"Kuya Tang, sa'n ka po?" tawag niya.
Nakangiting lumingon sa kaniya ang matanda. "Tapos na ako Maam Laine. Maghahardin na muna ako para makapagsarinlan kayong mag-asawa."
Napatingin siya kay Gideon nang umikhim ito. Nakita niyang bahagyang nakangiti ang lalaki. "May nilutong saging at kamote si Tang." Tinuro nito ang nilagang saging at kamote sa mesa.
Umasim ang mukha niya. "Hindi ako kumakain niyan."
Tumango-tango si Gideon. "Napansin ko nga sa mansiyon. Di bale, ipagluluto na lang kita ng maruya."
"Maruya?"
Napangiti si Gideon. Tumayo ito at nagpunta sa kusina. Ilang minuto itong hindi nakabalik. Napanguso siya. Inabot niya
Mataas na ang sikat ng araw nang magising siya. Ilang minuto pa siyang nagtagal sa loob bago lumabas na nakabihis na't nakaligo. Huminga siya nang malalim at bumaba sa hagdan.Nakita niya si Gideon na nagbabasa ng isang libro sa sofa. Nakabukas ang audio at naririnig niya ang kantang Leave Me Astounded na siya ring kinanta nito sa kaniya noon."Good morning," ngiti niyang sambit. Nag-unat-unat pa siya at tumalon-talon para maalog ang natutulog na energy sa katawan.Nagtaas ng tingin si Gideon sa kaniya. Bahagya nitong binaba ang reading glass at tinaas ang kilay. "Masaya ka. May nangyari ba?"Nakangiti siyang umiling. "Wala naman. I just feel... happy when I woke up."Tumango si Gideon. Isinara nito ang libro at tumayo na. Lumapit ito sa kaniya at inakay siya papunta sa dining area na nasa kusina. "Nakaluto na si Tang ng agahan.""You haven't eaten yet?"
"Gideon! Nasa'n ka?!"Makailang beses siyang suminghot at nagpalinga-linga sa paligid. Nasa'n ang asawa? Nasa'n si Tang?"Maam Laine!" Lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Nakita niyang patakbong lumapit si Tang. "Anong nangyari, Maam Laine?"Kagat-kagat niya ang labi. Naninikip ang dibdib niya. "N-Nasa'n si Gideon?"Napakurap ang matanda. "Nasa hardin, Maam.""Sa likod?""Oo."Patakbo siyang nagtungo sa kusina, palabas sa back door. Sumalubong sa kaniya ang halimuyak ng mga bulaklak na dinala ng malamig na hangin. Huminga siya nang malalim at mabilis ang hakbang na nilibot ang hardin. Mataas ang ilang halaman ng gumamela kaya nahirapan siyang hanapin si Gideon."Gideon!" Napalunok siya. "Aseh! Nasa'n ka, Aseh!"May narinig siyang yabag sa likuran. Mabilis siyang lumingon at nakita niya si Gideon na naglalakad papunta sa g
Lights off. Sunset. Salty smell of cold and mild sea breeze. What more on this earth will she ask for? Of course, Gideon leaving her balcony."Your Dad wants to talk to you."Nag-iwas siya ng tingin kay Gideon at tinanaw ang papalubog na araw sa kanluran. "And...?" Inaliw niya ang sarili sa mga kingfishers na naglalaro sa alon."Gusto ka niyang pumunta sa mansiyon bukas.""No way."Bumuntong-hinga si Gideon. "Why don't you talk to your Dad and apologize?"Pagak siyang natawa at pinaningkitan ng mga mata ang yate na nakadaong sa malayo. "Is there anything I did wrong to say sorry? Huh, kaya ayoko sa mga taong palaging tama ang tingin sa sarili.""Jewel -""You know..." Humarap siya kay Gideon at humalukipkip. "All my life, I've been following their will. I even neglect my happiness just to make sure na hindi s
Naningkit ang mga mata niya pero walang nagawa kung hindi tumalima. Hindi naman siya 'yong tipong hindi nag-a-appreciate ang effort. Umikot naman ito sa kabila at naupo sa tapat niya.It was her first time having a dinner date with someone under the moonlight. Tumingala siya at nakita niya ang bilog na buwan sa itaas.Maliwag nga ang buwan sa gabing 'yon. And it was mesmerizing. It can even replace the light given off by the candle at the middle of the small rounded table. Nang inangat niya ang tingin sa harap ay nagtama ang tingin nila ni Gideon.Ilang segundo silang nagkatitigan.Jewel was completely lost of words. Hindi siya makapagsalita. Ni hindi niya kayang iwasan ang tingin ni Gideon sa kaniya. There was this kind of attraction that made her heart skip a beat.Nakuyom niya ang kamao.Gideon whispered, "Jewel."That was when she lowered her gaze. Mabilis si
Kumalat na ang sinag ng araw nang magising siya at maghanda para sa araw na 'yon. Isang bestidang kulay puti, isang kayumangging summer hat, at boots na may takong ang isinuot niya. Malapad ang ngiti niya habang bumababa sa grand spiral staircase. Limang araw na rin matapos i-confine sa hospital sina Dalya at Pedro. Kahapon ay nakauwi na ang dalawa at tumutulong na sa gawaing bahay. Sa katunayan, nakita niya ang mga ito na abala sa pag-aayos ng gamit sa sala. Binati pa siya ng dalawa kaya sinuklian niya ng ngiti ang mga ito.Nagpatuloy siya hanggang maabot ang kusina. Doon, nakita niya sa hapagkainan si Gideon. Nagkakape ang asawa niya."Good morning," bati niya.Nag-angat ng tingin si Gideon at ngumiti nang makita siya. Pinasadahan siya nito ng tingin. "Mag-i-enrol ka na?" tanong nito. Tumango siya. Sumimsim saglit ng kape si Gideon bago muling tumingin sa kaniya. "May tumawag sa landline
Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi niya namalayang magsisimula na ang klase. Gabi pa lang ay nakahanda na ang maleta niya at gamit pampag-aral. Naabisuhan na rin niya si Gideon na maaga siyang aalis kinabukasan. Nakapagtataka nga ang klase ng ngiti nito pero pinagsawalang-bahala na lang niya.At habang dumadaan ang Navarra sa Aisle at sa bayan ng Tindog, hindi mawala sa labi niya ang isang matamis na ngiti. Excited na siya. At last, makakabalik na rin siya sa UDM.Huminto ang sasakyan sa harap ng gate. Huminga siya nang malalim at mabilis na umibis ng sasakyan. Nakangiti siyang tumingala sa malaking arko kung saan naka-engrave ang tanyag na Unibersidad de Medellin.Narinig niya ang pagsara ng pintuan ng driver's seat. "Jewel I —""Oh no! Ako na," masayang tanggi niya. Lumapit siya sa 2nd cabin at nilabas ang maleta at isang backpack.Mabilis siyang bumalik sa har
Tahimik siyang pumasok sa silid. Nabungaran niya si Professor Malkov sa platform at nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Wala itong sinabi kaya dumiretso siya sa upuan sa harap. Tumabi naman sa kaniya si Jasmine."Si Prof," bulong ng katabi."Shh.." saway niya.Umikhim ang Professor kaya napaupo siya ng tuwid. Nilibot nito ang tingin sa loob ng silid at mas lalong dumilim ang titig nito sa kaniya.'What? I didn't do anything wrong!'"Sa lahat ng klaseng hinawakan ko," paunang salita ng Professor. "Kayo ang B1 ang pinakawalang-modo! Alas nueve pero sampung estudyante lang? Nasa'n ang dalawampu, Miss Mangubat?"Napakurap siya at tinuro ang sarili. "Are you asking me, Prof?" Lumunok siya. "I don't know."May biglang sumingit sa likod. "Maybe they haven't arrived yet, Prof. It's the first day."Nagsalubong ang dalawang kil
Nag-dorm siya para umiwas sa mga taong nagko-control sa buhay niya, yet it turns out na ang magaling niyang asawa ay isa pa lang professor. Great. Malalaman na nito ang pinanggagawa niya sa University.Padabog niyang sinara ang pinto ng kuwarto at patakbong dumapa sa kama. Sa gano'ng posisyon niya dahan-dahang inalis ang backpack sa likod. Tumihaya siya at tumitig sa kisame. Sumagi sa isip niya ang tanong nito.Bakit nga ba Agricultural and Biosystem Engineering ang kinuha niya? Huminga siya nang malalim at pinikit ang mga mata.Hindi naman BSABE ang gusto ng mga magulang niya. Agricultural Business dapat 'yon, pero mas gusto niya ang ABE. Gusto niyang tumuklas ng alternatibong farming equipment o kaya food processing machinery na makakatulong sa sugarcane business ng pamilya niya, at hindi lang puro management.Nakagat niya ang labi. Naalala niya kung paano pumaskil ang disappointments