Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong lumayo sa amin ang grupo ni Jin. Hindi ko naman gugustuhing mapagitna na naman sa isang gulo kaya mabuti na lang ay marunong silang makaramdam.
“Liam. Salamat ah.” sabi ko nang umalis ako sa likuran niya. Tulad ng dati, ginulo lang niya ang buhok ko at nag ngitian.
“Hey hey.” tawag ni Thunder nang akbayan niya si Liam na akala mo’y close silang dalawa. Wow. Kailan pa siya naging fc?
“So totoo nga. Kayo na.” sabi pa ni Liam nang alisin niya ang braso ni Thunder sa balikat niya habang nakatingin sa akin. Nagtaka naman ako, paano niya nalaman? Bati na ba sila ni Ayesha?
“May nakapost sa bulletin.” nanlaki na lang ang mata ko sa sinabi niyang iyon, magaling pa rin siyang bumasa base sa ekspresyon. Hindi na ako nagtanong pa at dali daling tumakbo papunta sa pinakamalapit na bulletin board.
“Insolent’s Thunder Cross and Keen’s Rain Celvero. Confirmed to be dating.”
Napahawak na lang ako sa ulo ko nang mabasa iyo
Matthew’s POVKanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan, mabuti na lang at natanggap ko na ang message na hinihintay. Mabilis akong lumabas ng cafeteria at hindi na nag abalang magpaalam pa kila Rain.“Seryoso ka ba talaga? Nakausap mo na ba sila?” Tanong ni Tymee nang salubungin niya ako sa harap ng main building. Pinakiusapan ko siyang samahan ako sa leader ng insolent. Gusto ko kasing itanong kung pwede akong magpaconvert bilang amiable. Alam kong tumanggi na si Thunder dito pero susubukan ko pa rin.“Matagal ko na silang nakausap tungkol dito pero hindi nila alam na lalapit na ko sa Insolent’s leader para magtanong.” sagot ko at laking gulat ko na lang ng kinotongan niya ako.“Very wrong.” iyon lang ang sinabi niya at saka nagpatuloy sa paglakad papunta sa quarters ng mga Insolent. “Paano kung payagan kang magpa-convert? May balak ka bang sabihin sa grupo mo?”“Oo naman.” tipid kong sagot at hindi na ulit kami kumibo hanggang sa marating namin ang
Beb, okay ka lang ba talaga?” Tanong ni Ayesha. Nandito na ako sa kwarto namin at hindi na rin ako nag abalang magsorry pa kay Thunder regarding sa nangyari sa rooftop. Nawala lang siya kanina, may kahalikan na siyang iba? Aba’y gago pala siya eh, kaya pala ang tagal bumalik.“Oo beb, okay lang ako... Nga pala, magkaaway pa rin ba kayo ni Liam?” napangiti siya ng malawak sa tanong kong iyon at saka ako tinabihan sa kama.“Umamin na siya sa akin, beb. Omg talaga!” tuwang tuwa siya kaya automatic na nahampas niya ako sa braso ko. Ito na naman siya, nagiging mapanakit pag kinikilig.“I can’t believe it, all this time pala ay may gusto rin siya sa’kin pero nag usap na kami kanina, pananatilihin namin ang friendship namin. Maybe 2 years from now, pwede na kaming pumasok sa serious relationship.” kwento niya at ngumiti ako naman ako.“Masaya ako para sa inyo.” niyakap niya ako at saka sabay
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Buong buo na talaga ang desisyon ni Thunder sa pagbuo ng Dark demons.Kasalukuyan na kaming naglalakad papuntang cafeteria. Mabilis naging usap-usapan sa buong campus ang nangyari sa Dark. Yung iba ay ako ang sinisisi pero may iilan na nagsasabing dapat lang daw mabuwag ang grupo nila.Tahimik lang si Thunder, wala rin akong makitang apat na lalaki na nakaupo sa usual place ng dark. Nakakalungkot. Wala talagang permanente sa mundo, sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat.“Samahan mo ako kay Liam.” sabi ni Thunder habang narito kami sa entrance ng cafeteria. Sa hindi kalayuan naman ay natatanaw ko si Ayesha sa usual place namin, wala siyang kasama.“Bakit? Mukhang wala si Liam ditㅡ”“What do you want from me?” Sabay kaming napalingon sa likuran at doon bumungad sa amin si Liam habang nasa likuran niya ang tropang sisiw o mas kilala na ngayon bilang miyembro ng Dark demons. Ano bang kailang
“Jiro.” Halos pabulong kong tawag sa pangalan nito. Ito ba iyong tinutukoy ni Thunder na binubuong grupo ni Jiro? Nasa pito rin sila kagaya ng dark demons at talaga namang unang tingin pa lang ay masasabi nang malalakas iyong miyembro ng grupo niya.“Thunder. Ano bang gagawin natin dito?” Tanong ko ngunit nakatuon lamang ang atensyon niya sa grupo ni Jiro. Kinakabahan ako, baka mamaya ay magpatayan sila rito ng wala sa oras. “Thunder.”Muli ko siyang tinawag at sa wakas ay hinarap na niya ako. Hinawakan niya ako sa pisngi at saka ngumiti ng matamis. “Magpapalista lang kami. Don’t worry. Hindi ko hahayaang makita mo kong makipaglaban sa ganitong klase ng lugar. It’s too dangerous for you.”Hinalikan niya ako sa noo at saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Dito ka lang, okay? May kakausapin kami.”.Tumango lamang ako sa sinabi niya at saktong pag-alis nila ay lumapit sa akin si Jiro.“Mukhang okay na kayo ni Thunder, ah.” Ngumiti siya ng pilit at ga
