LOGINTRIGGER WARNING: MATURED CONTENT Hanz and Yeisha divorced six months after getting married. Reason? Nahuli ni Hanz na nagtataksil sa kaniya si Yeisha. But, after seven years, muling nagkrus ang mga landas nila. At iyon ay sa mismong kasal ng babaeng nagkaroon ng puwang sa puso ni Hanz. Si Andrea Monte Bello. His ex-fiancee. Subalit, kahit anong iwas ang gawin ni Hanz, he always ended up being with Yeisha. Lalo na ng pakiusapan siya mismo ni Andrea na maging abogado nito. At ang hindi alam ni Hanz, sa pagsasama nilang muli ay marami siyang matutuklasang sekreto ni Yeisha; na gigimbal nang husto sa mundo niya. Makayanan kaya niya ang lahat ng iyon? Lalo na kung sa ikalawang pagkakataon ay muling tumibok ang puso niya para rito?
View More“Hanz. . .” masuyong tawag niya sa asawa. Subalit ilang sandali na ang nagdaan ay hindi pa rin ito tumutugon. “Babe!” Nilakasan na niya bahagay ang tinig para marinig nito. Humahangos namang lumapit ang lalaki. “What is it, Babe?” tanong nito sa kaniya na sa salamin nakatingin. “Can you help me pulled this zipper?” Itinuro niya ang likuran na hindi makayang abutin ng kamay niya. Mabilis itong tumango. Napansin niyang tahimik lang ito. “May problema ba” tanong niya nang harapin ito. Umiling ito na tutok na tutok ang mga mata sa kaniya. “What’s the matter, Babe? Pangit ba ang suot ko?” takang tanong niya rito. It was Augusto Alvarez’s seventy-fifth birthday. Si Hanz mismo ang pumili ng gown na isusuot niya sa gabing iyon. Sanay na kasi siya sa asawa na alam ang babagay na damit sa kaniya. Daig pa nga nito ang stylist niya noon sa pagmomodelo kung gaano kamitikuloso. But even so, panay papuri naman ang naririnig niya sa mga taong nakakakita sa kaniya. Nakita n
“What’s happening here?” tanong ni Yeisha sa ina at kapatid, nang mabungaran ang mga ito pagkagising. Naroon din si Bella na kalaro ni Harvey sa labas. Lumapit siya rito. “I invited them.” Hinalikan niya ito sa noo. Regular na ganoon sila araw-araw. At nahahalata niyang nasasanay na sa ganoong gawi niya si Yeisha. “Why? Anong mayroon? May okasyon ba?” sunod-sunod na tanong nito na nilapitan sina Andrea at Miranda. “Kailangan bang may okasyon para bisitahin ka namin dito?” ani Andrea pagkatapos itong halikan sa pisngi. Umiling ito at ang ina naman ang ginawaran ng halik. “Hindi naman sa ganoon. This was just. . . unexpected. Sana sinabihan ninyo ako para naipaghanda ko kayo nang pananghalian.” “There’s no need to do that. I already asked Manang Sideng. Maya-maya lang ay luto na ang mga iyon,” singit niya. Nilingon siya ng babae na nakataas ang mga kilay. Kapag titingnan siya nito nang ganoon ay nawawala sa isip niyang may pinagdadaanan ito. At naiisip niyang baka nagk
Pilipinas, Villa Catalina “No. . . no. . . Stop it!” sumisigaw na wika ni Yeisha mula sa silid nito. Napatigil sa paghakbang si Hanz nang matapat doon. Pinakiramdaman niya ito mula sa loob. “Please. . . I will not do it again. Please forgive me. . .” paulit-ulit na pagsusumamo nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng silid nito. Madilim sa loob at tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw roon. Lumipad ang mga mata niya sa kama ng babae. Naroon ito at nakapamaluktot habang nanginginig ang buong katawan. Mabilis siyang napalapit dito at binuksan ang lampshade sa side table. “Yeisha. . . Yeisha. . . Wake up. You're having a bad dream,” paanas niyang sambit. Butil-butil ang pawis nito sa noo nang magmulat ng mga mata. “H-Hanz?” nanginginig ang mga labing turan nito. “Yeah, it’s me.” Napabangon ito at mahigpit siyang niyakap. Ramdam na ramdam pa rin niya ang panginginig ng katawan nito. “I’m scared, Hanz. I'm scared. . .” tila nagsusumbong na wika ni
“Where are you?” nag-aalalang tanong ni Hanz kay Yeisha, na sa wakas, after calling her for twentieth times ay sinagot din ang telepono. “I-I. . . I went somewhere,” alanganing tugon nito. He can sense the worriedness in her voice. “Tell me the truth, Yeisha. Dahil ayokong pati ikaw ay mawala sa akin,” tumatahip ang dibdib na wika niya. It's been a week since Harvey went missing. Ayon kay Bernard, pinakilos na ng ama nito ang mga tauhan sa paghahanap kay Dereck. And anytime soon ay makikita na rin ito. Sinigurado iyon sa kaniya ng lalaki. But Yeisha seemed to be not herself sa nakalipas na dalawang araw. Hindi niya alam kung bakit. Sa isip niya ay dahil iyon sa hindi pa nila matagpuan ang anak nila. Subalit, lumakas ang kutob niya na may hindi ito sinasabi sa kaniya, nang bigla na lang itong magpaalam at uuwi sa apartment, habang kinakausap nila ang mga pulis kanina. At nang puntahan niya ito roon ay wala oon ang babae. “Don’t try to find me, Hanz. I am doing this
Malikot ang mga matang iginala ni Yeisha ang paningin sa paligid. She makes sure na walang makakita sa kaniya ni isa man sa mga kasambahay na naroon. Nang masigurong walang kahit na sino sa paligid, tiyak ang mga hakbang na tinungo niya ang dating silid nila ni Dereck. She quickly managed to get i
“Let me...” awat ni Yeisha nang akmang bubuhatin ni Hanz si Harvey na nakatulog na sasakyan. “No. Let me.” At tinalikuran na siya nito pagkatapos kargahin ang anak niya. Napailing na lang siya sa sarili habang nakasunod sa mga ito. Mabilis niyang binuksan ang apartment nila at tuloy-tuloy namang d
“A theme park!? Really!?” nanlalaki ang mga matang bulalas ni Harvey nang makababa ito ng sasakyan. Halatang-halata sa mukha nito ang nadaramang excitement sa mga sandaling iyon. “Yes! And welcome to one of my most favorite place on earth!” hayag niya at sinulyapan si Yeisha na nasa tabi nito. Mata
Pagkatapos mag-asikaso sa presinto, bumalik si Hanz sa bahay nina Yeisha. Mabuti na lang at naisipan niyang bumalik sa mga ito kanina. Kung nagkataon baka kung ano nang nangyari sa mag-ina. At hindi niya mapapatawad ang sarili kung nangyari iyon. He closed the front door before leaving and going












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews