Beranda / Romance / Mommy Hates My Daddy CEO / CHAPTER 8—Just a Customer 

Share

CHAPTER 8—Just a Customer 

Penulis: sweetjelly
last update Tanggal publikasi: 2026-10-11 02:05:36

ZAILYN

“Sino ka ba?” Dinuro niya si Nicolo.

Napakunot ang noo ko nang marinig ang tanong ni Clark.

Kung makaasta talaga siya, parang kami pa. Mahigpit niyang ikuyom ang kamay niya, sa puntong bumakat lalo ang mga ugat sa braso niya.

Pero si Nicolo. Parang wala lang sa kaniya ang pag-aalburoto ni Clark.

Nasa tabi ko pa rin siya, nakahawak sa baywang ko na para bang ang close na namin.

Ang tamis ng ngiti sa akin, eh.

“Tinatanong kita. Sino ka bang gago ka?” ulit ni Clark. “Bitawan mo ang girlfr
sweetjelly

Sabi ko babawi... pero late pa rin.. Hehe. Thank you sa lahat...

| 3
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Nan
May balak na mañg ligaw sa palagay ko,susunduin si Zailyn para masanay sa kanya at mag-kilalanin ang isat-isa
goodnovel comment avatar
Nikki Angela G Escol
Goodmornigt
goodnovel comment avatar
Nikki Angela G Escol
Thanks miss A
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 8—Just a Customer 

    ZAILYN“Sino ka ba?” Dinuro niya si Nicolo.Napakunot ang noo ko nang marinig ang tanong ni Clark.Kung makaasta talaga siya, parang kami pa. Mahigpit niyang ikuyom ang kamay niya, sa puntong bumakat lalo ang mga ugat sa braso niya.Pero si Nicolo. Parang wala lang sa kaniya ang pag-aalburoto ni Clark. Nasa tabi ko pa rin siya, nakahawak sa baywang ko na para bang ang close na namin.Ang tamis ng ngiti sa akin, eh. “Tinatanong kita. Sino ka bang gago ka?” ulit ni Clark. “Bitawan mo ang girlfriend ko!” This time, mas matalim na ang boses niya.Akala ko, sasagot si Nicolo, pero bahagya lang siyang humarap sa akin.“Let's go, Zai…”“Ha?”Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Giniya niya ako papunta sa entrance ng pharmacy, na para bang hindi niya naririnig si Clark.“Zailyn!” tawag ni Clark.Napalingon ako at kitang-kita ko ang namumulang mukha niya.Ayos din siya. Nakuha niya pang magselos matapos niya akong lokohin at gawing motel ang kuwarto ko.Bahalang siyang pumutok sa galit.Napa

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 7—HIM AGAIN

    ZAILYNNaalimpungatan akong napabangon bigla at napalingon sa tabi ko.Wala na ang lampastangang si Nicolo.Kaagad kong sinuri ang sarili ko bago muling napahiga nang makitang suot ko pa rin ang damit ko kagabi.“Bakit ako nakatulog?” Napisil ko ang noo ko.Malinaw ko pang naaalala ang nangyari kagabi. Kinulong ako ni Nicolo sa mga bisig niya. Hindi ako makagalaw.Natatakot talaga akong gumalaw dahil ramdam na ramdam ko ang paninigas niya… ng alaga niya.Muli kong sinilip ang sarili ko sa ilalim ng kumot, na para bang kailangan kong makasigurong wala talagang nangyari.Kahit ganoon ang kalagayan niya kagabi, natiis niyang huwag akong gawan ng masama.Tama pala si Monette. Talagang mabuting tao siya.Kahit masakit pa rin ang ulo ko at parang kulang pa ang tulog ko, bumangon na rin ako para maligo.May trabaho pa ako. Hindi puwedeng tumigil ang mundo ko dahil lang brokenhearted ako.At lalong hindi puwedeng gawing dahilan ang isang lalaking nanloko sa akin para pabayaan ko ang sarili ko

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 6: The Bed Is Off-Limits

    ZAILYN“Zailyn, wake up…”Malumanay na boses ni Monette ang pumukaw sa akin.Antok na antok pa ako, pero pinilit kong imulat ang mga mata ko.“Nandito na tayo…”Kinusot ko ang mga mata ko at napatingin sa building ng apartment ko. Pero imbes na bumaba, muli kong ipinikit ang mga mata ko.Kasi, gusali pa nga lang ang nakikita ko ngayon, naiiyak na ako. Paano kung nasa loob na ako? Paano kung nakahiga na ako sa kamang ginamit ni Clark at ng makating babaeng iyon?Baka lamunin na naman ako ng sakit.“Zai… halika na.”Bahagya akong hinila ni Monette, pero nagmatigas ako at paulit-ulit na umiling.“Nakakahiya na kay Mr. Nicolo,” pabulong niyang sabi habang nakatingin sa driver's seat.Napatingin din ako. Tahimik lang si Nicolo, pero nahuli kong nakatingin siya sa rearview mirror na para bang hinihintay kung kailan ako bababa.Napalabi ako. Kasi, tama si Monette. Ang laking abala ko na sa kanya.Kaya kahit masakit ang ulo ko at parang umiikot pa rin ang mundo, pinilit kong kumilos.Kaagad na

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 5 — The Man Everyone Fears

    ZAILYNNapahawak ako kay Monette habang pinipigil ang hininga ko.Anong sasabihin ko? Anong isasagot ko sa kanya?Wala… As in wala akong maisip. Kaya dahan-dahan akong humilig kay Monette at tuluyang humiga sa hita niya.“Zailyn…” Niyugyog niya ako. “Kainis ka naman, eh… nang-iiwan ka sa ere!” Gigil niyang bulong sa akin.Ibinuka ko lang ang isang mata ko. Nagmamakaawang iligtas niya muna ako ngayon. Wasak pa ang puso ko. Wala pa akong lakas na harapin ang nag-aalburotong si Nicolo.“Mr. Nicolo. ‘Wag po kayong mag-alala. Safe po sa amin ang problema mo.”Ramdam ko ang lamig sa kamay ni Monette.“Siguraduhin mo lang.”Ramdam kong lumubog ang couch sa paanan ko. Umupo siya. Kahit hindi lumapat ang balat niya sa akin, ramdam ko pa rin ang init niya.O, dahil lang lasing ako.Napahigpit naman ang hawak ni Monette sa kamay ko na para bang gusto na niyang tumayo ako at umalis na kami.Bahagya ko na namang ibinuka ang isa kong mata para silipin si Nicolo. Nasa paanan ko pa rin siya, nakatungo

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 4 — The Worst Time To Be Curious

    ZAILYNNgumiti ako habang pinapalandas ko ang daliri ko sa dibdib niya pababa.Kinagat ko pa ang ibabang labi ko na parang inaakit siya.Ramdam kong mas humigpit ang kamay niya sa baywang ko at parang lalong tumigas ang katawan niya.Pero hindi ako tumigil.Oo, pin-provoke ko siya. Gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya niyang tiisin.“So, you want me to take responsibility?” Mas bumaba pa ang daliri ko.At sa puntong ’to, hinawakan na niya ang pulso ko at inilagay sa likod ko.“It’s your call, not mine…” bulong niya sa paos na boses.Gumalaw pataas-pababa ang Adam’s apple niya. At ewan ko kung ano ang nangyayari sa akin.Iyon na naman ang nilaro-laro ko. Kusa ko na ring diniin ang sarili ko sa kanya.“So, your place or mine?”Hindi ko masyadong naaaninag ang mukha niya o mabasa ang nasa mga mata niya, pero kitang-kita kong umangat ang sulok ng labi niya bago niya ako binuhat.“Wai-wait…”Matinis na boses ang narinig ko.Boses ’yon ni Monette kapag hysterical siya.“Saan mo dad

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 3 — The Pharmacy Guy

    ZAILYNPagkatapos ng ilang minutong pag-iyak, tumayo ako.Pinulot ko ang cake na nahulog sa sahig at itinapon ko sa basurahan.Inayos ko rin ang kama ko at pinalitan ang sapin. Lahat ng bakas ni Clark sa kwartong ’to, binura ko.Hindi ako malulugmok dahil sa lalaki.Matapos kong itapon ang lahat ng dapat itapon at linisin ang dapat linisin, hinubad ko ang damit ko at pumasok sa banyo.Pinilit kong magpakatatag pero, damn it!Ayaw pa ring tumigil ang mga luha ko.Hinayaan kong pumatak ang malamig na tubig sa mukha ko at humalo sa mga luha ko.Matapos maligo, tinuyo ko ang buhok ko at nagpalit ng damit na hindi ko madalas sinusuot.Tumingin ako sa salamin at ilang segundo kong pinagmasdan ang sarili ko.Suot ko ang black leather mini skirt at fitted satin camisole na regalo ni Mommy sa akin noon. Ipinaris ko rito ang oversized blazer at heels na regalo ni Daddy.Napabuntong-hininga ako.Sa halip na gumaan ang pakiramdam ko, mas lalong bumigat. Kasi, mas na-miss ko ang mga magulang ko.P

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status