Zea’s POVKasalukuyan kong kasama si Amethyst sa mga oras na ito. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali, siguro dahil hindi ko na naabutan sila Rain dito sa cafeteria. Hindi ko na rin makita si Jiro at Thunder.“Rain. Where are you?” Tanong ko nang sagutin niya ang tawag ko.“Nandito na ko sa dorm. Pinabalik agad ako ni Thunder, nasaan ka? Kinakabahan kasi ako.”“Nandito ako sa cafeteria. Hindi ko na makita yung magkapatid, baka nagpapatayan na ‘yon.” Habang kausap ko si Rain ay nahagip ng paningin ko si Mark. Isa iyon sa mga kagrupo ni Jiro, hindi ako pwedeng magkamali. “I’ll call you later. May susundan lang ako.”Pagkababa ko ng phone ay agad kong binaba hinatak si Amethyst para sundan si Mark. Lumabas kami ng cafeteria at nakita siyang pumasok ng hell’s gate. Almost 9:15 p.m na, ilang minuto na lang at curfew na. Bakit kasi ngayon pa naisip ni Jiro gawin iyong gang fight? At isa pa, ano bang problema niya kay Thunde
Halos mag-three months na ang nakalipas at comatose pa rin si Zea, kahit anong mangyari ay hindi kami nawawalan ng pag-asa na magigising na siya.Nakakalungkot lang isipin na hindi pa rin naging dahilan ang nangyari kay Zea para magkabati ang lima, pero kahit ganoon ay naging civil naman sila. Chill lang at walang away, mas okay na iyon kaysa makita silang mainit sa isa’t isa.Huling linggo ng summer break ngayon at kasalukuyan akong nags-stay sa bahay ni Thunder. Malinaw pa rin sa isipan ko ang sinabi ng daddy niya sa akin two months ago. Halos araw-araw ko ring pinag-iisipan ang paglipat ng school ngayong pasukan.Maraming nangyari sa loob ng dalawang buwan at dalawang linggo. Napostpone ang ground zero dahil sa dami ng sumaling grupo. Na-extend din ang pagiging keen’s leader ko dahil ngayong school year pa raw darating ang papalit na leader.Si Jasper at Emerald naman ay one week nang in a relationship. Sila Liam at Ayesha naman ay M.U ang status.Si
Habang nasa daan ay naramdaman ko na lang ang dahan-dahang pagpatak ng tubig mula sa itaas. Inilahad ko ang mga kamay ko at ano mang oras ay lalakas na ang ulan kaya nagmadali na rin akong umuwi.Pag-akyat na pag-akyat ko ng rooftop ay sinalubong agad ako ni Thunder ng isang mahigpit na yakap. “B-bakit?”“Saan ka nagpunta? Nag-alala ako. Paggising ko wala ka na, akala ko iniwan mo na ako.” Kumalas siya sa pagyakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Ngumiti lamang ako ng tipid.Nasasaktan akong makita siyang ganito. Paano pa pagtuluyan ko na nga siyang iniwan?“Sorry pinag-alala kita. Bumili lang ako sa market. Wala na kasing laman ‘yung ref, eh.” Ipinakita ko sa kanya ang mga dalang plastic at nagpakawala naman siya ng malalim na buntong hininga. Matapos noon ay kinuha niya ang mga dala ko at sabay na pumasok sa loob.“Wag mo nang uulitin ‘yon, ah? Nag-alala talaga ako. Naiwan mo pa ‘yung phone mo.” Sabi niya nang ilagay niya ang mga pinamili ko s
Ilang araw ang lumipas at hindi na muling nagparamdaman sa akin ang misteryosong tao na iyon. Nang masabi ko kay Thunder ang nangyari ay agad naming pinuntahan ang presinto kung saan nakakulong sila Ms. De Vera at leader Yb.Mali ako ng hinila dahil nandoon pa rin silang dalawa. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ang taong iyon.“Ulan, tara na! Late na tayo.” Sigaw ni Thunder mula sa ibaba.“Oo wait.” Kinuha ko na ang mga gamit ko at saka nagmadaling bumaba. Ngayon na ang araw ng pagbalik namin sa Monstrous. Third year na kami at mayroon na lang akong isang linggo para makasama si Thunder.Pagdating namin sa Academy ay nagmadali akong pumunta sa kwarto ko. Wala pa si Ayesha kaya dali-dali akong tumalon sa kama ko at saka iyon niyakap.“Na-miss kita!” Nagpagulong-gulong ako roon ngunit agad ding napahinto nang makita ko ang reflection ni Thunder sa T.V, Agad akong tumayo at lumingon sa balkonahe.“Hi.” Bati niya sa akin.“