Share

Chapter 80

Penulis: Roseblue
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-07 07:05:09

"A...ang, ang tubig," mahinang bulong ni Elara.

Namumutla ito habang parang may kung anong malamig na hangin na dumaan sa kaniyang likuran. Unti-unting nanlalaki ang mga mata niya, naalala nito na siya ang nagbigay ng tubig kay Lia. Ngunit wala siyang kaalam-alam kung ano ang laman ng basong nakita lamang niya sa lamesa at iniabot kay Lia.

Dahan-dahang napatingin si Marco sa kaniya. Kitang-kita nito ang kaba sa reaksyon ng mukha ni Elara.

"Elara," tanong nito nang marinig ang bulong ng kaniyang asawa. Unti-unting nag-iiba ang timbre ng boses nito. "A...anong tubig? Ano ang meron sa tubig na sinasabi mo?"

"Ka...kasi, Marco, kanina nang sinabi ni Lia na gusto niya ng tubig nataranta na ako at hindi ko na siya nakuhanan ng malinis na tubig," utal-utal niyang pagkukwento sa mga nangyari. Ang takot sa boses ni Elara ay damang dama. "Pe...pero wala akong nilagay. Tanging ang isang baso ng tubig lang na nasa lamesa ang kinuha ko at agad na ibinigay sa kaniya."

Nanginginig ang mga kamay
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 81

    Natahimik ang buong paligid tanging ang hikbi lamang ni Elara ang maririnig at ang ingay ng mga taong nag-uusap sa paligid nila. Sa kabila ng katahimikan ni Marco at Elara ay ang napakalakas na parang bagyong may humahagupit sa kalooban niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Ang mga luhang kanina ay tumigil na, muli na namang nagsibagsakan. Ang matahimik nilang paligid na sa dibdib niya ay oarang may isang libong bubog na humuguhit, parang may bagyo, kulog at kidlat na bumabalot. Hindi mapigilan, at kahit na punasan lamang iyon ay hindi niya magawa sapagkat wala na siyang lakas. Hindi na niya magawang magsalita, pilit niyang kinikilos ang sarili niya upang makaalis na sa kinatatayuan niya ngunit hindi niya magawa. Parang biglang nawala ang boses niya upang maipangtanggol ang kaniyang sarili dahil sa halos pagsasalita niya ay siya namang pangbabara ni Marco sa kaniya. 'Wala tayong anak...'Isa, dalawa, tatlo, hindi maibilang kung ilang beses na nag-iingay ang salitang iyon sa

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 80

    "A...ang, ang tubig," mahinang bulong ni Elara. Namumutla ito habang parang may kung anong malamig na hangin na dumaan sa kaniyang likuran. Unti-unting nanlalaki ang mga mata niya, naalala nito na siya ang nagbigay ng tubig kay Lia. Ngunit wala siyang kaalam-alam kung ano ang laman ng basong nakita lamang niya sa lamesa at iniabot kay Lia. Dahan-dahang napatingin si Marco sa kaniya. Kitang-kita nito ang kaba sa reaksyon ng mukha ni Elara. "Elara," tanong nito nang marinig ang bulong ng kaniyang asawa. Unti-unting nag-iiba ang timbre ng boses nito. "A...anong tubig? Ano ang meron sa tubig na sinasabi mo?" "Ka...kasi, Marco, kanina nang sinabi ni Lia na gusto niya ng tubig nataranta na ako at hindi ko na siya nakuhanan ng malinis na tubig," utal-utal niyang pagkukwento sa mga nangyari. Ang takot sa boses ni Elara ay damang dama. "Pe...pero wala akong nilagay. Tanging ang isang baso ng tubig lang na nasa lamesa ang kinuha ko at agad na ibinigay sa kaniya." Nanginginig ang mga kamay

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 79

    Tahimik lang si Elara habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test. Nanginginig ang mga daliri niya sa sobrang kaba. Parang buong mundo niya ay nakabitin sa isang papel.“Congratulations, Mrs,” ngumiti ang doktor. “You’re around six weeks pregnant.”Parang huminto ang oras.Hindi siya agad nakapagsalita. Nangingilid ang luha sa mata niya hindi niya alam kung ito ba'y luha ng tuwa, ng takot, o ng matinding kalituhan. Ang dibdib niya ay parang pinipiga. Isang saglit, parang may liwanag. Sa kasunod, parang may aninong gumagapang sa puso niya.Basta ang alam niya lang, may buhay sa loob niya. Buhay na bunga ng pagmamahal… o siguro, ng isang damdaming sinubok, sinaktan, at pinilit isalba.'Bu...buntis din ako...' bulong niya sa sarili. Nanginginig ang boses niya. Pumikit siya ng mariin, pilit pinipigilan ang pagsabog ng emosyon.Hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa, maiyak, o matakot. Pero isang bagay ang sigurado hindi ito ang tamang panahon. Hindi ito ang perpektong sandali. Pe

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 78

    Habang naglalakad palayo si Elara, damang-dama ni Marco ang lamig ng kilos nito. Hindi siya sumigaw, hindi siya nagtalo pero mas mabigat ang katahimikan kaysa anumang salitang pwedeng ibato. Ramdam ni Marco ang distansyang unti-unting namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi dahil sa kawalan ng pagmamahal, kundi sa paulit-ulit na pagkiling niya sa maling tao.Sa labas, muli na namang napangisi si Lia nang masilip mula sa bintana ang tagpong iyon. “Unti-unti na talaga,” bulong niya sa sarili. “Hindi ko na kailangang gumawa ng malaking ingay. Si Elara na mismo ang sumusuko.”Pero sa loob ni Elara, hindi pagsuko ang dahilan ng kanyang pananahimik kundi pagod. Pagod sa paulit-ulit na pagsisikap maging maunawain. Pagod sa pagiging pangalawa sa desisyon kahit pa siya ang asawa.Lumipas ang mga araw at dumating na ang oras ng gender reveal party ni Lia at Marco. Walang ibang inimbitahan si Marco kundi ang pamilya lang niya habang si Lia naman ay halos lahat ng mga kaibigan nito ay naroon. "How

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 77

    Tumahimik ang paligid. Tanging tunog ng mabibigat na hininga ni Marco at paghikbi ni Elara ang naririnig.Matapos ang ilang segundo ng katahimikan, humakbang paatras si Elara. "Hindi ko gustong awayin ka, Marco. Hindi ko gustong dumating sa puntong ganito tayo magsisigawan. Pero mahirap din kasi saakin." Napangisi si Lia nang marinig ang pagtatalo ng mag-asawa. Napangisi si Lia nang marinig ang pagtatalo ng mag-asawa. Tahimik lamang itong nakikinig sa kanila. Dala-dala nito ang telepono niya kung saan nag-re-record siya sa away ng dalawa. Sarap na sarap itong naririnig ang pagtatalo nina Elara at Marco. Para itong musika sa kaniyang mga tenga. "Tama nga ako," bulong niya sa sarili. "Hindi rin sila magtatagal. Lalo na't ako ang dahilan ng gulo nila. Hindi ko inaakala na magiging ganito ka bilis silang magkakaroon ng lamat sa relasyon." Dahan-dahan siyang lumayo, walang ingay, walang bakas na nandoon siya. Hindi niya kailangan makialam pa. Sapat na ang narinig niya ang mga bitak sa

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 76

    Pagkaalis nila Marco at Lia para sa checkup, naiwan si Elara sa bahay, tahimik at nag-iisa sa kanilang sala. Gusto niyang ibaling ang atensyon sa ibang bagay pero kahit anong gawin niya, bumabalik at bumabalik sa isip niya ang mga kilos ni Lia at ang pagsang-ayon ni Marco sa bawat hiling nito.Muli siyang napaupo sa sopa, hawak ang cellphone. Pinag-isipan niyang tawagan si Marco, pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang maging mukhang selosa. Ayaw niyang umabot sa puntong masakal si Marco sa mga tanong niya. Pero ang totoo, nasasaktan na siya.Habang hinihintay nila sa loob ng clinic ang tawag ng OB, napansin ni Marco ang tahimik na si Lia. "Okay ka lang ba? Parang balisa ka."Ngumiti si Lia. “Excited lang siguro. Iniisip ko kung lalaki o babae ‘tong baby ko. Alam mo ba, minsan naiisip ko paano kaya kung ikaw pa rin ang kasama ko sa pagbuo ng pamilya?”Natigilan si Marco. "Lia, I am only doing this for and because of the baby." "Sorry," sagot ni Lia, pero hindi siya tumigil. "Per

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status