LOGINElara Ramirez was once at the peak of fame—adored, successful, and fulfilling her dream of being a top model. But a betrayal changed everything. His name was dragged into the scandal, his career was ruined, and he was left drowning in debt. Desperate to survive, she is forced to make a deal with Marco Lopez, a powerful and ruthless man who holds the key to her survival. Marco offers her a way out, paying off her debts, but at a cost—one that binds her to him in a way she never expected. As Elara moves into Marco's world, she is caught between her desperation and the dangerous attraction that develops between them. Is Marco truly her savior, or is she walking into a deal that will cost her more than she bargained for? Trapped in a life she never imagined, Elara must navigate a web of power, secrets, and emotions. Will she find a way out, or will she lose herself to Marco's control?
View MoreTahimik na sinundan ni JP si Marco. Hindi niya inisip na lapitan kaagad ang kuya niya. Nanatili siyang nakatayo sa likod ng isang puno na kung saan tanaw-tanaw niya ito.Walang kahit na anong emosyon ang mukhang pinagmamasdan niya si Marco. Tahimik lamang siyang nakasandal sa puno, pilit pinipigil ang sariling hindi malunod sa bigat ng sitwasyon. Ang dibdib niya mabigat, pero hindi niya alam kung bakit mas masakit ito kaysa sa inaasahan niya.May kung ano sa kaniyang kalooban ang nasasaktan at para bang nararamdaman niya ang parehong sakit na bumabalot sa kuya niya. Nakikita niya ang bawat paghinga ni Marco mabigat, mabilis, at minsan ay putol-putol. Nakikita niya ang pagkunot ng noo nito, ang pamumula ng mata, ang panginginig ng daliri habang sinasabayan ng luha ang pag-agos ng alak sa bote.Hindi niya kayang lapitan. Hindi niya kayang magsalita. Alam niyang kahit anong sasabihin niya ay hindi makakapuno sa malaking butas na binuksan ng kasinungalingan at maling akala. Pero hindi rin
Ginawa nga ni Marco ang kaniyang sinabi. Dala ng pera at kapangyarihan,agad niyang napasunod at nakapag-utos ng sa kaniyang mga empleyado. Mabilisang pumunta naman ang mga tinawagan niyang event and trend coordinator na pumunta sa resort. Naisipan nilang mag-expand ng place para magawa ang ibang mga plano. Gumawa ng panibagong pakulo ang team coordinator at designer na kinuha ni Marco. Hindi agad iyong matatapos. Kinailangan pa nilang maghintay ng ilang mga araw. Sa paglipas ng mga araw ay hindi nga nagkamali ang desisyon ni Marco na mag-invest ng malaking pera para sa resort. Naging sikat itong muli. Malaki ang perang kinita ng resort at muling nabalik ang lahat ng pera na ginastos ni Marco sa loob ng dalawang araw at gabi lamang. Simula nang sinimulan ang paggawa ng resort ay araw-araw ring pabalik-balik si Marco roon hanggang sa kumita na ito muli ng malaki. Hindi na rin nila napag-usapan ang tungkol kay Elara dahil kahit papano ay nabuhos ang lahat ng atensyon ni Marco sa pa
Sa tuwing umaayon ang tadhana sa pabor ni Elara ay siya namang kasawian na dulot nito sa buhay ni Marco. Kahit na anong pagsisisi at paghingi ng tawad ang gawin niya ay mukhang hindi na talaga siya kayang patawarin ng babaeng mahal niya. Malaki man ang pagnanais niyang gawin ang lahat ng mga hindi niya nagawa kay Elara noon ngunit labis siyang pinagkakaitan ng tadhana. Kung kailan malapit na niya itong makita agad naman itong umalis nang walang paalam. Gusto niyang gampanan ang kaniyang tungulin bilang asawa nito hindi lamang dahil iyon ang titulo niya sa kaniya kundi dahil sa labis na pagmamahal niya sa babaeng nakapagpabago sa kaniya. Hindi lamang iyon ang kaniyang nais na magawa, nais din niyang maging ama sa mga anak niya. Seryosong nagmamaneho ng kotse si Marco patungo sa Concepcion. Nagbabaka-sakali ito na makita si Elara roon dahil maaaring nakauwi na siya sa kung nasaan man sila. Hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na siya dahil sa pananabik. May kung ano sa kaniyang pa
Halo-halong emosyon ang tumapos sa gabi ni Elara. Parang naging isang emosyonal na araw ang pinagdaanan niya ngunit nagtapos din ito ng masaya dahil sa mga anak niya. Kinabukasan, hindi masyadong maaga siyang gumayak dahil ang mga chief na ang nagluto para sa restaurant. Ang trabaho na lamang niya ay tikman kung tama ba ang pagkakaluto nila sa recipe niya. Si Andrea na rin ang naging abala sa pagmo-monitor ng customers habang si Tyler naman ay tumutulong din sa pagma-manage. Tuluyan na ring nakaalis si Mrs. Jacklyn kaya si Tyler na ang bagong business partner ni Elara. Magkasabay na gumayak si Elara at Andrea dahil sabay na rin silang papasok. Una munang inayusan ni Elara ang kambal bago siya tuluyang gumayak. Nang matapos sila, agad na rin silang pumunta sa estasyon ng bus dahil medyo malayo-layo ang bahay nila sa restaurant. Wala si Tyler dahil may kaso siyang pinapatakbo.Habang nasa bus sila ay pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa dalawang batang nakakakuha ng atensyon. Si A

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews