"Buy me, Mr. Gabriel Esguerra and I will do everything for you basta bayaran mo ako katumbas ng utang ng pamilya ko kay Oliver," buong tapang na sabi ni Gianna. Wala na siyang ibang choice kung 'di lunukin ang pride at kahihiyan, maisalba lamang ang kaniyang pamilya mula sa pagkakalugmok. Seryoso siyang tinitigan ni Gabriel na tila ba binabasa siya pero walang panghuhusga sa mga mata nito. "Sigurado ka ba sa sinabi mo, Gianna?" "I-I don't have a choice, Gabriel at kung may kaya akong gawin for my family, I'm willing to do it." Nangingilid na ang luha sa kaniyang mga mata dahil kahit siya'y naaawa sa sarili. "Five millions is really a huge amount of money and do you think, papayag akong ikaw lang ang kabayaran niyon?" "H-hindi pa ba ako sapat?"
View MoreSUMASABAY sa bawat pintig ng masayang awitin ang katawan ni Gianna na nagbibigay sa kaniya ng satisfaction at sayang kailangan niya. Gusto niyang maglibang, aliwin ang sarili at maglasing. Nalaman kasi niyang ikakasal na ang ex-boyfriend niya sa taong tinuring niyang kaibigan.
Nang mapagod siya, naglakad siya palayo sa gitna ng dance floor at dahil sa tama ng alak, hindi na niya maintindihan ang paligid. Naglakad lang siya nang biglang nawalan siya ng balanse at umasang babagsak sa matigas na sahig pero naramdaman niya ang brasong pumulupot sa baywang niya. Nanliit ang mga mata niya at napakapit sa dibdib ng ekstrangherong iyon. "F*ck!" aniya. Nag-angat siya ng tingin. "Y-you saved me Mr. handsome." Kahit nahihilo na siya, gwapo pa rin ang tingin niya sa binata. "Ikaw ba ang ex-boyfriend ko? Nandito ka ba para sunduin ako and to get back at me?" Ngumiti pa siya habang sinusundot ng daliri niya ang makinis at malambot na mukha ng binata. "You're drunk, Ms. Fajardo." "I know b-but not too much. I-I can handle myself." Napailing ang binata habang nararamdaman nito ang bigat niya dahil sa pagsandal niya sa matipuno nitong katawan. Mas dinikit pa niya ang katawan niya rito. Nasa bahaging gilid sila ng silid at wala namang may paki sa kanila dahil lahat ng tao roon ay abala rin sa pagsayaw at sa pakikipag-usap. "Nandito ka ba para sa akin? Are you still worried about me?" umaasa niyang tanong. "Ms. Ginanna I'm not—" Hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin pa sana nito dahil agad niyang tinapalan ng labi niya ang labi nito. Gumalaw siya habang natigilan ito. Kumurap pa ito pero 'di kalaunan ay gumanti sa halik niya. "Are you sure you want us to do it here?" tanong ng binata. "I-I don't care," pabulong niyang balik. Nagustuhan niya ang bawat halik ng lalaki. Ang bawat haplos ng mga palad nito sa kaniyang braso ay lalong nagpapalundag sa nararamdaman niya. She wants more from him. Napapikit siya at mas siniksik pa ang katawan sa binata pero kapagkuwa'y napakurap siya ng ilang beses. Ang mga labi nito at ang paraan ng paghalik nito ay hindi katulad ng sa kaniyang ex-boyfriend. Agad siyang bumitaw sa halik na iyon at tiningnan ang mukha ng lalaking kaharap niya. Nang dahan-dahang naging malinaw ang mukha nito, natigilan siya at nagulat nang makilala ang lalaki. Sino ba namang hindi makakakilala kay Gabriel Esguerra? Ito lang naman ang kilala ng lahat dahil sa pagiging successful nito sa iba't ibang larangan ng negosyo sa murang edad nito. Pantasya ito ng lahat dahil sa pagiging gwapo nito. "You look surprised, Ms. Fajardo? Alam kong kilala mo kung sino ako but why did you kissed me?" Napalunok si Gianna at umiwas ng tingin sa gwapong binatang nasa harap niya. "I-I'm sorry, Mr. Esguerra nakainom ako," sabi na lang niya. "Well I guess, you're right pero kahit lasing ka alam kong nagustuhan mo ang halik na iyon," panunuya nito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "I-I need to go. I'm sorry again." Tatalikod na sana siya nang mag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag. "Gianna, nasaan ka? Please come home," bungad agad ni Nora ang kaniyang ina. Kinakabahan siya sa narinig at tila tinakasan siya ng alak sa katawan. "Ok, mom." Binaba niya ang cellphone at nilingon ulit si Gabriel. "I'm sorry again for what happened." "Ganoon na lang ba 'yon? You kissed me and you'll levae me hanging here? Pwede nating ituloy sa bahay niyo? Sa bahay ko?" Seryoso ba ito o gusto lang siyang asarin ng lalaking nasa harap niya. "I'm not Oliver but admit it I'm more good kisser than him." Nanliit ang mga mata niya. Bumuntonghininga siya. "Siguro, hindi na dapat pa tayong magkita Mr. Esguerra dahil ang nangyari ngayon ay dala lamang ng alak sa katawan ko." Seryoso niya itong tiningnan at tumalikod na pero nagsalita ito. "Ihahatid na kita." "No, hindi na kailangan." Pumihit na siya at naglakad palabas sa maingay na silid. Naisuklay niya ang daliri sa sariling buhok. Ano ba kasing nasa isip niya at bigla na lang siyang nanghahalik ng lalaki sa bar? Paglabas niya ng bar bigla na lang may humila sa braso niya. "Ihahatid na kita, you're drunk at baka kung sino pang lalaki ang halikan mo sa daan." Hindi agad siya nakaimik dahil sa gulat sa ginawa ni Gabriel. "H-hindi na nga—" "I insist." Wala na siyang nagawa kung 'di sumakay sa sasakyan ng binata. Bakit ba ang tigas ng ulo nito? Sabing hindi na kailangan dahil kaya naman niya ang kaniyang sarili. Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan habang lulan silang dalawa. Mas lalo lang naging awkward sa kanilang dalawa ang pagitan nila o baka dahil sa nangyari kanina sa loob ng bar. Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Pinagbuksan pa siya ni Gabriel ng pinto ng sasakyan. "T-thank you," nahihiya niyang sabi. "Are you still affected to Oliver?" he asked suddenly. Natigilan siya. Bakit naman biglang natanong nito iyon? "Do I need to answer that?" Ngumiti ito at saka pumamulsa. "Base sa ginawa mo sa bar kanina, mukhang hindi ka pa rin nakakawala sa nakaraan ninyo kahit alam mong ikakasal na siya sa pinsan ko." Saglit siyang yumuko. "Mr. Esguerra kung ano man ang ginawa ko sa bar kanina, I'm sorry I'm too drunk." Bumuntonghininga siya. "Salamat sa paghatid at kung ano man ang totoo, it's none of your business." Tumalikod na siya at naglakad papasok sa bahay. Nadatnan niya ang kaniyang ina na nasa living room na tila kahina pa siyang hinihintay. "Ano'ng nangyari, mom?" agad niyang tanong. "You're dad." "Huh? What happened to him?" "Sinisingil na siya sa malaking utang niya sa kompanya ni Oliver at kapag hindi niya iyon nabayaran, walang magagawa ang daddy mo kung 'di ibenta lahat ng shares niya sa kompanya at kapag nagkataon iyon, mapapatalsik siya sa posisyon niya," naiiyak na pagkwekwento ng kaniyang ina. Natigilan siya. Utang? Paanong nagkautang ang kaniyang ama kay Oliver? "H-hindi ko maintindihan, mom. P-paanong...paano nagkautang si dad sa kaniya?" Bahagyang yumuko ang kaniyang ina. "Dahil sa naluging negosyo ng dad mo kaya inalok siya ni Oliver ng isang investment and he offer a money to him. Nagtiwala siya kay Oliver." Natulala siya. Ano'ng gusto ni Oliver sa pamilya niya?"AYOS KA lang ba talaga, Gianna? Kanina ka pang tahimik," pukaw sa kaniya ni Stella habang nakahalukipkip siya at nakatingin sa kawalan habang nasa opisina siya ni Gabriel. Pumupunta lang ito roon pero hindi siya pinapansin.Bumuntong-hininga siya. "May karapatan bang akong mag-demand, Stella?""Huh?""Sa isang iglap nagbago si Gabriel sa akin. Pakiramdam ko, hindi na siya ang lalaking nakilala ko. Alam kong wala akong karapatang magsalita sa kung paano niya dapat ako itrato dahil utang na loob ko sa kaniya ang lahat. Binili niya ako at lahat ng gusto niya, walang reklamong dapat kong gawin.""Ano bang nangyari?" Kinuwento niya ang lahat. "Masyado naman siyang mababaw. Dahil lang binaggit mo ang pangalan ng kung sino mang babaeng iyon, nagalit na siya? Eh, gag* pala siya, eh. Pagkatapos ka niyang itrato ng maayos tapos ngayon, parang laruan ka niya kung tratuhin.""Pero hindi ba't may karapatan naman siya kung paano niya ako tatratuhin depende sa gusto niya? Pag-aari niya ako at hindi
"let's go for a coffee?"Lumingon si Gianna at nakita niya si Amy na masayang nakangiti sa kaniya. Nawala ang lungkot sa mukha niya at pabalik na ngumiti rito."Ma'am—""Just call me tita, hija," anito saka lumapit sa kaniya at bumeso. "How are you? You look so gorgeous," puri pa nito."Ok lang po. I'm trying to learn everything about business.""Just learn one step at a time, hija."Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng loob niya sa ginang kahit hindi pa naman niya ito lubos na kilala. Gumagaan ang loob niya."Bakit po pala kayo nandito? Hinahanap niyo po ba si Gabriel?" Umiling ito. "No, I'm here for you. Ikaw talaga ang gusto kong makausap.""Ako po?"Tumango ito. "So, let's have coffee?"Sabay na silang lumabas ng opisina ni Amy. Pinasakay na rin siya nito sa kotse nito patungo sa coffee shop na pupuntahan nila."So, kumusta kayo ni Gabriel?" tanong nito habang lulan sila ng sasakyan.May lungkot na lumitaw sa mukha niya. Simula pa kasi nang nagdaang gabi ay hindi pa rin siya ni
HINDI mapakali si Gianna habang paroo't parito siya sa loob ng opisina ni Gabriel. Simula kasi nang umalis ito, hindi na ito bumalik. Nagi-guilty siya dahil alam niyang nagalit ito sa naging tanong niya. Tinawagan at tinext na rin niya ito pero wala siyang reply na na-receive. Matatapos na ang maghapon pero wala pa rin ito."Ma'am, Gianna." Kinabahan siya dahil akala niya'y si Gabriel iyon pero si Dom ang bumungad sa kaniya. "Pinapasabi po ni Sir Gabriel na ako na ang maghahatid sa inyo pauwi.""B-bakit nasaan si Gabriel? Kanina ko pa siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot," nag-aalalang sabi niya."He's on the meeting, Ma'am Gianna at pinasasabi rin niya na baka ma-late na rin siya ng uwi."Mas lalong lumungkot ang mukha niya. Ganoon ba talaga katindi ang galit ni Gabriel sa kaniya dahil sa pagtanong niya tungkol kay Claudia?"Sige. Aayusin ko lang ang mga gamit ko," malungkot na saad niya. Inayos niya ang mga gamit niya at kinuha ang bag, saka sila lumabas ng opisina ni Gabri
NAGTINGINAN lahat ng mga tao sa kompanya nang pumasok si Gianna roon. Nagsimula na rin ang mga bulungan tungkol sa kaniya."Hindi ba't siya ang ex-girlfriend ni Sir Oliver?""Oo nga, bakit siya nandito?""Ang balita ko, siya raw ang bagong shareholder ng kompanya."Hindi siya nagpatinag sa mga narinig, taas noo siyang naglakad sa hallway bitbit ang mamahaling bag na binili ni Gabriel sa kaniya."Good morning, ma'm Gianna," bati sa kaniya ng secretary ni Gabriel. Hindi sila sabay pumunta ng opisina dahil may dadaanan pa ito. Nauna na siya dahil marami pa siyang bagay na dapat gawin at aralin tungkol sa pagiging shareholder ng kompanya.Kakapasok pa lang niya sa opisina, nasundan agad siya ng mag-ina si Madison at Yena. Matatalim ang mga mata na parang lalamunin siya ng buhay."Kapal talaga ng mukha mo para ibalandra sa lahat ang pagiging shareholder mo," inis na sabi ni Madison."Alam mo, Gianna hindi ka naman nababagay sa lugar na ito. You do not belong here dahil wala ka namang yaman
"WHAT are you planning to do, Gabriel? Hindi mo ba alam ang pwedeng mangyari sa ginawa mo?" nababahalang sabi ni Irene kay Gabriel nang makapasok siya sa opisina ng ina. "You're risking your position in the company because of that girl, alam mo ba 'yon?"Bumuntong-hininga siya at umupo sa sofa habang kaharap ang ina. "Mom, I know what I'm doing, ok? I just need you to trust me.""Paano ako magtitiwala sa iyo kung nilagay mo sa panganib ang posisyon mo, ang kinabukasan mo.""Mom, sa tingin mo just because I'm going to marry, Gianna makukuha nila ang gusto nila? Hindi ako papayag na kunin ulit nila ang para sa atin. Tapos na tayo sa pagiging tahimik, it's payback time, sa lahat ng kasalanang ginawa nila sa pamilya natin." Kita ang galit sa kaniyang gwapong mukha."P-pero paano ka? Alam natin ang kaya nilang gawin para makuha ang posisyon mo at mapatalsik tayo sa kompanya. They have the connection and power.""I know, mom that's why I'm creating my own connection and power na ilalaban ko
"KAYA ko ba?" mahinang bulong ni Gianna habang nakatingin siya sa malaking salamin sa loob ng rest room ng company. Nararamdaman niya ang pangangatal niya dahil sa nakakatakot na tingin sa kaniya nga mga taong hindi natutuwa sa pagpasok niya sa kompanya."Do you think naka-jackpot ka na kay Kuya Gabriel?"Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Madison na galit na galit."Madison.""What do you think you're doing, Gianna? Talaga bang ganiyan ka na kadesperada para magpagamit kay Kuya Gabriel, for what? Para sa pera?" Ngumisi ito. "Mali ka nang taong kinapitan, Gianna dahil hindi mo kilala kung sino siya. He's evil. Heartless. Ruthless. Kaya kung iniisip mong naka-jackpot ka na, nagkakamali ka dahil sa huli, itatapon ka lang din niya na parang basura."Hindi agad siya nakasagot. Mali nga ba ang taong hiningan niya ng tulong? Umiling siya. Agad niyang tinago ang doubt at takot sa mukha niya. Kailangan niyang maging matapang sa harap ng mga taong nagpahirap sa kaniyang pamilya."I
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments