Share

Chapter 25

HINDI mawari ni Katrina kung masisiyahan ba siya o malulungkot sa nakitang reaksiyon ni Estela matapos niyang paniwalain na nagdadalang-tao siya. Labis kasi ang tuwa ni Estela nang mabanggit niya iyon. Napabangon pa ito mula sa pagkakahiga at napayakap sa kaniya.

Hindi maalis sa kaniya ang sagiin siya ng konsensiya dahil sa panibagong serye na naman ng pagsisinungaling niya.

"You make me the happiest old woman in the world, apo! Alam mo bang napakasaya ko at lahat ng mga dalangin ko ay naririnig?" Kumislap ang matatamis na mga ngiti ng matanda.

Pilit niyang tinatakpan ang pagkakailang sa kaniyang mukha. Kulang na lang ay punahin niya ang matanda at sabihing nagkamali ito sa pagdarasal. Nasabi na niya, kailangan na niyang panindigan ang nabitawang salita.

"Pero, lola..." sambit niya na nagpakalma sa umaapaw na tuwa ni Estela.

"Oh bakit, apo? May problema ba?" usisa nito.

Huminga muna siya nang malalim at tinitigan sa mga mata ang matanda.

"P-Plano po sana namin ni Enrico na sa ibang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status