Share

chapter9

Maaga nagising si Irish dahil sa mga katok sa kanyang pinto,

Masakit ang ulo niyang bumangon , binuksan ang pinto,

"Bakit ho" saad niya sa kanilang kasambahay

"nasa baba si Airon may lakad daw kayo"saad nito.

"ay oho pakigising na nga po si james sa guest room"ani ni Irish.

"gising na nagkakape sila si Airon sa terrace" sagot nito.

"ay sige ho pakisabi gagayak lang."sinara ni Irish ang pinto,

"Iyah bangon kanina pa nakagayak si james aalis na kami" saad nito,balikwas ng bangon si Iyah. Tawang tawa si Irish sa itsura ng kaibigan.

"anu sandali" taranta na pumasok sa banyo.

Lumakas ang tawa ni Irish napahiga pa ito kama na tutop ang tiyan sa kakatawa.

Napansin ni Iyah na nakapantulog pa ito,

Bumalik siya sa kama kinuha ang unan at hinampas sa kaibigan na tawa ng tawa.

"Ikaw talaga best" hinampas nito si Irish ihinarang naman niya ang dalawa niyang braso.

"panu napakahirap mong gisingin si James lang pala ang katapat mo para magising agad"saad ni Irish na hindi mapigil ang tawa.

"Kakainis ka"nakanguso ito pabagsak na naupo sa kama.

"gumayak kana at aalis na nga tayo kanina pa sila sa baba.

Kumuha si Irish ng extrang twalya isinampay niya sa kanyang balikat.

"Maligo kana, sa kabilang banyo ako maliligo,ikaw nga ang sobrang tagal gumayak.Bilisan mo kung ayaw mo maiwan.Sa lahat ng ayaw ni SPO yung mabagal gumayak, ayaw ng nag iintay nun"kinindatan pa niya si Iyah bago lumabas ng kwarto,

Pumasok siya sa kabilang kwarto nagtungo sa banyo,hinubad niya ang kanya pantulog.Naligo ng matapos ay lumabas siya ng kwarto ng nakatapis,Nagtungo siya sa sariling kwarto, Pag bukas niya ng pinto ay nakagayak si Iyah, Natawa siya

"wow best talo mo pa si flash sa bilis ah, yung one hour any half mo sa banyo inabot lang ng ten minute, naunahan mo pa ko"iiling iling si Irish na nag tungo sa closet.Kumuha siya ng maong short brown sando at maong jacket, inayos niya ang sarili sa salamin,habang si Iyah ay nakaupo sa gilid ng kama na pinagmamasdan ang kilos niya.

Nagsuot siya ng brown boots, isinukbit ang kanyang baril,

" bessy pumayag ka ba talaga sa hamon ni tito"saad ni Iyah na pinagmamasdan siya na nagsusuklay

"yes why"tinignan niya ito sa repleksyon ng salamin.

"panu kung matalo ka"tanung nito.

"if I lost,I will marry him" matapang niyang sagot.

"talaga" lumaki ang mata nito

"ahhumm" tango niya

"Galingan mo best para manalo ka, you didn't known my uncle is a champion. He joined the competition in Brazil for Gun firing, He is the over all champion."paalala ni Iyah sa kanya.

Nabigla siya sa nalaman hindi niya akalain na magaling itong humawak ng baril,napalunok siya.

"how?" tumingin siya sa repleksyon ni Iyah.

"I still remember after nagpagkwentuhan natin siJames when i was still in the state, two days after ang naging masidhi na si tito na matuto na humawak ng baril nag aral pa siya sa stage, Nung matututo siya sumali na siya sa mga ibat ibang competition for gun shoot,"saad ni Iyah.

Hindi makapaniwala si Irish, matagal siyang nakatitig sa repleksyon niya sa salamin.

"Hoy best"untag ni Iyah, tinignan lang niya ito.

"anu bang nangyayari sayo kanina pa ko salita ng salita dito hindi sumasagot"ani iyah

"ah wa...wala, anu yun sinasabi mo?" tanung niya kay Iyah,

"sabi ko tara na baka nag iintay na sila sa baba"tumayo siya dala ang jacket wala sa sariling sumunod kay Iyah.

Nag almusal muna sila bago nag tuloy sa gulod. Sakay ng Kotse ni Airon. Malayo palang sila ay tanaw na niya ang sasakyan ni Reynald. Itinabi ni Airon ang sasakyan sa kotse ni Reynald, Napansin niyang kumunot ang noo nito. Bumaba sila lahat sa kotse ni Airon ng mapansin sila ni Reynald ay agad na lumapit ito sa kanya.

"Hello! Irish hindi mo sinabing pupunta ka pala dito sanay sinundo kita.

"Hi! sinamahan ko lang si Airon" nilingon niya si Airon masama ang tingin nito sa kausap niya.

" Anung ginagawa mo dito" tanung niya iginiya na siya nito papasok sa kubo. sumunod naman sa kaniya ang tatlo niyang kasama.

"ah ipinaalam ng isang tauhan mo na mag haharvest na ng mga gulay,kaya agad akong nagpunta,naisip ko na baka nandito ka hindi nga ako nagkamali" nakangiti nitong saad.

"kaya lang ako nandito dahil sinamahan ko si Airon" saad niya tumabi naman ito sa kanya kaharap niya si Reynald na nakaupo sa kabilang size katabi nito si Iyah at James. Napansin niya ang talim ng tingin ni Reynald kay Airon.

