MATAPOS ang hapunan. Nauna na si Katrina sa kuwarto nila ni Enrico. Hinayaan na muna niyang mag-usap ang maglola. Hindi rin naman siya maka-relate sa usapang negosyo ng dalawa. Mukhang masinsinang usapan kasi.Kahit halos isang buwan na siyang nakatira sa mansiyon ay hindi pa niya nalibot ang kabuuan niyon. Sa kuwarto pa lang ni Enrico ay lulang-lula na siya. Daig pa ang isang buong bahay na kompleto ang amenities. Maluwang pa kaysa sa kabuuan ng apartment niya ang banyo. Bathtub pa lang ay parang mini swimming pool na ang laki. Napaligiran ng mga salamin. Kitang-kita ang kabuuan ng repleksiyon niya.Pero hindi muna niya ini-imagine na makakasama niya si Enrico sa pagbabad sa tub. Kahit asawa na niya sa papel si Enrico ay kailangan pa rin niyang kilalanin nang husto ang estrangherong asawa. "Grabe namang kuwarto ito. Kawawa ang tagalinis dito. Mabuti na lang hindi balahurang tao ang nakatira rito," wika niyang mag-isa habang iginagala ang kabuuan ng banyo. Katatapos lang niyang mag
WALANG choice si Katrina kung hindi ay sumabay kay Enrico dahil hindi siya masusundo ni Darren. Naka-day off ang best friend niya at may mahalagang lakad kasama ang pamilya. Gusto man niyang mag-commute pero napakalayo ng tatakbuhin ng metro, mapagastos siya nang malaki. Nilunok muna niya ang pride kaysa makahalata si Darwin kung a-absent siya. Sinabi pa naman ng nobyo na magkikita sila sa kompanya nito. Magkatabi sila ni Enrico sa likuran habang maingat na minamaneho ng driver-bodyguard nito ang sasakyan. Ilang na ilang na naman siyang kausapin ito lalo na at hindi naging maganda ang ending nila kagabi. Pero si Enrico ay kalmado at parang hindi nito pinansin ang ginawa niya. "Do you want me to fetch you after your work?" presenta nito.Maagap na umiling siya."Hindi na. Huwag mo na rin akong hintayin mamayang gabi. May date kami ni Darwin. Ikaw na lang ang magpaliwanag kay Lola Estela." Sa labas siya nakasulyap habang binabagtas nila ang kahabaan ng daan."I don't know if you stil
"HINDI talaga ako nagkakamali. Kamukha ng Joyce na iyon ang nagbigay sa akin ng kuwentas. Kung siya man iyon, hindi puwedeng magkros ang landas namin. Hindi niya dapat malaman na ako ang kapalit niya noong araw ng kasal nila ni Enrico," anas ni Katrina sa hangin habang patuloy na iniisip ang nakausap ni Enrico sa kabilang linya.Papalayo na siya sa sasakyan matapos siyang ibaba malapit sa Manila Cathedral. Doon kasi sa labas niyon maghihintay si Jamal. Hindi na niya nilingon pa ang sinasakyan ni Enrico. Nakiusap siya na iwanan na siya roon dahil malapit na lang naman doon ang kompanya ni Darwin. Ibinilin na rin niya kay Enrico na huwag na siyang sunduin o magpakita dahil uuwi siyang mag-isa sa mansyon. Umiiwas na rin siya at baka may makakita sa kanila."Ay utot ng balbas sarado!" Gulat na gulat na napatalon siya.Bigla kasing bumusina sa gawing likuran niya ang motorsiklong dahan-dahan na bumubuntot sa kaniya.Kaybilis na nagsalubong ang mga kilay niya at sumimangot na huminto sa ha
MUNTIK nang makita si Katrina ni Darwin kung nagdiri-diretso siya sa paglabas ng sasakyan ni Enrico. Mabuti na lamang at umalis ang lulang sasakyan ni Darwin. Pagkalabas niya ng kotse ay sinenyasan niya kaagad si Enrico na umalis na. Nasa loob na siya ng ospital nang maisipan niyang tawagan si Darwin at sinabing hindi muna siya makapapasok sa trabaho. Kailangan man siya sa kompanya ni Darwin ngunit pinagbigyan naman siya. Pinaalala na lamang sa kaniya na matutuloy ang dinner date nila ng nobyo. "Mabuti at dumating ka, Anak! Nasa operating room ang papa mo," malungkot na batid ng Tita Lorna niya sa kaniya.Sinalubong siya nito sa hallway. Talagang inabangan siya nito."Operating room po? Bakit doon po siya dinala?" balisang tanong niya.Umingay ang mga yabag niya dahil sa kamamadali niyang madako ang kinaroroonan ng papa niya. Sinabayan siya ni Lorna sa paglalakad. "Oo. Kailangan na raw kasing tanggalin ang isang paa ng papa mo dahil lumala at lumalaki na ang sugat. Baka raw kumalat
