There was a moment of silence in the room before Tempest creased her forehead when Cohen suddenly chuckled. Hindi naman siya nagbibiro pero sa base sa inakto ng lalaki, ramdam niyang hindi siya nito sineseryoso.
“Really?” Cohen stated.
“Tingin mo nag-aksaya ako ng oras para lang puntahan ka rito at makipagbiruan?” pabalik na tanong ni Tempest. “Kung hindi mo ibibigay ang matamis mong oo sa proposal ko, okay lang naman. Pwede pa rin naman kitang ligawan.”
Tiningnan lang siya ni Cohen habang nag-iisip ng mga rason kung bakit bigla-bigla siyang lalapitan ni Tempest at aalukin siya ng kasal. Sa kaniyang pagkakaalam, hindi naman nagkakaproblema sa kumpanya ng lolo ng dalaga kaya wala itong dahilan upang mag-propose ng kasal.
“You know what, diretsuhin mo na lang ako. Pinaka-ayaw ko pa naman ang mga taong ginagamit lang ako,” saad ng binata.
"Ano pa bang diretso ang gusto mong marinig? Sinabi ko na 'di ba na gusto kong pakasalan mo ako."
"Not that, Miss Williams. Ang gusto kong marinig mula sa iyo ay ang dahilan kung bakit gusto mong magpakasal."
Napairap na lamang si Tempest nang umiwas siya ng tingin. Hindi niya mawari kung magsasabi ba siya ng totoo o hindi. Basta ang alam niya ay natatakot siyang hindi mabayaran ang utang niya sa mafia boss. Makalipas ang ilang minuto, muli niyang tiningnan si Cohen diretso sa mata.
"Fine. Iyon ang kahilingan ng lolo ko. Ano? Is that reason enough?"
Umiling si Cohen habang nakatingin sa mga rosas na binigay ng dalaga. Naiintindihan naman niya ang rason ni Tempest lalo na at isang mayamang businessman ang lolo niya. At dahil alam niyang walang interes ang dalaga sa pag-aasikaso ng kumpanya, tanging pagpapakasal na lang ang naiiwang solusyon.
"What would be the consequence if you won't get married?" he asked further, which made Tempest quiet for a while.
"Hindi ko makukuha ang mana ko. Ano? Satisfied ka na? Kung oo, halika na at kukuha tayo ng marriage license."
Napaisip sandali si Cohen. Tinatanong nito ang sarili kung ano ba ang makukuha niya sa pagpapakasal sa babaeng hindi naman nakakuha ng interes niya. Bukod sa pera, wala na siyang maisip na pwedeng maging mabuting dulot ng pag-aasawa niya. And for him, he had of no need of the Williams' money since he was already earning billions with his casinos. He put the flowers aside and leaned on his seat before staring back at Tempest.
"Sorry, Miss Williams, but I would have to say no to your proposal. Wala akong mapapala sa magiging relasyon natin kaya maghanap ka na lang ng iba," saad nito.
Napabuntong hininga naman ang dalaga saka ito muling tumayo. Inaasahan na niya ang ganitong resulta kaya naman hindi na siya nagulat.
"Bukod sa wala kang mapapala sa akin, ano pa ang mga rason mo?" tanong nito. Kita sa kaniyang mga mata na wala siyang balak sukuan ang binata.
"First, I do not want any kind of serious commitment with women which includes having an official girlfriend and a wife. Second, ayokong mawala sa akin ang kalayaan kong mambabae. Third, I doubt that your grandfather would even approve of me. Ikaw ang nag-iisa niyang apo kaya imposibleng papayag siyang magpakasal ka sa babaerong katulad ko. I think those are enough grounds to reject your proposal."
Tumango-tango naman si Tempest sa mga sinabi ng binata dahil may sense naman. Sa apat na rason na binanggit, ang pinakauna ang mahirap masolusyunan. Ano nga ba ang mapapala ni Cohen sa pagpapakasal kay Tempest?
"Don’t you want to take over my grandfather’s company?” tanong ng dalaga.
Umiling si Cohen habang nakatingin sa mga rosas.
“I already have Heraclion so there is no need to take over another company. Anyway, if you have nothing else to say, you can see yourself off.”
Wala nang ibang magawa si Tempest dahil nahihirapan din siyang makapag-isip ng isang magandang dahilan upang pakasalan siya ni Cohen. Kaya naman sa oras na iyon ay aatras muna siya pero hindi ibig sabihin noon ay susuko na siya. Naglakad na siya papunta sa pinto pero bago niya pa mabuksan iyon, nagsalita ang CEO.
