My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife

My Billionaire Ex-Husband's Regret, His Forgotten Wife

last updateÚltima atualização : 2026-11-12
Por:  itseiaink Atualizado agora
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
Classificações insuficientes
7Capítulos
11visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

Sa loob ng anim na taon, naging huwarang asawa si Aurelia kay Romano Sebastian. Naging mapagtiis siya, piniling manahimik sa kabila ng mga pagkukulang ng asawa, at patuloy na nagmamahal kahit hindi kailanman nasuklian ang kanyang pagmamahal. Hanggang sa isang pagtatalo sa bunsong kapatid ni Romano, nabunyag ang isang lihim na matagal nang itinago sa kanya. May kambal na anak pala ang kanyang asawa sa sarili nitong pinsan. Kay Victoria Isabelle Suarez. At ang pinakamasakit? Buong-pusong tinanggap ng pamilya ni Romano si Victoria at ang mga anak nito. Samantalang siya, ang legal na asawa ni Romano, pati na ang nag-iisa nilang anak, ay tila mga dayuhang walang tunay na puwang sa pamilyang iyon. Anim na taon siyang naghintay na marinig ang dalawang salitang pinakaaasam niya mula sa asawa. "I love you." Ngunit isang ngiti lamang ang palagi niyang natatanggap. Hindi pa nakuntento si Romano, pinatira pa nito sina Victoria sa kanilang mansyon upang mas mapalapit sa mga anak nitong lalaki. Sa harap ng lahat, nagpapakita si Victoria ng kabaitan at pagiging maunawaing ina. Ngunit sa likod ng maamong mukha nito ay nagkukubli ang inggit at galit kay Aurelia. Unti-unti nitong ginagawa ang lahat upang tuluyang mapalayo ang mag-asawa at makuha si Romano para sa sarili. Hanggang sa tuluyan nang sumuko si Aurelia at nagpasyang maghain ng petisyon para sa diborsiyo at iniwan ito ng walang paalam. Kung kailan napagod na siya at tuluyan nang umalis, saka naman natauhan si Romano sa-sarili. Sa unang pagkakataon, binitiwan nito ang mga salitang anim na taon nang hinihintay ng kanyang asawa. "Mahal kita, Aurelia." Ngunit huli na. She left her husband. And after two years, she became a renowned fashion designer. Ang hindi alam ni Romano, hindi lamang sakit at panghihinayang ang iniwan ni Aurelia sakanya. She secretly hides his second child from him.

Ver mais

Capítulo 1

PROLOGUE

"Ate Victoria, buti ka pa, tanggap ka ni Mommy. Hindi tulad ng asawa ni Kuya Romano na pilit lang."

Napahinto si Aurelia sa likod ng sofa.

Hindi niya inaasahang maririnig ang pangalan niya sa isang pag-uusap, lalo na ang mga salitang iyon mula mismo kay Elara, ang bunsong kapatid ng kanyang asawa.

"Ano ka ba, Elara? Don't say that. Asawa pa rin naman siya ni Romano. I should respect her position, kahit alam naman nating hindi ganoon kadali ang sitwasyon," tila maamong tupa na sa loob ay demonyo na sagot ni Victoria habang bahagyang yumuyuko.

Napakuyom ang mga kamay ni Aurelia. Masyadong pamilyar ang boses na iyon.

Si Victoria Isabelle Suarez. Ang pinsan niyang minsang itinuring na kapatid. Ang babaeng pinagkatiwalaan niya sa loob ng maraming taon, at ang parehong babaeng palaging nasa tabi ng pamilya Romano.

"You're too kind, Ate. Kung ako lang talaga ang masusunod, ikaw na lang sana ang naging asawa ni Kuya. At least, hindi namin kailangang magkunwaring masaya sa tuwing kasama ka namin," walang pag-aalinlangang sagot ni Elara habang nakangising inaayos ang unan sa tabi nito.

"Elara, please. Ayokong magkaroon ng problema dahil sa akin. You know how much I care about this family," mahinang sabi ni Victoria habang marahang hinahaplos ang braso ng dalaga.

Napangiti si Aurelia nang mapait.

How much she cared about the family?

Nakakatawa.

Kung alam lamang ni Victoria kung gaano karaming beses niyang ipinagtanggol ito sa mga kamag-anak nila, marahil ay hindi nito kayang tumingin sa kanya nang ganoon kadali.

"Aurelia?"

Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Evangeline, ang ina ni Romano. Nakatayo ito malapit sa hagdan habang may hawak na tasa ng kape.

"Good afternoon, Mom," magalang na bati ni Aurelia habang pilit na inaayos ang ekspresyon.

"Oh, you're here. Hindi ko napansing dumating ka," walang gaanong interes na sagot ng matanda bago ibinaling ang tingin sa sala.

Agad na ngumiti si Victoria nang makita ito.

"Tita, nandito po pala kayo," malambing na bati nito habang tumatayo.

"Victoria, anak! Why are you standing? Umupo ka lang. I told the kitchen to prepare your favorite dessert," masiglang sambit ni Evangeline habang lumalapit dito.

Bahagyang napatingin si Aurelia sa paper bag na hawak niya.

May dala rin siyang paboritong pagkain ni Evangeline. Personal niya iyong ipinabili bago pumunta sa mansiyon dahil alam niyang mahilig ang biyenan niya sa mga iyon.

Ngunit hindi man lamang ito nagtanong kung ano ang laman ng dala niya.

"Thank you, Tita. You really don't have to," nahihiyang sagot ni Victoria habang nakangiting tinatanggap ang atensiyon nito.

"Of course, I do. You're always welcome here. This is your home, remember?" malambing na sagot ni Evangeline bago hinalikan ang noo ng dalaga.

