Share

Chapter 5

"Saan ba tayo pupunta Waje?".

Kanina ko pang tanong dito. Pagkatapos ng practice ay iniwan na namin ang mga kaibigan naming wala paring tigil sa pangungulit sa aming dalawa at higit kalahating oras na kami nasa byahe hindi parin ito nag sasalita. Pasulyap-sulyap lang ito habang pinipisil ang kanyang labi na para bang may malalim na iniisip. 

"Baby? !". Nakanguso nitong sabi. Natawa naman ako sa mukha nito. Soft side of Waje. Tama nga si Samuel. Mas gusto ko ang Waje na masayahin at makulit.

"Englishiro!". 

"Baby?". 

"Baby? ! Okay! Baby saan tayo pupunta?".

"Tagaytay". Nakangising sagot nito.

"Wait—what???"

"Don't worry uuwi din tayo agad". At bigla nitong hinawakan ang kabilang kamay ko at dinala sa labi nito. Naramdaman ko ang kung anung kiliti sa tyan ko sa ginawa nito.

"Anung gagawin natin doon?". Tanong ko naman dito.

"Mag-uusap". Tipid nitong sagot. 

"Mag uusap lang tayo sa tagaytay pa?". Natatawa kung saad dito. "Ang sosyal mo naman makipag-usap". 

Ngumiti lang ito. Oh! I realized now how I love this man..

Ramdam ko ang lamig na nanunuot sa suot kung damit ng buksan ko ang bintana ng sasakyan nito.

"Here!". May kinuha ito sa backset. Jacket. Pareho itong kulay pula. Napataas ako ng kilay. Couple jacket. He just smirked. Agad kung sinuot ang isa at  niyakap naman ang isa pa.

Tumigil kami sa isang cafe. Over looking ang buong cafe, kukunti pa ang tao. Pagka labas namin ng sasakyan at inabot ko dito ang dala kung jacket at agad naman nitong isinuot. My naka print pang 'My Love'.. Napangiti ako. Kahit na ganito ka tikas si Waje di naman nauubusan ng lambing. He really like to surprise me every time na magkasama kami. 

"Coffee cream and waffles please". Saad nito sa counter.

Hinawakan nito ang kamay ko at giniya ako sa may terrace ng cafe.

Wow! What a pictureque scene. Pumikit ako para namnamin ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa pisnge ko.

"Paige!". Napamulat ako dahil sa biglang pag sasalita ni Waje. Tumingin ako dito at kita ko ang seryoso nitong mukha. Bahagya akong kinabahan.

"Y-yes?".

Hinawakan nito ang dalawang kamay ko at pinag sakop ang mga kamay namin.

"I love you!". Seryoso parin ang mukha nito. Piniling ko ang ulo ko para pag masydan ito ng mabuti.

"Noong una kitang makita, alam kuna.. Ikaw ang inaantay ko. Sorry if I acted like I was going to lost you, yung pambabakod, pagiging possessive—I want you mine." Kinagat nito ang pang ibabang labi at namumungay ang mga matang nakatingin sakin.

"Waje—I let you possess me. Kaya wala kang dapat na ihinge ng tawad. I love you too. Kaya—

" Will you marry me?

Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla. Hindi ko alam kung anung sasabihin ko. Naninikip ang dibdib ko at bigla nalang tumulo ang aking mga luha. Teka ganoon kabilis? 

" Hush! B-baby!". Bigla itong nataranta at tumayo sa kanyang upuan at lumuhod sakin.

"I love you.. I want to be with you forever.. Marry me please!". Nangungusap ang kanyang mga mata. "I can't live without you! I hardly survive those days when I was away from you". Malambing nitong saad.

"Waje—baka nabibigla kalang. Masydo pa tayong bata. May mga umaasa pa sakin. May pangarap akong kailngang abutin at saka may ilang buwan palang tayo magkakilala at magkasama". Lalong bumubos ang luha ko. Bakit ba ako umiiyak? 

"I know.. I know.. Even where married, hindi kita pag babawalan. Pangako! Lagi kitang susuportahan. Wala naman sa tagal ng pag sasama ang basehan ng relasyon. 

Umiiling parin ako.

"Waje mahal kita... Pero masyado pang maaga para dito. Bata pa tayo". Hinila ko ito para makatayo. Agad naman itong tumayo at niyakap ako.

"I love you, no question that. I want to marry you yes.. Someday.. But not this time". Malambing kung saad dito kasama ang pag iling. 

"Then, wear this ring as a sign that you are bound to marry me someday.. No matter what!". Bahagya itong kumalas at hinanap ang aking mga mata.

"Yes of course!". Tumulo nanaman ang aking mga luha. At inabot dito ang aking kamay upang maisuot nito ang singsing. May maliliit na diamond sa gitna nito.

"Ang ganda!". Nakangiti kung saad.

Kinuha nito ang aking mga kamay at hinalikan.

"I love you my future Mrs. Eleazar". Pagkasabi nito ay hinalikan ako sa labi. This is our first kiss.. My first kiss with the man I love. Mas lumalim pa ang halik nito. Tumulo ang luha ko. 

"Ehem!". May tumikhim mula sa likod namin at tinulak ko siya ng bahagya.

"Congratulations Ma'am and Sir, this cake is on house! We're happy to become part of your magical day!". Nakangiting bati ng waiter na may dalang maliit na cake na may nakalagay na 'best wishes'.

Natawa ako sa sinabi nito at tinanggap naman ni Waje ang cake.

" Thank you! ". Sagot nito." Indeed this is the most beautiful day of our life with my love".

Nakangiti namang nag paalam ang lalaki.

Nagkatinginan kami at sabay na nag tawanan.

"I hate seeing you cry". Seryoso nitong saad.

"I'm just happy bakit ba ako umiiyak? !". Sagot ko naman dito na natawa narin sa sariling reaksyon ko. 

"Me too". Saad nito at hinalikan ulit ako sa labi bago nag tungo sa kanyang upuan. Tinitigan ko ang singsing na nasa darili ko.

"When did you plan this?". Tanong ko dito nang medyo mahinahon na ang pakiramdaman ko.

"I brought it the day I meet you". Natatawa nitong sagot.

Namilog ang mga mata ko. 

"How certain are you that I'll say yes?". I tease him. 

"Will.. Whether you like it or not!". Nag kibit balikat ito. Naningkit ang aking mga matang naka tingin dito. 

"Hindi ba masyadong maaga ang lahat?". Tanong ko dito. "Lakas po ng fighting spirit natin ah!". 

"Ha?? No.. I-I mean.. I told you I don't want to lost you!". Sagot nito nang hindi nakatingen sakin. 

"Look at me Waje!". 

"Huh? ". Nagulat ito sa sinabi ko. 

"What's wrong? Tell me."

"Please, pangako kahit anung mangyari mag tiwala kalang sakin". 

"What? Anu—

" I'm engaged with Amanda". 

"Anu?!". 

"Please baby, listen to me!". 

"No!". Napatayo ako at tumakbo palabas. 

"Hey!". Sigaw ni Waje. "Let me explain!". 

"Ano ba Waje? So totoo bang pinag lalaruan mo lang ako?" Pasigaw kung tanong rito at dina napigilang mapaluha. 

" No! Of course not. Ikaw ang mahal ko. Maniwala ka". 

"Hindi ko na alam. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko". Nag uunahan nanamang pumatak ang mga luha ko. 

"Baby please.. I'm sorry.. Maniwala ka. Mahal kita. That is why I'm asking you to marry me, because I don't want to marry her. It's just an old promise between our grandparents". 

"Naipangako kana pala sa iba Waje". Umiiyak kung saad. "Anong laban ko doon?". 