“When you have thought of a good deal, you can come back and propose it to me. If it satisfies me, then I will marry you.”
Akmang aalis na sana ang dalaga ngunit muli siyang tinawag ni Cohen.
“Miss Williams. I just want to give you a heads-up that it won’t be easy to carry my name. So, while you have the chance, you can back out any time before it’s too late.”
Hindi na nagsalita pa ang dalaga at agad na siyang umalis sa opisina ni Cohen. Isang ngiti ang nakaguhit sa kaniyang mga labi dahil marami pa siyang mga pagkakataon para makuha ang oo ng binata. Hindi niya binigyang-pansin ang babala ng CEO dahil sa tingin niya ay kakayanin niyang maging Mrs. Lovato kahit ano man ang mangyari. Nang makarating siya sa parking lot, isang tawag mula kay Medea ang natanggap niya.
“Bakit?” agad niyang tanong nang sagutin niya ito.
“Nasaan ka ngayon?” pabalik na tanong ni Medea.
Napansin agad ni Tempest ang tila may halong kaba na boses ng kaibigan kaya naman nagtaka na agad siya.
“Hoy, babaita. Anong nangyari at parang nanginginig ka diyan? Ano na namang gulo ang pinasok mo?”
“Ganito kasi iyon… huwag kang magagalit ha. Kanina kasi may bumisita at alam mo kung sino?”
“Malamang hindi. Andiyan ba ako para alam ko?”
Napairap na lang si Tempest dahil sa tanong ni Medea. Pero habang nagsasalita ang kaibigan, napansin niyang parang may nakatingin sa kaniya. Agad naman niyang inilibot ang tingin sa paligid pero pinagsisihan niyang gawin iyon. Just a few cars away from hers, Damon was staring at her with a blank expression and his hands were placed inside his pockets. Para bang kanina pa siya inaabangan ng lalaki at hinihintay lamang siyang tapusin ang pag-uusap nila ni Medea.
“Medea,” saad niya na siyang dahilan para maputol ang sinasabi ni Medea. “Kapag hindi ako nagparamdam sa iyo mamayang gabi, hanapin mo na lang ang bangkay ko sa tabi-tabi.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon, binaba na niya ang cellphone at agad pumasok sa kotse niya. Pinaharurot niya agad ito paalis sa lugar na iyon dahil baka habulin pa siya ng mga tauhan ng mafia boss.
“Sa dinami-rami ng mga tao sa mundo, bakit ikaw pa ang nakita kong peste ka?” bulong ni Tempest sa sarili.
Pero noong napansin niyang wala namang humahabol sa kaniya, nakahinga siya nang maluwag. Napatingin siya ulit sa cellphone niya at agad itong sinagot.
“Anong nangyari sa iyo kanina?” bungad ng kaibigan.
“Ewan ko ba kung minalas lang ba ako ngayong araw or sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana. Not only was I rejected by Cohen but guess what? Nakita pa talaga ako kanina noong Damon na iyon.”
Napatahimik naman si Medea dahil alam niya mismo kung bakit andoon sa kinaroroonan ni Tempest si Damon. Agad namang napansin ni Tempest and katahimikan ng kaibigan niya.
“Babaita, magsalita ka kung ayaw mong ikaw ang ipadala ko kay Satanas,” sambit niya.
“Tungkol doon sa sinasabi kong bumisita kanina-”
“Medea, wala akong pakialam kung binisita ka ng ex mo. Kung makikipagbalikan ka roon, alalahanin mo na lang iyong mga pinayo ko. Ayoko nang magmukhang sirang plaka sa kauulit ng mga advise-”
“Patapusin mo muna kaya akong bwisit ka?”
“Okay, sarrey.”
Nang tumahimik si Tempest, tinuloy ni Medea ang naudlot niyang kwento.
“So ayon na nga, may bumisita kanina sa opisina. And FYI, hindi iyong stupidong ex ko kundi si Damon-”
“So ikaw ang nagbuking kung nasaan ako?” mataray na tanong ni Tempest.
“Sorry na. Wala na talaga akong choice that time.”
Magrereklamo pa sana si Tempest pero nakita niyang may ibang tumatawag sa kaniya. Sa pag-aakalang baka manager niya ang tumatawag, nagpaalam muna siya kay Medea at agad sinagot ang tawag.
“That was unexpected,” bungad ng isang hindi pamilyar na lalaki sa kabilang linya. “I thought you would not be answering my call.”
Tempest creased her forehead. “You must have called the wrong number.”
“That is bad manners, Miss Tempest. You ought to remember the person whom you owed a great debt to.”
Ilang segundo muna ang lumipas bago mapagtanto ng dalaga na ang kausap niya ay walang iba kundi ang lalaking tinakasan lang niya kanina. Napasapo na lang siya sa noo dahil hindi lang pala kung nasaan siya ang binuking ng kaibigan kundi pati number niya ay binigay nito.
“Anyway, I have another idea for you to pay me. Let us discuss it in person.”
Hindi nagustuhan ni Tempest ang ideyang makipagkita kay Damon dahil baka hindi na niya makita ang susunod na pagsikat ng araw. O ‘di kaya ay baka ibenta na lang siya ng mafia boss.
Kaya tumawa ito nang may halong kaba. “Sorry but I cannot meet with you right now-”
“I know your schedule, missy. You do not have any important appointment today so there is no reason for you to not come and see me. Well, unless you want me to go right where you are. Meet me in the coffee shop right across Heraclion.”
Humigpit ang pagkakahawak ni Tempest sa manibela dahil alam niyang wala siyang takas kay Damon. Either she goes to him or he comes for her. So even though she could feel every strand of her hair standing on their ends, she turned her car and went back to Heraclion.
Pinarada niya ang kotse sa may tabi ng coffee shop. Sinuot niya ang dalang sumbrero saka binalot ng bandana ang ulo bago ginamit ang makapal niyang sunglasses. She took a few deep breaths to calm her nerves before getting out of the car and strutting inside the shop. Pagkapasok niya, agad niyang nakita ang lalaking ka-meet-up niya dahil panay nakaw ang tingin sa kaniya ng mga kababaihan doon. Agad niyang nilapitan ito at umupo sa kabilang upuan.
“What’s with that lame get-up?” natatawang tanong ni Damon.
Inirapan siya ng dalaga bago sumagot.
“Ayoko lang na makita ang pangalan ko sa headline ng balita mamaya. It is never in my dreams to be associated with infamous people like you.”
Tumango lang si Damon. “Makes sense.”
“So ano itong idea na binanggit mo kanina? At sinasabi ko na sa iyo, ayokong ibenta mo ako bilang isang prostitute or what. Mas gugustuhin ko pang ibenta ang kidney at mga mata ko para lang bayaran ka.”
Damon chuckled at her remark. He never really thought of doing such a thing since he was not into selling people. And he had a better idea than just selling her off.
“I just want to ask first…” He leaned towards her with curious eyes. “Why did you visit Cohen a while ago?”
Nagkatitigan ang dalawa ng isang minuto bago muling nagsalita si Tempest.
“Ang chismoso mo naman. Bakit gusto mo munang malaman?” tanong niya pabalik.
“Kailangan kong malaman because he will be involved in paying your debt.”
Tempest could not help but feel betrayed by Caden for telling Damon the truth about their situation.Things could have been easier if only he remained ignorant of that fact but now, he might just use it against her.“Ano bang pinagsasabi mo? Tsaka sa tingin mo ba talaga posible ang gano’n?” saad ni Tempest para kumbinsihin si Damon na walang katotohanan ang sinabi sa kaniya ni Caden.Umiling si Damon. “Kung sa tingin mo ay mapapaniwala mo ako, I am telling you that it ain’t going to happen. It all explained that time when you almost died but after just one kiss, you suddenly became normal.”Umiwas ng tingin ang dalaga. Hanggang sa oras na iyon, hindi niya matanggap sa sarili niya na talagang naka-depende siya kay Damon para lang mabuhay. “If that is the case, then why the fuck do you keep on choosing Cohen over me?”“This is the reason, Damon.” Bakas sa boses ni Tempest ang pinaghalong inis at galit, at makikita rin sa mga matatalim niyang mga mata na direktang nakatingin sa binata. “
Kinuyom ni Tempest ang mga kamay niya nang hindi iniiwas ang kaniyang tingin sa lalaki.“Madali lang naman akong patayin pero sa tingin mo ba mabubuhay ka pa kapag nalaman ni Cohen na ikaw ang pumatay sa ‘kin?” tanong ng dalaga. Walang bahid ng takot ang kaniyang ekspresyon, tila ba sigurado siyang hindi siya magagawang patayin ni Blake.Ilang segundo rin silang nagkatitigan na para bang kung sinuman ang mauna umiwas ng tingin ay siyang talo. Maya-maya pa binaba ni Blake ang hawak na baril at napatawa na lang.“You truly are confident that our boss will kill anyone who hurt you,” komento nito.Isang mapait na ngiti naman ang pinakita ni Tempest. “Kung pwede lang sana ay sa ibang babae siya magkagusto. Hindi sana hahantong sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa ‘kin.”Nagkibit-balikat lamang ang binata. “Totoo ngang ikaw ang dahilan kung bakit ganito na ang sitwasyon pero alam kong mas higit pa roon. Ginawa ka lang na rason ni Damon para saktan ang boss namin when in fact, he really
