don't want to accept her sorry then fucking accept mine dahil ako ang nagsabi kay Lucas na hiwalayan ka pati narin kay Martin noon," sambit ni Kishen habang nakayuko. Namilog ang mata ko. Ayon na naman ang pagsinghap ng mga estudyante at ang pagsimula ng bulong-bulungan. "W-What?" Lucia asked. "All Leanne did is to flirt your shit but I was the one who convinced them to broke up with you kaya walang inaagaw sa'yo si Leanne. Ako rin ang nagbigay ng ideya kay Leanne na landiin ang mga nagiging boyfriend mo so..." Humugot ng malalim na hininga si Kishen. "I'm sorry..." Tila tumigil ang oras dahil lahat ay hindi makapaniwala. Maski ako ay hindi ko nagawang gumalaw sa kinatatayuan ko. Tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang lunch break kaya kaniya-kaniyang reklamo ang mga estudyante dahil hindi pa raw tapos ang palabas. Unti-unti nang nag-aalisan ang mga estudyante sa paligid habang kami ay nanatiling nakatayo sa gitna ng hallway. Si Kishen ay nanatili pa ring nakayuko at halos lahat kaming magkakaibigan ay hinihintay ang magiging sagot ni Lucia. Suminghot ito bago galit na umiwas ng tingin. "You wish." Halos bumagsak ang balikat ko nang magsimula itong maglakad papalayo at iwan kami roon. Rinig ko ang bawat pag buntong-hininga ng mga kaibigan ko, dismayado. "See. Wala ring nagawa ang paghingi mo ng tawad. Tanga..." ani Kishen bago ako lagpasan. "Kishen!" Sinundan naman siya ni Rachel dahil palabas ng building namin ang tinahak nito. "Bumalik na tayo," sambit ni Ravah na nauna nang naglakad pabalik ng room. Ngumuso lang si Jiwel sa akin na tila ba dismayado rin bago hinila si Larra para sumunod kay Ravah. Napatingin naman ako kay Dacey nang tapikin nito ang balikat ko."It's okay," pag-aalo nito. I sighed. No, it's not... Dumating ang uwian ay hindi na bumalik sina Kishen at Rachel kaya naman dala-dala nina Ravah ang gamit ng dalawa. Hula nila ay dumeretso nalang sa mall ang dalawa kaya hindi na rin sila nag-alala dahil lagi namang gano'n ang ginagawa ng dalawa kapag nawawala sa klase. Tahimik lang ako kahit na paminsan-minsan ay kinakausap na ako ng tatlo. "Dito ka lang?" tanong ni Ravah pagkalabas namin ng gate. Tumango ako. "Susunduin ako ni Leo." "Bakit hindi mo nalang siya sa kanto hintayin, babaita?" tanong ni Larra. "Hindi na. Baka magkasalisi lang." "Ikaw ang bahala. Sige, una na kami."Kumaway lang ako habang pinapanood silang lumayo. "Text ka pag nasundo ka na!" sigaw pa ni Ravah. Ngumiti lang ako at mas lalong nilakihan ang kaway hanggang sa tuluyan na silang tumalikod at lumiko sa may kanto. I sighed. Hindi pala dapat ako basta basta lang magsaya dahil sa nandito ako. Napakarami ko pang dapat i-tama na mga nagawa ng batang ako. Napakarami ko pang dapat gawin bago ko lang tuluyan ma-enjoy ang buhay na 'to. At isa pa... NAPAKARAMI KONG ASSIGNMENTS!!!Napasabunot naman ako sa buhok ko habang nagpapapadyak. Nakalimutan kong ganito nga pala ang buhay estudyante! Napakaraming assignments! Lintek pa dahil Arts at Math pa ang may pinaka maraming assignments so paano ko magagawa 'yan ngayon?! Mahina pa naman ako pagdating sa dalawang subject na 'yan, argh!!!Natigil lang ako sa pagsabunot sa sarili nang may nakitang pares ng sapatos sa harapan ko. Nakabusangot kong inayos ang buhok ko bago nag-angat ng tingin kay Leo."Oh ano? Tara na–" Natigilan ako nang makitang ibang lalaki ang nasa harapan ko. Napakurap-kurap ako. Teka, eto ba si Leo eleven years ago?Matangkad at kayumanggi ang balat ni Leo. Matapang din ang itsura no'n na akala mo ay laging naghahamon ng away kaya papaanong sa isang iglap bigla nalang naging maputi 'tong nasa harap ko ngayon? Mestizo at maangas ang itsura? Nakaangat ang gilid ng labi habang ang isang tainga ay may mahabang chain na hikaw. Ang mga mata ay maiitim at tila napakalalim, ang isang kilay ay may isang ahit na tila istilo. Matangkad rin ito kaya naman ang uniform na black slacks ay hindi na umabot sa paa niya kaya kita ang kaunting maputing binti nito. Bukas rin ang mga butones ng polo nito habang ang bag ay parang siga na hawak hawak ng isang kamay.Hindi naman mukhang soon-to-be-police 'tong nasa harapan ko. Mukhang gangster! "Leanne Lilith Sarmiento, pinsan ni Leo Reyes," he said like it was a statement. Kahit ang pagsasalita nito ang angas din ng dating. "Oo. Ako nga. Bakit?" siga ko ring tanong. Mas lalong umangat ang gilid ng labi nito na tila may nakakatuwa siyang pinagmamasdan pero sa huli ay napailing nalang bago muling ngumisi. "Ako ang susundo sa'yo ngayon," sagot niya.Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili
Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang
"Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka
"Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla
"Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m
"It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?