"Ikaw ang mahal ko!". Mariing sambit nito. "I'll talk to dad about this please.. Listen to me.. Trust me". 

"I don't know Waje... Please.. Iuwi muna ako". I told him between my sobs. 

Napabuntong hininga lang ito at tumango. Tahimik kami sa buong byahe habang panay ang sulyap nito sakin. Hindi ko alam kung anung sasabihin. Basta ang alam ko nasasaktan ako. Subrang sakit na hindi ako makahinga. 

Pagdating sa boarding house ay agad akong lumabas at tumakbo papasok. 

"Baby!". Dinig ko ang tawag ni Waje pero binaliwala ko. Nilagpasan ko ang nag tatakang si Emma. 

Sumubsub ako sa kama pag kapasok sa kwarto namin. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at lumapit si Emma. 

"Anong nangyari?". Nag aalalang tanong nito. "Umalis na si Waje, ayaw magsalita... Bagsak ang balikat. Nag away ba kayo?". 

Hinagod nito ang likod ko kaya naman mas lalo pa akong naawa sa sarili ko. 

I love Waje. Sa ikli ng panahon na mag kakilala at magkasama kami, naramdaman kung mahal niya rin ako. Ngunit ngayon nasasaktan ako. 

" Paige?". 

" He said he loves me, but he is bound to marry the girl his grandparents want, ano naman ang laban ko? Wala akong maipag mamalaki Emma". 

"Ano?". 

"Ang sakit!". 

"Tanga kaba? Ikaw ang mahal niya". Biglang sabi ni Emma. "Dapat nga matuwa kapa. Kasi ikaw ang mahal niya at hindi si Amanda". 

"Pero anong laban ko Em? Bata palang sila ay naipangako na sa isat-isa". 

"May laban ka dahil ikaw ang mahal niya". 

"Hindi ko alam.. Naguguluhan ako". 

Umiling ito habang inayus ang pag kakaupo ko. 

"Look Paige, hindi mag aaksaya ng oras si Waje kung nag lalaro lang siya. And what is this ring?". Bigla nitong hinawakan ang kamay kung mag singsing na kanina ay isinuot ni Waje. 

Umagos nnmn ang panibagong luha saking mga mata. 

"Paige, mahal ka Waje. Maniwala ka sa kanya. Even Samuel and Jerome knows that. Ang daming nag bago kay Waje simula ng makilala ka niya". 

Tumigil na ako sa pag-iyak at tinitigan ang singsing saking daliri. 

"Ipaglalaban ko siya? Pero paano Em? I don't have anything ". Ngayon ay may panibagong luha nanamang tumulo sa mga mata ko. 

"Manatili ka sa tabi niya. Paige, that's enough for him". 

"You think?". Nag aalangan kung saad.

"I'm sure!". Sagot naman nito. 

"I love him, you're right... But—

"Oh! You heard it Waje?". Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumaling ito sa likod at  napansin kong nakatayo ito sa pinto malapit sa cabinet namin. Pinunasan ko ang mga mata ko. 

"Emma naman eh!". Pag mamaktol ko sa pagkapahiya. 

"Baby! Thank you!". Lumapit ito at niyakap ako. 

"Kanina kapa? Nakakahiya". Anas ko at sumubsub sa dibdib nito. 

"Excuse me, hinila ko yan papunta dito". Singit ni Emma. "Kay Grace ako matutulog". Pahabol nito bago lumabas. 

"Teka, ibig sabihin pwede akong matulog dito?". Bulong ni Waje. 

"No! Umuwi ka!". Tinampal ko ang braso nito. 

"Tulog lang promise!". Tinaas pa nito ang kanang kamay na parang nanunumpa. Umirap lang ako dito. Niyakap ulit ako nito ngyon ay mas mahigpit. Ramdam ko ang senseridad ng pag mamahal niya. 

Indeed being in a relationship makes you crazy. Away bati. Mag mamahal ng walang kapalit. 

"I promise, I'll fix this". 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status