Share

Chapter 10

Kapag rest day ko hinahayaan ako ni nanay na magpahinga, matulog at humulata buong maghapon. Wala naman raw akong gagawin kaya maigi na magpahinga na lang raw ako. Dapit hapon na nang magising ako na ipinagtaka ni nanay.

“Hindi ka nag agahan pati kaninang tanghali hindi ka kumain,” aniya habang sinusuri ako ng tingin. “May problema ka ba? May sakit ka? Hindi kasi kita nakitang gumising,” nag-alala na saad niya.

Napakamot ako ng ulo. “Masama ang pakiramdam ko kagabi. Hindi ko nasabi sayo kasi tulog ka na nang makarating ako,” huminga siya ng mamalim, hindi nagustuhan ang ginawa ko. Patagilid ko siyang niyakap. “‘Wag kang mag-alala, okay na ako. Sinulit ko lang ang tulog ko at saka may biscuit ako sa kwarto, iyon ang almusal ko kanina.”

Natawa ako ng kurutin niya ang tagiliran ko. “‘Wag mo ng uulitin yun ,ha? Makatikim ka sa akin. At, diba bilin ko sayo gisingin mo ako kapag-,”

“Hindi na po ma ulit, Nay.”

“Ikaw talagang bata ka,” konsomesyon na sambit niya.

Nilingon ko si nanay na na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status