LOGINChapter 1
Mabagal ang hakbang ni Selene habang papalapit sa maliit na tindahan sa kanto. Bahagya niyang hinihila ang laylayan ng kanyang kupas na damit, para bang umaasang matatakpan nito ang kahihiyan na unti-unting bumabalot sa kanyang buong pagkatao. She took a deep breath, trying to steady herself. Hindi ito ang unang beses na mangungutang siya, pero sa bawat pagkakataon ay tila mas bumibigat ang pakiramdam niya. Nakakapagbayad man siya, ilang araw pa lang ay mangungutang na naman. Nakarating siya sa tindahan at wala ng atrasan ito pero biglang sumulpot mula sa gilid ng tindahan si Lucio. “Marlboro, Aling Rosa,” ani ng lalaki pero nakatingin sa kanya. Gusto niyang umatras pero iniisip niya ang pagkain nila. Nagdarasal na lang si Selene na umalis agad ang lalaking ito. Nagsindi pa ito ng sigarilyo at parang ipinakita sa kanya na bumuga. “Magandang hapon po,” mahina niyang bati sa tindera. Napatingin ang matandang tindera na si Aling Rosa mula sa kinatatayuan nito. Nakasuot ito ng salamin at may hawak na maliit na notebook kung saan nakasulat ang mga utang ng mga suki. “Ay, Selene, iha. Halika,” malumanay nitong sagot,“Anong kailangan mo?” Napakagat-labi si Selene bago sumagot. “Aling Rosa… kung pwede po sana… mangutang ulit ako. Kahit ilang itlog lang, sardinas… at kaunting bigas.” Hindi agad sumagot ang matanda. Tinitigan siya nito, walang paghusga kung hindi may halong pag-aalala. Sanay na itong makita ang kalagayan ni Selene na mag-isang nagtataguyod ng pamilya sa murang edad at pilit na lumalaban sa hirap ng buhay. “Ilan ba, iha?” tanong nito, sabay abot ng plastic. “Tatlong itlog lang po… dalawang sardinas… at kalahating kilo ng bigas,” sagot niya, pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses. Hindi siya tumitingin sa lalaking naupo pa talaga sa mahabang upuang kahoy. Habang inaabot ng matanda ang mga hinihingi niya, napansin ni Selene ang mapaglarong ngiti sa labi ni Lucio. “Selene,” tawag nito sa kanya na may halong kumpiyansa at kayabangan, “Mukhang suki ka na dito ah. Hindi na umaangal si Aling Rosa pero may nakapaskil na ‘No Credit’.” Hindi siya agad lumingon. She pretended she didn’t hear him. “Uy, I’m talking to you,” dagdag pa ng lalaki at umingles pa. Dahan-dahan siyang humarap. “May kailangan ka ba?” malamig niyang tanong. Ngumisi ang lalaki, “Wala naman. “Just wondering hanggang kailan ka mangungutang para sa inyo?” Naramdaman ni Selene ang pag-init ng kanyang mga tainga pero pinili niyang manahimik. Sumabat si Aling Rosa, “Hoy, Lucio, tigilan mo nga si Selene. Hindi ka nakakatulong.” “Relax, Aling Rosa,” sagot ng lalaki, “I just want to offer help.” Lumapit ito nang kaunti kay Selene. “You know, Selene… kung papayag ka lang sa alok ko, hindi mo na kailangang mangutang dito.” Nanigas si Selene, “Anong alok?” tanong niya, kahit alam na niya ang ibig sabihin nito. Ngumiti si Lucio, bahagyang yumuko para mapalapit sa kanya. “Be with me. I can take care of you. Hindi mo na kailangang maghirap.” Napatigil si Selene. Para bang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo niya. She clenched her fists. “Hindi ko kailangan ng ganoong tulong,” matigas niyang sagot. “Sigurado ka?” patuloy ni Lucio. “Think about it. I’m earning well as a VA. I can give you a better life. Hindi ka na maghihirap, Selene. Sayang ang ganda mo. Nalolosyang ka lang dahil sa kahirapan. Hindi na uso ang pride. Nalulunok ‘yan lalo na kung may mga umaasa sa iyong kapamilya.” “Tama na!” biglang sigaw ni Aling Rosa, “Wala kang karapatang pagsamantalahan ang sitwasyon ng tao, Lucio! Huwag kang kasiguro sa kapalaran mo. Baka bukas makalawa ay ikaw na ang nangungutang!” Napaatras si Lucio taopos ay humalakhak, “Grabe naman kayo. I’m just being practical.” “Praktikal?” ulit ng matanda, “Ang tawag diyan ay pang-aabuso. Lumayas ka nga dito kung ganyan lang ang sasabihin mo!” Napailing ang lalaki, “Fine. Sayang naman. Opportunity na sana,” sabi nito bago muling tumingin kay Selene, “Huwag kang umasa sa agency na ‘yan. Mauuna pa rin ang may diploma at experience kahit katulong ang inaplayan.” Parang tumusok ang sinabi nito sa puso ni Selene, pero hindi siya nagpakita ng reaksyon. “Salamat sa concern,” malamig niyang sagot, “pero kaya ko.” Tinalikuran niya ang lalaki. “Selene,” tawag ni Aling Rosa, “Iha, huwag mong isipin ang sinabi niya. Hindi lahat ng may diploma ay mas nagtatagumpay. May sipag ka. May puso ka at kakasiyahan ka ng Diyos.” Napangiti ng bahagya si Selene, kahit mabigat pa rin ang dibdib. “Salamat po, Aling Rosa. Babayaran ko po lahat ng utang ko kapag natanggap na ako sa agency.” “Wala kang dapat patunayan sa akin,” sagot ng matanda, “pero alam kong gagawin mo pa rin. Mabuti kang tao. Ginawa ko ng dalawang kilo iyang bigas para hanggang buka niyo na.” Kinuha ni Selene ang plastic na may laman ng kanyang inutang, “Salamat po ulit.” Paglabas niya ng tindahan, naramdaman niya ang bigat ng bawat hakbang. The sun was already setting, casting long shadows on the street. Parang sumasalamin ito sa nararamdaman niyang pagod at takot, takot na paano na naman bukas pagdilat ng mga mata niya. Gusto niyang umiyak. Habang naglalakad, bumalik sa isip niya ang sinabi ni Lucio. “Huwag kang umasa…” Humigpit ang hawak niya sa plastic. “Hindi,” bulong niya sa sarili. “Kailangan kong umasa. Habang buhay ay may pag-asa.” Pagdating sa maliit nilang tinitirhan, nadatnan niya ang kanyang tiyuhin na nakaupo sa lumang silya, nakatingin sa labas. Hindi ko nakapasada sa nilalabasan na tricycle dahil nahilo ito at parang tumaas ang bp. Kapag nakakapamasada naman ito ay nakakaraos sila. “Nandiyan ka na, Selene,” mahina nitong bati. “Opo, Tiyo,” sagot niya, pilit na ngumiti. “May nakuha ka ba?” tanong nito. “Opo,” sagot niya, sabay taas ng plastic. “May hapunan na tayo.” “Pasensya ka na at naoobliga ka sa lahat. Bukas ay makakapasada na ako.” “Huwag nitong pilitin kung hindi niyo kaya tiyong. Mahirap na po na lumala kayo. Sige kayo, mamaya e hindi na kayo makapag-asawa ulit.” Tumawa ito, “Naku wala na sa isip ko iyan. Hindi pwede na nakatengga ako rito. Mababaon tayo sa utang at magugutom ang mga paslit.” Mula sa loob ng maliit na kwarto, sumilip ang dalawa niyang anak na kambal, sina Elara at Dwight, apat na taong gulang. “Mama!” masayang sigaw ng mga iyon nang makita na may dala siya. Agad na napawi ang pagod ni Selene. Lumuhod siya at niyakap ang mga bata na tumakbo kaagad sa may pintuan. “Binigyan po kayo ni lola Rosa, Mama?” Tanong ni Elara sa kanya, ang anak niyang babae na isa sa mga kambal. Napangiti siya, kahit may sakit sa puso niya. “Oo, anak. Sige na, magluluto si Mama.” Pumasok siya at nakita niya ang awa sa mga mata ng nanay niya habang nakatingin sa kanya, pero hindi niya iyon pinansin dahil ayaw niyang mas lalong isipin nito na pabigat ito sa buhay niya. Habang nagluluto siya sa maliit na kalan, naririnig niya ang tawanan ng mga anak niya. It gave her strength. “Ma,” tawag ni Dwight sa kanya kaya napatingin siya sa anak na naglalaro ng toy car. “Makakabili na po ba tayo ng masarap na pagkain kapag may work ka na?” Saglit siyang natigilan, “Oo naman. Chicken saka spaghetti tapos dadalhin ko na kayo lagi sa Jollibee!” “Promise?” tanong ng bunso. “Promise,” sagot niya, kahit hindi siya sigurado kung kailan mangyayari iyon. Sana ay malapit na. Sabay na nagtatalon ang dalawa at masayang-masaya kahit wa pa naman. Ang mga ito ang numero unong naniniwala sa mga sinasabi niya kahit na ang hirap tuparin dahil sa hirap ng buhay nila. Habang kumakain sila, tahimik lang si Selene. Pinapanood niya ang kanyang mga anak na masayang kumakain ng simpleng ulam. This is why she can’t give up. Pagkatapos kumain, pinatulog