Napayuko si Aurelia.

Your home.

Hindi niya alam kung bakit tila mas masakit marinig ang dalawang salitang iyon mula sa biyenan niya.

Anim na taon na siyang asawa ni Romano. May anak sila. Kasama niya sa iisang bahay ang lalaki. Ngunit kahit kailan, hindi niya naramdamang tunay siyang kabilang sa pamilyang ito.

"Ano naman ang dala mo?" tanong ni Evangeline nang sa wakas ay mapansin ang paper bag sa kamay niya.

"May dala lang po akong pagkain para sa inyo. Sabi ninyo last time, nagustuhan ninyo iyon," mahinahong sagot ni Aurelia habang iniaabot ang bag.

"Ah. Thank you," maikling tugon ng matanda bago ibinigay iyon sa kasambahay na nakatayo malapit sa kusina.

Wala man lamang ngiti.

Wala man lamang pagkasabik.

Samantalang kay Victoria, halos hindi maubos ang lambing nito.

"Ate Aurelia, you came?" kunwaring nagulat na bati ni Elara habang tumitingin sa kanya.

"Yes. May kailangan lang akong ibigay kay Romano," mahinahong sagot niya habang bahagyang itinutuwid ang pagkakatayo.

"He's in his study. You can leave it there," malamig na sagot ni Elara bago muling umupo sa tabi ni Victoria.

Tumango lamang si Aurelia.

Wala siyang balak makipagtalo. Gusto lamang niyang maihatid ang mga dokumentong ipinakiusap ng asawa niya.

Ngunit bago siya tuluyang makalayo, may napansin siyang cellphone na nakapatong sa sofa.

Umilaw ang screen nito kasabay ng isang notification.

Hindi niya sana iyon papansinin kung hindi niya nakita ang isang litrato sa preview.

Dalawang batang lalaking kambal.

Parehong may makakapal na buhok, mapupungay na mata, at maliliit na ilong. Magkahawig na magkahawig ang dalawa, ngunit higit na nakatawag ng pansin ni Aurelia ang kanilang mga mukha.

Parang may nakita na siyang ganoong mga mata.

Dahan-dahan siyang lumapit at napansing walang lock ang cellphone. Nasa screen ang isang conversation, kasama ang litrato ng dalawang bata.

Napahigpit ang hawak niya sa aparato nang mabasa ang pangalan sa itaas.

Victoria.

Ang pinsan niya ang may-ari ng cellphone.

Nanginig ang kanyang mga daliri habang binubuksan ang litrato.

Mas malinaw na ngayon ang mukha ng mga bata.

At sa isang iglap, tila may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan niya.

Kamukhang-kamukha nila si Romano.

Hindi lamang ang hugis ng kanilang mga mata. Pati ang ilong, labi, at maging ang maliliit na dimples sa kanilang mga pisngi.

Para silang maliliit na kopya ng kanyang asawa.

"Ano'ng ginagawa mo?"

Mabilis na napalingon si Aurelia nang marinig ang boses ni Victoria.

Nakatayo na ito sa kanyang likuran, nakakunot ang noo

habang nakatingin sa cellphone na hawak niya.

"These children..." halos pabulong na sambit ni Aurelia habang muling tumitingin sa litrato. "Sino sila?"

Agad na kinuha ni Victoria ang cellphone mula sa kanya.

"My children. Bakit?" mahinahong sagot nito habang mabilis na pinapatay ang screen.

"Mga anak mo?" ulit ni Aurelia habang hindi inaalis ang tingin sa pinsan.

"Yes. My twin boys," nakangiting sagot ni Victoria habang inaayos ang buhok.

"Nasaan ang ama nila?"

Saglit na natahimik ang dalaga.

Ngunit bago pa ito makasagot, sumingit si Elara.

"Why are you asking so many questions? Hindi naman kailangang malaman mo ang lahat tungkol sa buhay ni Ate Victoria," iritableng sagot nito habang tumatayo mula sa sofa.

"Elara, I was only asking," mahinahong paliwanag ni Aurelia habang sinusubukang panatilihing kalmado ang boses.

"Then stop asking. Hindi mo ba nakikita na uncomfortable na si Ate Victoria?" mataray na sagot ni Elara habang inilalagay ang isang kamay sa baywang.

Napatingin si Aurelia kay Victoria.

Hindi ito mukhang uncomfortable.

Sa halip, nakatingin lamang ito sa kanya na para bang may alam itong hindi niya dapat malaman.

"What's happening here?"

Sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang tinig ni Evangeline.

Lumapit ang matanda at agad na tumabi kay Victoria.

"Nothing, Tita. Nagkaroon lang kami ng misunderstanding," mahinahong paliwanag ni Victoria habang bahagyang yumuyuko.

"Anong misunderstanding?" tanong ni Evangeline habang nakatingin kay Aurelia.

"Mom, I saw a picture of her children. I just wanted to know who their father is," diretsahang paliwanag ni Aurelia habang nakatitig sa biyenan.

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Evangeline.

Ngunit sandali lamang iyon.

"Why does that concern you? Victoria has her own life, Aurelia," malamig na sagot nito habang inilalagay ang tasa sa mesa.

"Because I saw Romano in one of the pictures."

Tuluyang natahimik ang sala.

Hindi na nakangiti si Victoria.

Si Elara naman ay napatingin sa ina bago muling ibinalik ang tingin kay Aurelia.

Maybe you misunderstood what you saw," mahinahong sagot ni Evangeline habang umiiwas ng tingin.

"Then explain it to me. Bakit kasama ng pinsan ko ang asawa ko sa litrato kasama ang dalawang bata?" nanginginig na tanong ni Aurelia.

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Sem comentários
7 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status