Share

Chapter 4

Hatid sundo ako araw-araw ni Waje. Kung hindi man siya makakarating si Samuel o si Jerome ang nag hahatid sakin. Muntik pa nga kaming ma tsismis ni Jerome dahil nag kataong palabas ang mga reporter nang sunduin ako nito. Mabuti nalang at sasakyan ni Samuel ang ginamit nito. Nagtawanan kami nang nakalagpas na kami sa mga ito. Usap-usapan narin sa opisina kung sino ang nag hahatid at nag susundo sakin. Laging "Wala yun". Ang sinasagot ko dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang mayron kami ni Waje. Basta masaya ako kapag kasama siya at siguro naman ay ganoon din ito sakin. 

Madalas gusto ko siyang tanongin kung ano ang tingin niya sa relasyon namin, ngunit naisip ko ayaw kung umasa at masaktan pero kung si Waje naman ang pag uusapan, hindi na ako aangal. Mahal ko na talaga siya, sobra na minsan ay natatakot ako sa pwedeng maging kapalit nito. But they say when you love you have to deal with the pain and I guess I am strong enough to deal with it. Sana nga... 

"You tamed the beast, Boss!". Isang araw biglang sabi ni Samuel. Sa kanilang tatlo magaan ang loob ko kay Samuel dahil jolly ito at masarap kausap. Si Jerome naman ay may pagka mesteryoso at si Waje ay laging seryoso. They love to call me "boss", I guess just to tease me. 

"Huh?". Nag tataka kung baling dito.

"Yeah! You let out most of Waje soft sides." then he knuckle. "You're the one who can make him laugh until he cries, he made you as his phone wallpaper, with pink phone case". Natatawa nitong saad habang umiiling. "One time, when he was attending an emergency meeting and his phone rang, then he fishes it from his pocket halos matawa ang isang investor ng makitang kulay pink ang phone case nito". Napahalakhak na ito ng tuluyan. "Not typical Mr. Eleazar, the snob and strict boss". 

"Paige lagi ang bukang bibig, si Paige na mahilig sa veges, si Paige na masungit, si Paige lahat at kahit nasa gitna ng board meeting pag nag text si Paige panigurado sasagutin muna ito bago bumaling sa lahat". Naiiling nitong saad.

"I'm sor—

" No! Don't get me wrong. That's not what I mean". Mabilis nitong bawi. Ngayon ay seryoso na ito. "We like the Waje now. He often smiles, hindi na mainit ang ulo niya lagi at nakasimangot. Pati nga si tito at tita nasisiyahan sa pagbabago niya". 

Ngumiti lang ako sa sagot nito. 

"Hindi lang naman siya ang nag bago". Sabi ko. Dahil yun ang totoo. Simula ng makilala ko siya lahat ng pananaw ko sa buhay lalong lumawak at lalo akong nag sumikap. Alam kung malayo ang agwat ng aming pamumuhay kaya kailangan kung mag sumikap para sa kanya. 

"Thank you boss! Alam ko na unang irap mo palang sa kanya sa school. Nakuha muna siya". Natatawa nitong pahayag. 

"Hindi naman. Mabait naman talaga si Waje". 

"Mabait? Will— napailing ito habang natatawa. 

" Isusumbong kita! Biro ko dito. 

"Hahahaha.. Wag boss.. Maniniwala sayo yun mahal ka nun!". 

Natigilan ako sa huling sinabi nito. Sumulyap ito. "Bakit? Hindi ba niya sinasabi sayo?". Natatawa nitong tanong ulit. 

Pakiramdaman ko namumula nanaman ang mukha ko. 

"Action is louder than voice". Sagot ko lang dito. Humalakhak pa ito ng malakas. 

"So... The feeling is mutual huh!". 

Isang malapad na ngiti ang isinagot ko dito. Madami pa kaming napag usapan bago makarating sa boarding house. 

"Thanks Sam!". Paalam ko dito. 

"Your always welcome boss". Paalam nito. 

Kinabukasan ay sa school kami nag kita dahil practice ng graduation namin. Habang papasok ako sa gate ay naalala ko ang lahat ng hirap at mag sisikap na pinag daanan. Kunti nalang andito na ako. Internship nalang ang kulang sa requirements for graduating students. 

"Baby!". Tawag ni Waje habang tumatakbong palapit sakin. 

"Hi!". Bati ko dito at humalik sa pisnge nito. Nasanay na akong ganito. Walang level pero masaya. Iwan ko ba. Dahil kay Waje natuto akong sumugal. The baby thing, he always like that. 

"Sorry di kita na sundo". Sabi nito at hinawakan ang kamay ko. 

"I'm okay... Alam ko naman na abala ka". 

"No! You're my priority. Ang kulit lang ni coach". Huminga ito ng malalim. 

"Talagang seryoso itong ipasok ka sa Asian Game". 

"I'm not interested, it's in Singapore". 

"Hindi ba magandang opportunity yan? ". Sagot ko naman dito. "Magaling ka, kaya naman nakikita yun ni coach". 

"Sasama kaba sakin kung sakali?". Tumigil ito sa pag lalakad at hinawakan ang magkabilang balikat ko. 

"Hindi!". Agap kung sagot at natatawang tinitigan ito. 

"See.. See.. I'm not going! Unless you are going too". Naiiling nitong saad. 

"But—

" No buts! Besides, dad wants me to train on handling our company... I take it seriously ". 

" Sabagay!". Pag sang-ayun ko dito. Sasama ako? Nahihibang na talaga ito. 

" By the way, we are going somewhere.. Later after the practice ". Biglang sabi nito. 

" Ha? Saan? ". Bigla akong kinabahan. 

" Nah! It's a surprise ". Natatawa nitong saad. 

" Will.. Will.. Will". Nagulat ako ng sumulpot nang kung saan si Amanda. 

"Hi Waje darling!". Malambing nitong tawag kay Waje at hinawakan ang braso nito. Agad namang tinabig ni Waje. 

"Amanda please!". Mariing sabi ni Waje. Hinawakan ko naman ang braso nito para kumalma. 

"What? Not yet done playing babe?". Sabi naman ni Amanda na nakataas ngyon ang mga kamay. 

"Let's go". Tawag ko kay Waje at hinila ito paalis. Nag patianod naman ito at nang lingunin ko ay malaki ang ngisi nito. 

Tahimik na akong sumabay sa kanyang pag lalakad. 

"My baby is jealous". Hindi parin maalis ang ngiti nito. 

"I'm not!". Umirap ako dito. Nag seselos ba ako? Teka, medyo masakit nga sa dibdib. 

Imbes na sumagot ay humalakhak lang ito at hinila ako para yakapin. 

"You smell so sweet, baby". Bulong nito. Hinampas ko naman ito ng mahina sa dibdib. Tigas! OMG! What I am thinking. 

"Hey love birds!". Sigaw ni Samuel mula sa gate ng stadium. 

Kumalas ako bigla sa pagkakayakap nito ngunit mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap. 

"Pasok na tayo". Bulong ko dito. I bury my face into his chest dahil pinag titinginan na kami ng mga kapwa studyante. Yung iba natatawa ung iba naman ay nakaismid.

"PDA!". Sigaw ulit ni Samuel. 

"Shup up!". Sigaw pabalik ni Waje at nag tawanan ang dalawa. 

Dahan-dahan itong kumalas sa yakap at hinawakan muli ang aking kamay. I feel so secure and safe whether I'm with him. 

"Akala ko uugatan na kayong dalawa doon". Bati ni Emma. Natawa lang ako sa sinabi nito. 

Humalik naman ito ng ilang beses sa pisnge ko bago ako pinakawalan. 

"Possessive beast!". Sigaw ni Emma nang makalayo si Waje. Halakhak lang ang isinagot nito. 

"So walang level peru may hug and kisses???". Napataas ng kilay si Emma. "Abat binabakuran kana ahh! Kayo naba? Sa tingin ko oo". Mataray na sabi ni Emma. Umiling lang ako dito. 

"Oo Paige, swerte mo!". Sang ayun naman ng isang kaklase namin. 

"Tumigil nga kayo". Sagot ko naman at nilingon ang hanay nila Waje. Nag tama ang aming paningen at kumindat ito. 

"Oh my! Pwede na akong kainin ng lupa ngayon!". Kinikilig na sigaw ng isa pang kaklase namin. 

"Waje yan girl! Hindi muna kailangang mag trabaho. Mayaman kana, buhay donya pa!". 

Umirap ako dito. 

"I don't love him because of his money". Madiing sabi ko dito. Tahimik naman ito at nanlaki ang mga matang naka tingin sa likod ko. 

Biglang may yumakap mula sa likod. 

"You love me?! ". Bulong nito habang nakahalik sa kabilang tenga ko. May ghad! Kainin na rin sana ako ng lupa ngayon. "I knew it! I love you too, love". 

"WAJE!". Si Samuel ulit. "Para ka namang kabute tol!". Natatawa nitong saad. "Daig mo pa si flash sa bilis! Pahingahin mo naman si boss!". 

"Hindi ba pwedeng dito nalang ako?". Pabalik niyang tanong kay Samuel. "Practice palang naman ito". 

"Go back to your line Mr. Eleazar". Biglang nag salita ang prof na nasa harap ng stage. 

Nagtawanan naman ang linya nila Samuel habang hinihila si Waje pabalik. Napailing nalang ako. 

"Love you, my love!". Nag flying kiss pa ito. 

"Aray! Daming langgam Sir!". Sigaw ng taga ibang department. Nag tawanan naman ang ibang naroon. Tinakpan ko lang ang mukha ko dahil alam ko mas pula pa sa kamatis ang mukha ko ngayon. Damn Waje! 

Kantyawan ang inabot naming dalawa, lalo na di maalis ang malaking ngiti ni Waje. Pabiro pa niyang kinakamayan ang mga kakilala na tela ba nanalo siya sa isang competition or like he was running for a mayor. Big smiles while shaking their hands. 

"Ang intense!". Hiyaw naman ni Emma. 

"Parang gusto ko biglang magka lovelife!". Dinig kung baling ng isa naming kaklase. 

Naiiling nalang ako sa mga reaksiyon nila. I can't believe it! 

Nakita kung nag irap si Amanda at tahimik naman ang mga kasama nito. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status