Home / Romance / Mr. Gabriel Bought Me / Chapter 36: she's my fiance

Share

Chapter 36: she's my fiance

Author: Unknown
last update Last Updated: 2024-11-04 01:28:41

NAGSIMULA ang seremonya ng kasal nila Oliver at Madison na wala siyang reaction. Panaka-naka siyang nililingon ni Oliver na para bang gusto nitong sabihin na pigilan niya ang kasal na iyon pero hanggang sa matapos ang seremonya, wala siyang imik. Tiniis niya ang nararamdamang hindi niya maintindihan kahit ang totoo, gusto na niyang tumakbo palayo.

Kita niya ang saya sa mukha ni Madison na hindi naman niya makita sa mukha ni Oliver. Nababahala siya na baka maging issue sa mga bisita ang palagi nitong pagtapon ng tingin sa kaniya na para bang siya ang pinakasalan nito. Wala naman na itong magagawa dahil kasal na ito kay Madison.

"Are you ok? Kanina ka pang tahimik," untag ni Gabriel kay Gianna habang lulan sila ng sasakyan patungo sa reception ng kasal. Sa totoo nga lang, ayaw na sana niyang pumunta pa roon pero tama si Gabriel, baka mas maging issue kung hindi siya magpapakita roon at magmumukha siyang bitter pa rin kay Oliver.

Simple siyang ngumiti at tumango. "I'm fine, Gabriel baka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Mr. Gabriel Bought Me   Chapter 60: kidnapped

    "AYOS KA lang ba talaga, Gianna? Kanina ka pang tahimik," pukaw sa kaniya ni Stella habang nakahalukipkip siya at nakatingin sa kawalan habang nasa opisina siya ni Gabriel. Pumupunta lang ito roon pero hindi siya pinapansin.Bumuntong-hininga siya. "May karapatan bang akong mag-demand, Stella?""Huh?""Sa isang iglap nagbago si Gabriel sa akin. Pakiramdam ko, hindi na siya ang lalaking nakilala ko. Alam kong wala akong karapatang magsalita sa kung paano niya dapat ako itrato dahil utang na loob ko sa kaniya ang lahat. Binili niya ako at lahat ng gusto niya, walang reklamong dapat kong gawin.""Ano bang nangyari?" Kinuwento niya ang lahat. "Masyado naman siyang mababaw. Dahil lang binaggit mo ang pangalan ng kung sino mang babaeng iyon, nagalit na siya? Eh, gag* pala siya, eh. Pagkatapos ka niyang itrato ng maayos tapos ngayon, parang laruan ka niya kung tratuhin.""Pero hindi ba't may karapatan naman siya kung paano niya ako tatratuhin depende sa gusto niya? Pag-aari niya ako at hindi

  • Mr. Gabriel Bought Me   Chapter 59: amy

    "let's go for a coffee?"Lumingon si Gianna at nakita niya si Amy na masayang nakangiti sa kaniya. Nawala ang lungkot sa mukha niya at pabalik na ngumiti rito."Ma'am—""Just call me tita, hija," anito saka lumapit sa kaniya at bumeso. "How are you? You look so gorgeous," puri pa nito."Ok lang po. I'm trying to learn everything about business.""Just learn one step at a time, hija."Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng loob niya sa ginang kahit hindi pa naman niya ito lubos na kilala. Gumagaan ang loob niya."Bakit po pala kayo nandito? Hinahanap niyo po ba si Gabriel?" Umiling ito. "No, I'm here for you. Ikaw talaga ang gusto kong makausap.""Ako po?"Tumango ito. "So, let's have coffee?"Sabay na silang lumabas ng opisina ni Amy. Pinasakay na rin siya nito sa kotse nito patungo sa coffee shop na pupuntahan nila."So, kumusta kayo ni Gabriel?" tanong nito habang lulan sila ng sasakyan.May lungkot na lumitaw sa mukha niya. Simula pa kasi nang nagdaang gabi ay hindi pa rin siya ni

  • Mr. Gabriel Bought Me   Chapter 58: his anger

    HINDI mapakali si Gianna habang paroo't parito siya sa loob ng opisina ni Gabriel. Simula kasi nang umalis ito, hindi na ito bumalik. Nagi-guilty siya dahil alam niyang nagalit ito sa naging tanong niya. Tinawagan at tinext na rin niya ito pero wala siyang reply na na-receive. Matatapos na ang maghapon pero wala pa rin ito."Ma'am, Gianna." Kinabahan siya dahil akala niya'y si Gabriel iyon pero si Dom ang bumungad sa kaniya. "Pinapasabi po ni Sir Gabriel na ako na ang maghahatid sa inyo pauwi.""B-bakit nasaan si Gabriel? Kanina ko pa siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot," nag-aalalang sabi niya."He's on the meeting, Ma'am Gianna at pinasasabi rin niya na baka ma-late na rin siya ng uwi."Mas lalong lumungkot ang mukha niya. Ganoon ba talaga katindi ang galit ni Gabriel sa kaniya dahil sa pagtanong niya tungkol kay Claudia?"Sige. Aayusin ko lang ang mga gamit ko," malungkot na saad niya. Inayos niya ang mga gamit niya at kinuha ang bag, saka sila lumabas ng opisina ni Gabri

  • Mr. Gabriel Bought Me   Chapter 57: Claudia

    NAGTINGINAN lahat ng mga tao sa kompanya nang pumasok si Gianna roon. Nagsimula na rin ang mga bulungan tungkol sa kaniya."Hindi ba't siya ang ex-girlfriend ni Sir Oliver?""Oo nga, bakit siya nandito?""Ang balita ko, siya raw ang bagong shareholder ng kompanya."Hindi siya nagpatinag sa mga narinig, taas noo siyang naglakad sa hallway bitbit ang mamahaling bag na binili ni Gabriel sa kaniya."Good morning, ma'm Gianna," bati sa kaniya ng secretary ni Gabriel. Hindi sila sabay pumunta ng opisina dahil may dadaanan pa ito. Nauna na siya dahil marami pa siyang bagay na dapat gawin at aralin tungkol sa pagiging shareholder ng kompanya.Kakapasok pa lang niya sa opisina, nasundan agad siya ng mag-ina si Madison at Yena. Matatalim ang mga mata na parang lalamunin siya ng buhay."Kapal talaga ng mukha mo para ibalandra sa lahat ang pagiging shareholder mo," inis na sabi ni Madison."Alam mo, Gianna hindi ka naman nababagay sa lugar na ito. You do not belong here dahil wala ka namang yaman

  • Mr. Gabriel Bought Me   Chapter 56: who's next?

    "WHAT are you planning to do, Gabriel? Hindi mo ba alam ang pwedeng mangyari sa ginawa mo?" nababahalang sabi ni Irene kay Gabriel nang makapasok siya sa opisina ng ina. "You're risking your position in the company because of that girl, alam mo ba 'yon?"Bumuntong-hininga siya at umupo sa sofa habang kaharap ang ina. "Mom, I know what I'm doing, ok? I just need you to trust me.""Paano ako magtitiwala sa iyo kung nilagay mo sa panganib ang posisyon mo, ang kinabukasan mo.""Mom, sa tingin mo just because I'm going to marry, Gianna makukuha nila ang gusto nila? Hindi ako papayag na kunin ulit nila ang para sa atin. Tapos na tayo sa pagiging tahimik, it's payback time, sa lahat ng kasalanang ginawa nila sa pamilya natin." Kita ang galit sa kaniyang gwapong mukha."P-pero paano ka? Alam natin ang kaya nilang gawin para makuha ang posisyon mo at mapatalsik tayo sa kompanya. They have the connection and power.""I know, mom that's why I'm creating my own connection and power na ilalaban ko

  • Mr. Gabriel Bought Me   Chapter 55: her new era

    "KAYA ko ba?" mahinang bulong ni Gianna habang nakatingin siya sa malaking salamin sa loob ng rest room ng company. Nararamdaman niya ang pangangatal niya dahil sa nakakatakot na tingin sa kaniya nga mga taong hindi natutuwa sa pagpasok niya sa kompanya."Do you think naka-jackpot ka na kay Kuya Gabriel?"Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Madison na galit na galit."Madison.""What do you think you're doing, Gianna? Talaga bang ganiyan ka na kadesperada para magpagamit kay Kuya Gabriel, for what? Para sa pera?" Ngumisi ito. "Mali ka nang taong kinapitan, Gianna dahil hindi mo kilala kung sino siya. He's evil. Heartless. Ruthless. Kaya kung iniisip mong naka-jackpot ka na, nagkakamali ka dahil sa huli, itatapon ka lang din niya na parang basura."Hindi agad siya nakasagot. Mali nga ba ang taong hiningan niya ng tulong? Umiling siya. Agad niyang tinago ang doubt at takot sa mukha niya. Kailangan niyang maging matapang sa harap ng mga taong nagpahirap sa kaniyang pamilya."I

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status