"Irish free kaba mamaya"saad ni Reynald dito,

"after this may lakad kami,Why? sagot niya matamang nakikinig lang si Airon sa kanila. mas lalong lumapit sa kanya ito ang isang braso ay isinampay sa sandalan ng upuan,hindi magawang sumandal ni Irish dahil naaalangan siya sa braso ni Airon na animo nakaakbay sa kanya. Lalong tumalim ang tingin ni Reynald dito nakipag sukatan na man si Airon ng tingin dito.

"Ah aayain sana kitang manuod ng sine"saad nito

"Excuse me pare she's my soon to be wife kaya off limits kana"nakangising saad ni Airon.

"What?" nakuyom ni Reynald ang kamao,ramdam niya ang pamumula ng kanyang mukha.

"Hindi makahinga si Irish sa namumuong tensyon sa paligid niya.

"hep!hep! pinakamaganda ay sumama ka nalang samin Reynald"singit ni Iyah na itinaas pa ang dalawang kamay.

Hinapit ni Airon si Irish.

"Irish baby tara muna sa mga tauhan na kanina pa nag iintay"bulong ni Airon sa tenga nito na nagdulot ng bultaheng kuryente sa kaibuturan ng kaluluwa ni Irish,Hindi nakasagot si Irish nablanko siya sa ginawa sa kanya ni Airon, Tumayo ito hinawakan siya sa kamay hinala siya palabas ng kubo.

Naiwan na nagpupuyos sa galit si Reynald,sinundan lang nito ng tingin ang dalawang lumabas ng kubo.

Napapangiti naman si james sa nakikita nangyayari, "mukang nakakita na ng katapat si leuitenant"bulong ng isip niya

si iyah naman ay abot ang papansin kay james,

Naiinis si james dito pinakikisamahan lang niya ito dahil kaibigan nito ang kanyang Boss, na naging Kaibigan na niya rin at kapartner sa trabaho, Tanggap na ni James ang pagkabigo niya dito, Itinuring nalang niya ito na isang kaibigan dahil alam niyang kahit anu ang kanyang gawin ay hindi siya makakapasa sa standard nito.

Malayong malayo si Iyah kay Irish kaya ayaw na ayaw ni james dito, ang gusto niya ay simpleng babae lang na katulad ni Irish lahat ng katangiang nakita niya kay Irish ay wala kay Iyah. Kaya malabong magkagusto siya dito.

Pinanunuod lang nilang tatlo sina Irish at Airon na kausap ang mga tauhan sa labas kubo. Inaya pa ng isa ng tauhan ang dalawa sa taniman, ipinakita nito ang maganda at malulusog na mga tanim.

Naiwan silang tatlo dahil nagtungo pa sina Irish sa taniman ng palay. sakay ang multicab ni mang Ensong.

Nang makabalik na sina Airon at Irish mula sa taniman ng palay ay inalalayan pa ni Airon na bumaba sa likod ng multicab si Irish.

Bumalik na sila sa kubo.

nakahilera na ang talaksang mangga na pinitas. Kumuha si Airon ng isa hiniwa niya iyon gamit ang inabot sa kanya ng tauhan nila na kutsilyo.

Inabot ni Airon ang mangga kay Irish.

"Love tikman mo" bulong nito hindi rumihistro sa utak ni Irish ang sinabi nito. Kapagdaka ay inabot na lang niya ito.

Nang hawak na niya ang mangga ay saka niya naisip ang sinabi nito. Napatingin siya dito na nakakagat sa manggang hinog na inabot sa kanya ni Airon.

"Anu love matamis ba"nakangiting saad ni Airon.

Lalong sumama ang tingin ni Reynald kay Airon.

"Best ok na ba tara na alis na tayo nakakainip eh" saad ni Iyah ng makapasok na sila ni Airon sa kubo. Hawak ni Irish ang mangga na inabot sa kanya ni Airon.

"oh sige tara na" sagot ni Irish, hinarap niya si Reynald.

"Reynald tara sama ka samin" aya ni Irish dito.

"ha saan" nilingon pa nito si Airon na nasa likod ni Irish. kita niya ang pagkainis nito.

Tumaas ang isang kilay ni Reynald.

"Sa fort magsaysay mag pafiring, anu sama kana." saad ni Irish

"sige sa kotse ko nalang ako sasakay"ani nito.

"sige, ah beshy James sa kotse na lang kayo ni Ai"hindi na naituloy ni Irish ang sasabihin.

"ah Irish sa sasakyan nalang ni Reynald kami sasakay ni Iyah, Hindi ba Iyah" putol ni James sa sasabihin ni Irish.

"Oo nga best"ayon ni Iyah dito.

"Sige kayong bahala"saad ni Irish.

Panangiti naman si Airon,

"Reynald sumunod nalang kayo samin ni Airon" ani ni Irish kay Reynald, tumango nalang ito halatang nawala sa mood.

Sumakay na si Irish sa sasakyan ni Airon , sumunod naman ang tatlo sa kanila.

Wala kibo si Irish seryosong nakatingin lang siya daan nakahalukipkip ang mga kamay.

Pasulyap sulyap lang si Airon dito.

"Irish are you mad at me"saad ni Airon na bumasag sa katahimikan ni Irish

"No! I'm not mad at you,Why"saad ni Irish na nilingon si Airon.

"wala naitanung ko lang" tinutok nalang ni Airon ang paningin sa daan.

"Airon" tawag ni Irish

"hmmm "sulyap ni Airon dito.

"ah wala wala". iwas ni Irish...tahimik lang sila na tinahak ang landas patungo sa fort.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status