Walang espesyal sa araw na 'yon pero napansin niyang well-mannered ang mga estudyante. Wala namang announcement na bibisita ang campus President o 'di kaya maglilibot ang campus Director.
Sumubo siya ng potato chips at nilibot ang tingin sa mga estudyante sa ibaba. Nasa 4th floor siya ng Engineering building at prenteng dumudukwang sa terrace. Vacant ng block niya at ayaw niyang tumambay sa canteen. Siguradong nandoon si Sheena o kaya si -
"Laine."
Nahinto sa eri ang daliri niyang may ipit-ipit na chip. Binaling niya ang tingin sa gilid at nakita si Simoen na nakadungaw din sa teresa.
Lumunok siya. "Bakit?"
Huminga siya nang malalim. Ibinaba niya ang kamay at inalok ng chichirya si Simoen. Wala naman kasi siyang maisip na sasabihin.
Marahang ngumiti ang lalaki at umiling. "I just want to say sorry for giving you false hopes."
Napaubo siya bigla. "I'm sorry?"
<Infinity ang design ng gold ring na isinuot ni Gideon sa kaniya no'ng kinasal sila. At habang tinititigan niya 'yon, napansin niya ang maliit at kumikinang na bagay kung saan nagtatagpo ang dalawang linya. Isang white diamond. Kunot ang noo niyang binalik sa drawer ng study table ang singsing. Umiling siya. Wedding ring 'yon, ibig sabihin ay gano'ng design din ang singsing na sinuot niya kay Gideon.Pero naalala niyang hindi rin nito sinusuot ang singsing. Hindi niya napansin 'yon. Sabagay, nakatungo lang siya matapos siya nitong tinanong kung bakit 'yon ang kinuha niyang kurso.Pero pakialam ba niya? Ang mahalaga, walang kahit na anong palatandaan na kasal na siya. Pwera na lang siguro sa office ng Registrar.Hernandez ang gamit niyang apilyedo ro'n. Pinakiusapan niya na lang ang officer na Hernandez sa forms pero Mangubat sa klase. Kaso ayaw umuo kaya nagpunta pa siya sa Director. Sinama niya si Gi
Inikot niya ang ballpen bago nilapat sa papel at nagsulat. Nakikinig siya sa professor at tinatala ang mga importanteng detalye. Tungkol sa tree crop production ang tinatalakay nito na siyang interesante sa kaniya."Paborito nating putulin ang dahon ng halaman at pagpira-pirasuhin ito, pero hindi natin alam na ito ay masama."Inilipat ng professor ang power point sa susunod na slide. Isang animated picture ng photosynthesis."Walang tao ang may kakayahang gumawa ng pagkain mula sa init ng araw. At wala pa ring machinery ang kayang gayahin ang komplikadong proseso nito.Ang function ng green leaves o berdeng dahon ay mag-convert ng light energy into food energy. Kaya hindi dapat pinaglalaruan ang dahon ng mga halaman."Pinakita pa ng Professor ang mga picture ng tree farms, rolling hills, cogonal hillsides, at forested hillsides.Umikhim ang Professor. "Bibisita tayo sa specializ
Madilim-dilim ang paligid kahit alas-cinco pa lang ng hapon. Marahil ay dahil 'yon sa papasok na Low Pressure Area na ngayon ay nasa timog-silangang bahagi ng Samar. Inaasahan na lalabas ang LPA sa Philippine Area of Responsibility sa weekend, ayon sa News.Ilang minuto pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Mabigat ang bagsak niyon pero hindi nagpatinag si Jewel. Determinado siyang naglakad sa ilalim ng mabagsik na ulan at pabugso-bugsong hangin.Dumadagundong ang kulog at ilang segundong nagliwanag ang kidlat sa kalangitan. Napalunok siya at nagpatuloy sa paghakbang.Pinuntahan niya ang faculty office para makita si Gideon pero sinabi ng faculty staff na wala roon ang hinahanap niya. At malamang ay nasa Agriculture building.Bumuntong-hinga siya at pumasok sa gusali. Isinara niya ang payong at isinabit sa umbrella section na nasa gilid ng entrada. Niyakap niya ang sarili at naglakad papunta sa elevator. Sumakay
Minura niya ito. "Shut up, you freak! I don't need you!"Humikbi siya at nanlalabo ang paninging bumaba sa hagdanan. Binilisan niya ang pagbaba nang marinig niya ang yabag ni Gideon na humahabol pa rin sa kaniya.Pagbaba sa 6th floor ay may tumawag kay Gideon. Nagpatuloy siya sa pagbaba hanggang maabot niya ang 1st floor. Hingal siyang huminto at lumingon sa likuran. Wala si Gideon. Malamang nasa 6th floor pa ito at kausap ang babaeng tumawag dito.Inis niyang pinahid ang basang pisngi at kunot ang noong naglakad papunta sa entrada."Jewel Laine."Nahigit niya ang hininga. Napalingon siya sa elevator. Mula sa bukas na pinto ng elevator ay humakbang palabas si Gideon. Madilim ang awra nito habang humahakbang papalapit sa kaniya."I'm talking to you, Jewel Laine. Don't make me chase you."Nanlaki ang mga mata niya at walang pagdadalawang-isip na tumakbo palabas ng
Linggo. Kakatila pa lang ng ulan at puno pa ng hamog ang kakahuyan sa tapat ng College of Technology. Tahimik siyang naglalakad sa harapan ng Treesury-isang maliit na kakahuyang nagsisilbing entrada sa former SHS Department Area. Gusto niya sanang pumasok sa loob para bisitahin ang parte ng UDM kung saan siya nag-aral ng Senior High. Kaso nakita niyang nakasarado ang tarangkahan sa gitna ng maliit na kakahuyan.Dumiretso na lang siya sa tuwid at sementadong daanan pabalik sa dormitoryo. Pero ilang hakbang pa lang ay nahinto siya nang makita sina Tiara, Gabbi, at Hazel. Nagtatawanan ang mga ito habang tumatakbo papunta sa gawi niya. Ang mas nakakagulat ay nasa likuran ng mga ito si Simoen.Hingal na huminto sa harap niya ang tatlong kaibigan. Bigla na lang siyang hinila ni Tiara sa gilid."Are you and Simoen..." sabi nito."No," tanggi niya."No?""Yeah. Ba't nandito 'yan?" tanong niya saka saglit na lumingon kay Simoen.Humalukip
Bumuntong-hinga siya at naunang pumasok sa Specialized building. Nasa first floor ang canteen, second floor ang locker room, habang nasa 7th floor ang function hall.Wala pa sa kalahati ng populasyon ang nasa loob kaya malaya siyang nakakagalaw. Mabilis siyang pumila para maka-order at makaalis agad ng canteen. Sigurado siyang ilang minuto pa ay mapupuno na naman ang canteen. At may isang tao siyang iniiwasan lalo ngayong nasa iisang mesa lang sila ni Simoen.Hindi rin nakakatulong ang titig nito sa kaniya. Kahit sumusubo ay nakatitig pa rin ito kaya halos hindi niya nagagalaw ang pagkain.Nabigla siya nang magsalita si Tiara. "Hey, boy, pakainin mo naman ang friend namin."Nakahinga siya nang maluwag nang mawala sa kaniya ang titig ni Simoen at napunta kay Tiara. Ngumiti ito. "Kung gusto mo, susubuan ko siya."Nanlaki ang mga mata ni Tiara at napatingin sa kaniya. Bago pa man ito makaimik ay m
Wala si Gideon sa silid-aralan nito nang pumasok sila sa loob. Kanina pa sila naghihintay pero walang pumasok na Professor. Kung hindi pa niya pinigilan si John Drail sa paglabas-masok ay talagang magsisialisan ang mga ka-block niya.Kanina pa nga niya hawak ang Iphone at nababagot na siya sa kaka-browse sa Facebook. In-exit niya ang app at tiningnan ang Homescreen. Lumukso ang interes niya nang mapatingin sa logo ng Bokipad.'Let's try this app.'Binuksan niya 'yon at hinanap ang profile ng favorite writer niya. Pumili siya ng isang erotic romance story at binasa. Nasa kalahati na siya ng Chapter 15 nang biglang tumili si Madeline — ang block President."Omg! Sorry guys! May tinext pala si Prof Gideon na tatlong activity!"Natahimik ang loob at napatingin ang lahat kay Madeline."Ba't di mo sinabi, Mad?""Naman. Akala ko free time. Tss."
"Busy ka ngayon?" tanong niya. Nag-iwas din siya agad ng tingin.Ngumiti si Simoen at namumungay ang mga matang pinasadahan ng kamay ang buhok. "I have a practice. Pero nagustuhan mo ba ang binigay ko?" bulong nito.Tumango siya. Napalunok at pinaglaruan ang sariling manggas ng uniporme. "Yeah. But don't expect that I'll forget what you've done. I invited you here... to ask you something."Langong ngumiti si Simoen at sumandal sa dingding ng Science and Technology building. Naisip niyang dalhin ito sa flower garden dahil hindi matao at tahimik.Huminga siya nang malalim. "May pininta ka na mas malaki sa binigay mo nang isang araw?""Matagal na. 2 years ago.""2 years ago," bulong niya. "Nasa'n na ngayon ang portrait?"Ngumiti si Simoen at tumingala. "Nawala, Laine. Limang buwan kong pininta ang portrait. Inilagay ko rito sa flower garden para sana sopresah