niya ang mga bata. Hinaplos niya ang buhok ng mga ito habang unti-unting pinipikit ang mga mata. Gagawin niya ang lahat para sa mga ito. Kung nagawa niya noon para makalaya ang kanyang ama, magagawa niya lalo para sa mga anak niya. Paglabas niya ng kwarto, nadatnan niya ang kanyang tiyuhin na nakatingin pa rin sa labas. “Selene,” tawag nito sa kanya “Narinig ko ang sinabi ng lalaki kanina sa tindahan. Ako sana ang pupunta may Rosa kaya lang napadaan ako kay pareng Tsino.” Napatingin siya dito. “Pasensya na po, t'yong.” Umiling ang matanda.l, “Wala kang dapat ipagpasensya. Tama ang ginawa mo.” Naupo siya sa tabi nito at huminga nang malalim. “Hindi madali ang buhay dito sa Maynila,” patuloy ng tiyuhin niya, “pero hindi ibig sabihin nun na susuko ka.” Tumango si Selene, “Hindi po ako susuko.” “Tama itan,” sabi ng matanda, “Kasi naniniwala ako sayo.” Napangiti siya, kahit may luha sa gilid ng kanyang mata. “Matulog ka na at pagod ka. Tulog na ang inay mo.” “Opo, Tiyo.” Bumalik siya sa kwarto nilang mag-iina at nahiga sa tabi ng kambal. Kinabukasan, maaga siyang nagising. She prepared herself for another day, another chance. Habang nag-aayos siya, tumingin siya sa salamin. Nakita niya ang pagod sa kanyang mukha, pero nakita rin niya ang determinasyon. Kinuha niya ang folder na naglalaman ng kanyang mga papeles para sa pag-apply. Hindi man siya nakapagtapos ng kolehiyo, dala niya ang kanyang sipag, tiyaga, at pagmamahal sa pamilya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Hindi niya alam kung makahahanap na siya ng trabaho pero isang bagay ang sigurado, hindi siya titigil, because for Selene, giving up was never an option.Masayang-masaya si Selene habang kausap ang kanyang ina sa maliit na kwarto na inuupahan niya sa Maynila. Hawak niya ang telepono, at hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi habang ikinukwento ang tungkol sa kanyang bagong trabaho. “Ma, mabait po ang presidente,” masigla niyang sabi rito sa video call, “Hindi siya katulad ng iniisip ng iba na masungit o mayabang. Tahimik lang siya, pero ramdam mo na mabuti siyang tao. Hindi po siya mapangmaliit.” On the other line, her mother chuckled softly, “Talaga, anak? Presidente na ‘yan ha. Sigurado ka bang hindi ka lang natatakot kaya ganyan ang sinasabi mo?” Selene laughed lightly. “Hindi po, Ma. Totoo po. Ang ganda po niyang magsalita sa akin. Hindi niya ako pinapahiya o pinapagalitan kahit baguhan pa lang ako.” Habang nagkukwentuhan sila, sa gilid naman ng kwarto ay naglalaro ang kambal. Masigla ang mga iyon na tumatakbo at nagtatawanan, tila walang iniintinding problema sa mundo. “Mama! Mama! Look at me!” sigaw ngni Dwight habang nagpap
The kitchen was warm, filled with the comforting aroma of simmering dishes that Selene had carefully prepared. Hindi dapat maalat at hindi matabang. Steam rose gently from the pots, and the soft clinking of utensils echoed in the quiet space. Nakaplanong mabuti ang lahat, mula almusal hanggang hapunan. A daily planner was neatly pinned on the wall, listing every meal she had to cook only for him. She made sure to follow it strictly. This was not just any household, it was the President’s residence. Nagpunas si Selene ng kamay sa kanyang apron na suot. “Malapit na,” aniya sa hangin habang binibilang ang pagkisap ng dalawang tuldok sa digital alarm clock. She quickly arranged the last dish on a serving tray, making sure everything looked perfect. Presentation mattered. Everything here had to be flawless. Para siyang mauutasan ng hininga dahil sa ginagawa. Nakakamatay na pala ang pag-table setting ngayon. Sa kabilang bahagi ng palasyo, may sariling kusina ang mga gwardiya at tauhan
