Share

Chapter 22

Nang makalabas ako nang silid ay wala na ang ina ni Alexis. Natagalan ako kasi naliligo pa ako.

Hinanap ko si Alexis sa buong condo at natagpuan ko siya sa balkonahe. May hawak siyang kopita na may laman na alak. Mukhang malalim ang iniisip niya.

“Bakit ka narito. Ang init kaya rito. Pumasok ka kaya sa loob,” turan ko.

Pero hindi niya ako pinansin. Parang talagang malalim ang iniisip niya. Hindi kaya may sinabi ang ina niya sa kanya tungkol sa napag-usapan namin? Kinabahan ako bigla.

“Alexis,” tawag ko sa kanya at agad naman siyang lumingon sa akin. Mapait siyang ngumiti. “May problema ba?”

Umiling siya bilang tugon. “Wala naman, baby.” 

&nbs

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status