Damon scoffed at his brother’s words.“You will only take her once you have killed me,” he mused.Tempest felt like her blood ran cold when in a matter of seconds, the two men were already pointing guns at each other. Ang mas malala pa ay rinig niya ang sabay-sabay na pagkasa ng mga baril ng tauhan ni Cohen. Kahit saang anggulo niya tingnan, masasawi si Damon kapag hindi siya pumagitna sa kanilang dalawa.“Then, I’ll be taking your life,” sumbat ni Cohen.Hindi alam ni Tempest kung ano ang mangyayari kapag namatay si Damon gayong alam na niya na siya lang ang makakabuhay sa kaniya. She may be shaking in fear but it did not stop her from stepping right in front of Damon as if shielding him from any bullet.“P-Put all those guns down,” saad niya habang nakatingin sa mga mata ni Cohen, nagmamakaawang siya muna ang bibigay sa oras na iyon. “Please.”Ngunit nabalewala lamang ang kaniyang sinabi dahil kahit ni isa sa kanila ay walang sumunod. Hinarap ni Tempest si Damon at mahigpit na hinaw
Damon looked at Caden with a piercing gaze and within just a few seconds, he could tell that the professor showed no hint of fear at all. Instead, he saw determination in his eyes and it immediately crossed his mind that the man right before him was someone who also had his eyes on Tempest.Hinarap ni Tempest si Caden at tiningnan niya ito sa mga mata na tila nagmamakawang huwag muna siya makialam dahil baka kung ano pa ang gawin sa kaniya ni Damon. The last thing she would want was for Caden to get in trouble because of her.“Caden, please,” bulong niya.“You’re calling him by his first name?” Damon asked with a mixture of amusement and annoyance. But in return, he received a glare from Tempest so he looked back at Caden, who was still laid bac
Kumunot ang noo ni Tempest sa tinuran ng binata. Hindi niya alam kung binibiro lang ba siya nito o hindi pero pakiramdam niya ay parang may mali.“Anong pinagsasabi mo?” tanong niya habang nakataas ang isa nitong kilay. “Hindi naman iyan ang sinabi ni Giselle since ang lugar kung saan ako pinanganak at lumaki, iyon ang so-called lifeline ko but I will eventually get used to this place. Kaya siguro ako na-nose bleed kahapon dahil do’n. Anong si Damon ang lifeline ko? Nahihibang ka ba?”“I see…” Iyan lang ang komento ni Caden ngunit halata naman sa ekspresyon niya na tinuturing niyang mali ang lahat ng sinabi ni Tempest. Tumango ito nang kaunti na tila ba may nakumpirma siyang katotohanan.Bigla naman siyang nagtaka noong nilabas ng dalaga ang kaniyang papel tsaka ballpen.“By the way, sir… paturo nga ulit ako tungkol do’n sa quiz. Wala talaga akong naintindihan eh.” Tempest, then, pushed her pen and paper towards Caden’s side. “Or you can write the answers na lang right there para hind
Sa loob ng 10 minuto, unti-unting nanumbalik ang lakas ni Tempest at nagising mula sa pansamantalang pag-idlip. Pagbukas niya ng kaniyang mga mata, ramdam niya ang init ng mahikang bumabalot sa kaniya at tanging puti lamang ang nasa paligid niya. Nagmistulan itong walang hangganang kalawakan kaya hindi niya mawari kung patay na ba siya at hinihintay na lang siya ni San Pedro na magising para hatulan siya. Ilang segundo rin ang lumipas bago niya napagtantong may isang lalaking hindi niya mamukhaan ang nakayakap sa kaniya. Nakapikit ang lalaki at tila mahimbing ang tulog. Namangha si Tempest sa itsura ng binata dahil para itong isang prinsipe ng mahikang galing sa ibang mundo. Dahil sa kuryosidad, hindi niya napigilan ang sarili na haplusin ang kulay pilak nitong buhok na mas mahaba pa sa buhok niya. Napalunok din siya nang makita ang hugis ng kaniyang tainga na katulad lang din sa mga duwendeng napapanood niya sa telebisyon. Maya-maya pa ay unti-unting nawala ang puting mahikang naka