Share

Chapter 26

"ARAAAY!" malakas na daing na narinig ni Katrina.

Nagulantang siya at bumalikwas mula sa pagkakahiga nang malamang kamay niya ang tumama sa pisngi ni Enrico. Takang-taka itong nakatitig sa kaniya habang haplos ang pisnging nasampal niya. Napatingin siya sa sariling palad at natanong sa sarili kung bakit niya nagawa iyon. Alam niyang pareho silang kagigising lamang. Nakasuot pa ito ng padyama at puting shirt.

"S-Sorry! Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon," kaagad niyang buwelta.

Halatang nasaktan ito dahil bakas ang pamumula ng nasampal niya sa pisngi nito.

"Pambihira ka naman. Ginising lang naman kita dahil parang naghi-histerikal ka na sa higaan kahit tulog ka pa," mahinahon ngunit dismayadong sagot nito.

Napaupo siya at sumandal sa headboard ng kama.

"Hindi ko talaga sinasadya. Pasensiya na."

Nahiya tuloy siyang titigan ito. Niyakap niya ang sariling mga tuhod. Umupo ito sa gilid ng kama.

"Ano ba kasi ang nangyari sa bangungot mo at pati ako nasaktan mo? Ngayon lang ako naka
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status