Share

Chapter 93

Penulis: Roseblue
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-22 11:36:24

Kinaumagahan, maagang gumising si Elara para magluto ng umagahan nila. Napagdesisyunan kasi nina Thea, Elara, Nanay Esther, at Jp na hindi na muna si Elara maglalako ng mga ulam dahil magpapatingin sila sa kalagayan ni Nanay Esther sa munisipyo. Libre kasi ang check-up doon at sasabay na rin sina Thea at Elara.

Kailangan na rin na magpa-ultrasound ni Elara lalo na si Thea dahil malapit na itong manganak. Medyo nakikita na rin ang umbok ng tyan ni Elara dahil malapit na ring mag isang buwan ang pagbubuntis nito.

Nang makarating sila sa munisipyo, ay sakto naman na wala pa masyadong mga tao kaya nakaramdam sila ng ginhawa. Medyo maingay dahil sa mga tao, mainit, at masikip dahil hindi naman ganoon kalaki ang ispasyo. Pagkabukas ng clinic ng doktor ay nauna nang pumasok si Nanay Esther na sinamahan naman ni Jp.

Hindi nagtagal ay tinawag narin si Elara at Thea para sabay na silang tingnan kasi saktong dalawa ang OB. Pinaupo na sila agad sa ospital bed saka itinaas ang damit na suot ni
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 93

    Kinaumagahan, maagang gumising si Elara para magluto ng umagahan nila. Napagdesisyunan kasi nina Thea, Elara, Nanay Esther, at Jp na hindi na muna si Elara maglalako ng mga ulam dahil magpapatingin sila sa kalagayan ni Nanay Esther sa munisipyo. Libre kasi ang check-up doon at sasabay na rin sina Thea at Elara. Kailangan na rin na magpa-ultrasound ni Elara lalo na si Thea dahil malapit na itong manganak. Medyo nakikita na rin ang umbok ng tyan ni Elara dahil malapit na ring mag isang buwan ang pagbubuntis nito. Nang makarating sila sa munisipyo, ay sakto naman na wala pa masyadong mga tao kaya nakaramdam sila ng ginhawa. Medyo maingay dahil sa mga tao, mainit, at masikip dahil hindi naman ganoon kalaki ang ispasyo. Pagkabukas ng clinic ng doktor ay nauna nang pumasok si Nanay Esther na sinamahan naman ni Jp. Hindi nagtagal ay tinawag narin si Elara at Thea para sabay na silang tingnan kasi saktong dalawa ang OB. Pinaupo na sila agad sa ospital bed saka itinaas ang damit na suot ni

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 92

    Isang masiglang umaga ang bumungad kina Elara at Thea. Mas maaga silang nagising sapagkat ngayon ang unang araw na kung saan magbebenta sila ng mga ulam. Si Elara ang nagluluto habang si Thea naman ay nag-aayos ng mga sangkap na gagamitin nila. Naisipan ni Elara na magluto ng manok na chicken curry, estufado, at sarsiado. Sa gulay naman, nagluto siya ng adobong ugat ng gabi at ginataang gabi. Katangian na ni Elara na masarap itong magluto kaya iyon ang naisip niyang gawin. Nang matapos na sa pagluluto at pagbabalot sina Elara at Thea ay sakto namang papataas na ang araw. Lumabas na sila upang ilako ang mga niluto ni Elara. Nang makalabas sila ay agad silabg sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Tumungo muna sila sa bahay ni Nanay Esther para iwanan ang ulam nila. "Nay, magandang umaga po," bati ni Elara saka iniabot ang mangkok na dala nila. "Narito na po ang ulam niyo. Maglalako muna kami ni Thea.""Aba'y salamat sainyo. Gusto ba niyong samahan ko muna kayo?" nakangiting tanon

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 91

    Sa kabila ng mapayapa nang buhay na nahanap ni Elara sa kung nasaan siya ngayon ay ang miserableng paghahanap naman ni Marco sa kaniya. Halos gabi-gabi na lang ay hindi siya makatulog upang magtanong nang magtanong sa mga imbestigador na kinuha niya upang hanapin ang kaniyang asawa. Halos lahat ay ginawa na niya, tinawagan na niya si Elara saka pinadalhan ng mensahe ngunit wala siyang nakuhang sagot mula sa kaniya. Napapikit si Matco habang nakaupo sa loob ng sasakyan. Pinuntahan niya na ang lahat ng mga posibleng lugar na kung saan pinupuntahan ni Elara ngunit kahit isa ay wala siyang nakita. Tahimik na nakaupo si Marco sa loob ng opisina niya. Malalim ang iniisip nito at parang wala sa sarili, halatang may dinadamdam siyang problema. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok sina Chloe, Anaya, Troy, Nathan, at Andrea ngunit hindi man lang iyon napansin ni Marco.Sinalubong sila ng tahimik na opisina, tanging tunog lamang ng aircon at orasan ang maririnig sa loob. Nagkatinginan ang ma

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 90

    "Anong iniisip mo, Ate?" tanong ni Thea nang mapansing malalim ang iniisip ni Elara. Nabalik sa ulirat si Elara nang marinig ang tanong na iyon ni Thea at maramdaman ang pagtapik nito sa kaniya. "Wala naiisip ko lang ang pera na gagamitin natin para sa mga gamit ng magiging anak mo at ng anak ko. Ang pang-ospital saka pang-araw-araw na pagkain natin." Isiniwalat na ni Elara kay Thea ang problema nito dahil sa reyalidad lang ay iyon talaga ang una nilang pangangailangan lalo't may paparating na bagong buhay hindi lamang sa kaniya kundi pati na rin kay Elara. Magiging higit pa sa triple ang gastos nila. "Iyan nga rin po ang naiisip ko, Ate," mahinang saad ni Thea, sa tinig nito ay halo ang kompyensa sa naipon at hiya dahil ang pera niya ay pansarili lamang niya. "Ate, may naipon ako at alam kong tamang-tama iyon sa panganganak ko."Kahit papano ay nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elara. Sa ngayon, ang pang-araw-araw na muna nilang gastos ang kailangan nila ni Thea na pag-isipan kung

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 89

    Habang ang araw ay unti-unting sumisikat at ang malamig na simoy ng hangin na mula sa dagat at mga puno ay pumapasok sa bintana ng maliit na silid ni Elara na payapang gumising sa kaniya. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga na mayroong ngiti sa labi. Tumayo siya at inayos ang kaniyang sarili. Dumiretso agad ito sa bintana ng bahay nila at ang ngiti sa labi ay totoo at payapa. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. Isang masayang umaga sa buhay ng probinsiya ang sumalubong kina Thea at Elara sa Concepcion. Naging maayos at maaliwalas ang unang gabi nila sa probinsiya. "Magandang umaga, Ate," bati sa kaniya ni Thea na kagigising lang din. Nginitian niya si Thea saka nilapitan. "Magandang umaga rin, kamusta ang tulog mo?" "Mabuti naman po. Ang aga mong magising ate," sagot ni Thea habang nag-unat-unat pa."Nagising kasi ako dahil sa malamig na hanging tumama saakin. Iba talaga itong hangin na sariwa sa probinsya kumpara sa siyudad," masayang sagot ni Elara. "Ikaw

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 88

    Habang payapa na si Elara sa Concepcion, si Marco naman ay hindi halos matahimik ang isipan. Sa bawat pagpikit niya ng kaniyang mga mata, tanging ang mga reaksyon ng mukha ni Elara ang nakikita niya. Simula noong masaya siya dahil sa ginawa niya sa asawa hanggang sa kung paano ito nasaktan nang mawalan sila ng anak at sa ospital. Sa ospital kung saan binato niya ng mga matatalim at masasakit na salita ang kaniyang asawa na nagiing dahilan upang ngayon siya ay nahihirapan sapagkat wala na ang pinakamamahal niya. Gulong-gulo si Marco habang nakaupo sa swivel chair ng kaniyang opisina. Iniisip nito kung ano ang bagay na susunod niyang gagawin upang mahanap ang asawa niya. Napahawak si Marco sa sentido niya habang mariing pumipikit, pilit na pinipigilan ang pagsabog ng kaniyang emosyon. Namumugto ang mga mata nito dahil sa puyat, tuyo na rin ang mga mata niya dahil sa gabi-gabing pagiyak. Isa siyang abogado at lahat ay nalulusutan niya sa korte. Lahat ng problema ng kaniyang mga kliyen

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status