Share

Mister President’s Dirty Secret
Mister President’s Dirty Secret
Author: MM16

Prologue

Author: MM16
last update publish date: 2026-04-21 02:20:10

Prologue

Tahimik na nakapila si Selene sa loob ng malaki at abalang opisina ng agency. Halos dikit-dikit ang mga aplikante, karamihan ay may bitbit na makakapal na folder ng dokumento, college diploma, certificates, kung anu-ano pang patunay ng kanilang kakayahan. Siya, isang malinaw na plastik na envelope lamang ang hawak, at sa loob nito ay ang kanyang high school diploma at ilang lumang ID. NBI clearance, Police clearance, X-ray, Medical certificate at Barangay clearance. 

“Next,” tawag ng babaeng nasa mesa kaya napakurap siya at nagpahid ng pawis bago tumayo sa kinauupuan.

Napabuntong-hininga si Selene bago humakbang pasulong. She tried to steady her breathing, clutching her papers tighter as if they might suddenly become more impressive in her hands.

Umupo siya sa harap ng desk. Hindi man lang siya tinapunan ng maayos na tingin ng babaeng nag-iinterview. Tinanggap nito ang kanyang mga papel matapos na abutin sa kanya at mabilis na sinilip.

“High school graduate?” malamig na tanong nito kapagkuwan.

“Opo, Ma'am,” mahina pero maayos na sagot ni Selene, “Hindi na po ako nakapag college dahil—”

Hindi siya pinatapos ng babae, “We are looking for applicants with experience or at least some formal training. Marami na ang nag-apply dito na may TESDA certificates, may housekeeping experience abroad, mga kasambahay ng mga mayayamang personalidad, politiko, artista… ikaw?”

Napatigil si Selene. She swallowed hard, “Wala po, ma’am pero mabilis po akong matuto. Masipag po ako, at—”

“Lahat naman sinasabi ‘yan,” putol ng babae, sabay lapag nang medyo may kabigatan sa kanyang mga papeles.

Kaisa-isang nakalagay iyon sa hiwalay na mga folders na kabilang bahagi ng mesa nito. Alam na niya na iyon ang mga qualified at siya ay hindi.

“Next time, try mo muna mag-training bago ka bumalik sa mga ganitong agency. Mataas ang standards dito, hindi basta-basta dahil hindi rin basta-basta ang mga magiging amo. We don't settle for less. Hindi ganito kadali makapasok sa agency. Hindi rito pwede ang ganda-ganda lang. Hindi naman kayang pagtakpan ng ganda ang kakulangan sa alam at kawalan ng tinapusan.”

Parang biglang lumiit ang mundo ng dalaga dahil sa mga narinig. She nodded slowly, forcing a small smile, kahit nanlalamig na ang kanyang mga kamay at nag-iinit ang sulok ng mga mata. Pati pagkatao niya na dati ng mababa ay lalo pang bumaba. Kung magsalita ang empleyado ay daig pa nito ang anak ng may-ari ng agency. Daig pa nito ang tagapagmana ng isang piraso ng tiles ng building ng kumpanya.

“O-Opo. Salamat po,” bulong niya na handang tumayo.

Kanina pa niya napapansin ang babae na ito na iirap-irap tuwing tinitingnan siya. Kanina pa siya may kutob na hindi magiging maganda ang pag-apply niya ngayon dito.

“Sige na. Umaplay ka na lang siguro bilang labandera kung saang probinsya ka man galing,” taboy ng babae na sa mga ibang papeles tumingin.

“Wait.”

Pareho silang napalingon nang magsalita ang isang matandang babae mula sa may likuran. Nakasuot iyon ng simpleng uniporme, at may kalmadong mukha pero matalim na mga mata.

“Let me see her papers.”

Ipinasa ng interviewer ang envelope, halatang may halong pag-aalinlangan. Tahimik na sinuri ng matanda ang laman nito. Walang imik si Selene, pero ramdam niya ang lakas ng tibok ng kanyang puso.

“Selene Quintana,” basa ng matanda sa kanyang pangalan. “Ilang taon ka na?”

“Twenty-three po.”

“May pamilya?”

“Inay na lang po. May sakit po ang nanay ko, at ako na lang po ang naghahanapbuhay.”

Sandaling natahimik ang matanda. Then she looked at Selene directly, not with judgment, but something softer. It's understanding.

“Why do you want to work as a housemaid?”

Hindi agad nakasagot si Selene. She took a deep breath before speaking, her voice trembling but honest.

“Kailangan ko po ng trabaho. Hindi po para sa luho kung hindi para po mabuhay kami. Sanay naman po ako sa gawaing bahay dahil bata pa ho ako ay nagpapakatulong na ako. Katulong din po kasi ang Inay ko noon kaya lang ay nawalan po ng trabaho mang magkaroon ng dyabetis. Wala man po akong aral sa TESDA, siguro po kakayanin na ng experience ko ang trabaho.”

May ilang segundong katahimikan. The younger interviewer shifted in her seat, clearly impatient.

“Ma’am, marami pa pong nakapila—”

“I know,” putol ng matanda. Ibinalik niya ang mga papel kay Selene pero hindi tulad ng una, maingat at may respeto.

“Selene,” sabi nito, “we don’t just hire skills here. We also look at attitude.”

Napatitig si Selene, tila nawalan ng pag-asa. Baka tingin nito ay wala siyang ugali.

“Wala kang experience, yes but you have something others don't have. I can see the sincerity in your eyes,” bahagyang ngumiti ang matanda, “At minsan, iyon ang mas mahalaga.”

“Ma’am…?” halos pabulong na tanong ni Selene at para siyang maiiyak.

“I’ll give you a chance,” diretso nitong sabi, “akin na ang folder mo at ako na ang bahala na maglagay sa iyo sa listahan.”

“Salamat po, Ma'am! Hindi po kayo magsisisi

Hindi napigilan ni Selene ang pagluha. She quickly wiped her tears.

“ Hindi ko po kayo bibiguin.”

“Good,” sabi ng matanda. “Wait for a call. Keep your promise, ha. Don't fail me. Ibabalik ka rito ng amo mo kapag hindi ka nagustuhan. Feedbacks will be made, too. We follow up on our clients, Selene.”

Tumango siya ulit, halos hindi na makapagsalita sa sobrang pasasalamat. “Thank you po… thank you so much po. Hindi po kayo mapapahiya.”

Nakita niya ang pag-irap ng interviewer nang iabot niyang muli sa matanda ang kanyang mga papel pero hindi na niya iyon pinansin.

Maghihintay na lang siya ng tawag kapag napili na siya na maging kasambahay.

Habang palabas siya ng opisina, pakiramdam niya ay gumaan kahit papaano ang kanyang dibdib. The humiliation she felt earlier was still there, but now it was slowly being replaced by hope.

Sa labas, huminto siya sandali at tumingala sa langit. Tahimik siyang pumikit at nagdasal ng pasasalamat. Maraming beses na siyang nangailangan pero kailanman ay hindi siya pinabayaan ng Diyos.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 12

    Chapter 12Mula nang makauwi sina Elara at Dwight, mas naging tahimik si Selene kaysa dati. Kung dati ay pino lang siya, ngayon ay tila mas lalo siyang nagiging invisible, parang sinasadya niyang huwag makatawag ng pansin. Sa bawat utos ni Hudson, mabilis siyang kumikilos, maayos at walang tanong.Sawang-sawa na kasi siya sa mga pangmamaliit ng mga tao sa kanya. Paulit-ulit na lang iyon na nangyayari kahit na wala naman siyang ginagawa. At marapat na umiwas siya sa amo niya para walang gulo kay Jeanine.Si Dante ang madalas niyang kakwentuhan kapag naglilinis siya sa labas.“Selene,” tawag ni Hudson sa kanya habang nagpapahinga sa oras ng break niya. Nagkukwentuhan sila ni Dante sa may portico.“Sir,” agad niyang sagot matapos na parang robot na pumihit.Nakatingin si Hudson kay Dante. Ngumiti naman ang isa at nag-bow sa amo nila.“Dito na muna ako Selene.”“O, sige, Kuya.”Tiningnan niya ulit si Hudson sa pormal na paraan. Nakasunod ito ng tingin kay Dante.“Make sure that the sched

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 11

    HINDI pa rin mapakali si Selene habang naghihiwa ng gulay sa kusina. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang eksenang nasaksihan kanina lang. There was this something that made her chest tighten for reasons she didn’t want to admit. Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng kusina. Pumasok ang babae at ngayon ay harapan niya itong nakikita. Matangkad ito, elegante, at halatang mayaman sa pananamit at kilos. Her heels clicked sharply against the tiled floor. Her step echoed like a warning. Ikinalma ni Selene ang sarili at yumuko nang bahagya, “Good morning po.” The woman didn’t respond right away. Instead, she looked Selene up and down, her eyes scanning every detail of her, mula ulo hanggang paa. “So, you’re the new maid?” she finally said in a cold tone. “Opo,” sagot ni Selene. The woman crossed her arms, “I’m Jeanine. Hudson’s fiancée.” Tumango lamang si Selene, “Nice to meet you po, Ma'am Jeanine.” Jeanine smirked, “Don’t pretend. I know your type.

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 10

    NAPANGITI si Hudson habang nakamasid sa ‘di kalayuan. He was so amazed when he saw the other twin. Ang laking tao ng anak na lalaki ni Selene at kahit na hirap sa buhay ay hindi mga mukhang malnourished. Kung hindi nagtaksil si Jeanine sa kanya mahigit limang taon na ang nakalipas, baka may pamilya na rin siya ngayon. Maliit lang ang kanyang pamilya. Nag-iisang anak ang kanyang ama at nag-iisang anak din siya. Ang hirap. Ramdam niya ang hirap na nag-iisa. Now that his father is in the US for his treatment after appendicitis, he feels so alone. “Naririnig ko ikaw, Elara,” ani Selene sa anak na bumubulong sa kakambal. “Sabi ko lang po ay gwapo si Plesident sabi niyo kay nanay.” “Ano?” Bulalas ni Selene, “Bakit mo sinabi?” “Mama, liars go to hell. Elara has to be honest, sabi niyo po ‘yan,” ani ng batang lalaki kaya lalong napangiti si Hudson. Selene is so amazing. She raised these kids all by herself for so many years. Hanga siya sa mga ganitong babae. Ganito rin si Jeanine noong h

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 9

    Excited na excited si Selene habang papalabas siya ng pinto nang matanaw niya ang sasakyan na papasok sa loob ng palasyo. Halos hindi siya mapakali, her heart beating fast with anticipation. Dumating na ang mga anak niya. She Pagbukas ng pinto, agad niyang nakita si Dante na kakababa lang ng sasakyan, hawak ang kamay ng kambal. Hindi na niya napigilan ang sarili kaya tumakbo siya papalapit. “Mama!” sigaw ni Elara, kahit may sipon. Kita ang saya sa mukha nito. “Mga baby ko!” halos maiyak na si Selene habang niyayakap ang dalawa. She knelt down and pulled them into a tight embrace, “Miss kayo ni Mama.” “Miss ka din namin, Mama,” malambing na sabi ni Dwight, yumayakap din sa kanya. Pinisil niya ang pisngi ni Elara. “May sipon ka pa…” she said softly, worried. “I’m okay na, Mama!” masiglang sagot nito saka tumingin sa paligid. “Ang ganda. May prince ba dito, Mama?” Inosente na tanong nito. Napangiti si Selene, pero may halong pag-aalala pa rin sa kanyang mga mata. “Meron. Nandito

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 8

    Lumipas ang mga araw at tuluyan nang nasanay si Selene sa routine ng kanyang bagong buhay sa loob ng palasyo. Every morning, she wakes up early, preparing meals, organizing schedules, and making sure everything is in place before the President starts his day. Maging sa loob ng opisina ay nay access siya dahil inisinasalansan niya nang maayos ang mga nasa mesa. Kahit scratch paper ay hindi niya itinatapon.Hindi na siya kinakabahan tuwing tatawagin siya sa intercom. Sanay na sanay na siya sa boses ni Hudson na minsan ay parang naiirita pero hindi naman galit sa kanya. Mukhang kaaway nito ang trabaho. Habang tumatagal, mas lalo niyang nakikilala ang ugali nito. Hudson was not as cold as he looked. Tahimik lang ito at seryoso, pero marunong makinig. Minsan pa nga ay napapansin niyang matagal itong nakatitig sa kanya kapag may iniuutos pero agad din naman nitong iniiwas ang tingin kapag nahuhuli niya. Dumami ang schedule ng presidente habang papalapit ang Sabado. Meetings here, conferenc

  • Mister President’s Dirty Secret   Chapter 7

    Masayang-masaya si Selene habang kausap ang kanyang ina sa maliit na kwarto na inuupahan niya sa Maynila. Hawak niya ang telepono, at hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi habang ikinukwento ang tungkol sa kanyang bagong trabaho. “Ma, mabait po ang presidente,” masigla niyang sabi rito sa video call, “Hindi siya katulad ng iniisip ng iba na masungit o mayabang. Tahimik lang siya, pero ramdam mo na mabuti siyang tao. Hindi po siya mapangmaliit.” On the other line, her mother chuckled softly, “Talaga, anak? Presidente na ‘yan ha. Sigurado ka bang hindi ka lang natatakot kaya ganyan ang sinasabi mo?” Selene laughed lightly. “Hindi po, Ma. Totoo po. Ang ganda po niyang magsalita sa akin. Hindi niya ako pinapahiya o pinapagalitan kahit baguhan pa lang ako.” Habang nagkukwentuhan sila, sa gilid naman ng kwarto ay naglalaro ang kambal. Masigla ang mga iyon na tumatakbo at nagtatawanan, tila walang iniintinding problema sa mundo. “Mama! Mama! Look at me!” sigaw ngni Dwight habang nagpap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status