MAGHAPON na nanatili sa hospital si Katrina dahil nais niyang makasama ang papa niya. Nahintay naman niya ang pagkamalay nito matapos ang ilang oras na operasyon. Hindi man niya ipinahahalata ngunit nasasaktan siya tuwing mamasdan niya ang naputol na paa ng papa niya.Habang abala ang Tita Lorna niya sa pag-aayos ng mga gamit sa silid na iyon ay kausap naman niya ang papa niya. Masaya ito dahil naglaan siya ng mahabang oras upang magkasama sila. "Hindi ba naabala ang trabaho mo dahil sa pagpunta mo rito, Anak?" Mahina ang tinig ni Amado. "Hindi naman po, Pa. Nagpaalam naman ako nang maayos kay Darwin. Alam naman niya na kailangan ninyo ako ngayon." Hawak niya ang kamay nito."Nagkausap kami ni Darwin bago ako ipinasok sa operating room. Nangako siya na sasagutin niya ang bayad sa operasyon ko. Napakabuti niyang tao, anak. Hindi ako magdadalawang-isip na ipagkatiwala ka sa kaniya. Masyado namang matagal ang tatlong taon kung hihintayin n'yo. Bakit hindi pa ngayong taon kayo magpakasa
"OH! I recognized you!"Lalong kinabahan si Katrina dahil sa nasambit ng babaeng katabi niya sa harap ng salamin. Lumikot ang mga mata niya upang iiwas ang pagkakatingin niya rito. Pinangangambahan niya ang susunod na sasabihin nito. Ngunit nagtaka siya nang maglahad ito ng palad."It's nice to meet a model like you!" tuwang saad nito. Alanganin pa sana niyang tanggapin ang kamay nito ngunit ito na ang kusang humawak at nakipagkamay sa kaniya. Wala sa loob na napangiti siya."Thank you!" "Anyway, my name is Joyce Mendez."Inaasahan na niya ang pagpapakilala nito."Katrina Gonzales!"Nagkalas ang mga kamay nila. Panay ang ngiti nito sa kaniya. "You know what? Na-recognize kita when I saw you with Mr. Hudson. Ikaw pala ang model na nasa magazines ng sikat na kompanya ng wedding gown and accessories niya. I remembered the moment na namimili ako ng gown para sa kasal ko. Ini-imagine ko na sana kasing-seksi at ganda mo ako kapag suot ko ang gown na minumodel mo," kuwento nito. Nakahing
HINDI inaasahan ni Katrina na babalik si Darwin. Pinatago muna niya si Enrico sa ilalim ng kama bago niya binuksan ang pinto. "I'm sorry, sweetie! Nakatulog ka na ba? Nakalimutan ko kasing sabihin kanina at mas maganda kung personal. Um, nagre-request kasi sina Mom and Dad na pumunta ka sa family gathering bukas ng gabi. Bonding na rin bago sila bibiyahe papuntang Germany. Okay lang ba sa iyo?" Surpresa para kay Katrina ang sinabi ni Darwin. Wala sa loob niyang tumango at ngumiti. "N-No problem! Oo, p-punta ako.""Okay. Isasabay na kita right after your work tomorrow. Iyon lang naman ang nakalimutan kong sabihin. Sige, aalis na ako. Paginga ka na. Bye!" Kumintal pa ito ng halik sa noo niya. Hindi na niya nabawi ang pag-sang-ayon niya. Pinalipas muna niya ang ilang minuto saka tinawag na lumabas si Enrico. Tiyak siyang narinig nito lahat ng usapan nila ni Darwin. Nangusot ang mukha nito nang makalabas sa masikip na ilalim ng kama niya. Napatingin kaagad siya rito. Seryosong napau
NAGULUHAN si Katrina habang papunta sa kuwarto nila ni Enrico. Bukod sa iniiwasan niyang makita siya ni Joyce at malamang siya ang pinakasalan ni Enrico ay may kakaiba siyang inis na hindi maipaliwanag. Naiinis dahil malayang nakakausap o pinapansin ni Enrico ang dating fiance nito.Pagkapasok ay sumandal muna siya sa isinara niyang pinto. Kung ano-ano ang naiisip niya. Aywan nga ba kung bakit kailangan pa niyang imagine-in ang pagkikita ng dating magkasintahan. Wala naman sana siyang pakialam doon. Labas na siya kung ano man ang mapag-usapan ng mga iyon. Nainis lang siya sa sarili niya at sinaway ang sariling isip. Inilabas niya ang cellphone mula sa sling bag niya at pinadalhan ng mensahe ang kaibigang si Darren. Hindi niya matawagan dahil naka-busy ang linya nito. Matapos ay inilapag niya sa ibabaw ng kama ang gamit at tumungo sa banyo. Nanlalagkit na kasi ang pakiramdam niya. Dagdag pa ang init ng situwasyon na nangpi-pressure sa kaniya. "Darn! That's why I'm here to wash away