Matapos maipaliwanag ang mga gawain ay sandaling natahimik si Leticia at tiningnan si Selene mula ulo hanggang paa, parang sinusukat kung kakayanin ba niya ang responsibilidad na nakaatang sa kanya. “May tanong ka ba?” tanong nito, diretso ang tingin sa kanya habang siya ay parang nakalutang sa ulap. Kung ito man ang pakiramdam ng naka-drugs, ganoon na nga. Bahagyang napakurap si Selene bago umiling, “Wala na po, Ma'am.” “Sigurado ka?” muling tanong ni Leticia, this time mas mababa ang boses nito pero mas istrikta ang dating. “Opo,” sagot ni Selene, pilit na pinatatatag ang sarili. Tumango si Leticia, “Good. I like that. Less questions, less problems.” Pagkasabi no'n ay tumalikod ito. “Sumunod ka sa akin.” Tahimik na sumunod si Selene habang naglalakad sila sa mahabang hallway ng palasyo. Napatingin siya sa paligid na may malalaking chandelier, makikinang na sahig, at mga paintings na halatang mamahalin. “Ang ganda…” bulong niya. “Get used to it,” ani Leticia nang hindi man l
Flashback...Napapikit si Selene nang marinig ang matinis pero matatag na boses ng babaeng nakaturo sa kanya. “Ikaw, sumunod ka sa akin.” Walang emosyon ang mukha nito, parang sanay na sa ganitong eksena araw-araw. Hindi na siya nagtanong pa. Tahimik siyang sumunod, ang mga paa niya ay parang may sariling isip habang papasok sila sa isang pribadong opisina. The room was cold and minimalistic, white walls, a glass table, and a single folder placed neatly at the center. It felt clinical, almost intimidating. Umupo siya sa silyang itinuro ng babae. Her hands rested on her lap, trembling slightly. “Name?” tanong ng babae habang binubuksan ang folder. “Selene po, Selene Quintana,” mahinang sagot niya. “You’ve been evaluated this morning. Physically fit, healthy reproductive system, and currently ovulating.” Tiningnan siya ng diretso ng babae, “You have been selected by the client.” Parang may kumalabog sa dibdib ni Selene. The woman leaned back slightly, crossing her arms. “You wil
Kinakabahan si Selene habang papalapit siya sa opisina ng agency. Parang ang bigat ng bawat hakbang niya, na para bang may humihila sa kanya pabalik, pero alam niyang wala na siyang pagpipiliian. Sa bawat paghinga niya, paulit-ulit niyang iniisip ang mga anak niya at ang kanyang ina, ang kanyang tiyo.Kaya mo ‘to, Selene… para sa kanila. Mahina niyang bulong sa sarili.Pagpasok niya sa loob ng agency, agad siyang sinalubong ng malamig na aircon at mas malamig na tingin ng ilang aplikante ring nakaupo sa gilid. May lumapit sa kanyang babae na naka-uniporme.“Selene?” tanong nito.“O-opo,” sagot niya agad.“Dito ka muna. Tatawagin ka ng supervisor.”“Salamat po.”Umupo si Selene sa isang sulok. Ramdam niya ang kaba sa dibdib niya na parang gustong kumawala. Maya-maya, tinawag siya sa isang maliit na opisina kaya agad naman siyang kumilos. Hindi pwede na patanga-tanga siya. “Selene, come in,” sabi ng supervisor nang kumatok siya.Pagpasok niya, isang middle-aged na lalaki ang bumungad s
Mabilis na tinanggal ni Hudson ang kanyang coat nang makapasok sa opisina, halos hindi na niya napansin ang bigat ng maghapon na nagdaan. Kabuntot niya si Leticia, ang kanyang assistant na sanay na sa ganitong eksena, iyong pagod na pagod ang Pangulo pero pilit pa rin na maging matatag.Katatapos lang ng kanyang SONA. Ilang oras siyang nakatayo, nagsalita, ngumiti, at nagpakita ng lakas sa harap ng buong bansa pero sa likod ng lahat ng iyon, ramdam na ramdam niya ang pagod, hindi lang sa katawan, kung hindi pati sa isip.He didn’t want this kind of life but he had to embrace it because of the calling. He had no choice.Matapos ang mga taon ng kaguluhan at pagbagsak ng tiwala ng mamamayan, tuluyang binago ng Pilipinas ang sistema ng pamahalaan mula sa ama ng kanyang lolo. Inalis ang halalan para sa pinakamataas na posisyon at ipinatupad ang tinatawag na Legacy Presidency, isang pamumunong ipinapasa sa iisang pamilya upang mapanatili umano ang katatagan ng bansa.Sa ilalim ng bagong bat







