Share

chapter7

Author: Jolly Bench
last update Last Updated: 2022-09-24 15:35:43

Bumalik sa alala ni Irish ang nagdaan na nagbigay sa kanya ng matinding sakit at kahihiyan. Ang alaala na dumurog sa puso niya.

Masaya siyang katabi sa isang bench sa school nila ang boy friend niyang si Kyle. Halos isang taon itong nanligaw sa kanya. Inilihim nya ito dahil kabilin bilinan ng kanyang lola na wag muna siyang mag boboyfriend hanggat hindi siya nakakatapos, maging kay Iyah ay itinago niya ito, alam nya kasing hindi ito marunong magtago ng sikreto. Dahil sa sobrang bait nito ay nahulog nadin ang kanyang damdamin para dito, Isang hapon hindi pumasok si Iyah kaya nagkaroon sila ng pagkakataon na mag kasama sa school. Masaya silang nagkukwentuhan ng may biglang sumapak dito.

Nagulat siya ng makita ang nanlilisik na mga mata ni Airon at minumura ito,

"walangya ka layuan mo girlfriend ko"galit na saad ni Airon.

Napalingon si Kyle kay Irish na hawak hawak ang panga,

Nilapitan siya nito at inalalayang tumayo

"hindi ko siya boyfriend"naiiyak na si irish sa nangyayari, masama ang tingin sa kanya ni Kyle.

"nagdediny kapa Irish ganito ba ang ginagawa mo pag wala ako at nag-aaral sa Maynila, Hindi kana nakuntento sakin kumuha kapa ng reserba, hindi kaba nasisiyahan sa mga halik at yakap ko"sigaw ni Airon .

Ipiniksi ni Kyle ang braso nito na hawak ni Irish. Pinagtitinginan na sila ng mga student na nasa campus.

Lalong napaiyak si Irish. Narinig pa niya ang bulungan ng mga usisera, nagtatakbo siya papalayo,

Mula noon ay hindi na siya umuwi sa lugar niya nakiusap siya sa kanyang tito na dun muna mag isstay sa bahay nito, Nagtransper agad siya ng school, nagdahilan nalang siya kay Iyah na pinaniwalaan naman nito.Walang nakakaalam ng sakit ng damdaming inabot niya. Tinalikuran siya ni Kyle dahil kahit anung paliwanag ang sabihin niya dito ay hindi ito naniniwala.Nagtiis siya sa pagkabigong inabot niya dahil sa kagagawan ni Airon. Sugatan ang puso niya, Sobra ang galit ang naramdaman niya para kay Airon. Mula nuon sinabi na niya sa kanyang sarili na hindi na siya iiyak lalaban na siya ipapakita niya sa mga lalaking hindi nila dapat maliitin ang isang babae nagpakatatag siya lahat ng ganagawa niya ay pinagbubutihan niya. gusto niyang magawa ang lahat ng kayang gawin ng isang lalaki hindi lang mapantayan kung hindi mahigitan, ang mga ito.

Pumatak ang luha niya sa alalahaning iyon, Hinawakan ni Airon ang kamay niya na nakapatong sa kanyang hita.

"Irish sorry" bulong nito na nagpabalik sa kanya sa reyalidad, napatingin siya dito napatuloy na umaagos ang luha sa mga mata.Kita nya ang pag susumamo sa mga mata ni Airon.

Tama hindi pa siya nakakamove on sa ginawa sa kanya nito. Kahit nasabi na niya dito na nakaraan na iyon at kalimutan na nila, ay bumabalik pa rin sa kanya ang sakit ng nakaraan.

Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan mabilis na binawi ni Irish ang kamay nito na hawak ni Airon, at pinahid ang luha. Hindi napansin ng dalawang pumasok ng sasakyan ang luha sa mga mata ni Irish dahil madilim sa loob ng sasakyan.

"Best iinom ka ha" saad ni Iyah ng paupo na sa back sit.

"sige" kiming sagot ni Irish.

Naglalaro parin sa utak ni Irish ang mga sinabi ni Airon sa kanya.

Na inlove ito sa kanyan" isang malaking kabaliwang" bulong ng utak ni Irish.

"hindi lang pananakit ng kalooban ang ginawa mo ngayon paglalaruan mo pa ko pwes sasakyan ko ang mga bawat laro mo Airon, sisiguraduhin kong ikaw naman ang iiyak at matatalo sa bandang huli" nakatitig siya dito habang ito ay nag dadrive.

Huminto sila sa tapat ng bahay nila Airon bumusina ito, Binuksan ng guard ang gate,ipinasok ni Airon ang sasakyan ihininto ito sa tapat ng bahay, bumaba sila dala ng dalawa ang mga pinamili.

Pumasok muna sila sa loob para mag bihis ang dalawa, Nagulat pa si Irish ng makita si lola Mary na nasa sala at nanunuod, Lumapit ito at humalik.Humalik din si Iyah at Airon bago nag tungo ang dalawa sa kanikanilang kwarto.

" Aba lola pasado alasdyes na po bawal sa inyo ang mag puyat"tumabi si Irish sa matanda at umakbay dito naupo na din si James sa kabilang sofa

" Ang ganda mo naman Hija" saad nito.

" naku lola wag mo pong baguhin ang usapan bakit gising kapa, bawal sa inyo ang magpuyat" muling paalala ni Irish

" eh katatapos lang naming mag usap ni"hindi na ituloy ang sasabihin nito dahil magsalita agad si Irish

"sinu lola?Nang boy friend mo,Sino po ba yan at masalvage" biro ni Irish natawa naman si lola mary.Yuon ang eksenang inabutan ni Airon ang sweetness ng kanyang mommy at ni Irish

"abay ang batang ire sobrang higpit panu ba naman ako magkakaboyfriend niya eh grabe kang maka bantay" halos sarado na mata ni Lola mary sa kakatawa.

" hay naku lola dadaan muna sila sa butas ng karayom bago ka nila maligawan"tatawa tawa na turan ni Irish

"kaya hindi pa ko natutulog kakatawag lang ng lola Cathy mo syempre nagkwentuhan kami" ani ng matandang katabi ni Irish

" anu nanaman napagkwentuhan nyo lola mga lovers nyo" biro ni Irish

tamang nakikinig lang si Airon sa hagdan pinagmamasdan lang niya ang dalawa nag kukwentuhan. si James at natatawa rin sa pinag uusapan ng dalawa.

"ang sabi ni Cathy eh bakit hindi ka pa daw ba nag aasawa"saad ni lola Mary.

" at ako pa pala ang pinagkwentuhan nyo ha lola" ani ni Irish

" eh Hija bakit nga ba saka wala akong nababalitaang boyfriend mo" seryosong tanung ng matanda

"eh lola wala pa pong nakakapasa standard ko eh"saad ni Irish

" Hay naku! hija pag perpektong lalaking ang hinanap mo eh tatandang dalaga kanalang, si Pekto nalang ang perpekto ngayon" biro ng matanda sa kanya.

"ewan ko ba lola bakit wala akong makita,siguro hindi pa ipinapanganak ang lalaking magpapaibig sakin"ihinilig pa ni Irish ang ulo sa balikat ni lola mary.

"Hija ipinanganak na yun kaso masyado sigurong malayo sa hinahanap mong standard wag mo hanapin ang standard ng isang lalaki, puso mo ang ipang hanap mo hija,dahil pag utak mo ang pinairal mo yung sinasabi mong standard ang hahanapin nyan, pero pag puso mo ang ginamit mo, mararamdaman mo na nagmamahal kana ng hindi mo lang alam sigurado ako nasa paligid mo lang iyon" itinaas ni Irish ang ulo at lumingon kay lola mary

"lola ang drama natin hanap nyo ako ng sinasabing nyo mamahalin ko" biro ni Irish

"yung anak ko si Airon" saad agad ng matanda

"ho la naman"napatingin siya sa may gawing hagdan napansin nyang nandun si Airon nakatayo.

" eh bakit ayaw mo ba sa kanya" pang uusisa pa ng matanda hindi niya alam na nandun na ang kanyang anak.

Papababa na din si Iyah.

" Tara na" saad agad nito na ikinalingon ni lola mary.

" oh saan na man kayo pupunta " tanung nito

" La' sa bahay po"saad ni Irish

"ah sige" saad ng matanda

" sige na lola matulog kana po baka magkapimples ka niya " biro uli ni Irish

"ikaw talagang bata ka"pinalo pa nito sa pwet si Irish na ikinatawa niya.

"La remember sa Sunday may date tayo" wika niya na umiiwas sa pag palo nito sa kanya natatawa nalang ang mga naroroon

"oo sige na lumipat na kayo sa kabila at matutulog na ko"pagtataboy ng matanda sa kanila humalik muna si Irish kay lola mary bago tumalikod.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mr. Bully is my first   last chapter

    Tanghali na ng magising si Irish napabalikwas siya ng bangon ng maalala.na ngayon ang alis nila. Nakaramdam siya ng sakit ng katawan ramdam din niya na mahapdi ang pagitan ng kanyang hita..Kasabay niyon ang paglabas ng kanyang asawa sa banyo,"Good morning love"bati nito na kinukuskos pa ng twalya ang basang buhok.Lumapit ito sabay halik sa kagigising na asawa.Nabigla si Irish ng makita niya ang walang saplot na katawan ni Airon."anu ba bakit naman nakahubad ka"sabay iwas ng mga paningin nito kay Airon.Natawa si Airon sa inasta ng pinakamamahal na kabiyak."love bakit naman nahihiya ka pa eh mag asawa na tayo. lahat ng ito ay iyong iyo na! ikaw na ang nag mamay-ari ng buo kong katawan"ani ni Airon na hinawakan ang kamay ng asawa at ipinatong sa naninigas niyang pagkalalaki.Nabigla si Irish sa ginawa ng asawa, sa pagkabigla ay hinablot niya ang kanya kamay na hawak ni Airon."Anu kaba ang aga aga mo puro ka kalokohan."napatayo si Irish sa ginawa ni Airon sa kanyanDahil sa sakit n

  • Mr. Bully is my first   chapter29

    Pagod ang naramdaman ni Irish sa maghapong iyon,"mahal tara na magpalit kana ng makapagpahinga ka."aya ni Airon ng magpaalam na ang pinakahuling panauhin. Inakay niya ito papasok sa bahay nila Irish."hon, iaayos ko muna mga dadalin natin"ani ni Irish habang paakyat sila ng hagdan."bukas na yun mahal"awat ni Airon"hindi ba mamaya na ang flight natin"nagtatakang tanung ni Irish napahinto pa ito sa pag hakbang paakyak sa hagdan."pinakansel ko kasi alam ko mapapagod ka ayoko naman umalis tayo ng pagod ka, bukas pa flight natin makakapagrecharge ka pa mahal."ani ni Airon na kinindatan pa ang asawa.Natawa si Irish sa expression ng mukha ng asawa."Hoy!hoy!hoy! saan kayo mag pupunta"sigaw ng mommy ni Irish na papasok sa loob ng bahay.Sabay na napalingong ang newly wed."mommy magbibihis po ako"ani ni Irish na papahakbang sa hagdan."eh bakit dito ka mag bibihis eh,duon ka magbihis sa kabila wala ka nang gamit dyan nandun na lahat sa kabila"ani ng mommy ni Irish sabay turo ng bahay sa

  • Mr. Bully is my first   chapter28

    SIMBAHANIlang minuto nalang ay magsisimula na ang wedding ceremony. Kabado na si Airon dahil wala pa ang bride.Nang makita niya ang kanyang pamangkin na nakangiting pumasok sa loob ng simbahan. Sumikdo ang puso nya sa kaligayahan dahil hudyat iyon na dumating na ang kanyang mahal. Magsimula na ang lahat. Naunang lumakad ang Best man na si SPO1 James Vivar. Sinundan ito nila Airon kaagapay niya ang kanyang kuya Dante at ate Dory,huminto sila sa pinakaunahan, Naglakad na kumunod ang mommy Mary ni Airon kasunod ang flower girl ring bearer mga first sponsor at second sponsor. Kasunod na dito ang mommy at tito ni Irish kasama ang lola Cathy. at ang pinakahuling nag martsa ay ang Brides maid na si Iyah.Nakasara ang pinto mula duon ay dinig ni Irish ang tugtog ng wedding song hudyat na mag sisimula na ang wedding entourage. Pinaghalong kaba at saya ang nadarama ng bride.Unti unting bumukas iyon.Humugot ng malalim na hininga si Irish Bago dahan dahang humakbang patungo sa harap ng alta

  • Mr. Bully is my first   chapter27

    Walang mapagsiglan ng kaligayahan ang magkasintahan. Excited sila sa pagpaplano ng kanilang kasal. Ayos na ang lahat ang date nalang ng kanilang wedding ang iniintay nila,Dumating na ang araw na pinakahihintay nila Airon at Irish. Tinatawagan ni Airon si Irish via messenger pero hindi ito sumasagot inip na inip na siya ilang araw din silang hindi nagkitang magkasintahan dahil sumusunod sila sa kasabihan ng matatanda.Sa huling tawag muli niya ay may sumagot na nadismaya siya ng makitang niyang si Iyah ang ka video cam niya."tito ang kulit mo naman hindi kaba makapag intay, magkikita din kayo ni Best mamaya sa simbahan" naiiritang saad ni Iyah sa kabilang linya."gusto ko lang naman masilip kahit isang minuto ang love ko, inip inip na kaya ako ilang araw ko na siyang hindi nakikita, sige na please kahit saglit lang,"pagsusumamo ni Airon."hay naku tumigil ka nga tito alam mo namang bawal,maya maya lang magkikita na kayo ni Best."tanggi ni Iyah" yun. na nga yung mamaya mo nayan paki

  • Mr. Bully is my first   chapter26

    Maagang bumangon si Irish para maghanda sa pagpasok sa presinto, kahit ilang araw pa bago matapos ang isang buwang bakasyon, ay hindi na niya hinintay pa iyon. Gusto na niyang ayusin ang mga problema sa presinto, Gusto niyang iwan ang trabaho ng walang kahit anong problema, Hindi pa nya sinasabi kay Airon ang plano niyang pag reresign, Gusto niyang maging surpresa ito para kay Airon.Alam nya na ayaw ni Airon ang uri ng kanyang trabaho hindi man direktahan ito sa pagtutol pero ramdam niya na gusto na nitong tumigil siya sa delikado niyang trabaho.Ayaw pa talaga siyang payagan nito na pumasok pero nagpumilit na siya, wala naman itong nagawa kung hindi ang payagan siya, Sa. kondisyon na ito ang mag hahatid at susundo dito ayaw nito na pagdrivin pa siya ng single masyado daw delikado. Para malubay nalang ang diskusyon niya ay pumayag na siya.Mag iisang buwan na ang ganung routine ni Irish. Hindi na din siya masyadong napapagod tanging ang trabaho nalang bilang Leuitenant ang kanyang in

  • Mr. Bully is my first   chapter25

    Pabalik na ng Pilipinas sina Irish.Nasa loob na sila ng Eroplano. Hindi parin mawala wala sa isip ni Airon ang kanyang nalaman na mahal pala siya nito, nakasandig ito sa kanyang dibdib ikinulong niya ito sa kanyang dalawang braso akala mo may aagaw dito sa style ng pagkakayakap ni Airon kay Irish. Nakatulugan nilang dalawa ang ganoong pusisyon. Halos fifteen hours ang byahe nila mula sa canada patungong pilipinas. Hindi na makapag intay si Airon na makauwi. Ibang ligaya ang kanyang nadarama, ngayon palang ay nagpaplano na siya kung panu ang gagawin niya bilang pagpo prupose kay Irish. Nang makaisip siya ng isang magandang Idea.Magkahawak kamay silang lumalabas mula sa immigration, nakita agad nila si Iyah na kumakaway, kasama nito si James, nakahawak ang isang kamay nito kay james, napansin nilang binawi agad ni James ang mga kamay na hawak ni Iyah."love"tawag ni Airon kay Irish."yes mine!"malambing na sagot ni Irish."mine!"ulit ni Airon sa sinabi ni Irish, na nakakunot ang noo.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status