Share

ONE

Author: Gael Aragon
last update Last Updated: 2023-04-04 08:03:32

Pilipinas 

Malakas na iyak ng mga bata ang gumising kay Hanz. Mumukat-mukat niyang iginala ang mga mata sa kinaroroonan. Napakunot-noo pa siya nang malamang nasa kaniyang silid siya sa Villa Catalina at wala sa ibang lugar. 

Tumingin siya sa labas. Palagay niya’y alas-nieve pa lang nang umaga. And he is not a morning person for God's sake! At sa pagkakaalam niya, Linggo sa araw na iyon. Wala siyang ibang gagawin kun’di ang humilata sa kama at matulog maghapon. 

Ganoon siya simula nang umuwi siya ng Pilipinas six years ago. Hindi man sanay sa buhay probinsya, pero para makaiwas sa pang-uusisa ng ama, napilitan siyang sa Villa Catalina manirahan. Pag-aari iyon ng kanilang pamilya sa San Marcelino at ipinangalan ng kanilang ama sa namayapa nilang ina. 

For the past years, his dad was convincing him to help Timothy on running their company. Wala raw kasi itong aasahan kay Brando dahil sa klase ng buhay na mayroon ito. At isa pa, siya ang panganay kaya siya dapat ang katulong nito na magpalago ng kanilang mga negosyo. 

But the thing is, hindi niya nais makialam sa pagpapatakbo sa kahit na aling negosyo nila. Hindi siya businessman. He’s a lawyer. At para sa kaniya, sa hukuman siya nababagay at hindi sa likod ng prestihiyoso at naglalakihang opisina sa matatataas na gusali. 

At mukha namang nananawa na ang kaniyang ama sa panghihikayat sa kaniya. Ilang buwan na rin kasing hindi ito nagpaparamdam. Napagtanto na rin siguro nito na sapat na ang pagiging legal counsel niya ng kanilang kompanya at ang pag-aasikaso niya sa Villa Catalina. 

Muli siyang nakarinig ng iyak na nagpabalik sa kaniyang isipan sa kasalukuyan. At tila palakas yata iyon nang palakas sa paglipas ng mga sandali. Wala siyang inaasahang bisita sa araw na iyon, kaya hindi niya alam kung bakit may batang umiiyak sa ganoong oras. 

Walang nagawa si Hanz kun’di ang tumayo at tunguhin ang banyo. Pagkatapos mag-shower ay bumaba siya sala at doon naabutan ang kapatid na si Letizia, kasama ang kambal nitong sina Lucas at Lauren. Hindi magkandaugaga ang kaniyang kapatid sa pagpapatahan sa kambal na kakaisang-taon pa lang. 

“What are you doing here?” kunot-noong tanong niya sa kapatid at kinuha si Lucas na nakalupasay sa sahig. Tumahan naman ang bata at tiningnan s’ya. Ngumiti s’ya rito bago ginawaran ng halik sa pisngi. 

“Hello, little one. Bakit naman kay-aga-aga eh sabay kayong umiiyak ng kapatid mo?” tanong niya rito na para bang nauunawaan s’ya noon. 

Suminok-sinok ang bata, pagkuwa’y ngumiti. 

“You missed uncle? Hmm?” kausap pa rin niya rito, bago muling hinarap si Letizia na si Lauren naman ang kinarga. 

“Hi!” nakangiting bati nito at mabilis siyang ginawaran ng halik sa pisngi. 

Napataas ang isang kilay niya. 

“Anong masamang hangin ang nagpadpad sa inyo rito? Akala ko nakalimutan mo nang may sarili tayong lupain dito sa Quezon, dahil palagi ka na lang nasa Hacienda Monte Bello,” aniyang kunwa’y nagtatampo rito. 

Umingos ito. “Pasimple ka pa. Hindi mo naman kayang i-handle ang kambal kapag nagwala nang sabay ang mga iyan. Sa hacienda marami akong kasama na may alam sa pag-aalaga ng mga bata. Hindi kagaya mo,” pasaring nito. 

Natawa siya. 

“Ano namang palagay mo sa akin? Of course, I can handle kids. Kita mo nga at tahimik na itong si Lucas,” wika niya at pinisil-pisil ang pisngi ng pamangkin. Humikbi naman ito na mukhang nasaktan yata. 

