Share

Chapter 148

Penulis: Roseblue
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-27 06:40:38

Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang buong sistema ni Marco nang marinig ang sinabi ni JP. Ang masakit nitong ulo, mahinang katawan, at umiikot na isipan ay biglang umayos at bumalik sa dating lagay nito.

Parang naging mabisang gamot ang mga salita ni JP sa kaniyang hangover na bigla na lang nawala. Ang dugo sa katawan niya ay dumaloy ng masigla at ang bilis ng tibok ng kaniyang puso ay halos hindi na maipinta. Para bang biglang naubusan ng hangin ang paligid, nabingi na ito sa ingay na mayroon ang natural na mundo sapagkat tanging ang mabilis ng tibok ng kaniyang puso lamang ang naririnig niya.

Nanlaki ang mga mata ni Marco. Hindi ito agad na nakapagsalita dahil nahihirapan pa siyang iproseso ang lahat sa utak niya. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Kung magtatanong na ba agad siya kung nasaan mismo ang lokasyon ni Elara at ng anak nila o kung magpapasalamat siya kay JP.

Maraming tanong ang bumabalot at naglalaro sa isipan niya. Lahat ng iyon ay nais niyang mab
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 148

    Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang buong sistema ni Marco nang marinig ang sinabi ni JP. Ang masakit nitong ulo, mahinang katawan, at umiikot na isipan ay biglang umayos at bumalik sa dating lagay nito. Parang naging mabisang gamot ang mga salita ni JP sa kaniyang hangover na bigla na lang nawala. Ang dugo sa katawan niya ay dumaloy ng masigla at ang bilis ng tibok ng kaniyang puso ay halos hindi na maipinta. Para bang biglang naubusan ng hangin ang paligid, nabingi na ito sa ingay na mayroon ang natural na mundo sapagkat tanging ang mabilis ng tibok ng kaniyang puso lamang ang naririnig niya. Nanlaki ang mga mata ni Marco. Hindi ito agad na nakapagsalita dahil nahihirapan pa siyang iproseso ang lahat sa utak niya. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Kung magtatanong na ba agad siya kung nasaan mismo ang lokasyon ni Elara at ng anak nila o kung magpapasalamat siya kay JP. Maraming tanong ang bumabalot at naglalaro sa isipan niya. Lahat ng iyon ay nais niyang mab

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 147

    Tahimik na sinundan ni JP si Marco. Hindi niya inisip na lapitan kaagad ang kuya niya. Nanatili siyang nakatayo sa likod ng isang puno na kung saan tanaw-tanaw niya ito.Walang kahit na anong emosyon ang mukhang pinagmamasdan niya si Marco. Tahimik lamang siyang nakasandal sa puno, pilit pinipigil ang sariling hindi malunod sa bigat ng sitwasyon. Ang dibdib niya mabigat, pero hindi niya alam kung bakit mas masakit ito kaysa sa inaasahan niya.May kung ano sa kaniyang kalooban ang nasasaktan at para bang nararamdaman niya ang parehong sakit na bumabalot sa kuya niya. Nakikita niya ang bawat paghinga ni Marco mabigat, mabilis, at minsan ay putol-putol. Nakikita niya ang pagkunot ng noo nito, ang pamumula ng mata, ang panginginig ng daliri habang sinasabayan ng luha ang pag-agos ng alak sa bote.Hindi niya kayang lapitan. Hindi niya kayang magsalita. Alam niyang kahit anong sasabihin niya ay hindi makakapuno sa malaking butas na binuksan ng kasinungalingan at maling akala. Pero hindi rin

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 146

    Ginawa nga ni Marco ang kaniyang sinabi. Dala ng pera at kapangyarihan,agad niyang napasunod at nakapag-utos ng sa kaniyang mga empleyado. Mabilisang pumunta naman ang mga tinawagan niyang event and trend coordinator na pumunta sa resort. Naisipan nilang mag-expand ng place para magawa ang ibang mga plano. Gumawa ng panibagong pakulo ang team coordinator at designer na kinuha ni Marco. Hindi agad iyong matatapos. Kinailangan pa nilang maghintay ng ilang mga araw. Sa paglipas ng mga araw ay hindi nga nagkamali ang desisyon ni Marco na mag-invest ng malaking pera para sa resort. Naging sikat itong muli. Malaki ang perang kinita ng resort at muling nabalik ang lahat ng pera na ginastos ni Marco sa loob ng dalawang araw at gabi lamang. Simula nang sinimulan ang paggawa ng resort ay araw-araw ring pabalik-balik si Marco roon hanggang sa kumita na ito muli ng malaki. Hindi na rin nila napag-usapan ang tungkol kay Elara dahil kahit papano ay nabuhos ang lahat ng atensyon ni Marco sa pa

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 145

    Sa tuwing umaayon ang tadhana sa pabor ni Elara ay siya namang kasawian na dulot nito sa buhay ni Marco. Kahit na anong pagsisisi at paghingi ng tawad ang gawin niya ay mukhang hindi na talaga siya kayang patawarin ng babaeng mahal niya. Malaki man ang pagnanais niyang gawin ang lahat ng mga hindi niya nagawa kay Elara noon ngunit labis siyang pinagkakaitan ng tadhana. Kung kailan malapit na niya itong makita agad naman itong umalis nang walang paalam. Gusto niyang gampanan ang kaniyang tungulin bilang asawa nito hindi lamang dahil iyon ang titulo niya sa kaniya kundi dahil sa labis na pagmamahal niya sa babaeng nakapagpabago sa kaniya. Hindi lamang iyon ang kaniyang nais na magawa, nais din niyang maging ama sa mga anak niya. Seryosong nagmamaneho ng kotse si Marco patungo sa Concepcion. Nagbabaka-sakali ito na makita si Elara roon dahil maaaring nakauwi na siya sa kung nasaan man sila. Hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na siya dahil sa pananabik. May kung ano sa kaniyang pa

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 144

    Halo-halong emosyon ang tumapos sa gabi ni Elara. Parang naging isang emosyonal na araw ang pinagdaanan niya ngunit nagtapos din ito ng masaya dahil sa mga anak niya. Kinabukasan, hindi masyadong maaga siyang gumayak dahil ang mga chief na ang nagluto para sa restaurant. Ang trabaho na lamang niya ay tikman kung tama ba ang pagkakaluto nila sa recipe niya. Si Andrea na rin ang naging abala sa pagmo-monitor ng customers habang si Tyler naman ay tumutulong din sa pagma-manage. Tuluyan na ring nakaalis si Mrs. Jacklyn kaya si Tyler na ang bagong business partner ni Elara. Magkasabay na gumayak si Elara at Andrea dahil sabay na rin silang papasok. Una munang inayusan ni Elara ang kambal bago siya tuluyang gumayak. Nang matapos sila, agad na rin silang pumunta sa estasyon ng bus dahil medyo malayo-layo ang bahay nila sa restaurant. Wala si Tyler dahil may kaso siyang pinapatakbo.Habang nasa bus sila ay pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa dalawang batang nakakakuha ng atensyon. Si A

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 143

    Nanlaki ang mga mata ni Elara nang marinig ang sinabi ni JP.Napalunok ito at hindi kaagad nakabawi sa gulat dahil hindi inaasahan ang balitang isinaad sa kaniya. Alam ni Elara na tumutulong si Marco sa resort dahil minsang siya rin ang nakaayos sa naging problema nito noon ngunit sa ngayong nananahimik na siya, saka naman ito muling nagparamdam sa kaniya. "A...ano? Bakit? Paano?" "Pasensya kana, ate, kasi kahapon pumunta siya rito para magtanong kung nasaan ka nalaman kasi namin na parati din pala talaga siyang nagbabakasakali na makita ka niya ulit dito," kwento ng bakla mula sa kabilang linya. "Sinabi rin ni Nanay Esther sa kaniya ang pinapasabi mo saka hindi sinasadyang naisiwalatko kay Kuya Marco ang problema ng resort natin. Pasensya na ulit, ate." Hindi nakasagot kaagad si Elara. Parang nawala ang lahat ng dugo sa kaniyang katawan dahil sa panlalamig nang malaman ang ginawa ng taong higit na kaniyang kinakamuhian. "Heloo, ate, nandyan ka paba?" tanong nito mula sa kabilang l

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status