Share

Chapter 16

Paige POV

Kinakabahan ako habang nag lalagay ng face powder sa mukha. Finally, I am now a regular employee. It's been a month since I signed a contract. Aligaga si Pierre na nasa tabi ko. Hindi ito mapakali, maya-maya ang upo at tayo nito.

"Ate, hindi ma kontak si Anne". Pag aalala nito.

"Call her assistant". Tingen ko dito. Tumango naman ito at lumabas ng silid. Pierre and Ann will be performing in the launch today at Fash Hotel.

Habang nasa taxi ay panay parin ang kalikot nito sa kanyang cellphone. Hinawakan ko ang braso niya. Tumingin naman ito sakin.

"Don't worry, baka nasa venue na nga siya eh!".

"Sana nga ate". Buntong hininga nitong sagot.

Nagulat ako sa dami ng media sa labas at mga tao. My eyes widen when I saw Jerome, he's standing proudly with flowers in his hands, he smile to the camera. Ibang-iba na siya. Lalong tumangkad at pumuti, mas lumaki ang pangangatawan. Hinawakan ko si Pierre para huminto kami saglit. Nag kunwari akong inaayos ang aking damit. Ayaw kung makasabay si Jerome. Teka! Baka hindi na nga ako nito makilala o maalala man lang. Bumaling ang paningin ko kay Pierre na ngayon ay problemadong-problemado.

"Bakit?".

"Ate, she's sick". Pag aalala nito. "Hindi na pwedeng mag cancel. Two songs lang naman, peru saan ako kukuha ng singer?". Nakayuko nitong saad.

"Paano ba? Call your group, baka naman may available sa kanila".

Umiling ito.

"Wala halos lahat naka book, kaya nga kaming dalawa ang dito ngayon".

Bumuntong hininga ako ng biglang tumingin ito sakin. Hindi ko gusto gusto ang tingin nito.

"Per, no... No! No!". Iling ko dito bago pa ito mag salita.

"Ate, please! Help me! Sige na...".

"Peru Per—

" Ate kahit hindi ka mag practice". Nakangiti nitong saad.

"Nakakahiya... Hindi ako professional sa ganitong bagay, hindi tulad mo". Maliit kung sabi.

"Bakit ba? Sa ganda ng boses mong yan, baka nga e hire kapa nilang singer". nakuha pa talaga nitong mag-biro. No way!

"Tigilan mo ko—

" Please, ate! ". Pumungay pa ang mga mata nito. Ilang minuto kaming nagtitigan, Napabuntong hininga nalang ako. At marahang tumango, naawa din naman ako dito. Napangiti naman ito ay niyakap ako.

" Hati tayo ha? ". Pagbibiro ko.

" Ako mag babayad ng groceries ngayon, ate". Malaki na ang ngiti nito.

"Paano yan wala akong dalang pamalit". Nag aalala kung tanong dito. I'm wearing cream fitted spaghetti dress na hanggang tuhod at cream ding high heels.

"Okay na yan ate, tska uupo ka lang naman. We will play while they are eating kaya, okay na okay na yan, patapos nanaman ang programa sa pag tugtug natin baka wala na nga mga higher ups niyo, kayong mga empleyado nalang". Pag sisiguro nito. Medyo napanatag naman loob ko.

"Bahala ka!". Umirap na ako.

Pag pasok ay humiwalay na si Pierre para e check ang gagamitin niyang piano at puntahan ang contact niya at dahil hindi naman ito empleyado, sa back stage sila ng iba pang performer.

Inikot ko ang paningin. Malawak ang hall ng hotel at may mga lamesa sa gitna at unahan nito. Nakita ko sa gilid malapit sa mini stage ang mesa nina Jana, kumaway ito at lumapit sakin.

"Ganda natin ngayon ah!". Bati nito.

"Ikaw din naman". Sagot ko. Humagikhik lang ito. Inikot ko muli ang paningin at naagaw ng tingen ko ang mga big bosses na nasa gitnang lamesa. Waje, Jerome and Samuel were talking. Habang kandong ni Samuel si Fash. I saw Waje parents besides them. Yumuko ako. This is the first time that I saw them after what happened.

Maya-maya pa ay nag umpisa na ang launching. Nag bigay ng speech ang head ng project at ang daddy ni Waje. Tumayo kaming mga bagong employees nang si Waje na ang nag bigay ng congratulatory speech. Pumalakpak kami. Hindi ako tumingin dito dahil sa tingen ko hindi ko kaya. Napadpad ang tingen ko sa mesa nina Samuel at nakita ko ang panlalaki ng mata ni Jerome. He mounted 'boss'. Ngumiti ako ng tipid. Pagkatapos ng kanyang speech ay nag serve na ng food, kaya naman tumayo ako para mapuntahan si Pierre ng makita kung papalapit si Fash Tyler na may dalang bulaklak. Nagulat ako at di makagalaw. Tumayo din si Jerome at may kinuha sa likoran nito.

"Little miss, congratulations!". Sabay abot sakin ng bulaklak. Nagulat man ako ay tinanggap ko parin, yumuko ako ng bahagya at inabot niya ang aking pisnge upang mahalikan.

"You don't have to do this!". Bulong kung sabi, nakita kung nanlaki ang mga mata ni Jana sa likuran ko. Tumayo ako ng tuwid at lumingon I saw Jerome smiling widely.

"I miss you!". Saad nito at inabot din ang bulaklak na kanyang dala. Hindi ako makapag salita sa gulat. Lumapit ito sakin and he kissed my nape.

"Oh! My God!". Dinig kung bulong ng isa sa mga kasama ko sa mesa.

"Jerome?". Nanginginig ang boses ko. I can't believe this!

"It's me boss". Nakangiti nitong saad habang tumatango. Tumango din ako at nakita sa likod nito si Samuel.

"Congratulations!". lumapit din ito at humalik sa pisnge ko.

"Samuel!". Saway ni Jerome.

"What?". Baliwalang tanong nito.

"You're not allowed to kiss her, tito Samuel!". Si Fash ngayon na nasa gitna namin. Tumawa si Samuel bilang sagot at umiling naman si Jerome.

"Wala naman siya dito... Kaya!". Kibit balikat nito at ngumisi sakin umiling ako ako dito. Pilyo parin talaga hanggang ngayon. 

"Paige, hija?". Bumaling ang tingen naming lahat sa nag salita. Ang mommy ni Waje. "I thought I saw someone familiar, but it is you". Malaki ang ngiti nito.

"Opo, madame". Nahihiya kung sagot. Hindi ko akalaing natatandaan pa nila ako.

"How are you, hija". Sabat naman ng papa ni Waje na nasa likoran. Lumapit din ito para mag beso. 

"I'm fine po". Nahihiya kung sagot. Ngumiti naman ito at bumaling ako kay Ma'am Amanda  nasa harap ko na, hawak ang makabilang siko ko.

"Mas lalo ka atang gumanda." bumeso ito sakin kaya lalong nag init ang pisnge ko.

Hindi ko inaasahan ang lahat. They are all standing in front of me. Alam kung kumukuha na kami ng attention dahil may mga photographer na lumapit samin.

"Mamita, you're all putting me aside". Malungkot na sabi ng batang nasa gitna namin.

"Oh! I'm sorry, apo!". Natatawa namang sagot ng mama ni Waje. Tumawa naman ang asawa nito kasabay nina Jerome at Samuel.

"Thank you po, sa inyong lahat".

Ngumiti si Jerome at Samuel.

"Little miss, can you sit in our table? Right Mamita? Can she?". Baling naman nito sa kanyang lola.

"Of course, if she like". Tumingin ito sakin. "Will you, hija?".

"Nakakahiya naman po". Sagot ko. Ngunit hinawakan na ni Jerome ang baywang ko para igeya sa kanilang pwesto at inabot naman ni Samuel ang bag ko.

"Hihiramin muna namin siya ahh". Paalam naman ni Jerome sa mga kasama ko. Tulala ang mga ito na tumango.

"We really need to catch up!". Bulong nito sakin.

Nang dumating ako sa table nila ay tumikhim si Waje.

"Hijo, hindi mo nabanggit na empleyado pala natin si Paige". Baling naman ng kanyang ama dito. 

"Ngayon lang tayo nag kita, dad".

"Oh! Yeah!". Tumawang sagot naman ng papa nito. Umiling lang si Waje.

"By the way, Paige are you busy tomorrow?". Tanong ni Samuel.

"Hindi naman". Tipid kung sabi. Habang inaabot si Fash na gustong umupo sa binte ko. Inangat ko ito ng bahagya.

"Mabigat ka na Tyler". Madiing sabi ni Waje.

Akmang aalis ito sa kandungan ko pero pinulupot ko ang aking kamay sa kanyang baywang.

"It's okay". Tipid kung sabi.

"Tomorrow Boss, sa dati". Nakangiting baling ni Samuel. Ang kanyang mga mata'y nanunuya. Umiling lang ako dito.

"Susunduin kita!". Baling naman ni Jerome na nasa tabi ko. "Doon ka parin ba nakatira kina Ate Rose?" 

"Um.. Huwag na...Oo doon parin pero sa tabi lang nito ang kanyang apartment" sagot ko. Natanaw ko si Pierre na sumisinyas sakin sa mini stage habang nakaupo sa piano. Tumango ako at bumaling kay Fash.

"You know Fash Tyler, instead of calling her little miss, you can call her Aunt Paige or mommy if you want". Panunuyang  sabi ni Samuel. Tumingin ako dito at pinandilatan ko.

"Aunt will do". Sagot ko.

"But you know, my niece Summer? She called me daddy even though she's not my daughter".

"Sam—

" Mommy, then! ". Agap na sagot ni Tyler.

" Fash! ". Sabat ni Waje. Na bumaling na samin. 

" What's wrong with that? ". Si Jerome naman ngayon.

Sasagot pa sana ako ng tumayo na si Pierre. Binaba ko ng bahagyan si Tyler at tumingala ito sa akin ng tumayo ako. Agad naman akong yumuko dito. 

" What's wrong?". Pag aalala nito.

"I'll go to brother Per". Tinuro ko si Pierre na nasa piano sa harap.

"Oh!". Ngumiti ito. "Okay mommy". Malakas nitong saad, sa sinabi nito napatingen ang magulang ni Waje samin. Ngumiti ang ginang. Tumikhim naman si Mr. Eleazar. Napatingin kay Waje. 

"Okay". Ngumiti ako ng hinalikan nito ang pisnge ko.

"Excuse me every one". Paalam ko. Tumango silang lahat maliban kay Waje na matiim ang titig sakin. Umakyat na ako sa harap ni Pierre.

"Sis, mukha kang importanteng bisita kaysa empleyado." nakangising bulong nito.

"Tumigil ka Per, kinakabahan ako". Sabay upo sa harap ng mikropono. Pumalakpak na ang mga bisita. Ang mga kasama ko ay nakangisi habang malakas ang palakpak. 

"Paige!". Gulat na baling ni Jana sakin. Nginitian ko lang siya ng mag umpisa nang tumugtug ang kapatid ko. 

Nilibot ko ang paningin. Sa table nina Jerome ay nakatuon ang paningin sakin. Uminit ang pisnge ko. Nakatulala naman si Tyler habang nanunuod at nag bubulungan sina Samuel at Jerome. Nakatitig naman si Waje. Nagtama ang aming mga mata, agad akong nag iwas at nag umpisa nang kumanta.

Dapat ay kumakain na ang mga ito ngunit iba ang nangyari. Nakatuon halos lahat ng kanilang pansin sa amin ni Pierre. Lalo akong kinabahan. Dapat nag practice muna ako bago sumalang dito. Mabuti nalang at kabisado ko ang tinugtog ng kapatid ko.

Happiest Moments 

I'm really on the ropes this time

I've been fighting all my life for you

Dumako ang tingen ko sa table nina Waje ulit. Kita ko ang pagkalabit ng kanyang mama dito.

I never should have said goodbye 

But maybe that's what stupid people do... 

Bumaha nanaman ang mga alala alala saking isipan. Hanggang sa natapos ako sa isang kanta hindi na ako lumingon sa table nila. Tumayo si Pierre para sa sunod naming kanta. Lucky

Do you hear me, I'm talking to you

Natawa ako sa unang kanta ng kapatid ko. Sinabayan nito ng galaw na kunwari ay kinakalabit ako. 

Across the water, across the deep blue ocean 

Under the sky, oh my, baby I'm trying 

Kumindat pa ito sakin. Humiyaw ang table nina Jana. 

Boy I hear you in my dreams 

Nangingiti ako sa ngiti ng kapatid ko sakin. Ngayon ay ako naman ang kumanta. Ito ang unang beses na kumanta kami sa isang formal gathering. 

I feel your whisper across the sea

I keep you with me in my heart 

You make me easier when my life gets hard. 

Hinawakan ni Per ang kamay ko at hinila ako upang makalapit dito. Sabay naming kinanta ang lyrics. 

I'm lucky Im inlove with my best friend 

Lucky to have been where I have been 

Lucky to be coming home again.. 

Oh! Oh! Oh! 

Pagkatapos ng dalawang kanta ay bumaba  na kami. Nag palakpakan ang mga tao tska pa lamang sila bumaling sa pagkain. Bumaba na kami ni Per, hindi ko alam kung babalik ba ako sa pwesto nina Waje o sasama kay Pierre. Bago pa ako tumalikod ay tumayo na si Jerome. 

"Wow! Walang kupas!". Sabi nito habang pumapalakpak. Tumawa naman ako dito. 

"Naalala ko dati, madalas mag book ng private ktv si Waje para lang marinig kang kumanta". Dagdag naman ni Samuel. Umiling lang ako. Tumikhim naman si Waje at umiling lang. 

"Can you teach me how to sing, mommy?". Si Fash Tyler naman ngayon na tumayo din para salubungin kami. 

"I can!". Sabat ng kapatid ko sa likod. 

"Brother Per!". Bumaling ito sa kanya at yumakap. 

"Hey! Big boy! Nice to see you too". Natatawang saad ni Per. 

"Who's he?". Bulong ni Samuel. 

"Um.. Pierre, this is my college friends. Samuel Domingo and Jerome Lim— napahinto ako nang tumayo si Waje sa tabi ko. " Um—Waje my boss—

"Kilala ko sila ate, not personally but I saw them on television —

" Ate? " Gulat na saad ni Samuel at Jerome. Bigla namang bumaling ang tingen ni Waje sakin. 

" He's my brother Pierre ". Pagpapakilala ko na nakatingen sa kanya. Tumikhim si Samuel kaya bumaling ang tingen namin dito. 

" Kapatid pala". Saad nito habang nakatingen kay Waje na seryosong naka tingen samin. 

"Hindi ko inaasahan na bukod kay ate Emma may mga kaibigan ka pang iba ate, sa sungit mong yan". Naiiling si Per, pinandilatan ko ito. 

"Oh!" tumawa naman si Jerome "Subrang sungit! Kung alam mo lang". Baling nito sa kapatid ko. 

"Sobra!". Segunda naman ni Per. 

"No mommy is kind and sweet". Pagtatanggol ni Tyler. 

"That I am". Nakangiti kung baling dito. Nag tawanan naman silang apat. Nabigla ako dahil sa ngiti ni Waje. Naalala na kaya niya ako? Nagbawi ako ng tingen nang magtama ang aming mga mata. 

"Sasama na ako kay Per". Pag papaalam ko. 

"Tomorrow, boss?". Habol ni Jerome. 

"I'll be there". Ngiti ko dito. 

Dinala ni Per ang mga bulaklak at sumunod na ako dito. Kumaway ako kay Tyler. Hinanap ko ng tingen ang parents ni Waje na masayang nakikipag usap sa mga bisita. Sumunod na ako kay Pierre. Dinig ko pa ang sigaw ni Fash.

"She's Sunshine Papa!" 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status