Share

Chapter 7: The kiss

NANG MAKALABAS na si boss galing sa loob ng opisina ay nakaligo na ito. Pasimple akong lumapit sa kanya at inaabot ang isang papel na pipirmahan pero ang sadya ko talaga ay makaamoy sa mabango niyang amoy.

Hmmn... Ang bango talaga niya!

Paano ko itataboy ang masamang espiritu na ito kung ako naman mismo ang lumalapit?

Hays! Malala ka na nga Anna!

Naka-black business suit na ito ngayon, at ang buhok ay maayos na rin. Kung hindi lang ako sinasabihang nerd at panget palagi nito, iisipin ko na nagpapapogi siya sa akin. Kung nagkataon ay ako na talaga ang manligaw.

Pero malabo, suntok sa buwan ang mga iniisip ko. Pero sabi nga nila, habang may buhay may pag-asa.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status