“Kita mo na?” nakataas ang isang kilay na palatak ni Letizia. “Bakit ba kasi hindi ka pa nag-aasawa? Marami namang magagandang babae na umaali-aligid sa 'yo rito o sa Maynila man.” 

Umiling siya. “I have no time for that. At pwede ba? Stop acting like our father? Tinigilan na nga niya ako tapos ikaw naman ngayon.” 

Inirapan siya nito bago naupo sa sofa. “I am not acting like him, okay? Ang sa ‘kin lang, tumatanda ka na. Kita mo nga at naunahan ka pa ni Kuya Timothy. Ilang buwan na lang magkakaanak na rin sila ni Penny,” himutok nito at nilaro-laro ang anak na nasa kandungan. 

Sumeryoso siya. 

“Wala akong balak mag-asawa,” may pinalidad sa tinig na tugon niya. 

Lumipad ang mga mata ng kapatid sa kaniya. 

“Anong ibig mong sabihin? Wala ka pang balak mag-asawa ngayon?” 

Umiling siya. “Marriage is not my cup of tea.” 

“Dahil ba kay Andrea?” Huminga ito nang malalim. “That’s five years ago, Kuya. Hindi ka pa rin ba nakakapag-move on?” nang-aarok ang mga matang tanong nito. 

Pagak siyang natawa at naupo na rin. “Hindi siya ang dahilan kung bakit ayaw ko ng makasal kahit na kailan,” aniya. 

“Eh, bakit?” usisa nito. 

Nag-iwas siya ng tingin. “I just don’t see myself having kids in the future. I don’t even feel that I will become a good father,” saad niya. He didn’t want to sound like a bitter person, pero parang ganoon ang lumabas sa bibig niya. 

“Hindi naman siguro,” ani Letizia. “You’ll be a good father someday. I’m sure of that. Maybe, hindi mo pa lang talaga nakikita ang naka-tadhana para sa ‘yo,” komento nito. 

Mapait siyang ngumiti. “Stop mentioning destiny here. Hindi talaga kami kahit kailan magkakasundong dalawa,” pagbibiro niya. 

Natawa naman ito. “So, iyon pala talaga ang dahilan?” 

“Ha? Nang ano?” 

“That you don’t see yourself having kids in the future. Kasi sabi mo hindi kayo magkasundo ng tadhana,” paliwanag nito. “Tingin ko naman hindi. You just haven’t see the person that was meant for you. Not yet. . .” dagdag pa nito. 

Siya naman ang napatirik ang mga mata sa kisame. “Tigilan mo na nga ako Letizia. Bakit ka ba naririto? Huwag mong sabihin sa aking para pag-usapan si destiny?” sarkastikong tanong niya rito. 

Napatuwid ito ng upo sabay sulyap kay Lauren. “We just wanted to visit you. Masama ba iyon?” 

Nagtaka siya sa inasta nito. Pinagmasdan niya itong mabuti bago huminga nang malalim. “Nag-away ba kayo ni Antonio?” tanong niya bago luminga sa paligid at hinanap ang tinutukoy. Pero wala nga roon ang asawa nito. 

Mabilis na umiling si Letizia. “No. We didn’t fight. Ikaw talaga ang sadya namin dito,” makahulugang tugon nito na lalong ikinadami ng mga gatla sa kaniyang noo. 

“Why?” 

Pero nananatiling tahimik si Letizia na kunwari ay hindi siya narinig. 

“Hindi mo ako makukuha sa pagan'yan-gan'ya mo, Letizia. Ano ang totoo?” aniya at ginamitan ito ng tonong ginagamit niya sa loob ng hukuman. Kapag ganoon siya kung magsalita, walang sinoman ang hindi aamin sa kasalanang nagawa ng mga nagiging kalaban niya sa kaso. 

Subalit sa halip na sagutin s’ya nito ay may dinukot ito sa bag na nasa tabi nito. Isa iyong pink na sobre at ipinatong sa center table. 

Dumako ang mga mata niya roon. Nagtagal iyon sa larawan ng dalawang taong naka-imprinta sa ibabaw niyon. 

Walang kaemo-emosyong hinarap niya ang tahimik na kapatid. “Am I being invited?” tanong niya rito. 

Tumango ito kasabay nang paghugot nang malalim na hininga. “Andrea personally asked me to invite you. Hindi ko naman mahihindian ang hipag ko—alam mo ‘yan,” tila nakokonsensyang paliwanag nito. 

“Eh, ako? Sino ba ako sa ‘yo?” 

“Kuya. . .” may halong inis na wika nito sa lalo pa niyang pangongonsensya rito. “Syempre kapatid kita. Pero nakakahiya naman kong hihindian ko sina Andrea at Fred.” 

“Ganoon?” napataas ang kilay niya. 

Masarap kasing tuksuhin ang kapatid niyang ito. Palibhasa kaisa-isahang babae sa pamilya nila, ito ang tampulan nila ng tukso nina Timothy at Brando noon. At hindi pa rin ito ligtas hanggang ngayon. Kahit na may asawa’t anak na ito. 

Natawa siya nang malakas nang hindi makatingin nang deretso sa kaniya si Letizia. Pulang-pula ang mukha nito ng lingunin siyang muli. 

“Kuya!” galit-galitang palatak nito. 

“Chill, Letizia. Para binibiro ka lang, nagpadala ka naman agad,” sambit niya bago sinulyapan ang pamangking nakikitawa rin sa kan’ya. “Ang sarap talagang asarin ng nanay mo. Hindi ba Lucas?” aniya. Humagikhik naman ang pamangkin. 

“See that?” nakalolokong baling niya rito. 

“Sumosobra ka na, Kuya, ha. Akala ko pa naman talagang nagtatampo ka na sa ‘kin,” nanghahaba ang ngusong wika nito. 

“Relax. . . At saka bakit ba naiisip mong magtatampo ako sa ‘yo?” 

“Because it’s Andrea and Fred.” 

“And so?” Napailing siya. “Matagal nang tapos ang kung anong mayroon sa amin ni Andrea. That’s a very long time ago, Letty. Kaya wala kang dapat ikabahala kung masasaktan man ako—dahil hindi iyon mangyayari. I got over her. Matagal nang panahon,” paliwanag niya rito. 

She sighed. “I know your feelings for her before are genuine. Hindi ko man alam na nauna ka pa palang ipagkasundo ni Dad sa isa sa mga anak ni Papa, pero alam kong nasaktan ka pa rin noon. You even hide yourself here. At hindi naman kita masisisi—maganda si Andie at mabait. Kahit sinong lalaki ay talagang mahuhulog sa kaniya,” anito sa malungkot na tinig. 

“Siguro, mas maganda nga sana kung nagkatuluyan kayo. Maybe you have a lot of kids now,” patuloy pa nito. 

“Kung nagkatuluyan kami, wala sana kayo ni Antonio ngayon. At wala rin sana kayong kambal na ganito ka-cute. Iyon ba ang gusto mo?” kontra niya rito. 

Alam nilang pareho na kung nagkatuluyan nga sila ni Andrea, hindi maiisipan ng kanilang ama na ipagkasundo si Letizia kay Antonio. What their father was up to until now, is to gain different business proprietorships. To build a big empire. 

Pero kung emperyo rin lang ang pag-uusapan, di-hamak na mas malakas ang hatak ng mga Monte Bello. Kaya ninais talaga nito na kahit isa man lang sa kanila, ay mapabilang sa pinakamakapangyarihang pamilya sa Pilipinas. 

“Tama ka rin naman,” wala sa loob na tugon ng kapatid. 

“Don’t forget that everything is business, when it comes to Augusto Alvarez’s mind. Lahat ay nakaplano. At hindi nito hahayaan ang sinoman na sirain iyon,” paalala niya rito. 

“But you did.” Pagtatama nito sa sinabi niya. “Nagawa mong buwagin iyon when you backed out on marrying Andie,” anito. 

Pagak siynag natawa at napatingin sa kawalan. 

“Dahil ayokong itali ang isang babaeng hindi naman ako ang nilalaman ng puso. Mahirap pumasok sa isang relasyon na iisa lang ang nagmamahal—nakakasakal. Bukod pa roon, darating ang araw na mananawa siya sa ‘yo at iiwan ka. In the end, huli na para pagsisisihan ang mga panahong nasayang at ang relasyon sa simula pa lang ay mabuway na ang pundasyon. That’s traumatic somehow,” mahabang turan niya. 

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Nagtaka pa siya na walang nakuhang reaksyon sa kapatid. Kaya napilitan siyang sulyapan ito. Seryoso na itong nakatitig sa kaniya. Para bang may nakikita ito sa mukha niya na hindi niya alam kung ano. 

“Have you been in a relationship before? I mean, before you met Andrea?” tanong nito. 

Natigilan naman siya. Pero saglit lang iyon at kagyat na nginitian ito. 

“Tigilan mo na ang kapapanood ng kung ano-anong drama. Pati kasi utak mo umiiba ng takbo.” Tumayo siya at dinampot ang invitation na ibinigay nito. “Tell them I will come,” aniya bago ito tinalikuran, habang buhat pa rin si Lucas patungong komedor. 

“Really!?” 

Narinig pa niyang malakas na palatak ng kapatid na ikinatawa na lang niya. Wala naman ngang dahilan para hindi siya magpunta roon. 

Totoo ang sinasabi niya. He moved on… long, long, time ago. . .

******

Sa Casa Monte Bello ginanap ang reception ng dalawa. Doon na siya dumeretso galing ng San Marcelino. 

“Kuya!” agad na tawag sa kaniya ni Letizia nang makita s’ya nito. 

Mabilis naman siyang lumapit sa kapatid at hinalikan ito sa noo. 

“Mabuti nakarating ka,” ani Antonio na tinapik siya sa balikat. 

“Hindi ko naman mahihindian itong asawa mo. Isa pa, gusto ko ring i-congratulate ang dalawa. Nasaan ba sila?” aniyang igila ang mga mata sa paligid. 

“I think, they were—there they are.” Si Antonio at itinuro ang kinaroroonan ng dalawa. 

Subalit, napatda siya nang makita kung sino ang kasama ng mga ito. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2   SPECIAL CHAPTER

    “Hanz. . .” masuyong tawag niya sa asawa. Subalit ilang sandali na ang nagdaan ay hindi pa rin ito tumutugon. “Babe!” Nilakasan na niya bahagay ang tinig para marinig nito. Humahangos namang lumapit ang lalaki. “What is it, Babe?” tanong nito sa kaniya na sa salamin nakatingin. “Can you help me pulled this zipper?” Itinuro niya ang likuran na hindi makayang abutin ng kamay niya. Mabilis itong tumango.  Napansin niyang tahimik lang ito.  “May problema ba” tanong niya nang harapin ito. Umiling ito na tutok na tutok ang mga mata sa kaniya.  “What’s the matter, Babe? Pangit ba ang suot ko?” takang tanong niya rito. It was Augusto Alvarez’s seventy-fifth birthday. Si Hanz mismo ang pumili ng gown na isusuot niya sa gabing iyon. Sanay na kasi siya sa asawa na alam ang babagay na damit sa kaniya. Daig pa nga nito ang stylist niya noon sa pagmomodelo kung gaano kamitikuloso. But even so, panay papuri naman ang naririnig niya sa mga taong nakakakita sa kaniya. Nakita n

  • Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2   THIRTY

    “What’s happening here?” tanong ni Yeisha sa ina at kapatid, nang mabungaran ang mga ito pagkagising. Naroon din si Bella na kalaro ni Harvey sa labas. Lumapit siya rito. “I invited them.” Hinalikan niya ito sa noo. Regular na ganoon sila araw-araw. At nahahalata niyang nasasanay na sa ganoong gawi niya si Yeisha. “Why? Anong mayroon? May okasyon ba?” sunod-sunod na tanong nito na nilapitan sina Andrea at Miranda. “Kailangan bang may okasyon para bisitahin ka namin dito?” ani Andrea pagkatapos itong halikan sa pisngi. Umiling ito at ang ina naman ang ginawaran ng halik. “Hindi naman sa ganoon. This was just. . . unexpected. Sana sinabihan ninyo ako para naipaghanda ko kayo nang pananghalian.” “There’s no need to do that. I already asked Manang Sideng. Maya-maya lang ay luto na ang mga iyon,” singit niya. Nilingon siya ng babae na nakataas ang mga kilay. Kapag titingnan siya nito nang ganoon ay nawawala sa isip niyang may pinagdadaanan ito. At naiisip niyang baka nagk

  • Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2   TWENTY-NINE

    Pilipinas, Villa Catalina “No. . . no. . . Stop it!” sumisigaw na wika ni Yeisha mula sa silid nito. Napatigil sa paghakbang si Hanz nang matapat doon. Pinakiramdaman niya ito mula sa loob. “Please. . . I will not do it again. Please forgive me. . .” paulit-ulit na pagsusumamo nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng silid nito. Madilim sa loob at tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw roon. Lumipad ang mga mata niya sa kama ng babae. Naroon ito at nakapamaluktot habang nanginginig ang buong katawan. Mabilis siyang napalapit dito at binuksan ang lampshade sa side table. “Yeisha. . . Yeisha. . . Wake up. You're having a bad dream,” paanas niyang sambit. Butil-butil ang pawis nito sa noo nang magmulat ng mga mata. “H-Hanz?” nanginginig ang mga labing turan nito. “Yeah, it’s me.” Napabangon ito at mahigpit siyang niyakap. Ramdam na ramdam pa rin niya ang panginginig ng katawan nito. “I’m scared, Hanz. I'm scared. . .” tila nagsusumbong na wika ni

  • Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2   TWENTY-EIGHT

    “Where are you?” nag-aalalang tanong ni Hanz kay Yeisha, na sa wakas, after calling her for twentieth times ay sinagot din ang telepono. “I-I. . . I went somewhere,” alanganing tugon nito. He can sense the worriedness in her voice. “Tell me the truth, Yeisha. Dahil ayokong pati ikaw ay mawala sa akin,” tumatahip ang dibdib na wika niya. It's been a week since Harvey went missing. Ayon kay Bernard, pinakilos na ng ama nito ang mga tauhan sa paghahanap kay Dereck. And anytime soon ay makikita na rin ito. Sinigurado iyon sa kaniya ng lalaki. But Yeisha seemed to be not herself sa nakalipas na dalawang araw. Hindi niya alam kung bakit. Sa isip niya ay dahil iyon sa hindi pa nila matagpuan ang anak nila. Subalit, lumakas ang kutob niya na may hindi ito sinasabi sa kaniya, nang bigla na lang itong magpaalam at uuwi sa apartment, habang kinakausap nila ang mga pulis kanina. At nang puntahan niya ito roon ay wala oon ang babae. “Don’t try to find me, Hanz. I am doing this

  • Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2   TWENTY-SEVEN

    “Still no news?” namamaga ang mga matang tanong ni Yeisha sa kaniya nang balikan niya ito sa apartment. Iniuwi niya muna ito roon kanina, upang kahit papaano ay makapagpahinga ito. Subalit mukhang hindi rin naman iyon nagawa nito dahil sa matinding pag-aalala sa kanilang anak. Apat na araw na ang nakalilipas, ngunit hindi pa rin nila natatagpuan si Harvey o si Dereck. Walang makapagpagsabi kung nasaan ang mga ito. Noong pumunta sila sa eskwelahan ni Harvey ay nakuha sa CCTV ang pagpasok ni Dereck sa school premises nito. Kilala ng eskwelahan na anak nito si Harvey kaya walang kahirap-hirap na naitakas iyon ng lalaki. And the cops were having a hard time tracing Dereck’s location. Kahit sa bahay nito ay wala ang lalaki. At tila pinapatay silang pareho ni Yeisha nang matinding pag-aalala. They knew Dereck’s capabilities. Nasisiguro niyang hindi ito mangingiming saktan si Harvey, lalo pa nga’t malinaw naman na hindi nito anak ang bata. Umiling siya at naupo sa tabi nito. “Th

  • Monte Bello Series: Hanz - The Alvarez Brother's 2   TWENTY-SIX

    “Daddy?” ani Harvey nang makita siya nito sa playground sa loob ng eskwelahan. Nakangiting nilapitan niya ang bata. “Hi! I came by to see you,” ani Dereck at bahagyang luminga sa paligid. Walang gasinong tao sa mga sandaling iyon. “Where is Mommy? Have you seen her?” Tumingin ito sa may likuran niya na para bang inaasahan nitong anomang sandali ay lalabas doon si Yeisha. “Yeah. She’s waiting in my car. She asked me to pick you up because she wanted to give something to you.” Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi habang sinasabi iyon. “Really?” nanunukat ang tinging tanong nito. Mabilis siyang tumango. “Yeah. You could ask her yourself,” malumanay na wika niya. Hindi sumagot si Harvey. Kumibot lang ang mga labi nito. “Don’t you wanna see her?” aniya. Alanganing lumingon ito sa loob ng room nito, pagkuwa’y bumuntonghinga. “Please promise me one thing,” anito nang harapin siyang muli. “Go ahead...” “You will not hit Mommy again. Never,” mariing sambit nito.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status